webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · 都市
レビュー数が足りません
35 Chs

Chapter 16 - Back with the Vengeance

Isa nanamang hindi inaasahan na insidente ang naganap nang sinalakay ng hindi pa nakikilalang grupo ang isang jewelry shop sa isang mall sa Marikina. Buti nalang ay naandoon si Cloud Girl, at humabol din si Rouser, nilabanan nilang dalawa yung mga kriminal at nagawa nilang maipahuli silang lahat, pero di inaasahan ni Cloud Girl yung kanyang nakita nang hinahabol nya yung kasabwat ng mga kriminal, yung mismong gwardya ng Jewelry Shop.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" –Sigaw nung Gwardya nang bigla syang mahatak,

Napahinto si Cloud Girl nun, at nang pinuntahan nya yung pinagmulan ng bumaril at nanghatak…

"Putang… Ina…"

Walang awang pinatay ni Cable Blade yung kasabwat ng mga kriminal, kinuha nya yung bag at binuksan nya, naglalaman ito ng mga alahas at diyamante na ninakaw ng grupo ng mga kawatan.

"Cloud Girl… hahahaha! Long time no see!" –Cable Blade

"Ibaba mo yang bag na yan, ngayon na!!" –Cloud Girl

"Akala mo ba ganun ako kababaw para mapasunod mo ng ganiyan? Hahaha!" –Cable Blade

"Gusto mo ata ulitin ko yung ginawa ko sayo dati… grrrrrrrrrrr….!" –Cloud Girl

"Kung kaya mo, pero nagpapasalamat na din ako sayo, dahil pinadali mo yun pagnanakaw ko ng pinaghirapan ng iba…" sabi ni Cable Blade, ilang saglit pa ay biglang nagpakita si Rouser, tutok-tutok nya ang Cog Blaster nya sa kanya

"Ibaba mo yang, kung ayaw mong matamaan ng sprocket sa muka…" –Rouser

"Usapan lang namin ni Cloud Girl to, saka sino tong asungot na kasama mo?" –Cable Blade

"Hindi sya asungot, sya si Rouser!" –Cloud Girl

"Yan na yun? Eh wala namang bilang yan!" biglang pinatamaan ni Rouser si Cable Blade ng sprocket pero nakahanda ang espada ni Cable Blade at agad nyang nahiwa yung itinira nya.

"HAHAHAHA!! NAGPAPATAWA YANG KASAMA MO CLOUD!! O SYA, WALA NAKONG BALAK MAKIPAGLARO SA INYO" sabay hinagis ni Cable Blade yung dalawa nyang hawak nya Granada!

"DAPA CLOUD GIRL!!!" –

[BOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMM!!!!!!]

Sa sobrang lakas ng pagsabog ng granada, nabasag yung mga salamin na malapit sa paligid at nagbukasan yung mga water sprinkler.

"Okay ka lang Cloud Girl?" –Rouser

"Ayos lang ako…" –Cloud Girl

"Sino yun? Mukhang kilala mo sya…" –Rouser

"Siya yung nabalita dati na sumalakay sa Banko, si Cable Blade… nakalaban ko na siya dati" –Cloud Girl

"Oh talaga, sya pala yun sa personal… sa Balita ko lang narinig yung pangalan nya na yun" –Rouser

"Hayyyyyyysssssssss… nabigo tayo Rouser" –Cloud Girl

"Kaya nga eh, nadakip man na ng mga pulis yung mga kriminal at nakalabas na yung mga tao ng payapa, nanakawan pa rin yung Jewelry shop" –Rouser

"So… hindi pa rin tayo talaga palpak noh?" –Cloud Girl

"Uhmmmmm,, hindi naman. Kasi makakabawi tayo dyan kay Cable Blade na yan, nagkataon lang na araw nya to ngayon…" –Rouser

"So…" –Cloud Girl

"Ano na?" –Rouser

"Punta nakong parking lot, kanina pa ako inaantay nung inarkila kong Taxi. May binili kasi ako dito eh… kaya, yun. Mauna nako Idol" paalam ni Cloud Girl kay Rouser

"Hehehe ako pa talaga inidolo mo ha, teka… paano tayo magkikita ulit? I mean paano kita mako-contact?" –Rouser

"Sa gantong kaganapan din siguro…" –Cloud Girl

"Sige, Salamat sa tulong mo" –Rouser

"Ako dapat magsabi nyan Idol" –Cloud Girl

"Ingat…" –Rouser

"Sayo din syempre" –Cloud Girl

Nagsidatingan yung mga pulis sa pwesto ng pinagsabugan ng Granada para mag-suri sa pangyayari. Nauna nang umalis si Cloud Girl kaya naiwang state witness sa pangyayari si Rouser patungkol sa naganap na pag-salakay sa Jewelry Shop.

