webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · 現実
レビュー数が足りません
34 Chs

Synopsis

Story description

Ang aking natatanging alas ay bukambibig ng lahat. Mga bibig na pinatutugtog ang aking puso dahil sa kagalakan. Kagalakan dahil sa kaalamang kilala nila akong isang dalubhasa, hindi isang duwag.

Khalil Marid Zavier, ang aking totoong pangalan.

Oo, nasa aking pangalan ang aking natatanging alas.

Marid, magpanghimagsik at mapanlaban.

Zavier, napakainam at dakilang matalinong kawangis ng aking tiyuhin.

Labinlimang taon akong namuhay sa mundong ito, hindi pumapasok sa paaralan subalit higit na may maraming kaalaman kung ihahambing mo sa isang propesor ng kolehiyo.

Kung ang kanilang pinag-aaralan ay mas tinutudla  ang pagiging bihasa sa Matematika, Ingles, Siyensiya at Agham. Hindi ko na kinakailangan pang tuklasin ang mga iyan. Mas higit pa kaming bihasa ng aking tiyuhin kapag pinag-uusapan na iyan.

Jazzib, isang pangalang mayroong napakamalalim na kahulugan. Isang makisig na lalaki, kaming dalawa lamang ang nakakaalam niyan. Subalit sa kabila ng kaniyang kakisigan, ako lamang ang nakaririnig sa kaniyang mga pinagsasaad. Ako ang kaniyang nagsisilbing boses, galaw ng katawan ang kaniyang naging sandata. Isa siyang umid, pinagkaitan ng mundong makapagsalita. Subalit parang hari naman kung titingnan ang kaniyang mukha.

Ang kahinaan ko? Hindi ko pa nadidiskubrehan. Ano nga ba iyon, matutumba ba nito ang aking tindig na mapanlaban?