webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · 都市
レビュー数が足りません
35 Chs

Chapter 22 - Operation: Cable Blade

Pagkatapos manatili ni Cable Blade sa puder ni Sam ng halos dalawang linggo, napagdesisyunan nya nang umalis para ipagpatuloy yung bagay dapat nyang gawin, pero bago yun ay nagpahinga muna sya at nag plano ng maiigi. Wala syang kamalay-malay na matagal na pala silang minamanmanan sa bahay ni Sam. Buti nalang paalis na sya nang makita ang isang grupo ng pulis at yung nagsumbong sa kanya na naroon sya.

"Teka mga pulis yun ah?!" –Cable Blade

Agad na nakalapit si Garry, at mula sa itaas ay rinig nya ang usapan nilang lima

"Kung ako ang Most Wanted, hindi ako basta-basta susugurin ng apat na mukang PO1 lang"

..

"Naandyan ngayon si Cable Blade, sa malaking bahay na yan. Nakita ko sya dyan!" –Sumbong ng isang ale

"Kami na po ang bahala dyan! Tara na, at nang mahuli nanatin yang kriminal na yan!" –Pulis

Agad na nag-grapple si Cable Blade para makita ng mga pulis, para matakot sila "TEKA ANDITO SYA SA PWESTO NATIN NGAYON?! LUMAYO NA PO KAYO MANANG" sabay mula sa likod ay tinuhog ng dalawang espada ni Cable Blade ang pulis.

Eksperto sa melee combat si Cable Blade kaya kahit may mga baril ang mga pulis hindi ito nakapalag, mabilis nyang tinamaan ang mga leeg at pulso nito pero di pa niya ito pinapatay.

"Ako hinahanap nyo noh? Hehe yan, andito nako!" sabay hiniwa nya ang isa sa kanila at tumumba ito. Di na pinatagal pa ni Cable Blade ang buhay ng dalawa pang pulis at tinapos nya na rin agad ito.

"Ikaw ba ang nagsumbong sa kanila na naandito ako?" pananakot ni Cable Blade sa Ale

"Di po ako yun! Hindi ako?!"

"Sino?! Asan sya?!!!"

"Taga doon yung nagsumbong sa kabilang kanto, narinig ko lang naman tapos tinanong ako ng mga—" pinatay nya rin yung Ale sa agad nyang pag tuhog ng espada sa dibdib neto.

"Di ko naman talaga kailangan ng paliwanag mo"

Habang kausap nya yung ale kanina, nahalata nya yung isang tambay na nakapulot ng baril ng pulis, nilingon agad sya nito at mabilis nya ipinatama ang hook ng grappling gun nya sa ulo nito. Wasak ang bungo ng tambay.

"Pucha, may utak pa pala ang gago. Nadumihan lang tong hook ko"

Umalis sya ng iniwan ang kanyang mga pinatay sa lansangan, may mga ilang nakakita sa kanya pero hindi na nagtangkang pigilan pa sya dahil sa takot na sila ang isunod nya. Hindi na alam ng iba kung saan patungo si Cable Blade. Agad nagsipuntahan ang ibang pulis at SOCO sa pinag-ganapan ng krimen, at agad rin itong naibalita sa telebisyon, naalarma ang marami sa brutal nyang pag paslang.

..

Sa Operations Area ni Senator Xavier Dela Vega,

VANGUARD: "Hhhhhhhhhmmmmmm, ano kaya ang gusto nyang sabihin?

SEN. DELA VEGA: "Pupuntahan nya tayo dahil hindi mo sya napatay!!!!"

VANGUARD: "Pero akala ko ba kailangan natin sya—"

SEN. DELA VEGA: "Oo, pagbibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon para makumbinsi sya maisama sa grupo natin. Kung kailangan mong pwersahin tulad ng ginawa mo kay Jethro, gawin mo na"

VANGUARD: "Di na po mauulit Sir, ako na bahala sa kanya…"

..

