Aira POV
"Ba't mo ko iniwan 'don?!" Galit kong sigaw kay Mia.
"Eh may kinuha ako eh." Sabi nito at napakamot ng ulo.
"Hoy Kyler! Lumabas ka nanaman at sa bintana ka uli dumaan?!" Tanong 'nong Lee ba yun?
Waaaa! Nakakahiya! Grrrr!
Flashback
Lumabas na ako ng tuluyan sa banyo.
Dumeretso na ako sa higaan kung saan ang damit at pabalik na sana ako sa comfort room ng biglang may malakas na kumalabog sa bintana.
"Waaaaa!!!!!!/What the?!"
"Anong Ginagawa mo dito?! Manyak ka!" Sigaw ko at pinagbabato ng unan.
"Hey stop that!" Sabi niya habang umiilag.
"Manyak! Manyak!"
"It is our room! At ako dapat ang nagtanong kung bakit ka naandito!"
Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa ang mga kasama ko.
"Aira?! What's happening here?"
"Woah! Kyler! Dumadamoves kana agad?!"
Dumadamoves?!
End of Flashback
Feeling ko umuusok na yung ilong ko sa galit! Grrr!
"Malay ko bang may tao" sabi nito na naka pokerface.
"Tama na ang interrogation at kailangan na nating kumilos!" Sabi ni Lee with matching palakpak pa.
Kanya kanya namang kilos ang lahat at kumilos narin ako dahil kasama ako sa paghahanap ng pagkain sa labas.
Ang mga sasama ay ako, Mia, Amber Vans, Lee at Kyler. Pag minamalas ka ka nga naman si Kyler pa at si Vans ang kasama ko.-____-
"Let's go." Sabi ng engot na 'to.
✖✖✖
Payapa kaming naglalakad sa siyudad. Walang umimik maski isa saamin kahit na tunog ng mga sapatos namin ay hindi maririnig sa lugar tanging paghinga lang namin ang maririnig.
Ang awkward pa naman dahil kasama ko si Kyler wait?! Ba't ba ako ma aawakward sa kanya dapat nga siya yung ma awkward sakin eh.
"Aira!"
Tiningan ko sila Vans. Sa unahan na pala sila. Psh.
"Tara!"
"O-o!" Sigaw ko naman pabalik.
Maya-maya pa ay pumasok kami sa isa sa Grocery Store.
"Wag tayong maghiwa-hiwalay." Sabi Kyler
"Tsk"
"Any problem on that 'other girl'?
Inirapan ko nalang siya at nag tuloy-tuloy na sa pagpasok.
Napakadilim sa loob at buti nalang may flashlight ako. Naghanap na ako ng pwede naming kainin inilagay ko naman ito sa dala kong backpack.
"Aira?" Dinig kong tawag ni Vans.
"Andito ako!" Sigaw ko naman pero di kalakasan baka makagambala pa kami ng mga nilalang na 'di mo susubukang harapin. -__-
"Ayos ha, nauna ka pa sa'min." Sambit ni Vans.
"Ambagal niyo eh." Sagot ko habang patuloy parin sa pag kuha. Ng mapuno na ang bag ko napagpasyahan kong maghanap ng mga personal things ko. Like napkin or whatever.
"Punta na muna ako 'don.". Pagpapaalam ko.
"Samahan na kita don Air." Pag-aalok ni Vans
"Wag na, ako na."
"Okay, hintayin ka nalang namin sa exit."
Tinutok ko ang dala kong flashlight sa daanan. Mas naging alerto ako sa paligid ko at naging aware ako sa mga kilos ko at baka in any minute ay may dadakma sa'kin. Muntik ko na ring makalimutan yung mga technique at skills na natutunan ko. Haist!
Asan na ba kasi yun?
Tinutok ko ang Flashlight sa may kanan ko at muntik nanaman akong atakin sa puso dahil sa gulat.
"Vans naman eh!" Sigaw ko. Putspa!
"Hahahaha. Peace pow!"
"Grr! Don na kayo maghintay sa labas!"
"Owkay pow! Hahaha."
Pinagpatuloy ko nalang ang pag lalakad at paghahanap ng kakailanganin ko at sa wakas, may nakita ko rin ito. Katulad ng ginawa ko kanina isinilid ko ang mga ito sa dala kong bag. Nang makumpleto na ang kailangan ko napagpasyahan kong bumalik na sa pinangalingan namin but accidentally nadulas pa ako at aksidente kong natabig ang isa sa mga rack ng mga gamit, napapikit nalang ako at kasabay non ang malakas na ingay na nag echo sa buong bugar.
"Shit! Shit! Shit!" Napamura nalang ako at dali daling umalis pero may nakasalubong ako. Tsk. Mamang Guard naman eh! Di ako nainform na may night duty ka pa pala! Pasugod na ito saakin at inihanda ko ang sarili ko sa pagsugod sa kanya.
Third Person's PoV
Naghanda na si Aira upang sumugod na sa papasugod na infected.
Sinipa niya sa ulo ang zombie dahilan upang tumalsik ito sa gilid ngunit,agad naman itong nakabawi at nagpatuloy sa pagsugod sa guard.
Hindi inaasahan ang pwersa ng zombie kaya napahiga ito sa sahig at pilit siyang dinadakma sa muka.
