webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Visit

Tatlong araw na lang at engagement party na pala nila.

Nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin pauwi sa bahay para sa ilang araw na pananatili sana sa bayan, kung saka-sakali, nang makita ko sa Facebook ang isang impormasyon na nagsasabi tungkol sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng Lizares at Osmeña. Hindi man inilagay ang pangalan nila, alam kong si Sonny at MJ ang tinutukoy no'n.

Kung kailan ang kasal, 'yon ang hindi ko pa alam. Hindi na kami masiyadong nakapag-usap kanina habang nagwo-walking. Tahimik kaming dalawa dahil siguro sa hindi magandang pag-uusap namin kagabi.

Hindi ko pinahalata sa dala kong bag na marami akong dala. Kung sakaling tanggapin ulit ako ng mga magulang ko, siguro, doon na ako titira. Hahayaan ko na siya. Tatanggap ako kung may tulong siyang ibibigay. Pero gaya ng sabi ko, pera lang.

Habang pababa ng hagdan, narinig ko ang mala-kulog niyang boses na dumagundong sa tahimik na bahay. Mas lalo kong binagalan ang paglalakad dahil sa unang pagkakataon, sa ilang linggo naming pagsasama rito, maririnig kong may kausap na siya sa cell phone. Minsan kasi nasa loob lang siya ng kuwarto niya.

"Mom, I told you, I can't go. Cancelled lahat ng flights na kinuha ni Samuel. Besides, hindi na ako makakaabot d'yan in case makabili man ng ticket… Malay ko bang ngayon 'yong alis niya. I thought kahapon pa siyang nandiyan… I don't know. I told you, I was busy these past few weeks… Oo, mamaya, uuwi na ako sa bahay."

Mukhang galing sa kusina ang boses kaya rinig na rinig ko ang bawat salitang sinabi niya, pati ang paghinto, narinig ko rin.

"I'll be on her graduation day, Mom."

Nanatili ako sa salas ng bahay. Naghihintay kung kailan siya lalabas ng kusina. Mukhang Mommy niya ang kausap niya.

Ang tanging hiling ko na lang ngayon ay sana at tanggapin na ako ng mga magulang ko.

"A-Ayla, kanina ka pa?"

Napatingin ako sa may bukana papuntang kusina nang marinig ang boses ni Sonny, pero this time ay tinawag na niya ang pangalan ko.

Masiyado na naman ba akong natulala dahil sa naiisip ko?

"Kabababa ko lang. Ready na ako."

"Pansin ko, parang ang dami naman yata ng dala mo? Parang hindi ka na babalik dito, a?"

Pagak akong natawa sa sinabi niya. Hindi agad nakahanap ng salita no'ng una.

"H-Hindi naman, akala mo lang 'yon."

"Let's go, then?"

Tumango ako sa kaniya at hindi na sumagot pa. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Maski sa pinto ng sasakyan niya, siya rin ang umalalay sa akin.

Anak ng baboy naman. Handa na sana ako, e, handang-handa na, pero dapat talaga ganito ang ipinipakita niyang aksiyon sa akin? Ganito talaga, Sonny?

"Gusto mo bumili muna tayo ng makakain bago tayo bumiyahe?"

"Hindi na, busog pa naman ako sa agahan natin kanina. Magsasabi naman ako sa'yo kung nagugutom na ako."

"Okay then, fasten your seatbelt."

Tinulungan niya akong mag-ayos ng seatbelt bago kami tuluyang nakaalis ng subdivision para bumiyahe na pauwi sa bayan namin. Sa tantiya ko, dalawang oras na biyahe lang 'yon, pero depende kung gaano siya kabilis mag-drive at kung gaano karami ang sasakyan sa daan pero sumatotal talaga, dalawang oras lang ang aabutin kapag naka-private car ka.

Tahimik ang naging biyahe namin ni Sonny. Sa labas ng bintana lang ang tingin ko. Gusto ko sanang ipikit ang mga mata ko pero sa dami ng problemang bumabagabag sa akin ngayon, maski sa pagpikit ay nakikita ko na ang mga problema ko.

