webnovel

Dead 26 (Part 2)

Chapter ²6

Mia POV

Halo halo na ang mga nararamdaman ko. Para akong mababaliw!

Simula 'nong makita namin ang sitwasyon ng dalawang bata sa loob ng opisina ni Kuya Aries at ang pagsulpot ni KUYA ARIESS!!!

Halos mawala ako sa katinuan ng malaman ko na si Aira ay si Kiera ay iisa!

"Mia, kalma." Napatingin ako ngayon kay Abegail.

"Paano ako kakalma Abe?! Nalaman nating lahat na buhay si Aira tapos All this time kasama lang pala natin? Tapos ano? May nagpanggap na Kuya Aries at susulpot yung totoo! Ito pa! Narito si Ace sa harap natin na akala natin patay na! Tapos kayong dalawa ni Lee ay---" Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko ng bigla nalang akong napaiyak.

"Mia, lahat man kami ay nagulat sa nangyari."

"Guys, let me explain everything." Napatingin kaming lahat sa bagong sulpot na si Kuya Aries, ang totoong Kuya Aries.

"3 weeks ago, iyon ay ang pagkawala niyo. I planned na ako mismo ang hahanap sa inyo but someone ambush us, pagkatapos 'nun. I found myself sa isang laboratoryo. Laboratoryo ni Alfonso."

Natigilan kaming lahat.

"Buhay pa 'yung matanda na iyon?!"

"Akala nila, wala parin akong malay sa panahon na 'yun, but rinig na rinig ko lahat ng plano nila, maging ang maglagay ng impostor dito para magpanggap na ako."

Tahimik lang kaming lahat sa pakikinig sa kanya. Gusto naming marinig at intindihin ang lahat.

"Maski ako ay nagulat ng malaman na buhay ang kapatid ko at kasalukuyan siyang naririto sa loob at kasama-kasama niyo."

Nagkatinginan kaming lahat.

"Kaya noong nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas ay ginawa ko na. Ilang araw akong naglakad para makabalik dito at nagpapasalamat ako ng matagpuan ko ang ilan sa mga tauhan ko."

Sabi nito at tumingin sa mga lalaking nasa likuran namin.

Sila, sila 'yung mga armadong lalaking   kausap ni Kiera noon sa mall at sila rin yung nanggulo dito dahil para makuha nila sina Lee at Abegail.

"Eh, kuya bakit niyo pa ginawa yung nasa mall kami? Kung gusto mong makuha si Aira ay bakit pinadaan mo pa sa ganun? Grabe kaya 'yung takot namin."  Sabi ni Vans.

"That's actually the plan, ayokong magpadalos dalos dahil may mga mata sa paligid at natatakot ako na malaman nila na may kinalaman ito saakin ay masisira ang mga plano ko."

"Akala talaga namin namatay si Ace."

"Hahahaha. Parte parin yung plano na unti-unti ko kayong kukunin sa Dahas. Pampatulog lang ang tumama sa kanya."

"Takte kasi! Akala ko mamatay na ako!" Biglang atungal ni Ace sa tabi.

"Yung pagkuha ko kina Lee ay planado rin lahat."

Shit! Hindi ako makapaniwala!

"As you can see, ako lang ang may alam sa underground basement na ito."

Inilibot ko ang aking paningin. Lahat ng taong nasa safezone ay narito sa loob ng basement.

Noong una ay naguguluhan pa ako ngunit saktong pagtapak namin dito sa loob ay nagulat kaming lahat ng may malakas na pagsabog  na nagmumula sa taas.

"Waaaaa! Ace!"

At ayun na nga, nagsimula nanaman sila sa pagdadrama.

"Gago ka! Akala ko talaga tigok ka na!"  Sabi ni Xander.

"Huy ungas? Umiyak ka ba?"

"Gago!"

"Jusko Abe!" Muling untag ni Christine.

"Gago 'tong si Lee, hindi ko maimagine yung mukha niya habang bitbit nila. Hahahaha!"

