webnovel

Chapter 26

Faris' POV

"You slept four times yesterday, hindi ka man lang kumain ng hapunan, gano'n ka ba talaga ka puyat?" Tanong ni Sky sa akin habang kami ay nagtatanghalian.

Hindi ko kasi siya nakausap kaninang umaga, dahil umalis ito kasama si Dad.

"Maybe? I don't know, I just feel like sleeping all day. It's normal, right?" Tanong ko rito at tumigil sa pagkain, nakatingin lang siya sa akin pati na rin sina daddy na kanina lang pala nakikinig sa usapan namin.

"No, it's not normal. I think you should see a doctor" seryosong sagot nito at tumingin kina Daddy.

Tumango naman si Daddy habang nakatingin lang sa akin, halos silang lahat nasa akin lang ang tingin, kasali na rin doon 'yong aming mga kasambahay.

Tumikhim naman ako. "Uhmm.. it's not a big deal, I can manage myself" nakangiting sagot ko sa kanila, kaya sabay silang bumalik sa kanilang pinagagawa.

"Okay, it's your choice" anito. Tumahimik naman kami at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain kaagad naman akong naglakad papunta sa kwarto ko para manuod ng pilikula.

Hmm, ano kaya ang magandang pilikula?

Gusto ko sana 'yong thrilling, I want to have fun watching movies for today. Total tanghali pa naman.

"Ris"

Muntik na akong napasigaw nang may pumasok na lamang sa kwarto ko at tinawag 'yong pangalan ko. Tumingin naman ako rito at sinamaan siya ng tingin.

"Why are you here?!" Hindi ko mapigilang sigaw rito at binalik ang tingin doon sa TV na wala namang pilikula.

"Do you want to go to the mall? Pwede ka raw gumala ngayon" tanong nito saka sumandal sa dingding. Umiling-iling naman ako.

"I'll pass, I prefer watching movies" sagot ko sa kanya at pumili ng mga CD.

"Okay, ayaw mo talaga?"

"Hmm" ani ko at humanap ng magandang pilikula na pwede panuorin.

"Oh, total nandito ka naman. I want you to choose between this two" nakangiting saad ko at pinakita sa kanya 'yong dalawang CD.

"H-huh?" Nauutal na tanong nito kaya kumunot naman 'yong noo ko.

Pinapapili ko lang naman siya, bakit pa siya mauutal? Mahirap ba talaga pumili?

"What movie do you like?" Ani ko sa kanya at mas lalong linapit 'yong dalawang CD.

"H-huh?"

Wala na ba talaga siyang ibang masasabi? Just HUH?! Nahihirapan ata itong pumili.

"Fine, ano ang mas magandang panuorin?" Linahad ko naman sa kanya 'yong dalawang CD at tumayo sa harapan niya habang nakapameywang.

"Fifty Shades of Darkness or 365 Day's? Sabi kasi nila maganda daw 'to, so... I wanted to try it" nakangiting saad ko.

"I don't think it's a hard copy, but I think it's much better to watch it on Netflix, right? Maybe sa Netflix na lang ako manunuod" aniko at akmang babawiin ko na 'yong dalawang CD nang bigla itong magsalita.

"No, you're not watching this two. And, your not watching this on Netflix" tinago niya naman 'yong dalawang CD player sa likod niya at umiling-iling pa.

"W-why? Gusto ko manuod eh. There's no problem with that" saad ko sabay nguso para pumayag ito.

Mas humaba pa 'yong nguso ko ng umiling siya.

Problema ng lalaking 'to?

"Baby, there is a problem" sagot naman nito.

"What?! Pilikula lang naman 'yan eh!" Pagmamaktol ko at padabog na umupo sa higaan.

Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to. Pinapapili ko lang siya ng pilikula, tinago ba naman.

"Yes it's just a movie, but your not allowed"

"Why? It's not some kind of mature content" hindi pa rin ako tumigil sa pagmamaktol habang nakatingin lang sa kanya tapos higa and vise versa.

"YES! It's Mature Content!" Sigaw niya dahilan ng mapadilat ang aking mga mata at titig na titig lang sa kanya.

"Bakit ka nagagalit?!" Sigaw ko rin dito.

"Kasi bawal!"

"Bakit? Kailangan ba talagang sumigaw?! Ha?!"

"No! Nagpupumilit ka kasi eh! Once I said no, it's a NO! Kahit kailan talaga ang tigas tigas ng ulo mo, hindi ka marunong makinig!"