Ang inisip ko na lang ngayon ay kung anong sasabihin ko sa mga magulang ko. Kung susubukan ko lang ba ang pagsabi tungkol sa ama ng dinadala ko o talagang sasabihin ko ng diretsahan. Natatakot kasi ako na baka hindi sila maniwala at palayasin na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Iba't-ibang senaryo rin ang tumatakbo sa isipan ko. Kung anong magiging reaksiyon ko at ng mga magulang ko sa pagkikita naming ito. Kung anong sasabihin nila. Kung anong kahihinatnan namin ng anak ko kapag hindi na naman kami tinanggap sa pangalawang pagkakataon. Binigyan ko sila ng panahon para makahinga ng maluwag, siguro sapat na 'yon at sana'y tanggapin na nila ako.

Wala sa plano ko na isama si Sonny sa usapan. Walang-wala. Kung hindi lang niya pinilit sa akin na sumabay na sa kaniya pauwi sa bayan, baka nag-commute na ako ngayon.

Kailan ba ako huling nakauwi sa bayan namin? Last month? Last, last month? Hindi ko na alam. Sa dami talaga ng problema ko, sa pagpo-focus ko sa anak ko, I lost track of time.

Ito nga pala ang realidad mo, Ayla.

Mga bandang alas-diyes, nakarating na kami sa bayan. Ganoon pa rin, wala namang pagbabago… Escalante City pa rin naman itong nakikita ko. Nandito pa rin ang plaza, ang mini tower sa gitna ng rotunda, ang palengke, ang mga pamilyar na establishemento.

Na-miss ko 'to. Pero mas na-miss ko ang saganang kapaligiran na kinalakihan ko.

Am I really home? Or is this only a glimpse of my home?

"Are you really sure na hindi na muna tayo magla-lunch bago makauwi sa inyo?"

Sa pangalawang pagkakataon, tinanong na naman ako ni Sonny tungkol sa pagkain. Sa totoo lang, hindi ako nagugutom, hindi yata ako nakakaramdam ng gutom ngayon kumpara sa ibang mga araw.

"Okay na ako, Sonny. Hindi pa talaga ako nagugutom. At saka, sa bahay na lang ako kakain, kung sakali."

Papasok na kami ngayon sa daan papunta sa barangay namin. Kailangan kong maging alisto, baka idiretso niya ako sa bahay. Ang plano ko ay sa kanto na lang bababa at maglalakad na lang ako papasok sa kantong papunta sa bahay namin. Kahit gaano kainit, basta hindi lang malaman ng mga taong nakatira sa bahay namin na hinatid ako ng isang Lizares.

Nang makitang malapit na, inihanda ko ang sarili ko.

"D'yan na lang ako bababa, Son." Itinuro ko pa ang kanto kung saan ang daan. Medyo matataas na ang tubong nasa paligid at mukhang isa sa mga araw na ito ay iha-harvest na 'yan.

"Hindi pa naman 'to 'yong bahay n'yo, a?"

Napalingon ako sa kaniya. Gulat. Naaalala niya pa ang bahay namin? Sa pagkakaalala ko, isang beses niya lang ako inihatid sa bahay, at gabi pa no'n.

"Maglalakad na lang ako papasok."

"Tirik na tirik 'yong araw tapos maglalakad ka?"

"Sanay na sanay na naman ako, e. Dito kaya ako lumaki."

"Sanay ka nga pero 'yang nasa sinapupunan mo… hindi."

Doon ako natahimik. Oo nga pala, dapat pala sa lahat ng oras, kino-consider ko ang bata. It's not about you anymore, Ayla, it's about the baby. Tatandaan mo rin sana na ganiyang kabait si Sonny sa'yo dahil sa bata… lahat ng ito ay dahil sa bata.

"Promise, hindi ako bababa, ihahatid lang talaga kita."

Wala akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya. May magagawa pa ba ako? E, tama nga siya, masiyadong tirik ang araw kahit pasado alas-diyes pa naman ng umaga.

Tahimik kong tiningnan ang paligid ng bahay. Mukhang tahimik at mukhang sarado ito. Umalis ba sina Tatay? Nagtrabaho? Sabagay, weekdays pa naman ngayon. Hindi naman Linggo kaya anong rason nila para hindi magtrabaho?

