webnovel

CHAPTER 1

"Thalia! Apo ay gumising ka na at alas otso na ay hindi ka pa nag-aalmusal," dinig kong sabi ni Lola Ana.

Nag-inat ako at bumangon na din. Napangiti ako ng marinig ko ulit si Lola. Napaka-maalalahanin niya talaga. Kaya naman kahit wala na akong mga magulang ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng isang magulang.

Sampung taon pa lang ako noong mawala ang mga magulang ko. Namatay sila sa aksidente kaya naman sina Lola Ana at Lolo Gibo na ang nagpalaki sa akin. Lagi nilang pinararamdam sa akin na kahit wala na sina mama at papa ay mahal na mahal naman nila ako.

Medyo tanghali akong nagising ngayon, Sabado naman kasi at walang pasok. Ganito kasi ako kapag walang pasok medyo late na talaga ako bumabangon. Well, di pa naman masyadong late ang alas otso di bah? Balak kongpumunta sa mall ngayon, may sale kasi sa SM MOA ngayon hanggang bukas lang yun, eh ayaw ko naman bukas pumunta kasi magsisimba kami nina lola at lolo. Hindi naman masyadong malayo ang MOA dito sa Makati kaya ok lang kahit late na pumasyal.

Isasama ko pala sina lola at lola ng makapasyal din naman sila. Excited akong lumabas ng kuwarto. Aba ano itong nadatnan ko.. ang lolo at lola ay napaka sweet naman.

"Lo, La good morning po. Aga ang sweet po ah.. andami tuloy langgam," bati ko na may halong biro sa kanila.

"Hay naku ikaw talaga apo, ito kasing lolo mo ay nagpapa-baby at nirarayuma na naman", sabi ng lola ko.

Hala kaya naman pala. Hayst kawawa naman ang lolo ko. Naku mukhang hindi pa yata sila makakasama sa akin sa mall.

At dahil nga nirarayuma si lolo ay hindi na nga sila nakasama sa akin sa mall. Tinawagan ko si Gina para yayaing sumama. Sa school si Gina ang pinaka-close ko sa lahat. Magkasing-edad kami at maraming mga bagay kaming mga pagkakapareho kaya naging madali para sa amin ang maging malapit na magakaibigan. Ngunit busy daw siya sa paglilinis ng bahay. Kasipag naman ng kaibigan ko ngayon, ano kayang nakain niya.

After lunch ako nagpunta ng mall. Hay naku po ang daming tao. SALE nga kasi kaya ganun. Tumingin-tingin na ako sa mga paninda na naka-sale. Hays gusto kong bilhin lahat. Haha wish ko lang.

Sa wakas nakapili na rin ako, isang bag tatak Secosana ito. Nagandahan talaga ako dito, kulay peach ito at hindi rin naman ganun kalaki pero hindi din naman maliit, in short katamtaman lang.

Lumabas na ako sa tindahan na binilhan ko ng bag at naglakad-lakad. Nakaramdam ako na kailangan kong mag CR. Buti na lang at hindi marami ang taong dito ngayon, tatlo lang kami. Napansin ko ang isang babae na nakahawak sa hindi ko sigurado kong sa tiyan o puson.. Nilapitan ko siya.

"Miss ok ka lang ba?", tanong ko sa babae.

Tinignan niya ako at napansin kong namumutla siya at may butil butil ng pawis sa noo niya.

Hala baka natatae ang babae pero nahihiya lang ito- sabi ko sa isip ko.

"Masakit kasi ang puson ko.. ganito kasi talaga ako kapag may dalaw ako.", sagot niya.

Ah hindi naman pala siya natatae.

"Ah ganun ba, gusto mo bang sumama muna sa akin? " tanong ko sa kanya.Medyo nag-alangan siya. Kaya naman binigyan ko siya ng assurance na hindi ako masamang tao at wala akong balak na masama sa kanya.

"Ako si Thalia Fajardo Inocencio," nakangiti at sabay lahad ko ng kamay sa kanya.

