webnovel

Darkness: the beginning of legend (Filipino/Tagalog)

Ang kwento ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang dalaga upang makamtan ang katarungan sa mapait na sinapit ng kanyang pinagmulang nayon. Ngunit bago ang lahat ay kailangan muna niyang sunduin ang tagapagmana ng Hari at ibalik ito sa lugar na nararapat dito ng buhay at boo.

Sept_28 · ファンタジー
レビュー数が足りません
25 Chs

17

Nagulat ang mga kawal na nagbabantay ng makita nila ang pagbalik ng kanilang punong pangkat na nanghihina at sira-sira ang kasootan.

"Pinuno anong nangyari sa inyo?" Nag-aalalang taong ng kawal na iyon at kaagad siyang inalalayan papasok sa kanilang munting himpilan.

Gising pa ang prinsipe at ang ginoo ng pumasok siya at kaagad namang nilapitan siya ng dalawa.

"Anong nangyari?" Tanong ng ginoo sa kawal na umalalay kay Aya at iniihiga nila si Aya sa higaan nito.

"Hindi ko po alam mahal na prinsipe, nakita ko na lamang siyang ganito na." Sagot naman nito.

"Dumudugo ang kanyang likod." Pansin naman ng prinsipe at kusa na itong kumilos upang ipatagilid si Aya na wala ng malay.

Pinunit na ng prinsipe ang damit ni Aya sa kaliwang bahagi ng likod nito na siyang dumudugo at nakita nga nila ang sugat nitong parang natamo mula sa isang pana na walang balak na buhayin pa ito dahil maaaaring tumagos ang pana sa puso.

"Prinsipe—" tawag ng prinsipe sa nagpapanggap na siya ngunit wala na pala ito doon. "Nasaan ang prinsipe?" Tanong niya na lamang sa mga kawal.

"Lumabas ang prinsipe." Sagot ng isang kawal sa kanya.

"Tagapagsilbe ng prinsipe, maaari mo bang gamutin ang aming pinunong pangkat gamit ang iyong salamangka?" Pakiusap sa kanya ni Kalo na madalas ay walang paggalang sa kanya.

"Gustuhin ko man ngunit malala ang tinamong sugat ng inyong punong pangkat kaya hahanapin ko muna ang prinsipe upang pagtulungan namin ito." Sabi niya at kaagad ng lumabas.

Nakita niya ang ginoo sa tabi ng isang puno at pinagmamasdan ang Paldreko na tanging mga ilaw lamang ang nakikita.

"Hindi ko kayang mag-isa na pahilumin ang sugat ng punong Pangkat." Sabi niya dito.

Humarap sa kanyan ang ginoo at iniangat ang mga kamay na parang may hinihingi sa kanya.

"Yung sugat ni Aya, mula iyon sa pana hindi ba?" Malungkot na tanong nito sa kanya. "Nang makita ko ang sugat ni Aya ay parang nakita ko ang aking sarili na siyang pumana dito."

"Nagpapatawa ka na naman ba? Mula ng umalis kanina si Aya ay magkasama lang tayo kaya nasisiguro kong hindi ikaw ang may gawa nito." Paniniguro naman niya dito.

"Ngunit malinaw sa aking alaala na si Aya ang nakita kong pinana ko."

"Alam kong mahalagang kaibigan sayo si si ang punong pangkat at hindi mo hangad na masaktan ito. Hindi niya kailangan ng masisi at ang kailangan lamang niya ngayon ay ang tulong na mapaghilom ang sugat niya."

Bumalik na silang dalawa sa loob ng himpilan. Sabay silang gumamit ng salamangka upang maghilom ang sugat na iyon ni Aya.

"Bakit hindi siya naghihilom?" Tanong ni Makoy sa dalawa na parihong napailin lamang.

Tumigil na sila sa pagpapahilom sa sugat ni Aya na ayaw naman maghilom at tumigil lang sa pagdurugo.

"Hindi ko maintindihan." Wika ng totoong prinsipe. "Para akong mababaliw na at parami ng parami lamang ang hindi ko maintindihan."

"Ngayon lamang ako nakakita ng sugat na hindi kayang paghilumin kahit dalawang salamangka na nagsasagawa." Sabi naman ng ginoo.

Kinabukasan ay naaalimpungatan pa ang ginoo ng maramdaman niyang may gumagalaw sa kanya.

"Aya." Tawag niya sa nakita at muli ding pumikit.

