webnovel

CHAPTER ONE

ISANG Lamborghine Veneno ang pumarada sa parking lot ng main building ng Madrid Group of Companies, ang kompanya na pagmamay-ari ng mga Madrigal. Madrigal is one of the rich family in the country. Ang Madrigal ang may-ari ng kilalang airlines sa bansa. Sila din ang may-ari ng pinakamalaking Mall sa bansa ang The Madrid Malls. At dalawang anak na lalaki ang namamahala ng kompanya.

Lumabas sa kanyang kotse ang isang matangkad na lalaki. Inayos nito ang suot na business suit. He got a busy day but he needs to keep his cool. Walang emosyon na naglakad papunta sa elevator ang lalaki. Wala siyang kasabay ng mga sandaling iyon. Nang bumukas ang elevator ay agad siyang pumasok. Isinadal niya ang likuran at tumingin sa kanyang relo. May meeting siya ng ten o'clock at tama lang ang dating niya sa opisina.

Nang bumukas ang elevator sa first floor ay may pumasok na dalawang babae. Agad nan amula ang mukha ng mga ito ng makita ang nakatayong lalaki. Sino nga ba ang hindi kikiligin kung isang Madrigal ang makakasabay ng mga ito sa elevator. Lalo na kung ang isang tulad ni Daniel Lorenzo Madrigal. Ito ang panganay na anak ng Madrigal at siyang namamahala ng Madrid Group of Companies.

Napatinign si Lorenzo sa dalawang babae na nagbubulungan sa harap niya. Alam nito na siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Well, sanay naman na siya sa ganoon kaya binaliwala na lang niya. Nang lumabas ang mga ito ay sumulyap pa sa kanya. Tumaas lang ang sulok ng labi nito. What can you expect?

Nang marating ni Lorenzo ang floor ng kanyan opisina ay tumayo ang kanyang mga tauhan para batiin siya. Lorenzo didn't greet them back. Tuloy-tuloy lang ang binata hanggang sa marating nito ang dulong bahagi kung nasaan ang opisina nito.

"Good morning, Sir Lorenzo." Magalang na bati ng kanyang sekretarya na si Yancy.

"Good morning, Yancy." Ganting bati niya.

Pumasok siya ng kanyan opisina at umupo sa swivel chair. Sumunod sa kanya si Yancy na may hawak na notepad.

"May additional meeting po kayo mamayang three o'clock, Sir. Mr. Shinjo Yamanake wanted to talk to you about his branding project here in the Philippines."

"Hindi pa rin pala siya tumitigil sa project niyang iyon?" Napa-iling siya.

"No, Sir. He wanted to pursue you. I heard that he wants to enter the Philippine market."

"At tayo ang nakikita niyang daan para doon." Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Can you check his product for me? Gusto kong malaman kung maganda ang quality ng mga product niya bago natin gamitin sa mga eroplano natin. Tingnan mo din kung ano status ng kompanya niya sa Japan." Utos niya dito.

"Okay po, Sir."

"By the way, can you reserve me a table later?"

"For dinner date, Sir?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yancy.

Napangiti siya sa tanong nito. "Yes. I will date my girl later."

"Which of them? Para naman masabi ko agad kung anong gusto ng babae mo."

Sumandal si Lorenzo sa upuan at pinagkrus ang braso. "Yancy, hindi porket pinsan kita ay kakausapin mo na ako ng ganyan. Tandaan mo, boss mo ako."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Boss nga kita pero mas boss ko si Tito Loreen. Magagalit na naman iyon kapag hinayaan kitang makipag-date sa kaninong babae tapos malaman na lang namin na anak pala ng isang investor."

"Hey! It won't happen again." Napa-ayos ng upo si Lorenzo dahil sa sinabi ng pinsan.

"Ya... tell me it won't happen kapag hindi ka na isang playboy." Ibinaba nito ang hawak na folder. "Dennis is asking me kung sasabay ka ba sa kanya mamaya. Dadalawin niya yata si Tita."

Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi ni Lorenzo. "I won't. Just reserve me a table in Kazy Food Elite."

Hinarap na niya ang mga papeles na nasa mesa niya.