"Just shut up and leave!" Ani ko kaya tumigil naman ito at bumuntong-hininga na lamang sabay ng pagupo niya sa tabi ko.

O, sabi ko umalis, bakit siya umupo? Sinabi ko bang umupo siya?

"Okay, I'm sorry" aniya at bumuntong-hininga ulit.

"Pwede kang manuod pero ako 'yong pipili kung ano 'yong papanuorin mo. Baka kung ano pa 'yang papanuorin mo"

What? Pati ba naman ngayon? Sa panunuod ng pilikula kontrolado pa rin ako?

"Fine"

Lumapit siya doon sa mga set ng CD at kumuha ng isa. Lumapit ito sa akin at binigay 'yong napili niya.

"What's this?" Tanong ko at tiningnan 'yong DVD na nandito sa kamay ko.

"Movie"

"Yeah I know, but it's cartoon. I'm not a kid" pagrereklamo ko sa rito at binalik sa kanya 'yong CD.

"Will I call you kid, kung hindi ka bata? Bata ka pa, okay. Watch this, baby"

"Bakit ba kasi ang hilig mo sa barbie?" Inis na tanong ko rito.

"Bakit ka rin may barbie? Tss, ito na lang, huwag ka nang mapili"

"Mareng Sky naman kasi, eh. Malaki na ako, bakit gusto mo pa rin sa barbie?"

"Why are you always calling me Mareng Sky? I'm not Mareng, okay?" Palihim akong tumawa ng mahina. Hindi niya talag alam kung ano ang Mare.

Well, hindi ko rin naman sasabihan sa kanya kung bakit ko siya tinatawag na mareng. Ang cute naman kasi ng palayaw na Mareng Sky.

"Sige na, Mareng Sky. Ayaw ko niyan" pagmamaktol ko pa rin pagkatapos kong matawa.

"Manuod ka na lang kasi nito. Bawal ka pa sa mga ganoong klase plikula"

"I'm twenty-two, I can watch Fifty Shades and 365"

"Yes you can, but you're naive. You don't know what they're doing"

"Acting like what their director says?" Sagot ko rito at nagkibit-balikat. Tumawa naman ito ng mahina at ginulo 'yong buhok ko.

"Pfft... Okay, we're done. I'll take this two CD and I'll bring it to my room para hindi ka nanunuod nito. Do you get it, baby?" Tanong nito habang nakahawak pa rin sa ulo ko.

Napipilitan naman akong tumango at umupo ng maayos. "Okay, I'll go now" dagdag pa niya and he pinched my nose sabay tawa ng mahina at lumabas.

Lumapit ako doon sa TV sa linagay 'yong CD.

Nanunuod lang ako ng pilikula at tinapos ito pero hanggang sa huli wala pa rin talaga akong naiintindihan.

I don't know kung lutang ba 'yong isip ko or I just don't get what they said.

Those CD's are from my childhood days. Nabili ko 'yong Fifty Shades at 356 when I was in US that day kasama si Daddy.

I don't actually remember when, but I remember it's year two thousand and twenty.

Narinig kong may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko ito, nakita ko naman si Sky na nakatayo sa harapan ko habang may dalang pagkain.

"Hindi mo ba ako papasokin?" Tanong nito at sumilip sa loob, I open the door widely para papasukin ito.

Linapag niya naman 'yong pagkain sa mesa at naglakad paupo sa kama, sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makaupo ito.

Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya, alam kong napansin niya ako pero hindi ko lang siya pinansin at patuloy lang sa pagtitig sa mukha niya.

Tumikhim naman ito kaya umupo ako sa tabi niya.

"So, how's the movie?" Tanong nito habang nakangiti.

Walang dapat ikangiti.

Gaga...

"Hmm, it's lousy and I don't get any of the part's. Ang alam ko lang ay wala akong maiintindihan sa pinapanuod ko" sagot ko rito. Totoo lang naman kasi 'yong sinabi ko.

"Hmm, you don't get it, because you're not watching" kumunot naman 'yong noo ko sa sinabi niya.

Anong you're not watching?

Pinilit ko lang naman 'yong sarili kong manuod sa mga pilikylang pambata kahit hindi ko naman talaga ito gusto.

"Huh?" Tanong ko habang blangko ang ekspresyon.

"You're not watching" pag-uulit niya pa.

"Dude, I'm watching... Maybe I don't get any of it, it's because it's childish and the movie is for kids" natatawang saad ko sa kanya.

