webnovel

Confess To You

uncrushyou · 若者
レビュー数が足りません
7 Chs

Chapter 5:

Part 5

Removed Messages

Lumpia. Hmmm.

Ang sarap ng lumpia.

Lenny?  Bakit nandito si Lenny sa harap ko? At saka bakit niya hawak-hawak ang paborito kong lumpia?

Ngumiti siya sakin na parang iniinggit ako sa hawak niyang lumpia habang ako ay naglalaway na nakatingin lang sa kanya.

Bakit... Bakit hindi ako makagalaw? Gusto kong hablutin ang lumpia. Pero hindi ko magawa dahil parang paralisado ang katawan ko.

Maya-maya ay unti-unti siyang tumalikod sakin at naglakad palayo.

No! Ang lumpia! Ang lumpia ko—

"Ang lumpia ko!" Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama.

Panaginip? Na naman? Argh. Panaginip tungkol sa lumpia?

What the inang tapa!

Tapos nandyan pa si Lenny? Of all the people, si Lenny pa talaga? Hindi na yata panaginip yun e, bangungot na.

Napatingin ako sa alarm clock sa bedside table.

Tipaklong!

6:30 na!

Tumalon na ako mula sa kama at pumasok sa banyo. Dali-dali na akong naligo at nagbihis ng uniform. Wala pang 15 minutes ay tapos na ako.

Agad akong bumaba at hinanap si Mama.

Nakita ko si Papa sa dining, nagkakape. Si Mama naman ay nagluluto.

"Ma? Good morning po. Hindi na po ako mag-aalmusal. Late na po ako." Hinalikan ko siya sa pisngi at tumalikod na para bigyan rin ng halik sa pisngi si Papa, at para na rin magpaalam.

Narinig ko ang tawa ni Mama sa likod ko kaya napatigil ako. Napakunot ang nuo ko.

"Nak, ano ba ang iniisip mo? Saturday ngayon." Tumawa na naman siya at sinabayan pa ni Papa.

"H-Huh? Anong Saturday?" Gulong-gulo kong tanong.

"Sabado, baby." Papa simply said like it explains everything.

At napasapo na lang ako sa mukha ko nang napagtanto ang nangyayari.

Tanga, Dyana. Saturday, as in walang pasok ngayon!

At tumawa na naman silang dalawa habang nakatingin sa reaksyon ko.

"Hehe. Oo nga, Ma, Pa. Saturday ngayon." Kinamot ko ang ulong gulu-gulo pa ang buhok.

Mental face palm. Ano ba ang iniisip ko.

"Halika na rito, Nak. Mag-almusal na tayo," aya sakin ni Mama habang hinahanda niya ang almusal sa lamesa.

"Sige po." Ibinaba ko ang bag at naupo na sa pwesto ko.

"Let's pray," sabi ni Papa.

Matapos niyang umusal nang simpleng pagpapasalamat sa Panginoon ay kumain na kami.

Habang magana akong kumakain ay tinanong ako ni Papa kung bakit ko nakalimutan na Sabado ngayon.

"Eh, kasi po binangu—I mean, nanaginip po ako. Kinuha raw ng halimaw ang paborito kong lumpia." Pareho na naman silang natawang dalawa dahil sa sinabi ko.

"O, sige. Sasabihan ko si Manang Pasing na lutuan ka ng paborito mong lumpia kapag umuwi na siya bukas ng hapon, okay?" Malumanay na sabi ni Mama.

Oo nga pala. Bukas pa ng hapon makakauwi sina Aleng Pasing at Ate Kyra. Weekend kasi ang day off nila. Medyo malayo pa ang inuuwian ni Aleng Pasing at si Ate Kyra naman ay umuuwi sa orphanage na pinagbubuluntaryuhan niya, medyo malayo rin sa village namin.

Umaliwalas naman ang mukha ko sa sinabi ni Mama.

Masaya akong tumango-tango dahil dun.

