webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Dead 23 (Part 1)

Abegail POV

Oh right! May POV rin ako sa wakas. Matatapos na ba ang istorya namin?  Haluh! Charrr!

"Ahhh! Abe Abe! Sinasabunutan nila si Aira!" Tili ng katabi ko, si Christine. Kanina pa 'to sigaw ng sigaw eh! With matching yugyog pa saakin.

"Ano ba naman Christine! Nahihilo ako sa pinagagawa mo eh!" Reklamo ko sa kanya. Kanina pa to eh. -___-

Anyways, back to Aira and Kyler's situation. So ayun nga. Nakabawi rin naman si Aira. Kaso dalawa-dalawa yung bruhang kalaban niya ih!

"Aira! Aira! Aira!" Sigaw ko.

Agad na binigyan ni Aira ng round kick ang babaeng palapit sa kanya. Kaya ayun kawawa mabubungal na ata. ^__^V

Sunod sunod na sinuntok ni Aira ang babaeng sumabunot sa kanya kanina at sinapak ng bongang bonga! Kaya hindi ko napigilan mapatili.

"Kyaaaaaaaaa!!!! Go Aira!" Sigaw ko.

Hinawakan ito ni Aira sa braso kaya hindi na ito nakabawi at binalibag ito ni Aira sa Lupa ng bongang bonga.

"Ahhhh! Aira sa Likod mo!"

Napasigaw ako dahil ang isang babae ay aatake mula sa likuran, pero mas mabilis pa si Aira sa alas kwatro ng bigyan niya ito ng straight punch sa mukha kaya ayun nahimatay.

Napahawak si Aira sa kanyang tuhod at mababakas sa mukha niya ang pagod. Isa nalang rin naman ang kalaban ni Kyler at mukhang nahihirapan siya dito pero nagtitiwla ako sa kanilang dalawa na mananalo sila.

Biglang umangat ang tingin ni Aira dahil sa katanang nasa harapan niya ngayon. Napatingin ako sa naghagis at iyon ay isa pang bruha na si Cleyr.

Don't tell me. Maglalaban sila gamit ang katana?

Napatingin ako kay Mia na kampanteng kampante sa pag-upo.

"Mia! Hindi ka ba nakakabahan kay Aira?" Tanong ko.

"Why would I? Hindi naman ako ang lalaban eh tsaka kaya na niya 'yan, sisiw." Sabi nito.

Hmmp!

Kinuha na ni Aira ang katana at ginamit ito pangsuporta para makatayo ng tuwid.

Nag-usap muna sila pero hindi ko masyadong marinig mula rito ang nakita ko nalang ay ang pagsugod nilang dalawa sa isa't-isa. Isang tunog ng kalansing ng  espada na nagbanggaan ang maririnig.

Aaminin kong magaling si Cleyr pero mas magaling si Aira hohohoho!

Aira POV

"Tingnan natin ko saan ang galing mo." Sabi nito at nagsimula na kaming sumugod sa isa't-isa.

Isang malakas na kalansing ng katana ang maririnig nang magsalubong ang aming katana. Sinipa ko siya ngunit nakayanan niya itong iwasan kaya napaatras ako. Sumugod uli ako, bawat direksiyon ng aking katana ay nakayanan niyang sabayan kaya hindi ako nagkaroon ng tsansang masugatan o madaplisan manlang siya.

Iwinasiwas ko ang aking katana at nagsimulang sumugod uli sa kanya. Panay ang aking iwas sa bawat wasiwas ng kanyang katana saakin.

"Ah." Napadaing ako dahil nasugatan niya ang braso ko.

Shit! Nagsimula uling nagbanggaan ang aming katana. Umikot ako papunta sa kanyang likod at nagkaroon ako ng pagkakataong tadyakan siya sa likod.

Sumugod uli siya nagulat ako dahil sa pwersang dulot nito kaya tumilapon ang katana ko.

Nalintekan na!

Agad itong sumugod saakin kaya iwas lang ang aking nagawa dahil sa kanyang katana.

