webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · 都市
レビュー数が足りません
35 Chs

Chapter 21 – Recovering

Bago sumapit ang 2019, nasangkot si Cable Blade insidenteng naganap sa SM Marikina at nang matunton sya ni Vanguard, inimbita nya ito na sumapi sa kanila, na agad nya ding tinanggihan. Nagawa nyang makatakas nang pasabugin ang kaniyang tinutuluyan na bahay, buti nalang nakahanap siya ng matutuluyan mula sa taong hindi nya kilala.

..

Sa isang rooftop ng bahay sa QC, December 2018.

"Eto yung most wanted ngayon ah?!" –Dalagang Pilipina

Unti-unting nagising si Garry (Cable Blade) "Teka?! Sino ka?!" sabay tutok sya ng kaniyang grapple gun sa dalagang pilipina "TEKA SHHHHHHHHHHH!!! WAG MO SUBUKANG SUMIGAW!! BAKA MAPATAY KITA NG WALA SA ORAS!!!"

"Ikaw si Cable Blade?! Yung most wanted ngayon diba?!" –Dalagang Pilipina

"Ako nga, kaya kung sisigaw ka man ngayon para humingi ng tulong sa iba na ipahuli ako. Mapipilitan akong patayin ka ngayon, pero kung hindi naman…" ibinaba nya ang tutok ng kaniyang grapple gun "May gusto lang sana akong hingin sayo"

"Wag po pleaseeeee!! Walang mag-aalaga sa anak ko pag ginawa mo yan, ano bang kailangan mo?" –Dalagang Pilipina

"Nanay ka na?! Mukhang bente anyos ka palang ha?!" hindi inaasahan ni Garry isa na palang nanay ang nakakita sa kanya sa bahay "Payagan mo muna akong tumira dito, kahit na saglit lang, dibale tutulungan din kita sa pangangailangan mo"

"Pano ka napadpad dito sa bahay ng asawa ko?!" –Dalagang Pilipina

"Wala na akong mapuntahan, nabalitaan mo ba yung pinasabog na apartment diyan sa may Commonwealth?" –Garry

"Oo kagabi lang yun ah?" –Dalagang Pilipina

"Ako yung nakatira doon, habang wala ako pinaglalagyan nila yun ng mga bomba sa loob. Nag-grapple ako para makatakas hanggat sa makadating ako dito. Gusto akong patayin ng mga taga Gobyerno." Kwento ni Garry

"Buti nalang nakaligtas ka?"

"Wag mo kong ginaganyan!"

"Edi sana pala namatay kana!"

"Ano?!"

Narinig ni Dalagang Pilipina na naiyak na yung anak nya kaya agad itong bumalik sa loob "Tara na Cable Blade, baka may makakita pa sayo dyan"

"Salamat… teka ano palang pangalan mo?"

"Tawagin mo nalang akong Sam" –Sam (Dalagang Pilipina)

Buti nalang at hinayaan ni Sam na tumuloy sa 'kanilang bahay' si Garry. Nakapagpahinga sya ng maayos kahit papaano. At nagkausap na rin tungkol sa kanilang buhay-buhay.

Pagkatapos nilang mag-tanghalian habang nanonood ng Eat Bulaga.

"Salamat Sam, buti hinayaan mo ako—"

"Muka namang mabait ka kaso, di ko alam kung bat mo naisipang maging ganyan?"

"Maging si Cable Blade? Gawa lang kahirapan to, kailangan kasi ng pamilya ko ng pera eh"

Naka-relate ng onte si Sam "Sabagay, yung asawa ko nasa barko ngayun yun. Seaman sya, tapos yung nanay at tatay ko nasa probinsya sila"

"Yung magulang ko din nasa probinsya din"

"Tapos yun, bumukod kami kina Mama at Papa, at dito na kami nanirahan sa dating bahay ng mga manugang ko, sayang daw to kasi kung ibebenta nila. Pwede daw namin to gawing paupahan pero ayoko"

"Bale kayo lang ng anak mo ang magkasama dito?"

"Oo Garry, sa laki ng bahay na to… kami lang ni Georgie ang magkasama. Tapos yan, andyan ka bali tatlo na tayo dito, tapos ang pinagkakakitaan ko lang ngayon etong online selling ko ng beauty products. Pero ang lungkot pa rin dito"

"Salamat ah kasi, di ko alam kung bat moko hinayaan na manatili dito. Siguro kung andito asawa mo o yung manugang mo, hindi ako tatagal dito"

"Merong akong pinapaniwalaan eh, pag gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo, babalik din yung kabutihan na yun sa iyo"

"Mabuti naman ako ah…"

"Pero sa maling paraan mo ginawa. Kaya ang hirap na itama nyan. Lalo na ngayon, most wanted ka sa buong Maynila"

"Ayaw mo yun, ngayon palang may katabi ka nang 1 million pesos"

"Kailangan naman natin talaga yang pera, pero mas kailangan natin ng taong mamahalin natin, saka syempre nag-aalaga satin. Kaya para sa anak ko, talagang gagawin ko ang lahat"

"Ipapakulong moko?"