"Okay. Basahin mo pala iyang folder. Para iyan mamaya sa meeting me." Tumalikod na si Yancy at iniwan siya.

Isinandal ni Lorenzo ang kanyang likuran at ipinikit ang mga mata. Ilang buwan na ba ang lumipas pero wala pa rin nagbabago sa nararamdaman niya. Nagluluksa pa rin sila sa pagkawala ng pinaka-importanteng babae sa kanilang buhay. Ang kanyang ina. Namatay ito dahil sa sakit sa puso. Biglaan ang lahat at hindi naging madali sa kanila ni Dennis ang lahat.

Kinuha niya ang phone at hinanap ang number ng nakakabatang kapatid. Tinawagan niya ito.

"Napatawag ka?" Bungad ni Dennis sa kanya.

"I can't make it later. Ikaw na lang ang dumalaw kay Mommy mamaya," aniya.

"Okay." Iyon lang at binabaan na siya ng tawag ng kapatid.

Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Kagaya niya ay nagdadalamhati din ang kapatid pero mas magaling itong humawak ng emosyon. Mas bata ng dalawang taon sa kanya si Dennis at kakahawak lang nito ng The Madrid Malls pero agad nitong napatunayan ang sarili sa lahat. Sa isang taon nitong hawak ang mall ay agad na tumaas ang sales noon. His brother is smart but cold. Mas lalo itong naging malamig sa mga tao ng mawala ang ina. Kabaliktaran naman siya ng kapatid.

He is flirt. Inaamin niya iyon. He loves to play and have fun. Ang sabi nila, kapag panganay ka ay seryuso sa buhay pero na iiba siya. He doesn't want to be in a serious relationship. Love is not his thing. Mula noon at hanggang ngayon ay hindi siya naniniwala sa pagmamahal. Lumaki sila ni Dennis na hindi iyon nakikita sa kanilang magulang kaya paano siya maniniwala. His father marries his mother because of business and power. May-ari ng tatlong mall ang mga magulang ng kanyang ina at nang magpakasal ang kanyang mga magulang ay pinag-isa iyon. Ang ina niya ang namahala ng mall habang ang ama niya sa airlines. His parents are not in good terms. Lumaki sila na ang ina ang laging kasama dahil madalas na wala ang ama sa bansa.

Sa harap ng maraming tao ay maayos ang relasyon ng kanyang magulang pero kapag ang mga ito na lang ay madalas na nag-aaway ang mga ito. He was in high school when he found out that his mother is having an affair. Ayon sa narinig niya ay ang lalaking iyon talaga ang minamahal ng kanyang ina. Matagal na ang mga ito at napilitan lang magpakasal ang ina dahil sa magulang nito. Makikipaghiwalay na sana ang ina sa kanilang ama ng mamatay ang lalaki sa isang aksidente. Doon niya nakita kung paano nagdalamhati ang ina na siyang naging dahilan para mapabayaan nito ang sarili.

Dennis doesn't know everything about their mother's affair. Hindi niya pinapaalam sa kapatid. Para saan pa at wala na din naman ang kanilang minamahal na ina. Ayaw na niyang dungisan ang ala-ala nito. Sapat ng ang alam lang nito ay isang mabait at mapagmahal na ina at asawa ang kanilang ina.

Lorenzo doesn't want to repeat the same mistake his parents did. Kaya nga ayaw niyang magpakasal o magkaroon ng pormal na relasyon. He doesn't know how to love. Wala siyang paki-alam doon.

IPINARADA NG driver ang kotse sa tapat ng eskwelahan na pinapasukan niya. Kinuha ni Ashley ang bag niya at lumabas. Hindi na siya nagpaalam pa sa driver. Isang sling bag at laptop bag ang hawak niya. Inayos ni Ashley ang suot na salamin bago naglakad papasok ng paaralan.