Bigla ko itong sinipa sa kanyang kamay kung saan naroon ang ang kanyang katana kaya tumilapon ito.

Napangisi ako.

"Now were even." Saad ko at sinuntok siya sa mukha. Hindi agad ito nakabawi kaya ginawaran ko uli siya ng sipa sa kanyang tagiliran ngunit nahuli niya ang aking paa.

"Arrrghhh!" Daing ko matapos niya akong ibalibag sa lupa.

Napatanga nalang ako ng hilahin niya ang aking buhok.

Inikot ko ang buo kong katawan upang mapaharap ako sa kanya at sinipa ang kanyang tuhod.

Napahawak nalang ako sa mukha ko dahil sa malakas niyang sapak.

Feeling ko manhid na ang mukha ko sa lakas ng pagkasapak.

*pak*

"Arrrghhh!"

Mag-asawang sampal?! The Heck!

Napadura nalang ako ng malasahan ko ang dugo ko.

Anlansa mga par! Huhuhu!

Bumawi kaagad ako ng suntok sa panga niya sabay straight punch sa mata niya.

Akala niya huh.

"You b1tch!"

Aba! Maka b1tch to!

*pak*

*blag*

*bogg*

Napaatras naman siya sa lakas ng mga atake ko.  Anong akala niya saakin mahina?!

Sinipa ko siya sa mukha kasabay 'non ang roundhouse kick! Dahilan upang mapadapa siya.

Masakit na ang buong katawan ko.

Bigla nalang akong napaigtad ng may malakas na bagay ang humampas sa likod ko. Bigla nalang akong napaubo at nagulat nalang ako ng may dugong lumabas sa bibig ko. Napaluhod  ako ng may humampas sa likod ng tuhod ko.

*sniff*

Nanlalabo na ang paningin ko.

*cough*

And again may dugong lumabas sa bibig ko. Naaninag ko si Cleyr na nakadapa parin. Unti unti na akong nanghihina akala ko babagsak ako sa lupa ngunit may mga braso akong naramdamang yumakap saakin bago ako mawalan ng malay.

"Shit, Aira wake up!"

                           

                            ✖✖✖

"Tu-tubig." Tangi kong nasabi ng magising ako."

"Oh eto." Sabi ni Mia sabay abot ng tubig.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Inubos ko muna lahat ng lamang ng baso bago ako magsalita.

"Masakit ang katawan ko." Mahinang tugon ko sa kanya at humiga uli.

"Lintek na mga bruhang 'yon, napakadaya naman nila't inatake ka ng paligod." Biglang singhal niya.

Napadaing nalang ako ng sinubukan kong igalaw ang buo kong katawan.

Ang sama talaga ng lagay ng katawan ko!!! Feeling ko malulumpo ako ng wala sa oras. T_T

Teka? Kailan pa nagkaroon ng tamang oras para malumpo? -___-

Psh.

"Ano Aira resbakan natin?"

Gaga talaga 'to kahit kailan.

"Nakita mo na ang inabot ko tapos resbakan mo pa?! Tsk! Asan na pala ang iba?"

"Ayun rumesbak."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"De joke lang, sa labas lang, pinalabas ko dahil ayaw kong masikip dito. Mainit." Sabi nito at arteng pinapaypayan ang sarili.

"Anong oras na ba?" Pansin ko kasing madilim na sa labas.

"7:00 na."

"So kagabi pa pala ako tulog?" Tanong ko.

"Kagabi ka diyan, halerr. Dalawang araw na kayong nagdate ng higaan mo! Buti hindi lumubog likod mo diyan! Hahaha!"

-___-

Grabe naman dalawang araw talaga?

"Dalawang araw rin kaming inaalipin dito!"

"Alipin?"

Anong alipin ang pinagsasabi ng babaeng to.

"Utos doon, utos dito! Buhat doon! Buhat dito! Ayos doon! Ayos dito! Takte! Ginawa kaming trabahador!"

O_O