"Salamat sa paghatid." Simpleng sabi ko habang inaayos ang mga gamit na dala ko.

"Text me or call me, agad, kapag may nangyari." Tumango ako sa sinabi niya. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at handa nang bumaba. "I'll fetch you on Sunday para sabay na tayong bumalik ng Bacolod."

Humigpit ang hawak ko sa handle ng pinto. Nagtiim bagang ako, pinipigilan ang sarili. Lumingon ako sa kaniya at diretsong tiningnan siya sa mga mata.

"Sonny, tama pa ba itong ginagawa natin? Tatlong araw na lang at ipagkakasundo ka na sa kaniya. Alam nating dalawa 'yon. But here you are telling me na you'll fetch me the day after your engagement with her."

Wow, Ayla, saan mo nahugot ang lakas ng loob mong magsalita ng ganiyan. Ang kapal naman ng mukha mo?

Sinalubong ko ang mga tingin niya, handa na sanang bawiin 'yong mga pinagsasabi ko, pero nang pagtingin ko sa mga mata niya, mas lalo itong nag-udyok sa akin na magsalita pa, na ilabas lahat ng hinanakit ko sa buhay.

"Para sa bata—"

"Para sa bata… para sa bata itong ginagawa mo. Pero hindi mo naman kailangang gawin 'to ngayon, e. Maiintindihan pa ng bata na wala ang presensiya ng ama niya sa paligid kasi hindi pa naman siya lumalabas sa mundo. Okay lang 'yon. Saka ka na lang magpakita kung kailan nand'yan na siya o 'di kaya'y kung kailan ka handang makilala siya."

Anak ng baboy, Ayla, itikom mo na 'yang bibig mo!

"You're the one who asked me to help you, Ayla. I'm just returning the favor."

"Pabor… Ayokong dalhin ako sa pagiging kabit nitong pabor na ito, Sonny. Salamat sa lahat nang naitulong mo sa akin sa loob ng ilang buwang pananatili ko sa ilalim ng bubong mo. Pero sa tingin ko, kaya ko nang buhayin ang bata. Hindi na kita guguluhin. Hindi mo na kailangang isipin na may responsibilidad ka sa akin. Ayokong maging pabigat sa'yo ang bata sa pag-abot ng mga pangarap mo. Salamat sa lahat, Sonny."

Isinarado ko ang pinto at walang lingunang naglakad ng bahay. Napahinto ako sa tapat ng bakod nang biglang manlabo ang mata ko dahil sa luha.

"Please, umalis ka na. Please. Please. Please."

Hindi pa rin umaalis ang sasakyan niya kaya bumulong na lang ako na sana umalis na siya. Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha ko, pinabayaan ko lang 'yon dahil nakatalikod naman ako sa kaniya at hindi niya 'yon makikita.

Ilang minuto ang nagdaan, umalis nang bigla ang sasakyan. Nakapasok ako sa loob ng bakod, pilit pinapakalma ang sarili ko.

Nailabas ko na ang lahat ng hinaing ko sa buhay. Okay na naman siguro 'yon? Anak ng baboy naman kasi 'yang bibig mo, Ayla, e.

Umayos ka, Ayla, kung ayaw mong bigwasan kita.

Iginala ko ang tingin sa paligid. Tahimik at walang katao-tao. Kaninong lupa kaya ang tinatrabaho ni Tatay? Kaninong labahin kaya ang nilalabhan ni Nanay ngayon? Naglalaba kaya siya o nasa bukirin siya ngayon? Miss na miss ko na ang mga magulang ko. Kahit ganoon ang naging trato nila sa akin simula no'ng mamatay si Ate Aylen, hindi nagbago ang tingin ko sa kanila. Sila pa rin ang dahilan ng mga pangarap ko sa buhay. Pero ano ang nangyari? Bakit humantong sa ganito?

Naka-lock 'yong bahay kaya kinapa ko ang ilalim no'ng isang paso sa tabi ng pinto. Nang maramdaman ang susi, napa-iling na lang ako.

Hanggang ngayon, dito pa rin tinatago nina Nanay ang susi.