"Bigyan mo ako, nak ha?" Binuntunan pa yun ng malakas na tawa ni Papa.

"Pag-iisipan ko pa, Pa," pagbibiro ko at natawa kaming tatlo dahil dun.

Natapos ang almusal namin at nagpresenta akong maghugas ng pinggan.

Nagpaalam naman si Mama at Papa na pupunta kina Tito Alec at Tita Ellen. May gagawin yata sila tungkol sa okasyon na gaganapin sa paparating na buwan ng Hunyo.

Nang natapos ay umakyat na ako sa kwarto.

Sumampa ako sa kama.

Ano ba ang pwedeng gawin ngayon? Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kwarto ko kung nasaan ang mini library ko.

Magbasa kaya ako?

Tumayo ako at pumunta sa harap ng book shelf, kumuha ng isang libro. A book entitled A Journey of a Lifetime by Rick Price.

Naupo ako sa mini sala ng mini library ko at nagsimulang magbasa.

Ilang minuto ang lumipas nang matapos kong basahin ang libro. I'm bored again.

Right. My phone.

Nasaan ba ang cellphone ko? Tumayo ako at hinanap ang cellphone. Nasa ilalim pala ng unan ko.

Naupo ako sa kama at humalukipkip.

I opened my fb account. Tumunog ang ilang notifications, mula pala sa messenger.

Guia:

Babe, tulog ka na? ☹️

Kagabi pa pala 'tong message niya.

Ako:

Good morning, Babe! 😂

Seen

Guia:

Haha! Good morning~

Na-late ka na naman

ng gising 'no?

Ako:

Hoy, hindi naman palagi. :<

Guia:

Hahaha! 😛

Bastos na bata.

Ako:

Hoy PO, hindi naman PO

palagi PO. 🙄

Guia:

Very good! Three stars

for you! 😆--->⭐⭐⭐

Nagsunud-sunod naman ang pagtunog ng notifications ko sa Messenger, active sila sa group chat namin.

GC ng mga DYOSA: 💁🧚

Guia:

GUYS! HAHAHA

Gising na ang prinsesa

natin!

Loren:

Ingay mo, bee! @Guia 🤨😐

Morning, bunso,

Yannie! Haha!

Aiza:

Good morning, Keith~ 😘

Ako:

Hello! Haha. Good morning,

mga Ate Dyosa! 😆

Guia:

Soweee naman. Di

tayo bati. @Loren 😭

Aiza:

Ke-aga, away na naman

kayo. @Guia @Loren??

Ako:

F.O.? 🙀

Guia:

Sinuswerte ka, babe??

Seryoso yan?

Loren:

Hindi ah! Kahit lokaret

yang si Guia, iiyakan ko

yan kapag nawala. HAHA!

Ako:

Yieee! Dyan tayo,

mga Ate Dyosa! 😌

Guia:

Kikiligin na sana ako e!

May 'HAHA' pa sa dulo.

Hmmf.

Aiza:

HAHAHA! Seryoso na

siya nyan, Gi! 🙈

Ako:

Hala, may kwento ako, mga Ate Dyosa! 😭

Guia:

Gora!

Loren:

Ow?🤔

Aiza:

Spill, dal! 😝

Ako:

Napanaginipan ko si Lenny! 😱🤯

Guia:

HAHAHA!

Bangungot na yata yan, babe!

Loren:

Haha! Pagkatapos?

Aiza:

Yung Lenny Abe Natsumi?

Face of the Campus?

Ako:

Oo, siya nga. Bangungot nga yata. Kasi sa panaginip ko, hawak-hawak niya yung pinakamamahal kong lumpia tapos ngiting-ngiti siya sakin na parang iniinggit ako. Tapos inilayo pa yung lumpia ko!!😭

Aiza:

Hahaha!😝 Epic! Bangungot

nga talaga! Buti, nagising

ka pa, Keith! 🤯

Ako:

Oo nga e, nakakakilabot.😫 Tapos nung nagising ako, halos lumipad na ako pababa ng hagdan namin. Papasok na sana ako, pinagtawanan ako nina Papa. Sabado pala! 🤦

Aiza:

What? HAHAH you're unbelievable!

