webnovel

Dead 23 (Part 2)

Chapter ²³

Kiera POV

Hindi ako nagpakita sa kanila simula kahapon. Hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko. Tiyak na nagagalit na saakin silang lahat.

"Ate Kiera!" Nakita ko si Tyler na patakbong lumapit saakin.

"Bakit ka nasa labas?" Tanong ko.

"Si DenDen po nawawala!" Kinakabahan niyang sabi.

"Nasabi mo na ba kina Mia?"

"Opo! Andun na po si Chiena para magsabi sa kanila!"

Hindi ko maiwasang mag-alala.

"Tara"

Yaya ko dito para puntahan kung saan man naroroon sina Mia.

"Kiera! Nawawala si DenDen!" Biglang bungad saakin ni Mia.

"Kelan pa?"

"Kahapon pa!"

Ano? Kahapon pa?

"Maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap." Sabi ni Kyler.

"Ate, may sasabihin ako sayo." Nanginginig na sabi ni Tyler.

Nakita ko namang umalis ang iba kung kaya kaming dalawa lang ang natira.

"Sa loob ng opisina ni Kuya Aries, may nakita kaming silid,nagalit siya noong nagtaka akong pumasok." Takot na takot na sabi nito.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at umalis. Hinayaan ko nalang si Tyler na sumunod.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang buton kung saan papunta sa ikaapat na palapag para puntahan ang pakay ko.

"A-ate, natatakot ako." Hinawakan ko ng mahigpit sa kamay si Tyler.

"I'm here okay? Hahanapin natin si DenDen.

"Hide here, whatever happens stay hidden."

Padabog kong binuksan ang pinto at nadatnan ko itong nakaupo sa kanyang upuan.

"Oh, Ms. Kiera? What brought you here? Hindi mo yata kasama ang mga kaibigan mo?" Nakangising tanong nito.

"Anong meron sa silid na 'yan?" Seryoso kong tanong habang nakaturo sa isang pinto.

"Oh, that? Hahaha. Nothing, mga armas lang 'yan."

"Pwede ko bang tingnan?" Nanghahamon na saad ko. Nakita ko naman ang pagseryoso ng mukha nito pero bumalik rin sa pagkakangiti.

"I'm afraid you're not allowed Ms. Kiera."

"And Why?"

"Why should I trust you? You're just a stranger here."

Hinampas ko ang mesa niya ngunit humalakhak lang ito.

"Ms. Kiera---oppss is that really who you are?" Tanong nito habang ngumisi.

"Anong nalalaman mo?!" Galit na tanong ko.

"Nothing, just a little information I guess?" Kibit balikat na sabi nito.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at dumeretso sa silid kung na tinutukoy ni Tyler. 

Agad ko itong binuksan at nagulat sa nadatnan.

Nakarinig naman ako ng pagkasa ng baril at nakaramdam ng isang malamig na metal na nakatutok sa likuran ng ulo.

"Anong ginawa mo sa bata?" Nangigigil na tanong ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

Napatingin ako Kay DenDen na nakatingin saakin ng puno ng takot, may busal ang bibig at nakagapos, ngunit hindi pa iyon ang nakaagaw saakin ng pansin.

Ang mga litrato sa Dingding. Ang mga magkakaibigan na sina Mia. Lahat sila nandito at pati ako.

May pulang ekis na marka ang nakamarka sa litrato nina Ace, Lee at Abegail.

"Anong ibig sabihin ng mga litratong 'yan?"

Humalakhak ito at mas lalong idiniin ang baril sa ulo ko.

"Maya-maya ay lalagyan ko na ng ekis ang litrato mo diyan ngunit hindi pwede."

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Kung gusto mong mabuhay ang batang iyan ay huwag kang gagawa ng maling kilos babae kundi bangkay niyo ng makikita ang batang ito." Saad nito habang nakatutok kay DenDen ang isa pang baril na hawak nito.

"Anong kailangan kong gawin para pakawalan mo siya?" Desidido kong tanong.

"Simple lang, sumama ka saakin."

Isa ba siya sa kanila?

"Ito na siguro ang pagkakataon para bumalik ka sa pinanggalingan mo project zero."

Halos manlamig ako sa pag-iiba ng boses nito.

That voice...

"Ano ba talagang kailangan niyo sakin?!"

"Sa katunayan, wala ka namang silbe eh, we are afraid na ikaw ang makakatapos ng lahat ng ito. Pero para sa buong mundo, ikaw ay may malaking silbe."

Natigilan ako, hindi ko maintindihan.

Masasagot ba talaga ang tanong ko kung sasama ako sa kanya? Matatapos ba lahat ng ito if i will go back to where I belong?

"Bibigyan kita ng dalawang oras para magpaalam sa mga kaibigan mo pero huwag kang mag-kakamaling magsalita. Tandaan mo hawak ko ang buhay ng batang ito at ito."

"A-ate Kiera." Halos manlambot ako dahil sa boses na iyon. Dahan dahan akong lumingon at nakita kong hawak hawak ng isang lalaki si Tyler.

"I told you to stay hidden." Umiiyak at mahinang sambit ko.

"I'm sorry po."

Humalakhak naman ang lalaking nasa likod ko.

"Pag sinuswerte ka nga naman oh, pa'ano bayan dalawang buhay na ang nakasalalay sa mga kamay mo."

"Sasama na ako sayo! B-basta walang kang gagawing masama sa mga bata." Pagmamakaawa ko.

"Madali naman akong kausap eh, sige na umalis ka na muna! Tandaan mo dalawang oras. Magkita tayo mamaya sa rooftop ng gusaling ito. Kung hinde..."

Nakita ko ang pagtutok ng baril nito sa dalawang bata at umarte pang ipinutok ito.

Dahan dahan akong lumapit kay Tyler at umupo.

"A-ate."

"Shh, diba sabi ko magiging maayos din ang lahat?" Tanong ko.

Tumango naman ito habang umiiyak.

Pinunasan ko ang luhang nasa mata nito.

"Do you trust me?"

"O-opo."

Tumayo ako at tumungo kung saan si DenDen. Ramdam ko parin ang baril na nakatutok saakin.

"DenDen." Banggit ko sa pangalan nito at narinig ko naman ang paghikbi  nito.

"Everything will be okay huh."

Umiling iling ito habang patuloy sa pag-iyak. Alam kong ito na ang magiging huli naming pagkikita kaya gusto kong malaman ang koneksiyon ko sa kanila gamit ang batang ito.

Dahan dahan kong kinuha ang takip sa mata ko at tiningnan sa mata si DenDen.

Ekspresyon palang ng mukha niya ay mukhang alam ko na.

Mas lalong lumakas ang hagulhol nito at nagpupumilit na lumapit sa akin at isinubsob ang mukha saakin.

Kinuha ko ang busal sa kanyang bibig.

"Ate Aira!!! Huhuhuhuhu!!" Atungal nito.

"Tama nga ako na ikaw 'yan!!" Sabi nito sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

"Huwag mo na kaming iwan! Huwag mo na uling ipahamak ang sarili mo!!!"

Tiningnan ko lang ang batang ito.

Hindi ko man matandaan kung sino ba talaga ako ngunit sapat na ito para malaman na kailangan kong protektahan sila.

Hindi ko man alam kung ano ang nangyari saakin ngunit nararamdaman ko na kung isinakripisyo ko man noon ang buhay ko para sa kanila,

handa ko uling itong gawin  ngayon.

Done