webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · 都市
レビュー数が足りません
35 Chs

Chapter 18 - Rogelio VS. Vanguard

Kinidnap ng grupo ni 'Rogelio' si Jethro Esteban ng walang malinaw na dahilan kundi pera. Babayaran sila ng 'malaking' halaga kapalit ni Jethro. Si Vanguard, isang Potential na may Force-Field Projection ang kasalukuyang employer nina Rogelio. Pinaliwanag ni Rogelio ang kanilang ginawang operasyon para mahuli at palabasing patay na si Jethro, kinatuwa naman to ni Vanguard.

"Yan na Boss Vanguard, si Jethro Esteban…" inilabas ni si Jethro sa sasakyan na parang basura.

"Lumayo tayo saglit, may pag-uusapan tayo" –Vanguard

Iniwan nilang nakahandusay sa lapag si Jethro, alam nilang hindi sya makakatakas.

"Okay na boss, amina yung pera namin…" –Rogelio

"HAHAHAHA!! Mukang perang-pera kana Ka-Roger… sige ibigay nyo na sa kanila yung sampung libo nila" –Vanguard

Hindi kinatuwa ng grupo ni Rogelio yung bayad na matatanggap nila sa serbisyo nila "Teka?! Yun lang?! bat sampung libo lang?!"

"Wala naman tayong napag-usapang halaga, saka ang mahalaga naman naandito na yung kailagan namin" –Vanguard

"Hindi kami papayag sa sampung libo, kami pa talaga ang babayaran mo ng ganyang halaga ha?! Lahat ng pinagawa samin nagawa namin ng maayos! Lahat ng pinapapatay nila, napapatay namin, pinapakidnap dinadala namin sa kanila ng buhay! Beterano na kami sa ganto, akala ko alam mo yan! Kaya kung yan lang yung bayad nyo samin puta pagpapapatayin nalang din namin kayo!" at nagkatutukan na ng mga baril ang dalawang panig.

Napangiti lang si Vanguard, at inutusan nyang ibaba yung baril "Hindi natin asal ang pumatol basta-basta teka… Saglit lang Jethro Esteban?!" naramdaman nyang tumatakas ang binihag nila kaya dinala nya ito sa gitna nila gamit ang kapangyarihan nya…

"Hindi ka makakatakas…"

"Ahhhhhhkkkk… arayyyyy!" hindi gusto ni Jethro ang pagkakalaglag nya

Hindi inaasahan ni Rogelio at ng mga tauhan nya meron palang kapangyarihan ang nag-utos na dakpin si Jethro pero "Kilala nyo ako, wala akong kinakatakutan… kahit politiko pa yan o merong kapangyarihan, kumbaga ganyang kapangyarihan na pang pelikula lang"

Sa gitna ng di pagkakaunawaan ng dalawang panig, wala paring alam si Jethro sa ganap nya "Ano bang meron ha?! Bat nyoko hinuli? Ano bang meron sakin ha!!!! Sumagot kayo!!!"

Hanggang sa sabihin ni Vanguard ang mga salitang "Kailangan namin ang kapangyarihan mo Jethro…"

"May-may kapangyarihan yang sekyu nya yan?! Pero paanong?!" –Rogelio

"Matagal na namin syang minamanmanan… isa sya sa limang kailangan namin…" –Vanguard

Lalong naguluhan si Jethro sa sinabi ni Vanguard "Ako may kapangyarihan?! Tangina nyo baka mali kayo ng kinidnap!! Inosente ako!! At kailangan ako ng pamilya ko parang awa nyo na!"

Napaiyak nalang sya dahil sama ng sinapit nya, wala syang alam kung anong kalagayan ng asawa at anak nyang kasalukuyang may sakit.

"Dapat malaki bayad nyo samin kasi di pala pangkaraniwan na gwardya yan eh!!" sumbat ng isa sa tauhan ni Rogelio

"Oo nga... di moko mapapapayag tanggapin yang sampung libo mo kung may kapangyarihan din pala tong kinidnap namin para sayo. VAN-GUARD….!"

Nawawalan na ng pasensya si Vanguard sa pambabastos ni Rogelio "Okay sige, ibibigay na namin ang gusto nyo…

Sabay hinugot nya yung baril ng kasamahan nya at pinatamaan nya sa ulo ang isa sa mga kasama ni Rogelio! [BANG!!!]

"RAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!"

Nagkapalitan ng putok ang panig ni Rogelio at ni Vanguard, napuno ng ingay ng barilan nila ang luma at tahimik na warehouse.

"Kunin nyo yan si Jethro!! Pakawalan na natin sya!!" –Rogelio

"Patayin nyo silang lahat… di kayo tatablahan ng bala nila, protektado ko kayo" inutusan ni Vanguard patayin sina Jethro at ang buong grupo nya.

