webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · 現実
レビュー数が足りません
34 Chs

Espya (3.1)

Palihim akong nakipagtitigan kay Kokoa na kasalukuyang nasa swimming pool na ngayon at nakikipag-usap sa kaniyang kapatid.

Nasa playing area kaming lahat ngayong magpipinsan maliban sa dalawang anak ni Uncle Jazzib na nakatampisaw na sa swimming pool.

Nakalimutan niya bang may pinapagawa si Uncle Hosea sa amin?

Bakit parang wala lang ito sa kaniya?

Sinuklian niya ang aking mga titig at parang sumisenyas na bigyan ng pinsan si Ebonna at Akari.

Napabuntong hininga ako matapos ay tinitigan nang palihim ang kasalukuyang nag-uusap ngayon sa maliit na hardin.

Kanina pa ako tumititig sa kanila eh.

Nandidiri na nga ako sa mga kinikilos ni Akari.

Kanina pa siya humahalakhak sa hindi ko mawaring dahilan habang nagkukwento sa kaniya si Ebonna, napakapabebe ng isang ito.

"Nasaan na iyong marmol na pambato ko? Ibalik mo sa'kin Dos, walang hiya ka!" tinuon ko ang aking pansin sa nagsisigawang mga lalaki hindi kalayuan sa aking pwesto.

"Bakit ako na naman ang sinisisi mo? Niaano ko ba ang marmol mo ha, kita mo nang normal na holen lang itong pambato ko" napaupo si Dos sa lupa at umaastang nag-eensayo sa gaganaping laro.

"Ako ang mauuna kasi ako ang gumawa ng butas" pakinig kong usal ni Fausty sa kanila.

"May extra pa ba diyan, Floro? Iyong marmol sana para may sex appeal" rinig kong tanong ni Uno.

"Wala na akong natirang holen, baka si Fauno meron pa" dali-daling napalakad si Uno sa gawi kung saan nakatayo si Fauno.

"Wala na akong holen dito, itong perlas nalang ang gawin mong holen oh" napatulala ako sa kanila.

"Ano ba 'to bakit bitak? Wala bang mas maganda diyan?" tinapon niya ang perlas sa dagat matapos ay nadidismayang nilingon si Fauno.

Bumuntong hininga naman si Fauno matapos ay napalakad malapit sa swimming pool at mayroong pinulot galing doon.

Bukas ang kaniyang dalawang palad na may lamang mga perlas, nagngingiting pumalapit sa kaniya si Uno.

"Pumili ka ng isa diyan, dalian mo"

"Pasali ako!" pakinig kong sigaw ni Kaisa sa kanila, mabilis itong tumatakbo ngayon sa kanilang direksiyon.

"Ayoko na, wala ng thrill. May iiyak na naman ngayon para lang manalo"

Napalingon ako sa bandang swimming pool kung nandun pa ba si Kokoa subalit napagitla nalang ako nang makitang nasa likuran ko na pala siya.

"Putangina pre" napangiwi ako nang marinig ang pagbungad niya sa aking iyon.

"Ikaw naman ang magmamanman diyan sa dalawa, maglalaro muna ako ng holen" akma na sana akong tatayo nang daglian niyang higitin ang leeg ko.

Ang sakit, putangina.

"Hindi pwede, papaalis na sila oh kita mo?" napabuga ako ng hangin at walang emosyong tinitigan ang dalawa.

"Bakit ba kasi hindi nalang nila palayasin dito ang gagong iyan para wala na silang problema?" mapakla akong ngumiti sa tanong niyang iyon.

"Mababait sila eh" inayos niya ang kaniyang buhok gamit ang kanang kamay habang ang isa niya namang kamay ay nakahawak pa rin sa aking leeg.

"Nasasakal ako ano ba!" natatawa pa siya ngayon habang pinipisil-pisil ang aking batok.

"Sinusubukan mo talaga ako ha?" napabusangot na siya habang sapilitang humihiwalay sa akin.

Bigla akong napakamot sa ulo matapos niyang kinuyom ang dalawang kamay na para bang manununtok na siya nang wala sa oras.

"Come on fight me. Ay mali pala, halika at labanan mo'ko!" kunot ang noo kong tinitigan lamang siya.

"Ano bang nangyayari sa iyo?" napanganga ako nang tanungin niya sa akin iyon.

Siya pa ang may ganang magtanong ng ganiyan gayong dapat ay ako ang nagtatanong sa kaniya ng parehong katanungan.

"Hahaha, tara na sa dining room" napatigil lamang siya nang marinig ito mula kay Akari, bahagyang napaawang ang kaniyang bibig habang sinusuri ang dalawa na kasalukuyang naglalakad na pababa nitong playing area.

"Hindi maaari iyan pre, tinitigang ang lalaking nanakawan ng jeep ngayon at hinding-hindi ito pwede" aniya sa akin habang nasa aking dalawang balikat ang kaniyang kamay.

Marahas ko itong inalis.

Kasalukuyan na naman siyang naglalakad sa aking harapan.

Hindi ko alam kung liliko ba siya o hindi, basta ang alam ko lang sa ngayon ay natataranta siya.

May sindrom ba itong anak ni Uncle Jazzib at ganito lang siya kung makaasta?

Bumuga ako ng hangin upang lumuwag ang aking hininga matapos ay dahan-dahang sinundan sina Akari at Ebonna habang nasa aking likuran si Kokoa.

"Pre, ano sa tingin mo ang gagawin nila sa dining room?" napaismid ako nang tanungin niya iyon.

"Hindi ko alam"

Ngayon ay siya naman ang nauna sa paglalakad.

"Bakit ako pa kasi ang inutusan nila eh kinakabahan na nga ako para bukas tapos ay idadagdag pa 'tong walang kwentang pagsusubaybay" unang yamot niya habang nakayukong nagdadabog.

"Kung sana ay hindi na nanakawan ng sasakyan ang walang kwentang taong iyan, hindi na sana tayo aabot sa ganito" pangalawang yamot niya habang kinakamot ang ulo na nagdadabog.

"Pwede naman kasing sina Uno at Dos nalang ang inutusan nila para dito, kung hindi ay ang tatlong f's nalang, bakit ako pa kasi?" ikatlong yamot niya habang pinagsusuntok ang noo.

"Bakit ba sa dinami-daming lalaki ay itong si Akari pa ang nagustuhan ni Ebonna, ayan tuloy!" ikaapat na yamot niya habang wala pa ring tigil sa pagdadabog.

"Umakto ka ngang isang binata, palagi nalang yamot ang naririnig ko sa bunganga mo eh" walang emosyon kong sabi sa kaniya.

Hindi ako nakatanggap ng kahit anong tugon mula kay Kokoa, sa pagkakaalam ko naman ay nilakasan ko ang aking boses nung isumbat iyon sa kaniya.

Napangiti ako nang payapa matapos kong dinadamdam ang malamig na katahimikan.

"Dalian mo ang paglalakad, umaambon na" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko matapos itong marinig sa kaniya.

Mas malala pa pala ito kay Uncle Jazzib kung magtampo, ang lamig ng tindig at hitsura.

Nakikita kong umiitim na pala ang kalangitan, kani-kanina lamang ay ang init-init pa sa playing area.

Nasa unang palapag kasi ang playing area kasama ang malawak na terasa at swimming pool kaya't tanaw na tanaw mo talaga ang langit at dagat.

Mas bumilis pa ang aming paglalakad hanggang sa makarating na kami sa ikatlong palapag kung saan matatagpuan ang dining room.