Nakapasok nga ako sa bahay. Walang nagbago. Kung anong ayos nito no'ng umalis ako, ganoon pa rin ito ngayon. Walang pagbabago, bahay pa rin namin ito.

I'm home. I'm finally home.

Inilapag ko ang dala kong dalawang bag sa kawayang bangko namin at dumiretso sa kusina. Gaya ng dati, iniiwan pa rin nina Nanay ang mga hugasin.

Nasa bahay na talaga ako. Ito 'yong kinalakihan kong hindi ko pala kayang ipagpalit sa kahit anong yaman sa mundo.

Imbes na mainis sa iniwang hugasin, parang natuwa ang puso ko. Agad kong hinugasan ang mga hugasin. Isa sa mga gawain na madalas kong ginagawa sa tuwing nandito ako. Hindi pa nakuntento, pati ang buong bahay nilinisan ko na. Hindi naman masiyadong mabibigat. Nagtanggal lang naman ako ng agiw at nagwalis, walang mabibigat na ginawa. Natapos ko ang paglilinis pero hindi pa rin dumating sina Nanay. Sabagay, mag-aalas-dose pa naman. May natirang ulam kaya naisipan kong kainin iyon.

Pati pagkain, na-miss ko rin. Grabe… hindi ko aakalain na sa halos dalawang buwan na hindi ako umuwi ng bahay, ganito ko ka agad mami-miss ang mga bagay na kinagisnan ko na. This home is really my comfort zone.

Ano ba 'yan… kakauwi ko lang naman sa bahay pero para akong tangang ngumingiting mag-isa tapos naluluha pa. Anak ng baboy naman talaga Ayla!

Matapos magtanghalian, sa wakas ay mapapasok ko na ang kuwarto ko. Walang lock 'yon kaya madali lang mapasok pero laking gulat ko nang pagpasok ko… ganoon pa rin ang ayos nito. Hindi nilinisan, hindi ginalaw. 'Yong aparador kong huli kong nahawakan sa araw na umalis ako, ganoon pa rin ang ayos. May iilang damit pa rin akong naiwan at nagkalat sa sahig. Bukas din ito.

Hindi ba 'to pinasok nina Nanay? Ni hindi man lang ba nilinisan? Bukas naman ang pinto no'ng buksan ko. Bakit ganito pa rin ang ayos nito? Nasa tamang bahay naman ako.

Umupo ako sa kawayang kama ko para maayos ang mga nagkalat na gamit na nagsitapunan sa kung saang sulok ng silid dahil sa pagmamadali ko noon.

Matapos kong ayusin ang makalat kong silid, lumabas ako papunta sa likuran ng bahay para langhapin ang panghapong hanging hatid ng bukirin. Kahit tirik na tirik ang araw, ang presko pa rin ng hangin.

Ito 'yong sobrang na-miss ko, 'yong buhay sa bukid.

"Anak, sana balang araw maranasan mo rin ang ganito ka-preskong buhay. Kahit masalimoot ang napagdaanan ko, mas pipiliin ko pa rin ang manirahan sa ganitong klaseng paligid kesa piliin ang magulong siyudad. No one can replace this kind of creation ni God, anak."

Sabi ni Doc Hinolan, healthy daw na paminsan-minsan ay kausapin ko raw ang bata. Ang sabi niya rin, nakakarinig na raw ang bata ng mga boses kaya mas mainam daw na maya't-maya siyang kausapin para maging pamilyar siya sa boses ko.

Umupo ako sa ginawang pahingahan ni Tatay dito sa likuran ng bahay. Nakatanaw pa rin ako sa ma-berdeng paligid at sa bundok ng bayan namin na siyang pinakasikat sa lahat… ang bundok ng Lunay.

"Boyet! Pinasok ba tayo ng magnanakaw? Bakit bukas 'tong bahay natin?"

Lumingon ako sa direksyon ng bahay nang marinig ang pamilyar na sigaw ni Nanay. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak dahil boses pa lang ang narinig ko mula sa kaniya pero alam ko sa sarili kong grabeng pangungulila na ang nararamdaman ko sa kaniya.