"You're a kid. Now, eat and sleep. Uuwi na tayo bukas"

"What? Akala ko ba three day's tayo dito? It's just the first or second day" tanong ko sa kanya na may halong pagkabigla ang boses saka huminto muna sa pagkain.

Binaba ko naman 'yong kobyertos at hinintay 'yong magiging sagot nito.

"Your father has an urgent meeting to attend tomorrow. We'll be leaving early para maaga rin tayo dumating. Maaga rin 'yong meeting ng ama mo and he don't want to be late kaya eat and sleep" seryosong sagot niya.

Bumalik naman ako sa pagkain hanggang sa maubos ko 'yong laman ng aking pinggan.

"Okay, then let's go to the mall" nakangiting saad ko rito at linapag sa malayo 'yong pinagkainan ko.

"No mall, I told you lately, but you chose movie over mall. It's already night, therefore there is no mall opened during the night. Sleep" ngumuso naman ako ng sabihin niya iyon.

Buksan na lang kaya namin 'yong ibang mall. Pwede nanan 'yo diba or We'll become a shoplifter in the night. But that's a joke! I don't do shoplifting.

"Hindi pa ako inaantok eh"

"Sleep"

"No"

"Tulog ka na. Bilisan mo"

"No, I'm not sleepy"

"Baby, sleep"

"I'm not a baby. I'm not going to sleep"

"Sleep, kung ayaw mong matulog you will be the night shift of the guards out there" napanganga naman ako sa sinabi niya. Seriously? He really mean it.

"What if I don't want to be the night shift?"

"Then sleep, that simple" aba! Hindi nga naman talaga siya magpapatalo.

"No"

"Matutulog ka o ako 'yong magpapatulog sayo?" Banta nito, pero binelatan ko lang siya sabay irap.

"I'm not afraid of your threats, Mr. Baldassare. Sanay na ako sa mga ganyanan mo, you can't scared me with that simple threats of yours" asik ko sa kanya at may gumuhit na ngiti sa gilid ng aking labi while looking at him directly.

"Magpapakasal ka sa akin tonight, if you won't sleep. It's legal, I know priest's from here. Don't make me angry, Mrs. Baldassare. Kung ayaw mong ikasal ng maaga, matulog ka na" usal nito at biglang sumeryoso 'yong mukha niya at nagliliyab na ito sa galit.

Umiigting pa ang panga nito ng ma otoridad niya iyong sabihin.

Nakakatakot ang aura niya at parang iilang minuto na lang ay sasabog na ito sa galit. Mabilis naman akong humiga sa higaan at pinatay 'yong ilaw.

"Sleep" aniya mula sa dilim at napansin kong bumukas ang pintuan at lumabas ito. Nakahinga naman ako ng maluwag at pilit na pumikit.

Skyler's POV

Pagkalabas ko sa kwarto ni Faris, pumunta ako sa kwarto ko at dumeretso sa balkonahe. Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.

It's kinda relaxing.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong hinugot mula sa bulsa ko at kaagad itong sinagot.

Narinig ko naman ang boses ng mga kaibigan ko at parang masaya pa itong nag-uusap.

"Hello" seryosong tanong ko rito.

"(Dude, where are you?)" The phone he was using is, Zyair's phine, but the one who is speaking is Treyton.

"Seville"

"(Kaya pala, hinahanap ka namin yesterday and the other day, but we haven't heard news from you. Teka lang, I'm going to call our friends)" aniya.

Narinig ko naman ang mga sigaw mula sa kabilang linya. Nagiingay ang mga ito nang makalapit sila sa telepono.

"(Yow! Bro, this is Wren. Kumusta ka na? Saan ka ba ngayon?)"

"Yeah, I know it's you. Nandito ako ngayon sa Seville kasama sina Tito and Faris"

"(You mean, tito Michael mo?)"

"No, it's the father of Faris"

"(Kayo na?)" Mahina naman akong napatawa at umiling-iling pa.

Natawa lang ako sa aking iniisip. This guy is really and idiot.

"Of course---"

"(KAYO NA?! GUYS HINDI NA PALA SINGLE SI MR. BALDASSARRE!)" Sigaw nito sa aming mga kaibigan. Nakarinig ako ng mga sigawan myka sa kabilang linya kaya marahan akong napabuga ng hangin.

He's a damn idiot. Hindi ko naman sinabi sa kanya na kami na. Tch, ang hilig manghinala.

