webnovel

Chapter 2 Beauty in those perilous eyes

"Aking paboritong kulay na di ko aakalaing mas titingkad ang ganda kapag ito ang naging kulay ng mata. "

_

__

'Napakaganda at napakadelikadong mga mata'

Biglang nagbago ang emosyong aking nakita sa kanyang mga mata, napalitan ng pagkawili at pagmamataas nagbaba ako ng tingin sa kanyang mga labi at nakitang ngumiti ito na syang ikinatingin ko sa gilid. 'kanina pa pala ako nakatulala takte napakatanga ko talaga, baka mapagkamalan ako nitong may gusto ako sakanya, tsk'

Napaubo ako ng bahagya at inaya silang pumasok at maupo.

Nagsipasukan sila sa kwartong aming inookupa at kanya-kanyang umupo sa harap nang lamesa. Sa aking kaliwa si Marie na ang katabi ay si Wind. Sa kanan ko naman ay Vincent, at nasa gitna ni Wind at Vincent si- hindi ko pa nga pala nalalaman ang kaniyang pangalan.

Umalis sandali si Marie para ipaghanda sila nang maiinom at si Vincent at Wind ay maingay na nag-uusap sa kabila.

Napatingin ako sa gawi nang lalaking hindi ko pa rin nalalaman ang pangalan.

"Do you like me?" Napanganga ako at di makapaniwala sa mga salitang ibinuka nang kanyang bibig. Hindi man nya binigkas ang mga salitang iyon ngunit alam ko ang bawat salitang kanyang sinasabi base sa buka nang kanyang labi.

Napaismid ako at sya nama'y napatawa, na kinalito nang dalawang lalaki na kanina pa nag-uusap.

Ilang sandali pa tinignan nito si Vincent at walang sali-salita ay tumayo ito at nagpalit sila nang inuupuan.

Namawis si Vincent habang nakaupo sa kaninang inuupuan nang lalaking katabi ko na ngayon, habang si Wind na kanina pa madaldal ay biglang tumahimik. Paglingon ko sa gawi ng lalaking pumalit ng pwesto kay Vincent ay nakalapit ng bahagya ang mukha nito tila di na binigyan ako ng pribadong espasyo. Napaatras ako ng bahagya sa kanyang paglapit na nagpausog ng aking inuupuan kaunti. Itinaas niya ang kaliwang kamay sa likod ng aking inuupuan at hinila ito palapit sa kanya.

"Kanina ka pa tingin nang tingin sakin, napapansin ko." Pambabasag katahimikan nito na nagpaubo kay Wind.

Binigyan nang lalaking may magandang mga mata si Wind nang nakakatakot na tingin na lalong nagpaubo rito. Saglit namatay ang mga ilaw sa paligid at may tunog na parang itinarak na kutsilyo sa lamesa ang namayani.

"Patawad mahal n--mmhal n-na mahal ko talaga ang syu--" naputol ang sasabihin nito nang biglang gumalaw ang kutsilyong nakatarak sa pagitan nang kanyang hinlalaki at hintuturo na daliri sa kanang kamay.

"Ahh ha ha, o-oo nga p-pala si M-aariee pupun-puntahan ko muna" Habang dahan dahang ini-aatras ang kamay palayo sa kutsilyo at dahil sa pagmamadaling makatayo ay natumba ang kanyang upuan maging sya.

"Ah hahahha I'm out of here." Habang dali-daling tumayo at naglakad na parang wala lang nangyari.

Si Vincent naman ay nagpaalam na may bibilhin na muna sa labas at nagmamadaling umalis.

Habang nakatulala lang ako, pinoproseso ang nangyari. Hinawakan ng lalaking may pulang mata ang aking baba at pinaikot paharap sa kanya..

Nakangisi ulit ito at pabaling-baling ang tingin sa aking mga mata at labi.

"Hmmm.. Now where were we? Ohhw.. as I've said. Be my girlfriend. You like me right? And I like your face, now there is no problem so your my girlfriend now. No but's, no if's, no what, and I don't accept a "NO". So, you're mine now, whether you like it or not."

Then, he planted a kiss on me. Akmang itutulak ko sya palayo ng hinapit nya ako palapit sa kanya sa aking bewang ang kanang kamay at sa likod ng aking ulo ang kaliwa. Nawala sa aking isipan ang pumiglas at itulak siya ng mas palalimin pa niya ang paghalik.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay dinilaan nya pa ito ng bahagya na nagpakilabot sa aking sistema mayamaya ay bumangon ang lalaki at lumabas ng boarding namin.

"Honey my name is Lucas Le Viateur"

at isinara ang pinto habang nakaharap at nakatutok ang mga mata sa akin.

"Mine"

___