Ang higit na na-miss ko sa lahat… ang mga magulang ko.

Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa bahay.

"Mukhang wala namang nawalang gamit. Imposible namang ninakawan tayo. Baka nakalimutan mo lang isarado kanina."

Pinigilan ko ang sariling humikbi nang marinig na ang malaki at buong boses ni Tatay.

Umayos ka, Ayla, parang awa mo na.

"Ako lang ba o biglang luminis talaga ang bahay?"

Tuluyan akong nakarating sa may pinto mula sa likod ng bahay. Nakikita ko na sila pero pareho silang nakatalikod sa akin kaya imposibleng nakita na nila ako.

Nakaupo si Tatay sa pang-isahang bangko sa salas at si Nanay naman ay nakapamaywang pang iginagala ang tingin sa buong bahay.

Dahan-dahan akong naglakad papasok habang nakahawak sa tiyan ko.

Anak, meet your Lolo and Lola.

"'N-Nay… 'T-Tay…"

"Diyos ko po. Aylana!"

Sinalubong ako ni Nanay ng isang mahigpit na yakap na tuluyang nagpaluha sa akin.

Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong mayakap ako ni Nanay katulad no'ng mga yakap niya noong bata pa ako… noong nabubuhay pa si Ate.

"Aylana! Saan ka ba galing na bata ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha? Alalang-alala kami sa'yo ng Tatay mo. Kung hindi lang sinabi no'ng kasamahan mo sa trabaho na na-destino ka pala sa Bacolod, baka hanggang ngayon wala kaming ideya kung nasaan ka na." Humiwalay si Nanay sa yakap at hinawakan naman ako sa magkabilang pisnge at tuloy-tuloy na nagsalita. May luha na rin sa mga mata niya.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Nanay dahil lumampas ang tingin ko sa likuran niya. Nakatayo na ngayon si Tatay at seryosong nakatingin sa amin ni Nanay. Hindi ko malaman kung anong reaksiyon niya. Dati naman ang dali kong malaman kung anong ekspresiyon niya sa mukha, pero ngayon, nahihirapan na ako. Siguro, epekto nang sa tagal kong hindi nanatili sa bahay.

"Hindi mo ba lalapitan ang Tatay mo, Aylana Rommelle?"

Gustong kong ma-iyak sa tono ng boses ni Tatay. Hindi siya galit. Kalmado ang kaniyang boses. Isang ama na naghihintay na lapitan siya ng kaniyang sariling anak.

The only thing that stopping me is the memory of him hurting me. Napagbuhatan niya ako ng kamay. Isang bagay na hindi niya naman ginagawa noon pero nagawa niya sa akin. Parang tumatak na sa akin ang sampal niya pero ama ko siya… at ang mga magulang hindi kayang tiisin ang mga anak at ang mga anak naman ay hindi kayang naghihirap ang kanilang mga magulang.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko. Oo, alam ko, bawal akong ma-stress ngayon pero stress ba ang matatawag dito kung naiiyak ako sa tuwa?

"Anak, Aylana, sorry. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Sorry sa lahat ng kasalanan ko sa'yo. Sorry kung hindi ako naging ama sa'yo. Ang dami kong kasalanan sa'yo, Aylana. Nasaktan kita ng pisikal at emosyonal. Ikaw ang sinisi ko sa pagkamatay ng Ate mo. Sa'yo ko ibinunton ang lahat. Ang dami-dami kong kasalanan sa'yo. Pinalayas kita kahit na alam kong may dinadala ka. Sorry, Aylana. S-Sorry, anak, sa mga nagawa ni Tat—"

"'T-tay, hindi naman talaga ako nagtanim ng galit sa inyo. 'Tay, wala na 'yon."

Hindi ko napigilan ang sarili ko, niyakap ko si Tatay. Lalo na no'ng muntik pa siyang lumuhod sa harapan ko. Okay na sa akin na magsabi si Tatay ng isang sorry. Hindi na niya kailangang magpaliwanag. 'Yon lang naman ang hinihintay ko.

"A-Ako nga dapat po ang humingi ng sorry dahil sa mga nagawa ko."