Sa bagong kampo ni Rogelio,

ROGELIO: "Cable Blade? Tang inang pangalan yan ng kriminal? Hhhhmmmmmm… parang pwede ko sya maisama sa grupo ko"

GOON 1: "Pwede boss, asset sya ng grupo natin pag nagkataon"

ROGELIO: "Pumatay sya ng tauhan ng gobyerno, hmmmmm… pwedeng may galit din sya kay Carlos"

GOON 2: "Pansin ko nga rin yan Boss? Eh paano pala kung tayo yung patayin nya?"

ROGELIO: "Syempre di mangyayari yun, nasa ulo nya na tong bala ko bago nya pa magawa yun kung magkataon"

..

Sa Guillermo Motor and Bike Parts Shop QC Branch,

JOLO: "Boss, kailangan na natin pigilan si Cable Blade, medyo matagal na din syang pakalat-kalat lang"

ROUSER: "Parang mahihirapan akong pigilan sya ng mag-isa"

KENKEN: "Para ngang ayaw makipagtulungan satin ni Cloud Girl eh"

ROUSER: "Baka magkita nalang ulit kami sa laban, lahat ng nagmesmessage satin, puro fake account at nangtitrip lang"

JOLO: "Magkakalat yang Cable Blade na yan pucha"

ROUSER: "Di ko sya susukuan, talagang dapat na syang mapatigil. For the first time, magkakaroon rin ako ng seryosong kalaban"

..

"Kinatatakutan ako ng marami ngayon, kaya humanda ka na Dela Vega at Vanguard. Kahit may kapangyarihan ka pa, di mo ako mapipigilan sa pag patay sayo at sa ginagawang nyong militar. Ako ang magiging tunay na superhero dito, hindi si Rouser, di rin si Cloud Girl. At pagkatapos, titigilan ko na ang lahat ng to, para sa pamilya ko. Kahit na huli na ang lahat para maitama yung mga maling nagawa ko." –Garry 'Cable Blade' Delfina

Nakahanap muli ng bagong matutuluyan si Garry sa Maynila pa rin, paghahandaan nya ang pag salakay kay Senator Dela Vega.

At ngayon, babalik tayo kay Claudine...

..

..

..

..

..

Sa School Canteen with tropa,

"Anim beh! Gagi anim pinatay, apat na pulis, isang ale at isang tambay! Ganon ka-bayolente si Cable Blade. Tangina pati ako eh parang natatakot na ako lumabas kasi baka, basta. Parang wala syang pinipili pagdating sa pinapatay nya" –Queenie

"Kaya siguro gusto makipag meet ni Rouser kay Cloud Girl, noh?" –Alex

"Para labanan si Cable Blade ng magkasama? Hehehe! Sana All ka-collab ni Rouser o ni Cloud Girl!" –Queenie

Siguro nga, hindi lahat ng tao dito is maililigtas ko. Parang biglaan din eh, wala manlang danger indicator para napigilan ko sana sya agad. Pabugso-bugso sya kung lumabas eh, palibhasa malaki ang patong sa kanya. Last time na nakita ko sya is yung sa SM Marikina, and he's still out there. Wala akong idea kung ano yung susunod nyang galaw, kaya dapat maging maagap ako. Maybe tama tong friends ko, pag makikipag-tulungan ako kay Rouser para matalo sya ng madali, ime-message kona sya siguro.

Pero, makikilala nya ako sa personal which is, hindi dapat diba? Kaso, di ko masasabi sa dalawang to, si Yaya naman di gaano marunong mag-facebook. Sino kaya makakausap ko nyan?

"Ate Claudine!!!" –Wendell (Grade 4)

"Oh ho! yan nanaman yung Englisherong bata?! Hello baby boy!" –Queenie

"I'm not a baby!" –Wendell

"No, you're the baby of Claudine but no daddy hahahaha!!" –Queenie

"Payag ako dyan somehow?" –Wendel

ALEX: "WHAT?! MARUNONG KA PALA MAG TAGALOG?!"

QUEENIE: "WHAT?! MARUNONG KA PALA MAG TAGALOG?!"