Ashley Samantha Elizabeth Martinez-Cortez is the only heirs of Cazza Pilar Group of Companies. Pang-apat sa pinakamalaking kompanya sa bansa. Pagmamay-ari ng mga Cortez ang Cazza Pilar at ang ama niya ang may-ari noon. Tatlong magkakapatid ang Cortez. Si Armando Cortez na siyang ama niya. Ivylyn Rose Cortez-Saavadra ang panganay sa magkakapatid at siyang pinakamayaman dahil ang pinakasalan nito ay ang may-ari ng Redwave Group of Companies. Ang bunso ay ang siyang nakapangasawa ng Korean, si Zenny Corterz-Kim. May-ari ng Kingstate Incorporated ang asawa ni Tita Zenny na may branch sa Korean.

Naglakad si Ashley papunta sa una niyang subject ng araw na iyon. She doesn't have a friend. At wala siyang balak na magkaroon ng kaibigan. Sa antas niya sa buhay ay malabong makahanap siya ng kaibigan na tapat. Ilang beses na ba siyang nagkaroon ng kaibigan at patalikuran siyang siniranan. Simula noon ay wala na siyang naging kaibigan. Tanging ang pinsan na lang na si Alex at Lincoln ang hinayaan niyang maging malapit sa kanya.

Sa dulong bahagi umupo si Ashley. She looks like a loner person but she not. It's her choice to be aloof and alone. Pagkatapos ng kanyang klase ay pumunta siya sa paborito niyang restaurant. Iniwan ng driver ang kotse niya at ang susi. Ashley loves pasta but her mom doesn't want her to eat such kind of food. Kaya kapag may pagkakataon na makakatakas siya ay kumakain siya.

Pagkatapos niyang kumain ay pumunta siya ng parking lot. Nagsalubong ang kilay niya ng mapansin ang gulong ng kanyang kotse. Sinipat niya iyon ng mabuti.

Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Nakalimutan na naman ba ni Mang Elmer?" Na-iirita niyang sabi.

Kinuha niya ang phone sa bulsa at tatawagan na sana ang family driver nila ng may isang lalaki na lumapit. Nagsalubong ang kilay niya.

"Who are you?" Mataray niyang tanong.

Nagtaas ng tingin ang lalaki. Nagtagpo ang kilay niya ng ngumiti ito.

"Flat ang gulong mo." Itinuro nito ang gulong niya.

"Nakikita ko nga." Inis niyang sabi.

"I will help you. Wag ka ng tumawag ng mekaniko. I have spare tires in my car." Lalong lumawak ang pagkakangiti ng lalaki.

Tatanggi na sana siya ng mabilis siyang nilampasan ng lalaki. Lumapit ito sa sasakyan na nasa likuran ng kanyang sasakyan. Tumaas ang kilay niya. Kung ganoon ay tutulungan siya nito dahil hindi maka-alis ang sasakyan nito kapag hindi maalis ang sasakyan niya.

'Anong akala mo? Na interesado sa iyo ang lalaking ito,' sabi ng mataray niyang isipan.

Huminga siya ng malalim. Well, hindi naman siguro siya masisisi ng kahit sino. Hindi sa pagbubuhat ng sariling upuan pero maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Alam naman niya kung bakit. She is not only a beautiful woman but she also came from a wealthy family. She is a good catch.

Sinundan lang ni Ashley ng tingin ang lalaki habang pinapalitan nito ang gulong niya. Pinagkrus niya ang braso at sumandal sa kotse ng lalaki. Pinagmasdan niyang mabuti ito. Gwapo ang lalaki at hindi niya iyon matatanggi. He has this face that looks like a foreigner. Pupusta siya at may lahi ito. Maputi at maganda ang katawan ng lalaki. Agaw pansin din ang height nito na hindi pangkaraniwan sa isang Pinoy. Dumako ang mga mata niya sa mukha ng lalaki. His face is not ordinary. Halatang galing sa maykayang pamilya. Iyong pilik-mata nito ay mahaba at may kurti, pansin na pansin iyon sa kinatatayuan niya. Mapula ang labi nitong hugis puso. Matangos din ang ilong nito. Ang masasabi niya, ten over ten ang puntos na ibibigay niya sa kagwapuhan lalaking tumulong sa kanya .

'But he is not my type. Masyadong clean. Maraming babaeng naghahabol dito.'

Ngumiti siya. Nang tumayo ang lalaki ay lumapit siya. "Thank you."