"Hindi noh, kung ginawa ko yun dapat kanina pa. Ako pa nga tong madadamay kasi hinayaan kita dito pero, di ako takot. Kasi ipagtatanggol mo ako"

"Di ko sinabing ipagtatanggol kita"

"Edi wag"

Naikwento din ni Garry yung mga naging karanasan at mga naging laban nya kay Cloud Girl at iba nyang drama sa buhay. Pinapwesto ni Sam si Garry sa isang bakanteng kwarto at nagkasundo sila na haggang dalawang linggo lang si Garry mananatili sa bahay nya. Hindi sya pinapalabas ng bahay tuwing umaga, at pag-umaalis sila ng anak nya at wala namang problema sa kanya ito, talagang gusto lamang manahimik muna ni Garry sa pagiging Cable Blade. Magkasama din silang nagdiwang ng bagong taon.

..

..

Taong kasalukuyan, 2019…

"Pwede ka lumabas ah, tuwing gabi lang tapos gamitin mo tong Cap na to saka mask. Basta wag ka muna masyado gagawa ng mga ikakapahamak mo"

"Oo naman, dyan lang ako sa computer shop saglet"

"Ingat ka Garry"

"Salamat, Sam…"

Nabalitaan ni Garry yung sa ginawang pagtugis ni Rouser at Cloud Girl sa tatlong tulak ng droga sa Anonas.

"Hayaan ko na muna tong dalawang to, tama lang na naipahuli nila yang mga tulak na yan"

Tamang pagpe-facebook lang ang ginagawa ni Garry, scroll-scroll lang hanggat sa makita nya yung isang news article tungkol kay Senate President Xavier Dela Vega.

"Kailangan ba talaga, ibinabalita pa tong pagcecelebrate nila ng wedding anniversary?"

"Hhhhhhhhhhhmmmmmmmmm…."

..

..

Sa apartment na tinitirahan ni Garry, 2018.

"Sino pala leader nyo?" –Cable Blade

"Si Senate President Xavier Dela Vega…" –Vanguard

"Politiko, nagawa kayo ng gantong… teka mga terorista ba kayo?!" biglang nagduda si Cable Blade

"Hindi kami terorista gaya ng binibintang mo, naandito kami para gumawa ng 'enhanced' na grupo ng mga sundalo. Sundalo na magtatanggol sa bansa natin" –Vanguard

..

"Hindi ka man saamin sasapi ngayon, pero mapapabilang ka din saamin sa susunod. Paalam" – Vanguard

..

"Pero madadamay yung mga inosenteng tao dito?! Dapat masabihan ko sila na umalis na—"

[5]

"Eto ang kapalit ng pagtanggi mo Garry Delfina…".

[4]

"Walang kinalaman yung ibang tao dito!! Hoy!! Patigilin mo to!!!"

[3]

[2]

"Patawarin nyo ako…"

[1]

[0]

[TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTTT…!]

Napabagsak ng kamay si Garry sa keyboard ng maalala nya ginawa sa kaniya ng tauhan ni Dela Vega na si Vanguard.

"Hindi ko ginusto madamay yung ibang tao sa apartment, pero parang kasalanan ko na din kasi naandon ako. Kung mapapatay ko si Dela Vega, pwede kong mapatigil yung binabalak nilang militar kaso hahadlangan ako ng tauhan nya. Tulad din sya ni Cloud Girl na merong kapangyarihan."

"Kailangan kong makadalo sa Wedding Anniversary nila ng asawa nya. Papatayin ko sila bago pa nila ako maunahan, isasabay kona din yung asawa at anak nila."

"Lahat ng hahadlang sa gera ko, papatayin ko. At pag tapos ng lahat ng to, mamumuhay na talaga ako ng matiwasay."

..

Umuwi si Garry ng dala-dala ang bagong impormasyon na nalaman niya tungkol kay Senator Xavier Dela Vega. Pagdating nya sa bahay ay nadatnan nyang lasing si Sam, wala na itong malay sa sofa, buti nalang tulog si Baby Georgie.

"Akala ko di nag-iinom tong si Sam? Lasing na lasing sya tingnan ah?"

Naka-short na shorts sya at sandong puti, nagandahan siya kay Sam pero "Wala na to" bago pa sya buhatin ni Garry ay agad siyang niyakap nito papalapit sa kanya…

"Teka Sam?!"