Guia:

HAHAHA! Meron ka, babe? Bakit nagki-crave ka sa lumpia? 😆

Loren:

Wadapak! Hahaha!

Si Lenny pa talaga!

Bakit mo nakalimutang

Sabado ngayon?

Ako:

Kawawa lang ang limpia ko. 😭

*lumpia

Madami lang siguro akong iniisip. 😥

Guia:

HAHAHA

Loren:

Kawawa naman ang bunso

namin. Wag mong sarilinin lahat, nandito kami. Alam mo yan.

Aiza:

Paluto ka kay Aleng Pasing, Yan! 🤤

@Guia tama, nandito lang kami.

*Hug*

Ako:

Aww. Wala 'to. Pero salamat, alam ko yun. 😘 Sabi nga ni Mama. Haha. Kaya lang bukas pa ng hapon kasi bukas pa sila uuwi.

Guia:

Penge!

Loren:

🤤

Ako:

Next friday, sasabihin ko kay Mama na pupunta kayo dito. ☺️

Guia sent a photo

Ako:

Oh, nagluto kayo? Pengeeee!

Loren:

Meron naman pala, ba't ka

pa makikihingi kay Yannie?

Penge din ako! :'<

Aiza:

Meh.🙄

Guia:

Kinuha ko sa internet. HAHAHA

Loren:

🤦

Aiza:

HAHAHA @Loren

Yes! Namimiss ko na si Tita!

😘😘 @Dyana

Guia

Wehh? Spoiled ka lang kay Tita e. @Aiza

Tumunog ang notification ng Messenger ko.

Kenneth Aguirre sent you a message.

What the— Namilipit ako sa kilig at hindi na ako magkandaugaga sa pagpindot ng screen ng cellphone dahil sa nakita.

Me-ni-ssage ako ni Ken baby ko! Nagtatatalon pa ako sa ibabaw ng kama ko. I can't express my excitement!

I clicked it open and to my disappoinment, wala akong naabutang message.

Kenneth:

Kenneth removed a message

Kenneth removed a message

Parang bigla akong na-drain. Umasa na naman ako—si Dyana, na tanga para lang kay Kenneth Borce Aguirre.

Bakit? Bakit niya tinanggal? Kung sakali ay yun ang kauna-unahang message niya para sakin.

Dalawa pa! Dalawa pa sana!

Na-wrong sent lang ba siya? Imposible naman sigurong may kapangalan ako sa Facebook na friend niya pa at ka-chat, di ba? Malabo yun.

Baka nagloko lang si Messenger? Baka niloloko niya lang ako? Minsan kasi, maloko yang si Messenger e!

Gusto kong maglupasay. Nanghihinayang ako. Nakakasakit naman 'to sa puso.

Ayaw ko naman siyang i-message at tanungin kung ano 'yon. Ayaw kong maging feeling close sa kanya, baka ma-weirduhan pa sakin. Baka isipin niya pang papansin ako kahit medyo totoo naman talaga. Gusto ko sanang itanong kung ano yung message niya sakin pero tinubuan ako ng hiya.

Hindi kapani-paniwalang si Dyana Keith Solis, anak nina Ysabelle at  Dave Arthur Solis, ay may hiya pa palang itinatago.

Nakakainggit ang ibang mga babae sa pagiging bulgar ng nararamdaman. Bakit hindi ako ganun? Bakit ang pabebe ko?

Nakakainis!

Nag-post ako ng status sa Facebook dahil sa pagiging frustrated. Inuna pa kasi ang kilig! Tanga mo talaga, Dyana!

Dyana Solis

Just now •

For a minute, you made me smile. Later after that, you also made me sad.

I don't want to be in an unrequited love anymore. :'<

  

🦋

uncrushyou