"Gising na! Pupunta tayo sa labasan ng Paldreko at may ipapakita ako sayo. Gising na!" Si Aya.

"Ano ba iyan ang ingay!" Angal naman ng totoong prinsipe na natutulog sa katabi ng ginoo at bumangon na ito. Nagulat pa makitang maayos na si Aya at siya palang maingay. "Mabuti naman at maayos ka na, kumusta ang sugat mo?"

"Sugat? May sugat ako?" Balik tanong dito ni Aya.

"Sugat mo sa likod na ayaw maghilom." Pagpapaalam nito sa kanya ngunit wala naman siyang maalala na nasugatan siya.

Marahil ay nasugatan siya ng gintong ibon kagabi ng dagitin siya nito.

"Hindi naman masakit." Sagot lang niya at ipinagpatuloy ang paggising sa kaibigan.

Tumayo ang prinsipe upang makasiguro at tiningnan ang sugat ni Aya kagabi.

"Ano bang ginagawa mo?" Angal ni Aya dito.

"Pinuno, ang sugat mo." Si Kalo ang nagsalita na nandoon narin pala. "Pinuno paumanhin ngunit sana ay mahintulutan mong matingnan namin ang likod mo."

"Naghilom naba sugat niya?" Tanong naman ng ginoo na bumangon narin sa wakas.

"Pinagkakaisahan niyo ba ako?" Tanong niya sa mga naroon.

Walang pasabi ang ginoo at nagpalabas ito ng salamangka na gumapos sa katawan ni Aya kaya wala na itong magawa at kaagad namang muling tiningnan ng prinsipe ang kinaroroonan ng sugat ni Aya.

Nakita nilang may pula doon ngunit hindi iyon sugat kundi isang balat.

"Paaanong nangyari ito?" Pagtataka naman ng ginoo.

"Pinuno, may balat ka ba talaga sa likod?" Natigilan si Aya sa tanong na iyon sa kanya ni Kalo.

"Wala akong balat, pilat lang marami.  Pakawalan niyo na ako! Ano ba?" Angal ni Aya. "Marahil ay hindi lamang isang sugat ang natamo ko sa gintong ibong na iyon ngunit wala na akong nararamdamang sakit kaya pakawalan niyo na ako."

"Gintong ibon?" Pag-uulit naman ng prinsipe sa sinabi ni Aya. Maaalalang tinanong nito sa kanya kung buhay nga ba ang gintong ibon na nasa taas ng tarangkahan ng Paldreko.

"Sinasabi ko sa inyo. Buhay ang gintong ibon na nagbabantay sa tarangkahan ng Paldreko. Nagambala ko siya kaya binugahan niya ako ng apoy, dinagit at ipinapon. Buti na ngalang at natakasan ko yun." Kwento pa ni Aya sa nangyari sa kanya kagabi.

"Totoo ba ang sinasabi mo?" Tanong sa kanya ng ginoo.

"Kaya nga kita ginigising para balikan natin ang walang hiyang ibon na iyon." Wika naman ni Aya sa ginoo.

"Sige puntahan natin yun." Pagsang-ayun naman ng ginoo at nawala na ang salamangkang nakagapos kay Aya.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" Ang prinsipe ang nagtatanong. "Isang gintong bato lamang ang ibong iyon kaya papaanong magkakaroroon ng buhay?"

May dinukot si Aya sa sariling bulsa at ng inilabas iyon, parihong nagulat ang prinsipe at ginoo sa inilabas niya.

"Kadina ng katutuhanan?" Ang ginoo.

Ang tinatawag niyang kadina ng katutuhanan ay ang inilabas ni Aya na kumikinang na kadinang ginto. Mahaba ito ngunit manipis lamang, kasing tibay nito ang katutuhanan na hindi mababago ang naganap.

"Papaano napasakamay mo ang kadina ng katutuhanan?" Tanong naman ng prinsipe.

"Ipinagkaloob ito ng nakaraang Hari sa heneral na siyang nagbigay naman sa akin." Sagot niya.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagiging panginoon ng kadiba ng katutuhanan?" Tanong pang muli ng prinsipe.

"Alam ko." Sagot ni Aya. "Ang laki ng tiwala sa akin ng heneral." Napailing pa si Aya. "Kung iniisip mong nagsisinungaling akong buhay nga talaga ang gintong ibon, maaari ko itong gamitin sa aking sarili."

"Aya hindi na kailangan, magtungo na lamang tayo sa tarangkahan ng Paldreko." Sabi naman ng ginoo.