"Gago ka! Akala mong di kita napansin na umiyak noong namatay si Ace! Nyahahaha!"

"Huy! Halika dito! Gago ka! Tatamaan ka saakin!"

Nilapitan ko si Kyler sa isang sulok. Matagal tagal ko rin siyang hindi nakakausap.

"Kyler, okay ka lang?"

Pagtatanong ko.

"I can't believe it, she's totall alive.  Mahinang sambit nito at tumingin saakin.

"Sa t-tuwing nakikita ko si Kiera ay nangungulila ako sa kanya, na sa bawat tingin nito ay kumakabog ang puso ko. Nagalit nga ako sa sarili ko dahil parang nagtataksil na ako sa kanya." Natatawang saad nito at hindi ko rin napigilang tumawa.

I guess hindi parin nagbabago 'yung nararamdaman niya para rito.

Nararamdaman ko na ang pagbabalik ni Kyler sa dati.

"So, ano ng gagawin mo ngayon?"

Tumingin ito saakin.

"I will save her again, hindi ko na hahayaang mangyari uli yung nangyari noon, oo niligtas natin siya ngunit sa huli ay tayo rin ang kanyang iniligtas. I will not let that happen again, but this time, I will save her, we will save her and I promise that everbody will be save." Desidido nitong saad.

"Yes, the whole world need us. They need Aira."

Nakangiti kong saad.

Gosh! Kung alam ko lang sana ay matagal na kitang yinakap Aira! Bruha ka talaga!

"Guys! Pinapatawag tayo ni Kuya Aries." Biglang saad ni Xander at tumungo kami sa isang silid.

Nadatnan namin itong may malamim na iniisip.

"What it is Kuya?"

Pagtatanong ko.

"We need to save her as soon as possible." Seryoso nitong saad.

May ipinakita itong mahabang tube na may kakaibang laman.

"Ano yan?"

"This is all Aira's Memories."

Nagulat kaming lahat sa kanyang sinabi.

"Kaya pala hindi niya kami maalala. Pero bakit nasa iyo yan?"

"Kinuha ko kaagad ito ng malaman kung gaano kaimportante ng bagay na ito."

"May kailangan pa ba sila sa kanya?" Tanong ni Abegail.

"Wala na, pero kukunin parin nila ang lahat ng dugo nito para gumawa ng antidote at ibenta sa mga bansang pwede pang bumalik sa dati.

Natahimik kaming lahat.

"And I'm afraid na once na makuha nila lahat, they will kill her...."

Gulat kaming nakatingin sa kanya.

"And that's not gonna happen." Dugtong pa niya uli.

"Si Aira ang tatapos sa lahat ng ito at tutulungan natin siya." Seryoso nitong saad.

"How about Tito Arthur?"  Sambit ko.

"Don't worry, Dad know about all of this. Infact nakahanda na sila, signal ko nalang ang kulang. "

Nakahinga naman kami ng maluwag.

Pero hindi ko parin maiwasang mag-alala at kabahan. Natatakot akong maulit muli ang nangyari. Natatakot ako na isa saamin ang malagay sa kapahamakan.

"Mia" Halos mapatalon naman ako sa gulat .

"Ano ba Lee!" Inis kunyare kong sita sa kanya ngunit hindi ko maitatago na masaya akong makita na andito siya.

"May sasabihin sana ako." Saad nito habang kumakamot pa sa batok nito.

Kyut

Ano ba 'to?! Pwee!

"Ano yun?" Mataray kunyareng tanong ko. Bakit ba?! Tsk

"Pwede bang matapos ng lahat ng 'to, m-mag date tayo?"

Date daw?! Harujusko!

"Ano di ko marinig?!" Kunyare uli! Mwehehehe.

"Wag na!" Sabi nito at nag-walk out.

Bakla! Tsk.

"Alam kong narining mo 'yun! Hintayin ko sagot mo!" Nakangiting sigaw nito habang papalayo.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Tsk tsk.

Kinikilig ba ako?! Jusko! Di ah! Mwehehe.

Done