"Sssh, Ayla, tama na. Hindi mo na kailangang humingi ng dispensa. Okay na sa amin na umuwi ka na at nandito ka na sa bahay." Lumapit si Nanay sa amin ni Tatay. Kumalas na rin ako sa yakap. "Basta 'wag mo na uuliting umalis ha? Hindi mo alam kung gaano kaming nag-aalala ng Tatay mo. Kaya isang kaginhawaan sa amin ngayon ang makita kang nandito. Sapat na 'yon, Ayla. Ikaw na lang ang nag-iisa naming anak, kaya sana 'wag ka nang umalis ulit. Hindi na namin alam kung anong gagawin ng Tatay mo kapag inulit mo pa 'yon."

Sunod-sunod akong tumango bilang sagot sa sinabi ni Nanay.

"Pangako, anak, babawi si Tatay."

Lumingon ako kay Tatay at ngumiti. Hindi ko inaasahang darating ang araw na maririnig ko ang mga salitang sinabi niya kani-kanina lang na lalabas mismo sa bibig niya. Pero heto na nga't nasabi na niya.

"Ang laki na ng tiyan mo, anak, ilang buwan na 'yan? Nakapagpa-check-up ka na ba sa doctor? Gusto mo samahan kita? Kami ng Tatay mo."

"'Nay… 'Nay… relax, okay? Okay na po. Nakapagpatingin na po ako sa doctor. Anim na buwan na po ang tiyan ko at saka… lalaki po."

Nagkatinginan silang dalawa at parehong nagulat sa huling sinabi ko.

"Lalaki ang unang apo natin, Boyet!"

"Alam ko, Helena, narinig ko ang sinabi ni Aylana."

Gusto kong matawa sa usapan nilang dalawa pero kakabati pa lang namin at hindi pa ako sanay makipagtawanan sa kanila. Uunti-untiin ko ang bonding naming pamilya. What happened today is just the start of everything.

"Kailan ka manganganak?" Tanong ni Nanay.

"July po."

"Aba, malapit na, ilang buwan na lang."

"Aylana, totoo ba na isang Lizares ang ama n'yan? At sa lahat ng Lizares, si Sonny pa talaga?"

"Yes, I am the father."

Anak ng baboy!

Hindi ko na nasagot ang tanong ni Tatay dahil may na-una nang sumagot nito. Lumingon ako sa pinto at halos manganak ako ng wala sa oras dahil sa gulat nang makitang nakatayo na si Sonny sa bukana ng pintuan namin. Tiningnan niya ako.

"I called you. Many times. You didn't answer kaya I got worried, kinailangan kong balikan ka to check on you. Akala ko may nangyaring masama na sa'yo."

Mababakas nga ang pag-aalala sa mukha niya pero hindi 'yon ang inaalala ko. Nilingon ko si Tatay at sobrang seryoso na naman ng mukha niya na halos mapalunok ako sa sobrang kaba.

Bakit ba kasi sumusulpot na lang siya bigla? 'Di ba, sinabihan ko na 'to na kaya ko na 'to at hindi na niya kailangang sabihin sa kanila na siya ang ama? Ano 'yong sinabi niya! At saka paano nalaman ni Tatay!

"I am Sonny Lizares and I am the father of your daughter's child."

"Ang kapal din naman ng mukha mong pumunta rito't ipakilala pa ang sarili mo!"

"'Tay!"

"Boyet, ano ba! Lizares 'yan!"

Namuo na nga ang tensiyong kanina pa nakapalibot sa amin. Biglang kinuwelyuhan ni Tatay si Sonny. Pinigilan siya ni Nanay. Gusto ko sanang lumapit pero sumenyas si Sonny sa akin na tumigil ako. Habang siya'y parang hindi man lang natinag sa ginawa ni Tatay.