"Pwee! Bad Breath!"
Sabi nito at tinadyakan niya ito sa tiyan dahilan upang magka tsansa si Aira na makatayo. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Aira upang kunin ang baril na nakasukbit sa gilid ng zombie.
Ikinasa ni Aira ang baril at bago pa man makalapit ang zombie ay isang malakas na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa buong lugar.
"Head shot."
Sabi nito at sinukbit ang ang baril sa knyang bewang. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Aira at kumaripas na ito ng takbo papunta sa kanyang mga kasama. Nakasalubong naman niya sina Kyler na halatang galing din sa pagtakbo.
"Hey, we heard a gun shot." Saad ni Kyler.
" Umalis na tayo dito ngayon, kung gusto niyo pang mabuhay!" Sabi ni Aira as they heard a group of dangerous creatures approaching.
Tumakbo sila pero napalihis sila ng daan ng may nakasalubong silang grupo ng zombies.
"F*ck Were cornered!"
"This way."
Nagtago muna sila sa gilid. Pinagsiksikan nilang tatlo ang maliit na espasyo para lang hindi makita ng zombie.
"So ano? Dito nalang ba tayong tatlo?" Tanong ni Aira makalipas ng sampung minuto.
"Oh sige pumunta ka doon at magpakamatay ka." Sambit naman ni Vans.
"Well, if that's the way para makalabas tayo dito. Why not?" Sabi ni Aira at tuluyan ng lumabas sa pinagtataguan nila.
"Hey!" Inagaw ni Aira ang atensiyon ng zombie na ngayon ay mabilis na ang paglapit sa kanya. Hindi na nag aksaya ng panahon pa si Aira at sumugod na ito. She give one of the zombie an uppercut sabay tadyak nito sa tiyan dahilan para ma out of balance ito. Luckily napadpad sila sa may station ng Kitchen Ware kaya kumuha siya ng matulis na bagay at isinaksak sa ulo nito. Pagkatapos niyang mapatumba ang isa sunod naman niyang inatake ang isa. Binalibag niya ito causes the zombie to fall down at sinundan niya ng saksak sa ulo nito.
Inatake siya ng zombie Mula sa likod. Pero siniko niya ito ng pagkalakas-lakas at umikot siya paharap sa zombie sabay ang pagkaputol ng ulo nito.
Naiwang nakanganga ang dalawang kalalakihan mula sa gilid.
"Woah." Tanging nasambit lang ni Vans.
"Oh! Ano pang tinutunganga niyong dalawa diyan! Tara!" Sigaw nito at doon lang natauhan amd dalawa.
Aira POV
Kelangan ko yatang maligo. Amoy bangkay na ako.
"Ang cool mo don Aira!!." Pagbanggit ni Vans.
Psh. Anong cool 'dun?
"Let's go." -Kyler
Ngayon ko lang narinig magsalita si Kyler simula kanina. -______-
"Tsaka Aira, maligo ka uli pagkarating natin 'don. Amoy bangkay ka na eh, hahahaha" -Vans
"Kaya nga tara, at maski ako ay nababahuan na sa sarili ko. Sariling amoy kumbaga." Sabi ko at naglakad muli pabalik.
Tahimik kaming naglalakad animoy ayaw maka gawa ng maski kaunting ingay manlang dahil nagsilabasan na ang mga zombie and we hope na wala kaming makasagupa maski isa. Tama na ang tatlo--I mean apat pala isali na natin si manong guard.
Malapit na kami sa Hotel. Pero napatigil kami ng may nakaharang na mga zombie sa entrance.
"Is there any other way para makapasok tayo sa loob ng hindi tayo mapapalaban?" Tanong ko sa kanila.
"Yeah there is." Sabi ni Vans sabay hila saakin. Sa kabilang direksyon.
"Te-teka!" Sabi ko pero hindi parin ito natinag sa kakahila saakin. Napatingin ako kay Kyler na nakasaunod sa likod. Mga ilang metro
ang nilakad namin at napadpad kami sa likod ng hotel at meron palang fire exit dito.
"Tara." Sabi nito at umakyat na kami sa Puno?!
"Hoy! Sigurado ba kayo na dito tayo dadaan?!"
Putcha! Tapos sa bintana kami dadaan?! O'cmon!
"Oo, ito ay daanan ni Kyler papunta sa kwarto namin." Sabi nito at nagpatuloy sa pag-akyat sa sanga ng puno.
"What are you waiting for other girl?"
"Just Aira!" Sigaw ko kay Kyler.
"Okay Just Aira, wha't are you waiting for?"
"Arrrggghhh!" Tanging tugon ko lang dahil sa pagkabwesit sa lalaking 'to.
Umakyat na ako ng puno at nakita kong tumuntong si Vans sa may gilid ng bintana para may pang suporta. Kagaya ni Vans, tumuntong din ako samay gilid ng bintana at hinawakan ko ang tubong nakadikit sa pader para 'di ako,mahulog. Umakyat ako sa maikling ladder dito sa second floor papuntang thirdfloor. Nakita ko si Vans na kasalukuyang nakadungaw sa bintana ng kwarto nila. Nang makalapit na ako sa kanya inilahad niya ang kanyang kamay para mahila ako papasok.