"You're welcome." Pinunasan ng lalaki ang dalawang kamay gamit ang basahan na mula sa likurang bulsa ng pantalon nito.

"How can I repay you for fixing my tires." Ayaw man niya ay nais pa rin niyang gumawa ng mabuti sa lalaking ito.

Na-alala niya ang pangaral sa kanya ni Tita Ivy patungkol sa mga taong nagbibigay ng tulong sa kanila. Maari man na walang kapalit ang ibinigay nitong tulong ay kailangan parin nilang suklian.

Tumingin ang lalaki sa kotse niya. "Nothing. I just want to help you."

Nilampasan na siya ng lalaki. Sinundan niya ito ng tingin. Binuksan nito ang kotse at kumuha ng bagong damit. Nanlaki ang mga mata niya ng maghubad sa harap niya ang lalaki at nagbihis.

"What the hike?" sigaw niya.

"Miss, ano pa bang kailangan mo sa akin?" May bahid ng pagkainis na tanong ng lalaki.

"I want to repay you." Habol ang hiningang sabi niya.

"Wag mo ng alalahanin. Move your car now para makalabas na din ang kotse ko." Narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto ng kotse ng lalaki.

"Nope. I won't move my car until you agree to me." Matigas niyang wika.

Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa lalaki. Kailangan niyang bayaran ang ginawang pagtulong nito. Marinig niyang huminga ng malalim ito.

"Fine! I want to eat something sweet. Samahan mo ako."

Sa sinabi ng lalaki ay humarap siya. "Saan?"

Nang marinig na kakain ito ng matamis ay bigla siyang natakam. Mahilig din kasi siya sa matamis at kagaya nito ay nais din niyang kumain noon. Ilang sandaling natigilan ang binata bago nakabawi. Umiling ito habang may ngiti sa labi. Sumakay ito ng kotse pero binuksan ang bintana.

"Alam mo ang store na Sugar Light?"

Tumungo siya. Kilala niya ang café na iyon. Doon mabibili ang paborito niyang strawberry shake at ice cream. Agad siyang pumasok ng kanyang kotse at bunuhay iyon. Truth to the man words, pinuntahan talaga nila ang Sugar light. Pagdating nila doon ay marami mga estudyanteng napatingin sa kanila. Hindi niya iyon pinansin at naghanap ng ma-uupuan. Sa pinakasulok ng café sila umupo.

"What do you want?" tanong ng lalaki.

"I will order," aniya at tumayo.

Sa sobrang excited niyang kumain ng ice cream ay hindi niya tinanong ang lalaki sa kung anong gusto kaya pagdating niya sa cashier ay hindi niya alam kung anong bibilhin para sa kasama. Ayaw naman niyang iwan ang pwesto para lang tanungin ito. Wala siyang balak na pumila ulit.

She orders strawberry ice cream while for her companion, she orders chocolate ice cream. Hinihiling niya na sana ay magustuhan ng lalaki. Hawak ang dalawang ice cream ay bumalik siya sa mesa nila ngunit nagsalubong ang kilay niya ng may nakitang isang babe na nakikipag-usap sa kasama. Ma-ingat siyang lumapit.

"Miss, I said, I'm not giving my phone number to you. May kasama ako at baka pabalik na siya. Could you please leave?" Maayos ang pagkakasabi ng binata pero may diin iyon.

"Come on, it's just a number. You will happy to text and call me. I'm good listener." May lakip na pang-aakit na sabi ng babae.

"I'm not interested. Please! Leave now." Na-iinis ng sabi ng lalaki.

Napangiti siya. Iba din pala ang lalaki sa mga nakakasalamuha niya. Naalala niya ang dalawang pinsan dito. Ganoon din kasi pagdating sa mga babaeng lumalapit. Alex is loyal to Sapphire while Cole is loyal to Trixie. Ilang taon na ba ang relasyon ng kanyang pinsan sa mga ito. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi bago taas noong naglakad palapit sa lalaki. Inilapag niya ang dalang ice cream.

"Babe, I know you like chocolate ice cream." Malambing niyang wika sa lalaki.

