webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 若者
レビュー数が足りません
303 Chs

Chapter 50: Ride

"Yumakap ka sakin mamaya. Baka kasi mahulog kita.." sya pa ang naglagay ng helmet sakin. Gosh!. Yung labi nya. Kagat pa nya. Damn!. Walang kupas na mura ang nabubuo sakin tuwing malapit sya.

"Bamby.." hinawakan ang magkabilang gilid ng helmet. Bandang pisngi. Saka tinitigan ako sa mata. Ssshhh!. I can't stare longer. Pumikit ako para umiwas. Nagtaka ako dahil tumawa sya. Kaya napadilat ako.

"Kinakabahan ka ba?.." sobra pa sa sobra Mahal ko. There you go. Finally. Narealize mo na ring mahal mo nga sya. Gosh!. The beat of my heart now is not normal. Too loud. Too fast. Pounding and screaming.

"Don't worry. Hanggat kasama mo ako, safe ka.." patuloy nyang sabe. Damn!. Sa dami nitong binanggit, wala man lang akong nasagot na isa. Natulala. Hindi makapaniwala sa nangyayari.

Kung alam nya lang na sya ang hinde safe sakin, baka sya pa matakot sakin. Ah. No!. Erase that. I still wish na magustuhan nya rin ako. Not too soon. But soon.

Sumakay sya ng motor bago ako sumunod. Kinakabahan. Malamig ang kamay sa kaba.

"Ready?.." Anya. Inistart ang sasakyan. Speak please Bamby!. You look like some species of a robot. Manipulating by man. Like him.

"Hahaha.. Bat di ka nagsasalita?.." he finally observed me.

Hindi naman ako totally mahiyain. Sa piling tao ko lang naipapakita ang pagkamadaldal ko. At malas nya dahil sa kanya ako nahihiya. As in.

Pinaandar na nya ng tuluyan ang motor. Sa upuan ako nakahawak. Nahihiyang yumakap sa kanya. Pero kalaunan, kinuha nya ang isang kamay ko at nilagay sa kanyang tyan. Di ko tuloy alam ang sunod na gagawin. Lunok lang ako ng lunok kahit walang laway. Isang kamay lang ang nakahawak. Ngunit naging dalawa na nang bumilis ang kanyang takbo. Nakakatakot talaga. Natatakot akong mahulog sayo. Pero hinde ang mahulog sa kalsada. Ganun kita kagusto. Jaden. Kung pwede ko lang isigaw Ito sa kanya, kanina ko pa ginawa.

Maya maya. Nilampasan na namin ang bahay. Nasa bahay na nga sila kuya. Andun na mga sasakyan nila. Ano kayang nakain ni Kuya Lance at pinayagan nya akong sumama kay Jaden?. Di kaya may plano sya?. Weird.

First time kong pumunta dito. Sa harap palang, marami ng halamang tanim. Mga bulaklakin. May nakita pa akong sunflower na malalaki. Ang ganda. Gusto ko tuloy tumambay din dito. Oh how wish!.. Pagkapasok sa kahoy nilang tarangkahan, sumalubong na ang isang kulay puting aso. Malaki sya. Tumahol pa sakin. God!. Don't bite me!.

"Hunter behave.." Yun pala ang pangalan ng aso. Hunter. Astig. Para talaga syang Hunter.

"Kuya!.." sumalubong samin ang isang bata na sobrang taba. Ang cute. Yumakap sa mga binti nya.

"Sino po sya?.." karga na sya no Jaden. Humarap sakin. Ako, hawak ang strap ng bag sa magkabilang balikat. Kinakabahan.

"Ah. Si ate Bamby mo.." Ate Bamby mo?. Oh well!. Hihihi..

"Regalo ko po ate.." sabay lahad ng kamay. Nasamid ko ang sariling laway sa narinig. Oo nga. Damn!. Bat di ko naisip yun. Suskupo Bamby!.

"Wala syang dala Niko. Saka nalang.."

"Balik ka po bukas dito ate?.."

I can't find my words.

"Ate, balik ka po bukas?.." ulit nya.

"Try ko Niko.. hehe.." Wala akong maisip na isagot. Shem!.

"Balik ka na po. Malulungkot po si Kuya.."

Oh?. Bakit naman?. Gusto kong itanong pero pinigilan ko nang matinde ang sarili ko.

Agad akong napatingin kay Jaden. Takip na ang bibig ni Niko. Nginitian lang ako saka pumasok na ng loob. Ako, kinikimkim ang ngiting gustong kumawala. Hell shit!. Bamby. Kilig ka na nyan?..

Pumasok ako sa loob. Maaliwalas ang buong bahay. Sa kanilang sala, may mahahabang kurtina sa tatlong bintana na kulay dilaw. Hagdan agad ang bubungad pagkapasok mo. May isang mahabang sofa at tatlong maliliit na upuan. May maliit din na mesa na may bulaklak sa gitna.

"Upo ka Bamby.." nanginginig ako. Sheet!. Di ko mapigilan ang kaba ko. Nakakapraning.

Nasaan ang mga bisita?.. Akala ko ba birthday to?.

"Ma, andito na po si kuya..." takbo si Niko sa kusina.

"Tawagin mo na ate mo sa taas. Kakain na tayo.."

Takbo din si Niko paakyat. Si Jaden, di malaman kung uupo ba o kakamot ng ulo. Nakakatawa sya.

"Bakit ba Niko?. Busog pa ako.." rinig kong boses ng babae galing ng hagdanan.

"Dali na po. May bisita po si Kuya.."

"Okay ka lang?.." Ani Jaden. Tinatakpan ang ingay ng kanyang mga kapatid.

"Okay lang ako..." Ampusa!. Paos pa boses ko. Suskupo Bamby!.

"Jaden.." lumabas ang maputing babae. Maliit ang mukha. Mahaba ang pilik mata. Makurbang labi. Balingkinitan at may dimple. Ang buhok. Sobrang have din at itim na itim pa. In short. Maganda sya.

Agad tumama sakin ang kanyang paningin. Nanunuri.

"Ate, si Bamby. Kapatid ni Kuya Mark at Lance." pakilala ni Jaden sakin. Naestatwa ako. Kilala nya sila kuya?. Paano?.

Mas lalo akong nanigas ng yakapin nya ako ng mahigpit sabay sabi ng "Finally, I met you.." sabay tawa pa.

Ako rin. Ganun ang gustong sabihin kaso lang nahihiya pa ako. Finally, namimeet ko na ang buo nyang pamilya. Sa special occasion pa nila. So grateful.