"Claire Thalia Concha," nakangiwi niyang sagot at nakipagkamay sa akin.

Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan niya. May Thalia din ang pangalan niya.

Nakarating kami sa Jollibee. Sakto may bottled water pa ako. Lumapit ako sa water dispenser at nilagyan yun ng mainit na tubig at bumalik sa mesa namin at binigay yun kay Claire upang idikit sa may parte ng puson niya. Turo kasi sa akin ni lola yun eh. Dapat warm water ha.. hindi naman yung mapapaso na sobrang init.

Umorder na din ako ng soup para sa kanya, at umorder naman ako ng chickenjoy meal para sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay napansin kong medyo hindi na namumutla si Claire. Galing tlaga ng lola ko. Pinakain ko sa kanya ang soup habang mainit pa. At ako naman ay kinain ang inorder kong chickenjoy meal.

"Naku, pasensiya ka na Thalia ha, naabala pa kita at salamat ng marami dahil kung di mo ako nakita sa CR baka nahimatay na ako, umiikot na kasi tlaga ang paningin ko kanina.", pasasalamat ni Claire sa akin.

"Naku wala yun, kahit naman sino siguro gagawin din yun," medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya ulit at ipinagpatuloy ang pagkain. Natutuwa ako sa kanya kasi mukha naman siyang mabait. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami sa may upuan sa may gilid ng Jollibee.

"Alam mo sa tingin ko magkasing-edad lang tayo," sabi ni Claire sa akin.

"Twenty-six years old na ako, ikaw ba?" sagot ko naman sa kanya.

"Wow tama ako, same age tayo." Natutuwa nitong sabi at bahagya pang napapalakpak.

Maganda si Claire may hawig siya kay Angelina Jolie kumbaga nga lang eh Asian version siya. Sa unang tingin mo palang sa kanya ay halata mo na agad na mayaman siya. Branded lahat ng suot niya mula ulo hanggang paa. Nakakatuwa lang dahil kahit na mayaman siya ay kita mong mapagpakumbaba siya at marunong makisama sa kapwa kahit na anong kalagayan nito sa buhay.

Nagkwentuhan pa kami at nalaman ko na isa pala siyang fashion designer. Naramdaman ko ang paghanga niya nang sinabi ko sa kanya na isa akong guro.

Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Medyo may pagka-madaldal din kasi eh. Nakakatuwa na makakilala ng isang tulad niya.

"Sana maging magkaibigan tayo Thalia," malambing na turan nito sa akin.

"Oo naman, natutuwa nga ako sa'yo kahit na simple lang ang pamumuhay namin ay gusto mo pa rin akong maging kaibigan," buong sinseridad kong tugon sa kanya at nagyakapan kami. Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng bagong kaibigan. Pakiramdam ko magiging malaking bahagi siya ng buhay.

Naputol ang moment namin nang tumunog ang cellphone ni Claire.

"Yup kuya, andito lang ako sa may gilid ng Jollibee, ground floor sa left wing." Narinig kong sabi niya sa kausap niya. Kuya marahil ay yun yung kinukwento niya kanina na kapatid niya. Sana may kapatid din ako.

Pagkatapos niyang kausapin yung kuya niya ay nagkwentuhan ulit kami. Kinuwento ko sa kanya na wala na akong mga magulang at lumaki ako sa lolo at lola ko. Nakita kong nalungkot siya para sa akin pero sinabi ko naman sa kanya na tanggap ko na ang pangyayari at masaya naman ako sa pagmamahala na binibigay nina lolo at lola.

Hanggang maya-maya ay may dumating na parang kamag-anak ng mga Greek gods sa Mt. Olympus. Naglalakad ito papunta sa amin ni Claire. Kung titignan para itong hari kong maglakad talaga namang kahit sino ay mapapatingin. Hindi ko na naintindihan ang ibang sinasabi ni Claire dahil nakatuon ang atensiyon ko sa lalaking papalapit sa amin.

- MeChA883 -