Sabay naman niyang nakuha ang atensyon ng mga ito. Hindi niya tiningnan na babae. Nagpanggap siyang hindi ito nakikita. Umupo siya sa upuan na katabi ng lalaki. Ngayon niya lang napagtanto na hindi niya pala alam ang pangalan ng lalaki.

"Thank you." Tanging nasabi ng lalaki na mukhang na-ilang. Kinuha nito ang ice cream na binigay niya.

"You're welcome, babe." Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil.

Kung titingnan ay para siyang naglalambing sa lalaki pero iyon ang paraan niya para sabihin dito na makisama ito sa palabas niya at ng lumayas na ang babaeng kasama pa rin nila sa mesang iyon. Mukhang nakuha naman ng lalaki ang ibig niyang sabihin dahil ngumiti ito ng matamis. Akala niya ay mag-iinarte pa ito.

"Where are we going after this, babe?" tanong niya.

"Let's visit, mom." Sinimulan na nitong kainin ang binili niyang ice cream.

"Okay. I miss Tita." Sinimulan na din niyang kumain.

Sinulyapan niya ang babae. Kunwari ay nagulat siya ng makita. "Hi there. May I help you?"

Galit siyang tinitigan ng babae bago tumayo at padabog na umalis. Tumaas ang kilay niya. What a bitch? Tama lang na ginawa niya iyon dito. A person like that woman needs to learn how to accept no. Well, she is a bitch also but she knows her limit. Kapag ayaw ng isang tao sa kanya ay hindi niya pinagpipilitan na sarili. Marunong siyang pahalagahan ang sarili.

Muli niyang ibinalik ang atensyon sa pagkain ng ice cream.

"We are even now," aniya sa lalaki. Tumingin siya dito.

Tumaas lang ang kilay nito at hindi pinansin ang sinabi niya. Lalo siyang natuwa sa ginawa ng lalaki.

"I like you. Not romantically but as a person. I'm Ashley Samantha Elizabeth Martinez-Cortez. Nice to meet a man like you." Inilahad niya ang kamay dito.

Tinitigan muna ng lalaki ang kamay niya bago tinanggap. "Dennis Renzo Santos-Madrigal. Nice to finally meet the heiress of Cassa Pilar."

Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Unang bumitaw si Dennis sa pakikipagkamay sa kanya. "So, you know me?"

"A while ago? No." Prangkang sagot ng lalaki.

"Oh! Hindi mo kilala ang mga Cortez." Sumandal siya sa upuan. Hawak niya ang baso ng kanyang ice cream.

"I know Cortez. Who won't know them? I just don't know their faces. Like you, I didn't know you are Ashley Cortez but I can see that you are from a wealthy family."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Well, I'm not interested to introduce myself to the public. It happens that I like you as a person. I want you to be my friend."

Tumigil sa pagsubo ng ice cream ang binata at tumingin sa kanya. Binigyan siya nito ng nagtatanong na tingin. Gusto niyang tumawa sa klase ng reaksyon na meron ito.

"Why are you looking at me like that?"

"Friend? Gusto mo akong maging kaibigan?" Natatawang tanong nito.

"Yes. What's wrong with that?"

Hindi nakapagsalita ang lalaki. Sumandal din ito at pinakatitigan siya. Ilang minuto din silang nagsukatan ng tingin ni Dennis bago ito ang kusang sumuko.

"Are you hitting on me, Ms. Cortez?"

Nanlaki ang mga mata ni Ashley. Nagulat siya sa tanong ni Dennis. Isang malakas ng tawa ang narinig sa buong shop.

"Don't flatter yourself too much, Mr. Madrigal. Yes, you are handsome. Yes, you are rich. And yes, every girl might be interested in you. But not ME. You are not my type. Hindi pa pinapanganak ang tanong magugustuhan ko."

Nawala ang ngiti sa labi ni Dennis. Hindi naman kalakasan ang boses niya kaya nasisigurado niya na ito lang ang nakarinig sa mga sinabi niyang iyon. Muli niyang inilahat ang kamay dito.

"So, let's be friends?"

Like it ? Add to library!

HanjMiecreators' thoughts