Habang si Jethro naman ay hindi makawala dahil masikip na nababalutan ang buong katawan nya ng force field ni Vanguard, ang tanging ganap nya lang may ang makita na magpatayan ang dalawang grupo sa gitna nya.

"Nangangamba ako… baka bigla nyang mapagana ang kapangyarihan nya…" –Vanguard

Walang binatbat ang grupo ni Rogelio laban sa mga may shield na tauhan ni Vanguard, kaya himbis na makipaglaban pa sila ay nagmadali nalang silang tumakas dahil yun nalang ang pag-asa nila para makaligtas.

"AKKKKK~!!"

Tinamaan at napatay nila yung ibang kasamahan nya, nagawang makasakay ni Rogelio at ng dalawa nya pang kasama sa sasakyan nila pero…

"Teka bat ayaw mag start ng makina?!" –Rogelio

"Boss bilisan na natin!! Pinapaulanan na nila ng mga bala sasak—" tinamaan din sa ulo yung isa nilang kasama

"Boss?! Anong nangyayari?!!!"

"Hindi?! IMPOSIBLE TO?!!!"

Nakakulong ang sasakyan nila sa Force Field ni Vanguard at gawa ng ginawa nya kay Jethro, pinalutang nya at binagsak nya ito ng nakataob!

Nakaramdam ng pagod si Vanguard at nawala na mga force field sa mga kasama nya at kay Jethro, walang nakaligtas sa grupo nina Rogelio at tagumpay din sila sa pagkuha kay Jethro, para sa kanila… wala silang hirap na pinag-daanan para gawin yung misyon na iniutos sa kanila.

Umalis sila sa nasabing warehouse na parang walang nangyari at uwi pa nila ang isa sa mga taong kailangan nila para sa proyekto nila.

..

..

..

..

..

Sa Hospital…

"Hindi ko na ma-contact yung asawa ko, haysss…. Kahapon pa sya wala ng umaga, inutusan ko pa naman syang kunin yung pera pinadala saamin ng tita ko" –Janice

Kausap ni Janice ang kaibigan nyang lalaki na dati nya ring kaklase

"Baka di nya na kayang mapanindigan yung responsibilidad nya sayo at sa anak nyo" –Marcus

"Di naman siguro, may tiwala ako dun"

"Pero asan na sya? Dapat sya pa nga tong mas nag-aalaga sayo ngayon"

"Sorry Marcus, dapat pala hindi nalang kita pinapunta…"

"Bat naman? Wala yun saka, ayaw mo yun… merong ako na naandito para sayo? Sa-saka dadating din yung iba pa nating classmates dati masuportahan lang kayo ng baby mo. Hayaan mo na muna yang asawa mong iniwan ka, andito lang kami"

Napayuko nalang sa lungkot si Janice habang iniisip ang lagay ni Jethro at ng anak nila, sa kabila nun… hinawakan ni Marcus ang kamay nya para pagaanin ang loob nya…

"Wag kana malungkot Janice, di ka nag-iisa. Kaya natin yan…" –Marcus

..

..

..

..

..

January 2019…

Magtatatlong linggo pa lang magmula ng mangyari yung insidente doon sa SM Marikina, di pa rin ako maka-get over sa fact na nakasama ko si Rouser makipaglaban sa mga kawatan pero di naman namin nahuli si Cable Blade, ninakaw nya yung ninakaw ng mga magnanakaw na naipahuli namin sa mga pulis. Na-realize ko din nung una, kaya siguro di ako na-recognize ni Rouser na ako si Cloud Girl kasi di ako naka white na jacket at itim na mask ang gamit ko. Siguro naman magkakatagpo pa kami ng landas noh… pero ngayon mukang mahirap na kasi back to school nanaman at kailangan kong iprioritize ang pag-aaral ko…

Dami laging bagay na pumapasok sa isipan ko sa tuwing ihahatid ako ni Kuya Benjo o sa Jeepney habang nakatingin ako sa labas. Ngayong kilala na ng marami ang superhero na si Cloud Girl… hanggang kelan ko kaya mapapanindigan ito… nakagawa nako ng mga bagay para matandaan eh, kaya malamang nakagawa na rin ako ng mga kaaway gaya nga ni Cable Blade.

Sa ngayon, gusto ko muna magpaka-estudyante lang… ako si Cloud Girl, pero this time aral lang muna talaga.

"Andito na tayo Claudine…" –Kuya Benjo

"Thank you po Kuya, maya nalang po ulit!" –Ako (Claudine)

Eto na, back to school na ulit!

..

..

..

..

..

..

..

..

..

..

"Pagbabayaran nya ang pagpatay nya sa mga kasamahan ko… Carlos, Vanguard, tangina mo di ko alam pangalan mo pero isang malaking pagkakamali mo to, hindi yung sa kasamahan ko, hindi yung pera… kundi hinayaan mo akong mabuhay!"

..

..

Magbabalik si Rogelio sa mga susunod na kabanata…