Chapter ²∅
Mia POV
Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyaring labanan sa labas at naibalik na naman ang power sa buong zone. Nabalik na sa dati ang lahat ngunit para saakin ay hindi. Lahat nalang sa paligid ko kakaiba.
Si Kuya Aries, ilang araw ko na siyang napapansin na wala sa sarili. Nadadatnan ko siyang may kausap sa kanyang opisina ngunit wala naman.
Yung pakikitungo niya saamin ay nag-iba na parang hindi na siya yung Kuya Aries na nakilala namin.
Kapag tinatanong ko kung kumusta na si Tito Arthur, iniiba niya ang usapan. Kinakabahan na ako sa mga mangyayari.
Tumatak din sa isipan ko 'yung pinag-usapan namin ni Aira.
"I'm afraid to admit it to myself that I don't know who am I. Kiera is not my name. I can't find myself. I don't know how to seek the truth tila ba isa akong boteng walang laman, walang makikita and I'm afraid na kung malaman ko ang katotohanan, wala naman pala akong pupuntahan."
What does she mean by that? Hanggang ngayon tila ba naging misteryo parin saakin ang babaeng iyon. Kung hindi siya si Kiera, sino siya? Argh! Nafufrustrate na ako sa mga nangyayari ngayon! I want my normal life back!
"Ang lalim naman ata ang iniisip mo?"
"Pa'no mo nasabe?" Pagtataray ko.
"Ayan ka nanaman! Bahala ka nga diyan!" Saad nito at lumayo.
Isa pa'tong lalaking 'to! Masyadong clingy! These past few days dikit ng dikit saakin! Kairita! Tinatarayan ko nalang para umalis. Ayokong kasama siya!
Ayoko yung nararamdaman ko tuwing andiyan siya.
Inayos ko ang sarili ko at tumayo at napailing na tumungo sa mga kasama kong may kanya-kanyang ginagawa.
Napagdesisyonan kong maglakad lakad muna at mag-obserba sa paligid.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapaisip muli. Nararamdaman kong may mali. Nararamdaman kong may mangyayaring masama, hindi pa dito nagtatapos.
Bahagyang akong napatigil ng may maramdamang mayroong pares ng mata ang nagmamasid saakin. Pinihit ko ang aking ulo patalikod ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.
Kunot noo akong nagpatuloy sa paglalakad. I feel it, nararamdaman kong may mangyayarang hindi maganda. Bago pa man ako bumalik ay isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw.
Shit! Shit Shit!
Nagmadali ako sa pagtakbo habang kinakasa ang aking bitbit na hand gun. Napatago ako sa malapit na pader.
A-ano to?! Bakit sila nakapasok?!
Mga armadong lalaki, kung hindi ako nagkakamali, sila ang umatake saamin noon! Sila ang pumatay kay Ace!
Anong kailangan nila?!
Sunod-sunod na putok ang pinapakawalan nila. Ni isa ay walang tinatamaan sa kanila.
Ang kanilang mga galaw ay pawang mga propesyonal na sa ganitong gawain.
Ang kanilang stratehiya sa pakikipaglaban ay parang pamilyar.
Agad akong napalihis ng may maligaw na bala papunta saakin.
Kahit ang mga kasamahan ko ay hindi rin naman tinatamaan.
Nakita ko ang ilang mga tauhan ni Kuya Aries na nakahandusay na sa lupa at wala ng buhay.
Agad akong tumakbo habang nagpapaputok.
"Guysss!!"
Napatingin ako sa sumigaw.
"Abegail!!!" Halos madapa ako patakbo papunta sa kanya habang hawak hawak siya ng isang lalaki at pilit na pinapalayo saamin.
"Lee!!!"
Halos mawalan ako ng hininga habang pinapanuod si Lee na walang malay at bitbit rin ng mga ito.
"No!!"
"F*CK!!!!" Nabaling ang tingin ko kay Kyler na nag-iigting ang panga habang nagpaputok.
Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kiera na walang malay at nakasandal sa pader.
Anong nagyayari?!
Hindi ko maiwasang mapaubo ng may mga usok na pumalibot sa buong lugar. Halos mapaupo ako at nanghina.
Hindi ko napigilang lumandas ang aking mga luha.
Ayoko ng mawalan ng kaibigan, please.
Nanghihina akong tumayo at naanigan ko ang mga tao na nagkakagulo. Napansin ko ang pagbuhat nila kay Kiera at ang pag-alalay nito sa mga kaibigan ko.
Nakaramdam naman ako ng paghawak sa aking braso at hindi na ako pumalag. Tila nawalan ako ng lakas. Nagpatianod nalang ako sa mga humahawak saakin.
Sapong-sapo ko ang aking ulo ng makaramdam ng kirot. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Mia"
Hindi ko nilingon ang tumawag saakin bagkus nakayuko parin ako at pinipigilan ang tuluyang paglandas ng aking mga luha.
"It's going to be okay." Narinig kong usal nito at hindi ko na napigilan ang pagyakap sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang bahagyang pagkislot ngunit hindi kalaunan ay gumanti din ito ng yakap. Halos mapahagul-gol ako ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Kiera.
"H-hindi ko na k-kaya." Sambit ko sa gitna ng aking pag-iyak.
"Ililigtas natin sila, shhhh. Andito lang kami, andito lang ako." Mahinang sambit nito ngunit hindi ko alam kung anong meron sa mga salitang binitawan niya at kahit papaano ay nagpagaan sa aking nararamdaman.
"Natatakot ako Kiera, natatakot ako. Maraming bumabagabag saakin. Hindi ko alam kung ano."
"Everything is gonna be alright." Saad niya at kumawala sa kanyang yakap.
Nakuha ang atensiyon ko ang Apat na pumasok.
Christine, Vans, Kyler at Xander.
"Ano may balita na ba kayo?"
Iling lang ang kanilang sinagot.
Naupo si Christine sa tabi ko.
"I don't know kung ano ang kailangan nila, pilit din nila akong kinukuha kanina ngunit 'di natuloy dahil dumating si Vans." Sabi ni Christine.
"Hindi man ako sigurado ngunit tayo ang pakay nila." Kyler
"Napuntahan mo na ba si Kuya Aries?" Tanong ko.
"Yun nga yung pinunta namin dito, pinuntahan namin siya sa kanyang opisina ngunit wala sa doon."
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
"I think there's something wrong kay Kuya Aries." Wala sa sarili kong sambit.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong nila at agad kong ikiniwento ang napapansin ko sa kanya sa mga nakaraang araw.
"So if that's the case, we need to investigate him." Seryosong saad ni Kyler.
"Pa'no?" Tanong namin.
"Wala dito si Lee, hindi natin mahahack ang computer niya." Dugtong nito.
"We need to sneak into his office."
Nagulat naman kaming lahat sa plano nito.
"What? There's security camera everywhere." Atungal ko ngunit tiningnan lang ako nito ng seryoso.
"We are the Platoon, we work as one. Everything will be possible in us." Saad nito at bago paman siya lumabas ng silid nagsalita ito.
"Kiera, from now on you belong to my platoon so get ready."
Naiwan kaming lahat na nakatanga doon.
Done