"Yakapin mo muna ako Garryyy… dito ka lang wag moko iwannnnnnn Garry" lasing si Sam at alam ni Garry na walang totoo sa mga pinagsasasabi nya

"Umayos ka nga, hahatid na kita sa kwarto mo, at si Georgie di mo nanaman nabantayan" –Garry

Uminom ulit si Sam ng dalawang beses at saka ito nagpabuhat, nang makarating sila sa kwarto nya.

"Sige na magpahinga ka na ako na magbabantay kay—" hinalikan sya ni Sam at ayaw nyang makalayo pa sya. Naglalaban si Garry pero pagtagal ay nadala na rin sya, isinara nya ang pinto at binalikan nya si Sam.

"Wala ka na sa sarili mo Sam"

"Alam ko, pero dito ka lang muna, wag mo na ako iwan"

At naghalikan muli silang dalawa, tinanggal ni Sam yung damit ni Garry, maging si Garry kay Sam. Hindi na nila pinigilan ang sarili nila para sa isa't-isa

"Sam…"

"Garry"

..

..

..

..

..

Nagising si Garry na katabi si Sam sa higaan na walang suot, agad syang nag-ayos at pinuntahan si Georgie na umiiyak na. Naghanda na rin sila ng agahan nila at naglinis na rin ito.

"Gising kana pala?"

Agad siyang niyakap ni Sam, "Pwede bang dito ka na lang? wag mo na ako iwanan"

"Pero paano yung asawa mong seaman? Saka, magdadalawang linggo na ako dito. Tumutupad lang ako sa usapan natin Sam kasi, nahihiya rin ako"

"…"

"Sige na, kaen na tayo ng agahan. Nagluto lang ako ng pancit canton"

Ang lungkot ng paligid nila habang sabay sila kumakain, dahil alam ni Sam na aalis din agad si Garry.

"Kailangan ko nang kumilos… nawawala ako sa misyon ko"

"Na patayin si Cloud Girl?"

"Hindi, para tulungan yung mga magulang ko"

"Gusto ko rin tumulong sayo"

"Di mo na kailangan pa, himbis na tulungan mo ako, alagaan mo nalang si Georgie"

Hanggang sa sumapit ang gabi, sinulit ni Garry ang mga oras na kasama nya si Sam, pero bago sya mamaalam ay may ibinigay sya dito.

"Sam, para sayo to. Ingatan mo yan" iniabot nya ang isang mamahaling kwintas at isang dyamante

"Ang ganda naman nito? Parang unang beses ko lang makahawak ng gantong kwintas"

"Para sayo yan, yan lang maibibigay ko sayo. Di ko alam kung magkano yan pag binenta mo yan o sinangla mo, magkakapera ka dyan"

"Bat ko naman gagawin yun?"

"Para kay Georgie at sayo na rin"

"San mo nakuha to?"

"Sa magnanakaw din na tulad ko, pero wag ka mag-alala. Safe yan kasi galing sakin yan"

"Sayo nalang yan Garry, parang mas kailangan mo yan"

"Bayad ko yan sayo sa pagpapatira mo sakin dito"

"Nakakahiya kasi… pang mayaman to"

"Ako tong mas mahihiya pag wala akong ibinayad sayo. Salamat talaga Sam kasi, alaga ako sayo. Ikaw na bahala dyan, sana magkasama ulit tayo, pero ngayon… kailangan ko na talaga umalis"

"Babalikan mo ako?"

"Oo Sam… pangako ko yan"

"Salamat Garry, ingat ka"

"Sayo din Sam… 😊"

At sa huling sandali, muli nilang niyakap ang isa't-isa. Suot na ni Cable Blade yung regular nyang costume at umalis sya mula sa rooftop. Maayos na muli ang mga kagamitan nya, naisilid nya na rin sa bag nya yung mga gamit nyang pang bahay. At yung plano nya para kay Dela Vega ay inaantay nya nalang maisagawa.

"Ingat ka Cable Blade 😊, Garry…"

"Salamat Sam 😊"

Nag-grapple muli si Cable Blade na mala-spiderman ang dating. Hindi pa gaanong nakakalayo si Cable Blade nun ay nakita nya ang isang grupo ng kapulisan na patungo sa bahay ni Sam, di nagkamali ng kutob si Cable Blade.

..

..

..

"Naandyan ngayon si Cable Blade, sa malaking bahay na yan. Nakita ko sya dyan!" –Sumbong ng isang ale

"Kami na po ang bahala dyan! Tara na, at nang mahuli nanatin yang kriminal na yan!" –Pulis