"Opo"

"Ammmmmmm wait lang Alex, Queenie may sabihin lang ako sa batang to. Tara nga Wendell"

Lumayo lang kami ng onte para makapag-usap kaming dalawa netong batang to. This kid, kahapon eh diba ang matured nya magpayo sakin at mukang aware din sya sa mga pangyayari despite na bata sya na parang walang paki sa mga nangyayari. Actually, parang di nga sya bata eh…

"I think, kaylangan naming magtulungan ni Rouser para mapigilan si Cable Blade" –Ako

"Kaya nga eh, minessage mo na sya?" –Wendell (Boy Genius)

"Di pa naman"

"That's good! I have an idea, you'll create a fake account, then you'll tell him na ikaw si Cloud Girl, by showing off your—"

"My powers"

"Yes! Exactly!"

(SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH…)

"Hinaan mo lang boses mo" pinagsabihan ko si Wendell

"Yes, exactly… and then you'll find a specific place na ikaw lang makikita nya and no one else, gets?"

"Saang lugar naman?"

"Clouds, of course you can fly"

"Okay!!! Gets kona gets kona!"

(SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH…)

"Ate!! Ingay neto"

"Gets kona, I know na what to do…"

"Can I be your sidekick? Like I mean could I join in your fight against Cable Blade?"

Syempre, ayokong madamay tong bata na to gulo ko kaya "Ammmmmm, nope you can't join me. Bata ka pa saka sa gabi ako madalas naka-duty"

"But I have some ways to—"

"Pag hinanap ka ng parents mo, mapapagalitan ka"

"But—"

"Next time nalang ha, serious tong matter na to. Buhay ng mga tao ang nakataya, di ko afford na itataya mo rin buhay mo sa…gawain kong to. Bata ka pa eh, madami ka pang magagawa"

"You're still a kid too!"

"No, I'm an adult"

"Please, understand your ate Claudine ha, I appreciate your effort but, I can't let you. You can't too, di ka pa pwede"

Nalungkot lang si Wendell nun at niyakap nya ako, parang ngayon ko lang sya nakita as bata. "Okay lang ate…"

"Promise, I'll do what you have told me okay? 😊"

"Opo, that's for your safety"

And niyakap ko din sya bilang ate nya, ang cute lang. Palibhasa wala akong kapatid eh kaya naninibago ako sa feeling.

..

Pagkadating ko sa bahay nun, agad akong gumawa ng panibagong facebook account. Tama lang na ganto kasi makikilala nya ako sa real name ko pag ginamit ko main account ko, I created Kristen Claudia and nagselfie ako wearing white hoodie and mask, typical suit ko. Wala ako gaanong friends, I mean wala pa akong ina-add. And the sole purpose ng account na to is to contact him.

I mean, si Rouser.

"Rouser, ako to si Cloud Girl… gusto moko ma meet?" agad ko syang minessage

Buti nag-reply agad sya "Pano mo ako mapapaniwalang ikaw yan Cloud Girl?"

Binukasan ko agad yung bintana at ginawa kong hugis donat yung ulap, "labas ka ng bahay mo, may makikita kang parang donat na ulap"

"Wala akong makita"

"Okay, ako na pupunta sayo then" this time gagamitin ko yung danger indicator ko as locator… mag-cloud jump ako sa lugar mismo ni Rouser, I don't know where but, let's go!

"Claudine?" –Yaya Atria

"Put----!!!!!"

..

Meanwhile sa shop nina Rouser, pasara na sila (8:21 PM)

"Boss, may kachat akong Kristen Claudia ngayon, parang si Cloud Girl na talaga to?!" –Jolo

"Seryoso ka?" –Jackson (Rouser)

"Sabi nya gumawa daw sya ng donut-shape na ulap ngayon pero di naman kita dito, then eto kakachat nya lang na sya yung pupunta dito" –Jolo

"Boss baka eto na nga si Cloud Girl mismo?!" –Kenken

"Parang dummy account lang din, pero boss ano masasabi mo sa profile pic?" –Jolo

Napatitig ng matagal si Rouser dito at "Yang mga matang yan, teka lang Jolo, Ken mag costume lang ako saglit"

..

Sa bahay ulit nina Claudine (8:22 PM)

"Teka?! Sasabak ka sa misyon?!" –Yaya Atria

"Magkikita kami ni Rouser ngayon pasabi nalang kay Mommy na natutulog ako ah?! Byeeee~"

"Pero—"

"Cloud Jump!" at dahan-dahan naging ulap ang katawan ko papunta sa kaulapan sa langit.