Sa tulong nilang dalawa, nahuli yung walong kawatan na dating mga pulis, nabanggit din ni Rouser na yung pinatay na Guard ay kasabwat ng mga kawatan, kinabahala din ng mga pulis ang muling pagbabalik ni Cable Blade. May mga na-trauma sa insidente, may mga na-inspire din kina Cloud Girl at Rouser. Laman nanaman ng bawat balita sa radio at TV, lalo na sa social media yung nangyaring yun. May mga nag-viral na videos na kung saan kita yung pakikipaglaban nung dalawa sa mga kriminal.

Sa huli, naging mapayapa na rin ang naturang mall, at mabuti nalang ay walang inosenteng nasaktan sa pangyayari.

Umuwi na si Cloud Girl at masaya syang binilhan sya ng mommy nya ng punching bag, si Rouser naman din ay nakauwi rin, dala-dala ang experience na makasama si Cloud Girl.

..

..

..

..

..

Sa kabilang banda, wagi rin si Cable Blade sa pag-agaw nung mga ninakaw ng mga kawatan sa Jewelry shop, mahigit 30 million pesos plus yung inagaw nya.

Sa Apartment na tinitirahan nya ngayon sa QC, 10:21PM

"Hmmmmmmmmmm,, sapat na tong mga alahas para makabili ako ng sarili kong bahay, nang matahimik na ang buhay ko, at dito ko na patitirahin yung mga magulang ko sa probinsya, nang hindi na nila maranasan ang buhay ng pagiging mahirap" –Cable Blade

Balak nyang ibenta yung mga diyamante at alahas na meron sya para makabili ng sariling bahay.

"Talagang kinailangan ko lang talaga ng malaki-laking pera para maipangtulong sa kanila, syempre maging sa sarili ko na rin, buti nalang natakasan ko si Cloud Girl kanina, maging yung kasama nyang mascot. Handa akong makipag-patayan, maibigay ko lang gusto nila…" –Cable Blade

"Wala sa mukha mo yung pagpapahalaga sa pamilya…" --?????

"Nagkaroon ako ng kasalanan sa kanila, kaya pinipilit kong makabawi. At ngayong kaya ko na, ibibigay ko sa kanila ang lahat" –Cable Blade

"Dahil sa ipinakita mong determinasyon, gusto kitang imbitahin sa grupo na binubuo namin" --?????

"Grupo?" –Cable Blade

"Oo… at kasalukuyang meron na kaming pitong miyembro, kaylangan namin ng mga katulad mong may abilidad sa pakikipaglaban. Yang mga gamit mo, ia-upgrade namin, palalakasin ka namin, at babayaran ka namin…" --?????

"Sino pala leader nyo?" –Cable Blade

"Si Senate President Xavier Dela Vega…" --?????

"Politiko, nagawa kayo ng gantong… teka mga terorista ba kayo?!" biglang nagduda si Cable Blade

"Hindi kami terorista gaya ng binibintang mo, naandito kami para gumawa ng 'enhanced' na grupo ng mga sundalo. Sundalo na magtatanggol sa bansa natin" --?????

"Hindi nako naniniwala sa mga pulpolitikong yan, pakisabi sa boss mo, sabihin mo sabi ko" –Cable Blade

Nanatiling mahinahon ang tauhan ni Dela Vega "Pag sumapi ka saamin, kikita ka ng pera ng hindi galing sa nakaw na tulad ng ginagawa mo, alam mo namang ikakapahamak mo yan"

"Wala kang pake!"

