webnovel

Four

#StatusMarried

"Good Morning Sleepyhead." Bungad ni Haze sa kanya nang magising siya kaya sa gulat, nahulog siya sa kama.

"WHAT ARE YOU DOING HERE, YOU PERVERT?!" sigaw niya at pinagbabato ito ng mga unan.

"Pervert? Tulog kapa ba? O nabagok ang ulo mo sa pagka hulog ngayon? We are suppose to have our honeymoon ngayon." Di makapaniwalang sabi pa nito. Dun lang naman niya naalala ang lahat.

Nasa isla nga pala sila ngayon at kararating lang kagabe after nilang ikasal. Yeah, you red it right. Ikinasal na nga sila. Minadali ni Haze na maganap agad ang kasalan dahil kumikilos na ang mga taga East at West clan, at hindi sila dapat magsayang ng oras.

Pero kahit minadali, yun na yata ang pinaka magarbong kasal sa buong taon. Syempre dahil yung mga ama nila ayaw magpatalo sa isa't isa. Gumasta talaga ang mga ito dahil gustong higitan ang naigasta nung isa. Hindi matanggap ng pride ng mga 'to, lalo na ng Ama ni Haze na mas malaki yung nai-ambag ni Gavin dahil it's suppose to be their expenses dahil lalake raw yung anak niya. But Gavin wouldn't let him, dapat raw may mai-ambag din siya dahil Asher is his only daughter at isang beses lang mangyayari iyon.

And that's why, the wedding was so expensive. From the church, to the reception, to the food, to the dresses they're wearing, upto the souvenirs. At ang pinaka mahal sa lahat, ang regalo nilang dalawa sa mga anak, ang kaisa-isang bagay na napag desisyunan nila ng walang bangayan, ay ang kinaroroonan nila ngayon, ang Green Island.

Pinaka mahal, kasi binili lang naman nila iyon for their son and daughter's honeymoon. Their wedding gift.

"Tss. Naalala ko na. Nagulat lang." Umayos na siya ng upo at nag palinga-linga.

"So ano ang gagawin natin? We're stuck here for 3days, you know."

"Gagawin? Ewan ko sayo. Mag aaral ako." Tumayo na si Asher at nagtungo sa banyo. "Maliligo ako! Wag kang papasok!"

"Tss. Mag lock ka kasi."

"So kung hindi naka lock, papasok ka? Geez, pervert!"

"Hoy, namimihasa kana! Hindi ako pervert!"

"Eh ano, womanizer? Geez." Hindi na niya hinintay ang sagot nito, dire-diretso siyang pumasok ng banyo at naligo.

One of the things she love about the place is yung banyo nito, karugtong ng dressing room kaya hindi niya kailangang mag alala na baka makita siya ni Haze na nagbibihis. And maybe your wondering why they share the same room? It's because isa lang ang kwarto ng resthouse.

Halos mag iisang oras yata siya sa banyo, kaya pagkalabas niya, si Haze na asar na asar ang nakita niya.

"Problema mo dyan?" Patay malisya niyang tanong.

"Problema ko? Akala ko di kana lalabas ng banyo eh! Tss! Akala ko nalunod kana." (-____-)

"Wag ka munang magsaya dyan dahil hindi pa'ko mamamatay ng ganun ganun lang." Inirapan niya ito at nagtungo sa isa niyang bag para kunin ang laptop at ilang libro.

"Boring."

"Yeaaaaahh! So?" Hindi nalang ito nagsalita at pumasok na ng banyo. At siya naman nagsimula nang mag aral habang nagpapa tuyo ng buhok. "Ikaw ang boring."

It was quarter to 11 nang maramdaman ni Asher na gutom na siya. Hindi rin kasi siya nakapag breakfast. She was so hook up with studying na kung hindi pa kumalam ang sikmura niya ay di niya malalaman.

"Kain na." Ani Haze at bumangon sa pagkakahiga.

"Mauna kana. I need to finish this." still looking at her notebook. Mag iisang oras na siya sa problem na yun pero hindi niya makuha-kuha yung tamang sagot.

STORY CONTINUES BELOW

"Hindi ka nag breakfast, baka akala mo."

"Hindi ko inaakala dahil alam kong hindi ako nag breakfast." Cold niyang sabi.

"Kumain kana kasi."

"Mauna kana sabi!"

"Ano ba yang ginagawa mo? Kaninan kapa nakatitig lang dyan?" Bago pa maka protesta si Asher, nasa likod na niya ito.