..

"Nag-disperse sya bigla, nag-iimprove na ata ang kapangyarihan nya?" –Mommy

"Oo nga po eh, anong gagawin natin Madam?" –Yaya Atria

"Poprotektahan pa din natin sya" –Mommy

..

Nag-cloud jump ako dito sa area nya pero ngayon, hindi ko alam kung saan sya banda dito. Kaya chinat ko ulit sya at dito ko kinontrol yung isang ulap at ginawa itong hugis doughnut. As in ring-shaped na ulap. At pumwesto ako doon sa pinaka ginta nun.

..

Sa shop nina Rouser, (8:29 PM)

"Andito na ako sa Area mo, may makikita kang hugis donat na ulap. Nasa gitna ako ngayon ng ulap, kachat ka" –Message ni Cloud Girl

Agad na hinanap nina Jolo at Kenken yung hugis doughnut na ulap. "Ayun yung ulap!!!"

"Si Cloud Girl na tong kausap natin tangina boss!" tuwang-tuwa yung dalawang sidekick ni Rouser

"Ako na kakausap boys" –Jackson

"Andito pa ako sa shop namin" reply ni Jackson mismo

"Wala na ako sa ulap" –Reply ni Claudine/Kristen/Cloud Girl

Nakatitig pa din silang tatlo sa hugis doughnut na ulap "Ikaw na ba talaga yan Cloud Girl? Please wag mo kami pinaglololoko?"

"Ako na talaga to Rouser, I understand now"

"Asan kana?" –Rouser

..

Di talaga nila ako makita eh, pero andali ko silang nahanap buti nalang. Ayoko nang patagalin pa to kaya ako na yung bumaba. Nasa bubong ako ng shop nila, then nilapitan ko silang tatlo mula sa likod. Tumabi ako sa kanya

"Ano pang nililingon mo dyan?" –Ako

"WAAAAAAAAHHHHHH?!?!" nagulat silang tatlo! May mga kasamahan din pala sya eh noh?!

"Cloud Girl?" –Rouser

"Yes, ako na to" then itinaas ko yung kanang kamay ko para kontrolin yung doughnut cloud ko. Nang isara ko yung palad ko, bumalik sa dating cumulus-shape yung ulap

"Boss… this is it! Eto na si Kristen Claudia!! CLOUD GIRL!!!!" –Jolo

"Boss, nasayo na yung plan!! Andito na si Cloud Girl!! OMG!! Nae-excite nako!!" –Ken

"Tuwang-tuwa tong dalawang to kasi andito kana, Kristen…" sabay tinanggal ni Rouser ang helmet nya, ako nga pala si Jackson Guillermo" at gusto nyang makipag-shake hands saakin.

"Ako naman si Kristen Claudia (I can't tell him my real name), nice to meet you idol 😊" for the first time, nahawakan ko yung kamay nya and kasama ko sya sa hindi bakbakan na eksena.

"Sa wakas, pagkatapos namin makachat ang sandamakmak na nagsabing sila si Cloud Girl, buti naandito ka na, madami tayong pag-uusapan. But for now, dito muna tayo sa loob ng shop, sya nga pala si Jolo yang singkit na mataba assistant ko yan, at eto naman si Kenken, sya admin ng page at taga update ng mga ganap"

"So yun… etong shop na to, sa lolo ko talaga to tapos pinasa kay papa then ngayon ako na pinaghahawak nya. Basta, kaya kita pinapunta dito or gusto maka-usap kasi I wanted to ask you kung pwede bang magtulungan tayo?"

Without a doubt, sinagot ko agad sya "Yes… gusto ko ring magtulungan tayo, laban kay Cable Blade"

"Simulan na natin!"

..

..

..

..

..

"Iisa-isahin ko nalang kayong lahat, uunahin kita Dela Vega at Vanguard, at susunod kayong dalawa naman Rouser at Cloud Girl… hindi nyo mapipigilan ang pagbabalik ko!"

--Cable Blade

Everybody wants him

Webnovel_Phrygiancreators' thoughts