"Wala akong pakialam kung isa kang Lizares. Nasa pamamahay kita ngayon. Teritoryo ko itong tinatapakan mo. Kaya gagawin ko kung anong gusto kong gawin sa tarantadong ito." Sobrang seryosong sabi ni Tatay na maski si Nanay ay tumigil na sa pagpigil sa ginagawa niya. "Ang kapal naman ng mukha mong idamay ang anak ko sa problema ng pamilya mo? 'Di ba ikakasal ka na? At sa isang Osmeña pa? Tapos binuntis mo pa 'tong anak ko? Anong gagawin mo rito? Gagawin mong kabit? Kaya lumayas ka! Kaya kong buhayin ang apo ko. Wala akong pakialam kung ikaw ang ama. Lumayas ka na bago pa kita hindi matantiya!"

Anak ng baboy naman, o.

Padarag na binitiwan ni Tatay si Sonny. Tumalikod siya at nagpupuyos sa galit na sinabunotan ang sarili. Mukhang pinipigilan ang sumabog.

"Hindi po ako aalis hangga't hindi ko kasama si Ayla. Kailangan pa naming umuwi ng Bacolod para makapagpahinga siya."

Anak ng baboy naman, oo!

"Boyet!"

"Sonny!"

Lumingon si Tatay sa kaniya at doon na hindi napigilan ni Tatay na suntukin siya. Sa sobrang lakas yata ng suntok niya, tumilapon si Sonny hanggang sa may pintuan ng bahay pero hindi natumba.

Gusto ko siyang lapitan at kaladkarin palabas para tumigil na siya sa pagsasalita. Kakabati lang namin ni Tatay at ayokong ma-bad shot nang dahil lang sa mga pinagsasabi niya.

"Hindi aalis ng pamamahay ko si Ayla! Umalis ka kung gusto mo, pero hindi mo isasama ang anak ko. Walang aalis ng bahay na ito kundi ikaw lang." Naglakad ako palapit kay Sonny. "Ayla, 'wag kang lalapit sa tarantadong 'yan."

"A-Ako na pong bahala sa kaniya, 'Tay."

Kinaladkad ko siya palabas ng bahay at nang malapit na kami sa bakod, binitiwan ko siya.

"P-Please, Sonny, umalis ka na. Baka kung ano pang gawin sa'yo ni Tatay."

Pinigilan ko rin ang sarili kong umiyak at tiningnan siya sa mukha. Baka bigla akong manghina at mabawi ko ang desisyong pinag-isipan ko sa problema kong ito.

"'Yon na 'yon, Ayla? 'Yon na 'yon? 'Yon na lang 'yon?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadya na naman. "Matapos kitang sagipin nang talikuran ka ng lahat, 'yon na lang 'yon? Matapos kang talikuran ng sarili mong pamilya tapos ngayon babalik ka sa kanila na parang walang nangyari?"

"M-Maraming Salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin at sa bata. Pero tanggap na ito ng mga magulang ko at maayos na kami ngayon kaya sa tingin ko kaya ko nang buhayin ang bata sa tulong ng mga magulang ko. Hindi mo na ako kailangang sustentuhan. Hindi mo na ako kailangang isipin. Hindi mo na ako kailangang pag-aksayahan ng oras at pansin." Lakas-loob na sabi ko. Pinipigilan pa ring ibagsak ang mga nagbabadyang luha. Pinipigilan ang boses na gumaralgal.

"Wow!"

"Ikakasal ka na, Sonny! Ikakasal ka na kay MJ Osmeña! Wala kaming puwang ng bata sa mundong ginagalawan mo. Kaya habang maaga pa, lalayo na kami ng bata sa gulong meron ka, kayo ng pamilya mo."

"Wow. You're now telling me that after breaking the news to me that I have a child?"

"Kasi nga pera lang ang habol ko sa'yo. Marami kang pera, kaya alam kong kaya mo akong buhayin habang nasa sinapupunan ko pa ang batang ito."

"I do get it, Ayla, you don't have to say it again and again."

Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang luhang tuluyan na nga'ng bumagsak. Hindi na yata nakayanan ang sakit at bigat, e.

"Please, Sonny, umalis ka na." Bulong ko, enough para marinig niya.

"I am irenic but after what you said… my mind went to being clouded. Gulong-gulo na ang utak ko ngayon, Ayla. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa lahat ng problemang kinakaharap ko. And you're the last person I expect to cloud my mind, to confuse my mind. But here you are, crashing that little peace I have left in my life. You are my complacent, Ayla. You are."

~