Waaaaaah! Sobrang lapiiiit!!

"Ano ba? Distansiya nga.."

"Kaya pala, eh hindi tama yang ginagawa mo." Kumunot ang noo niya. So marunong siya nito, ganun?

"Geez! Bakit ikaw? Marunong ka?!"

"How could you be substituting this one to this variable? Ito dapat yung nandito. Saka mas madali kung yung isang formula ang ginamit mo. Ito oh." At itinuro nito ang isang formulan'ng isinulat niya kanina. "Try mo'ng gawin ulit." Napatanga lang siya dito. Surely, she doesn't know him so well.

*pitik sa noo*

"Aray!" Hinampas niya rin ito sa balikat bilang ganti.

"Hindi lang puro pangbababae ang alam ko 'no? Tss." Tumayo na ito at naglakad palabas. "Mauna na'kong kumain. Bahala ka kung kakain ka o hindi." Then he left.

"Whatever. Geez." Ang tanging nasabi niya lang. She was taken aback with what happened.

Sino ba talaga siya? I mean aside from being a womanizer, ano pa ang pinagkaka abalahan niya? It seems like he knows me, wala naman kasi akong nabanggit sa kanya noon na Accountancy ang kurso ko ah? Pero ako walang kaalam alam sa kanya. That's unfair. Hindi 'to mabuti.

Nang magsawa sa kakaisip, nag try uli siyang mag solve dun sa problem at kahit nahihiya siyang aminin, tama ito.

Ugh! So what diba? Hindi naman math ang accountancy eh, analyzation. Hindi 'to engineering na more on math.Tss. Basic math lang kaya ang gamit sa Accounting. (-____-)

Pero dahil sa may subject ako ngayong Math, naghihirap ako. (T.T)

At dahil nga sa hindi siya mapakali, hinanap niya kung sino ba talaga si Haze Francis Evans.

Gathering information on someone is a piece of cake para kay Asher. But ofcourse, kilala kaya silang mga taga North Clan for being so good at gathering information, dahil magagaling silang hacker. For the past 19 years, hindi pa sila natatalo dahil na nga sa galing na iyon. They would know everything through hacking kaya may edge sila.

Ilang click lang at type ng commands, nahanap na ni Asher ang hinahanap. At talaga namang nagulat siya sa nabasa.

"SERYOSO?!" She didn't mean to say it out loud pero dahil nga sa gulat, napalaki ang boses niya.

"Bakit? Di ka makapaniwala?" Anang boses mula sa likod niya kaya napa atras siya dahilan ng pagtama ng kamay niya sa vase at nahulog iyon kaya nabasag.

"ANO BA?! NANGGUGULAT EH!" Singhal niya rito.

"Naku ineng, napaparami na yata ang inom mo sa kape. Magugulatin kana." Pang aasar pa nito.

"Shut up! You're annoying!"

"Tss. Okay lang, atleast hindi stalker." He chuckled.

Shit!

"F.Y.I! Hindi ako stalker! Mahiya ka nga!"

"Eh ano yan? Hindi ba't pang ii-stalk yang ginagawa mo?"

"Like hell I would be stalking you! Na kyu-curious lang ako! And it's unfair, ikaw marami kang alam tungkol sa'ken tapos ako, pangalan mo lang!"

"Awww you're sweet." He chuckled again.

Shit! Wag ka ngang ganyan! Bwesit!

"Sweet your face!"

"Haha. Oh ano? Are you satisfied with what you've found?" he smirks.

"Hindi. Hindi kasi totoo yung nandito. How could someone like you be a Magna Cum Laude?! To think na Chemical Engineering pa! This must have some anomaly..."

"Haha. Your choice. Isa pa ikaw naman ang nag hack. Isang Evans. I thought accurate lagi yung nakakalap niyong impormasyon? I didn't know na nagkakamali din pala kayo. Sabagay, tao lang." Pang aasar pa nito lalo sa kanya at nagtungo sa may bintana.

"Ugh! Dumbass!"

The whole day ay asar na asar si Asher. First day pa lang yun ha? Ano pa kaya ang mangyayari sa kanila the next day? And the next day?

Hmmm..

#StatusMarried

***

©leypotato

---

A/N:

Alright!

Rock n' roll .. -.-

Medyo lame ba yung chapter ngayon? Brocken hearted ako eh. Tss. Hihi.

Anyways, comments are highly appreciated para ma improve. Thankyou :*