Abegail POV
Biglaan ang pangyayari, we are lying on the cold ground. Hindi makagalaw, walang magawa.
Wala kaming nagawa upang bawiin sina Mia sa kamay ng mga taong iyon.
Wala kaming nagawa upang sagipin sila. Napatingin ako kay Kyler.
Nakakuyom ang mga kamao at katulad ko hindi rin ito makagalaw.
Katapusan na ba namin? Hanggang dito nalang ba kami?
Tila kinukuryente parin ang buo kong katawan. Nanginginig at nanlalamig.
Bumibigat ang pamiramdam ko. Nanlalabo na ang paningin ko.
"God, please save us."
Nakarinig ako ng mga mabibilis na yapak. Nakita kong binuhat na ang mga kasama ko. Naramdaman ko na rin na unti unti akong lumulutang.
Sana nasa mabuting kamay na kami.
✖✖✖
Unti unti ko nang idinilat ang mga mata ko ngunit napapikit uli ako dahil sa silaw.
Nang maka adjust na ako. Tuluyan ko ng idinilat ang mga mata ko.
Waaaa!!! Buhay pa ako! Pakshet!
Pero asan ako?! OH MY!
"Gising ka na pala abe."
Napabaling ang atensiyon ko sa nagsalita.
Bigla akong bumangon at sinalubong ng yakap si Ate Michelle.
"Ateeeee!!!" Sigaw ko.
"Sina Aira!" Hindi ko na napigilang maiyak.
"Shhhh, it's okay Abegail. Gagawin namin lahat makuha lang sila." Sabi nito.
"Sino ba 'yong mga kumuha sa kanila? Akala kasi namin kayo na 'yun eh." Tanong ko sa kanya habang kumalas ng yakap sa kanya.
Napabuntong hininga si ate Mich bago tumingin saakin.
"Ang mga taong iyon ay may kailangan kina Aira, isang importanteng bagay, hindi niyo pa pwedeng malaman ang mga bagay na iyon." Sabi nito.
Naiintindahan ko naman kung bakit ganito ka seryoso si ate Mich. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nagsalita pa.
"Ate pleasee, iligtas natin sina Aira. Tutulong po ako sa pagliligtas sa kanila." Nagmamakaaawang sabi ko sa kanya.
"We will try our best abe. For now trinatrack nila ang lokasyon nina Aira at mukhang nahihirapan sila dahil mataas ang security ng mga taong iyon and I bet hindi sila basta basta." Saad nito.
Napabuntong hininga uli ako at tumango.
Andito kami ngayon sa training area dahil ito lang ang part na hindi nadamay sa pagsabog.
Kaya mayroon pa kaming pagkakataon upang magsanay pa.
✖✖✖
Isang lingo, Isang linggo kaming nanatili sa lugar na ito, isang linggo kaming nagsanay at isang linggo na hindi namin nahahanap sina Aira.
"Wala na pa bang progress?" Tanong ni Lee.
"Wala pa." Malungkot na saad ni Christine.
"Bullshit!" Napatingin kami kay Kyler dahil sa kanyang pagmumura. Padabog naman siyang umalis at tumungo palabas.
Isang linggo din kaming tahimik. Madalang magsalita. Magsasalita lamang kapag may nagtatanong. Si Kyler, walang imik, napaka cold niya at parating galit.
Hindi kami mapakali sa bawat araw na nagdaan. Nagpursige kami sa pag-eensayo at sa paghawak ng iba't ibang mga armas.
"Guys!" Tawag saamin ni ate Mich.
"Ate may balita na ba?"
Mapait naman siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Oo." Sabi nito pero hindi ko magawang makahinga ng maluwag dahil base sa expression ni ate Mich. Hindi ito maganda.
"Na track na namin sila ngunit hawak sila ng mga scientist. Napaka hightech at mataas ang security sa kanilang lugar. Maraming mga bantay at tiyak na mahihirapan tayong pasukin ang mga iyon."
"Scienstist?!" Gulantang na tanong ko
"Pero bakit ate Mich? Ano ang kinalaman ng mga scientist sa kanila?!" Biglang bulyaw ni Lee.