"Langhya gusto mo patayin ko lahat yang sundalo nyo eh! At ibubunyag ko tong proyekto nyong tinatago nyo sa gobyerno" pagalit na sabi ni Cable Blade

"Walang maniniwala sayo dahil alam ng lahat na isang kang kriminal, di ka magwawagi saamin. Pero pag sumapi ka saamin, kaya naming malinis ang pangalan mo" --?????

Napa-isip si Cable Blade sa sinabi sa kanya, pero naging buo pa din ang desisyon nya…

"Hindi… hindi nyoko maisasama sa proyekto nyo. Di ko kailangan ng kakampi…" –Cable Blade

"Kakailanganin mo din ng kasama…" --?????

"Kaya ko mag-isa… kaya kong patayin si Cloud Girl mag-isa!" –Cable Blade

"Si Cloud Girl?" --?????

"Oo… hanggat naandyan sya, meron laging hahadlang sakin, ngayon naisama nya pa yung isa" –Cable Blade

"Hindi sila hero, mga vigilante sila. Ang enhanced unit ang mga tunay na hero, uulitin ko. Bibigyan kita ng chance para sumapi saamin, dahil kung hindi" --?????

May pinindot ito sa kaniyang phone, at may mga nag-ilawan na kulay pula sa bawat sulok ng kwarto nya, hanggang sa makita nya countdown na 20 Seconds…

"Mwehehehehehe… aalis na ako" --?????

[20]

[19]

[18]

Sinugod ni Cable Blade yung tauhan ni Xavier pero napatalsik sya nito dahil…

[17]

"May kapangyarihan ka din?!" –Cable Blade

"Kaya kong gumawa ng force field, hindi gagana saakin yang espada mo." --?????

[16]

"Sino ka ba talaga?" –Cable Blade

"Ako si Vanguard…" –Vanguard

"Hindi ka man saamin sasapi ngayon, pero mapapabilang ka din saamin sa susunod. Paalam" – Vanguard

[15]

[14]

[13]

[12]

Nagmadali nalang kumilos si Cable Blade, nilagay nya lahat sa kaniyang malaking bag ang kaniyang mga pera, alahas, diyamante at iba pang mga gamit, nag-aapura na sya habang papaubos na ang oras

[11]

[10]

[9]

"Hindi na talaga ako magpapatuloy ng mga bisita, bwiset!!" –Cable Blade

[8]

[7]

[6]

"Pero madadamay yung mga inosenteng tao dito?! Dapat masabihan ko sila na umalis na—"

[5]

"Eto ang kapalit ng pagtanggi mo Garry Delfina…" sabay tumakas na si Vanguard.

[4]

"Walang kinalaman yung ibang tao dito!! Hoy!! Patigilin mo to!!!" wala nang nagawa pa si Cable Blade (Garry Delfina), kundi mag grapple papalayo para makatakas sya at makaligtas.

[3]

[2]

"Patawarin nyo ako…"

[1]

[0]

[TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTTT…!]

At biglang sumabog ang kwartong pinupwestohan ni Cable Blade nadamay na rin dun yung iba pang katabi at malapit na kwarto na nangyaring pagsabog, madaming inosenteng malubhang nasugatan, buti nalang ay walang namatay. Mabilis ring naapula ang sunog na sanhi neto.

Tumigil si Cable Blade sa isang terrace ng bahay na di nya kilala para saglit na makapagpahinga.

"Buti nalang nakatakas ako… tangina, kawawa yung mga inosenteng nadamay dahil saakin. Kontra saakin si Cloud Girl, ngayon naman gusto akong patayin ng Gobyerno, ayos lang. Kalaban ko lahat pota"

Naitago nya yung litrato ng kanyang pamilya,

"Pag dating nyo dito nay, itay… ipagmamalaki nyo ako, at pag tapos nako kay Cloud Girl at sa Gobyernong iyan, ititigil ko na lahat ng ito at mamumuhay ako ng tahimik."

"Gaganti ako mga putang ina nyo… tangina antayin nyo lang…"

..

..

..

..

..

Nang mag-umaga na, hindi alam ni Cable Blade na kita na siya ng babaeng nagmamay-ari ng bahay na tinulugan nya, kita nyang sa lapag sya nakahiga mukhang pagod na pagod.

"Eto yung most wanted ngayon ah?!" –Dalagang Pilipina