"I'm not in a relationship with her, you moron!" Sigaw ko rin rito and I tsked.

"(HE'S JUST KIDDING DAW!)" sigaw nanaman nito ulit, nakarinig naman ako ng mga panghihinayang myla sa kabilang linya.

Napahilot na lamang ako ng aking sintido sa aking iniisip.

"(So, how's life?)" Mahinang tanong nito at sinabayan pa ng pagtawa.

"Like you"

"(Ano?)"

"Like you, malas" nakarinig ako ng mga halakhak.

"(Dude, kailan ka go home?)" Narinig ko naman ang sumabat na boses mula sa kabilang linya.

Masasabi kong si Zyair iyon, siya lang naman ang kaisa-isahang tao sa grupo namin na hindi marunong magtagalog.

Tss, hindi pa rin talaga siya marunong managalog...

"What?" Pagbibiro ko. I'm just messing with his tagalog.

Nakakatawa kasi ito pakinggan kung magtatagalog, it sounds like British with slight tagalog.

"(I said, kailan ka go home?)"

"Can you speak tagalog properly?"

"(Tss, nevermind. You're ruining my mood)" rinig kong saad nito mula sa kabilang linya kaya mahina akong natawa.

"And you're ruining my day. Not just my mood, but also my day" mariing saad ko rito at bahagyang humalakhak.

"(Bro, big celebration tomorrow at Wren's house. Remember his birthday?)" Tanong ni Treyton, I just hummed to say yes.

"I'll be there. I'll bring Faris"

"(Oh, baka kayo magkatuluyan niyan ha)" Sabat naman ni Aziel.

"Fuck off" seryosong asik ko. Narinig ko naman na tumawa silang lahat kaya mabilis kong pinatay 'yong cellphone at tinapon iyon sa higaan.

Naglakad ako papunta sa higaan ko at kaagad na lumundag doon. Pumikit ako at pinilit ang sarili na makatulog.

Tomorrow is a big day...

Someone's POV

"Sir, hindi naman ho sa nagrereklamo kami, pero marami na po akong pasa oh. Isang sapak lang ng batang iyon, nagkakapasa na kaagad ako" reklamo ng lalaking nasa harapan ko na siya ring aking inuutusan.

"Gumawa kayo ng paraan. Hindi naman iyon problema, diba? Gawin niyo iyon sa mas lalong madaling panahon" saad ko pa rito habang sinisindihan ang tabako.

Nakarinig naman ako ng mga yapak mula sa labas ng aking opisina, hindi rin nagkalaunan ay may kumatok rito.

"Pasok" bumukas ito at linuwa mula roon ang tatlong armadong mga lalaki.

"Sir, wala ho sila sa kanilang bahay ngayon" ani nong nasa aking harapan habang hinihingal na nakahawak sa kanyang armas.

"Bakit? Nasaan ba sila? Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na bantayan niyo ang pamilyang iyon?" Seryosong tanong ko rito saka pinatay ang aking tabako at hinarap 'yong lalaking may dalang bag.

"Ikaw, ano na ang resulta?" Tanong ko rito at sumandal sa aking kinauupuan.

"Batangas, Sir. Meron din po sa Cebu" tumango-tango naman ako rito.

Mas dumarami, mas lumalaki.

Napangiti ako sa aking isipan habang iniisip ang mga negosyong iyon.

"Ikaw, bakit hindi niyo binabantayan? Paano na lang kung matagal sila dadating?" Seryosong saad ko sa armadong lalaki.

"Maaga po ata silang umalis, pagkarating po namin doon, tahimik na po ang buong bahay, wala na rin hong mga tao, tanging mga kasambahay na lang ang natitira" tumango ako saka sinalinan ang aking kopita.

Pagkatapos ko iyon sinalinan, kaagad ko naman itong ininom saka marahang binagsak ang kopita.

"I want you to find that family. Kung hindi niyo kayang kunin 'yong bata, how about the parent?" Gumuhit ang mala demonyong ngiti sa gilid ng aking labi.

"Copy, Sir. Paano po 'yong tagabantay? Isasali ho ba namin siya? Malakas rin iyon, Sir, pero sigurado ako na mapapatumba namin iyon upang, kunin 'yong bata"

"Huwag niyo siyang isali. Keep him safe and alive"

"Okay po, sir"

Tumango ako saka rin lumabas 'yong tatlong armadong mga lalaki.

Ngumisi ako habang may iniisip.

Kukunin ko ang nararapat para sa akin....