Napabuntong hininga si ate Mich.
"I guess kailangan niyo nang malaman ang lahat." Sabi niya.
Aira POV
Naiinis ako sa sarili ko.
Bakit wala akong magawa?
Bakit ko hinayaang umabot kami sa ganito?
Napayakap ako sa sarili kong nakaupo sa malamig na sahig. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung nasaan si Mia! Hindi ko alam kung buhay pa ba mga kaibigan ko! F*ck!
Isang linggo! Isang linggo akong nagtiis. Ni hindi ko magawang kumain o uminom manlang ng tubig.
Napatingin ako sa pintuan. Pintuang hindi ko nakitang bumukas. Tanging maliit lang na butas na kasya ang pagkain ko ang maaring maka konekta sa labas. Tanging maliit na kama ang makikita sa buong silid, pinalilibutan ito ng puting pintura at ang puting ilaw na nanggagaling sa bumbilya. Para akong baliw dito.
Naramdaman kong maiiyak nanaman ako. Ngunit kahit gusto kong umiyak, walang luha ang gustong kumawala sa mga mata ko. Gusto kong umiyak pero parang napagod na ang mga mata ko. Nanghihina ako at pakiramdam ko, anytime ay malalagutan na ako ng hininga.
Hindi ko alam ang nangyayari. Matapos kung mawalan ng malay nagising nalang ako dito sa silid.
Napakatahimik ng buong lugar. Hindi ko alam kung may tao pa ba sa labas.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nagmadali akong sumpa sa kama at nagpanggap na tulog.
"Buhatin mo na 'yan at dalhin sa laboratoryo."
Napakunot ang noo ko sa aking narinig.
Binuksan ko ng kaunti ang mga mata ko at bago pa man ako mahawakan ng isa ay sinipa ko ito kaya napaatras siya. Pagkakataon ko na sanang tumakas ngunit may biglang humablot sa buhok ko. Naisin ko mang lumaban ngunit nanghihina na talaga ako.
Agad naman akong nakaramdam ng pamilyar na pagkuryente sa buo kong katawan.
Unti-unti nanaman akong nawala sa aking wisyo. Unti unting pumipikit ang mga mata ko't nawalan ng malay.
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Napakunot ako dahil sa mga taong naka suot ng lab gown at may kanya-kanyang ginagawa. Babangon na sana ako ngunit naramdaman kong naka posas ang dalawang kamay ko sa higaan.
"Anak ng! Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko habang nagpupumiglas ngunit hindi naman nila ako pinansin o tinapunanan manlang ng tingin. Animo'y isang akong multong kanina pa sigaw ng sigaw.
"Ano ba!!!! Hindi niyo ba ako naririnig! Arrgghhhh!" Sigaw ko at sumuko nalang.
Napatingin ako sa katabi kong kama at halos manlambot ako sa nakita ko. Kung hindi lang ako nakahiga, kanina pa ako nakaupo sa sahig at hindi na malagalaw pa.
Nakaramdam ako ng pagbigat sa puso ko.
"M-mia." Tanging sambit ko sa pagitan ng aking iyak.
Hindi ko maatim na tignan si Mia na ngayon ay nakahiga rin sa kama, nakaposas ang mga kamay at putlang putla at akalain mong wala na itong buhay kung hindi lang gumagalawa ang kanyang dibdib dahil sa malalim na paghinga.
"Anong Ginawa niyo sa kanya!!!" Sigaw ko. Pinilit kong magpumiglas sa kabila ng aking pagkaposas. Gusto kong hawakan ang mga kamay nito.
Kinuyom ko ang mga kamao ko. Nanginginig ako sa galit. Gusto kong patayin ang lahat ng mga tao dito! Gusto ko silang pahirapan!
May mga lumapit saaking mga taong nakalab gown at naka mask kung kaya't hindi ko makita ang kanilang mga mukha.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari. May kung anong itinusok saakin ang isa. Naramdaman ko nalang na unti unti akong inaantok.
Nalaman ko nalang na unti-unti na nilang kinukuha ang dugo ko.