webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
90 Chs

Disappointed

Nang umaga ngang iyon napansin nila Wram at Brilliant na parang nag bago ng pakikitungo si Xitian kay Tasha.

"Kailan pa naging aso si Xitian?" Sabi no Brilliant habang nainom ng kape don sa may sala at nakaupo.

Nag babasa naman ng newspaper si Wram at sumilip lang sa parang aso't pusang sila Xitian at Tasha na noong nga oras na yun ay nag hahabulan.

"Let them be."

"Aba teka, bakit parang chill ka lang ata ngayon? Don't tell me ayos ka na sa relasyon nung dalawa?"

"Do you think we have a choice?"

"Sabi ko nga wala eh. Eh anong plano? Ipapakasal naman ba natin yung dalawa?"

"Hindi pwedeng hinde dahil kahihiyan yan sa angkan."

"So, sasabihin natin sa mga elders?"

"Sa tingin mo ba hindi pa yan nabanggit ni Uncle sa mga elders? Si Xitian ang bagong leader ng Alta Gracia kaya dapat lang malaman ng mga elders ang tungkol sa taga pag mana."

"Pero bro, sa tingin mo ayos lang sa mga elders ang status ni Tasha?"

"Wala silang magagawa dahil ipinagbubuntis na ni Tasha ang taga pag mana. Isa pa, kahit leader pa ngayon si Xitian ng clan eh mas makapangyarihan pa rin naman si Uncle sa kaniya dahil mas malaki parin ang shares nya."

"Yeah... Pero ang inaalala ko lang si Tasha paano ang pamilya nya? Mga inusente sila bro."

"Don't worry nag padala na ko sa labas ng bahay nila Tasha ng security para bantayan ang mga parents nito 24 hours."

"I see, mukhang na di pa man din eh na plano mo na ang mga bagay-bagay."

"Um. Dahil kung hindi kawawa ang pamilya ni Tasha at siya mismo lalo't kapag nalaman nya kung anong pamilya ang meron si Xitain."

Samantala nasa may hardin na sila Tasha at Xitian...

"Huh! Ikaw nga yung nag punta sa room ko kasi concern ka bakit kasi ayaw mo pang aminin?" Sambit ni Xitian pero hindi sya pinakikinggan ni Tasha na busy sa mga bulaklak.

"Aw!"

"What happened?"

Kinuha naman agad ni Xitian ang kamay ni Tasha dahil natinik ito ng tinik ng rosas.

"Ayos lang ako scratch lang yan."

"No! We need to disinfect your wound. Cymiel!"

Lumapit namang agad si Cymiel "Senyorito."

"Get the medicine kit."

"Opo."

"Bayan! Ayos lang sabi ako!"

At naupo na nga si Tasha pero pinakuha pa rin ni Xitian kay Cymiel yung medicine kit.

"Gimmer your hand."

Naupo naman si Xitian sa tabi ni Tasha.

"Ang kulit naman! Sabi na nga g ayos lang ako!"

Hinila namang ulit ni Xitian yung kamay ni Tasha "hindi ka nga okay! Nasa loob pa ng balat mo yung tinik ng roses."

Tasha sighed "stop pretending na concern ka sakin!"

"Tumigil ka na ayan ka na naman!"

"Senyorito eto na po."

"Thanks."

Tumayo naman si Tasha at iiwan na sana si Xitian pero nahuli sya nito.

"Lemme go!"

Napaupo nga sa lap ni Xitian itong si Tasha "kapag hindi ka tumigil hahalikan kita!"

"Pervert!"

Nag pupumiglas na nga itong si Tasha kaya naman hinalikan sya ni Xitian at tumaligod namang agad si Cymiel at iniwan muna yung dalawa.

"See, ganyan ang mangyayare kapag hindi ka tumigil."

"Pervert!!!" Sasampalin nya sana si Xitian pero hawak nito ang kamay nya.

"Just stay still! Wag ka ng makulit!"

At nanahimik na nga si Tasha dahil sinimulan na ni Xitian linisin ang sugat nya habang nakaupo sya sa lap nito.

"Tatanggalin ko na yung tinik sabihin mo kapag masakit okay?"

"U... Um."

At dahan-dahan ngang tinanggal ni Xitian yung tinik sa may kamay ni Tasha gamit yung tyane.

"Bibiglain ko na ito kaya masakit ito just bite me if you want."

"Tsss!"

"Don't pretend na you're strong dahil lang ayaw mo sakin."

Nang sinabi ni Xitian ang linyang iyon nakatulala lang si Tasha at napa sigaw nalamg sya kasi natanggal na yung tinik sa kamay nya. Pero kinagat niya parin ang braso nito kahit tapos na.

"Aray! Tasha!!!"

Tumayo naman agad si Tasha dahil bigla syang nahiya kay Xitian.

"So-- Sorry..."

Xitian sighed at kinuha ang kamay ni Tasha para lagyan ng band aid ang sugat nito.

"You don't need to apologize."

"Tsk! Tama na nga yan! Para na tinik lang kailangan pa ng ganyan."

"Sus! Kaya pala kinagat mo ko dati ka bang vampire?"

"Tsss!"

Nag maayos ni Xitian ang medicine kit tinignan nya yung kagat sa kaniya ni Tasha "huh! Ibang klase pala yang ngipin mo no?"

Napatingin si Tasha dun sa braso ni Xitian "hala, sorry..."

Xitian smiled secretly kaya naisip nyang mag sakit sakitan.

"Ha? Masakit talaga? Sorry..."

"Aray... Ang sakit talaga..."

"You need ice compress. Wait lang kukuha lang ako dito ka muna okay?"

"Um. Ang sakit talaga..."

Worried na worried naman si Tasha kahit wala naman kay Xitian yung kagat na yun sakaniya

"Wait here okay? Don't move!"

"Um."

At pag alis nga ni Tasha lumapit naman si Cymiel sa kaniya.

"Sigurado po kayong ayos lang kayo?"

"Oo, gusto ko lang na maging concern sakin si Tasha."

"Kayo talaga!"

"Nga pala, kagabi sinabi mo kay Tasha na nasa guest room ako?"

"Po? Hindi po."

"Really? So talagang nag punta sya don?"

"Opo."

Xitian smiled na para bang masayang masaya sa nalaman.

"Mukhang masaya po kayo ah?"

"Halata ba?"

"Ahm... Nga po pala ipinapatawag po kayo ng mga elders."

Nag iba namang bigla ang mood ni Xitian "did Uncle told them about Tasha?"

"Opo."

"Dumating na ba si Uncle?"

"Nasa company na po."

"Wala syang sinabi?"

"Wala naman po pero nabanggit nya pong kailangan nyo raw makipagkita sa mga elders kung ayaw nyo raw maparusahan."

Xitian sighed "para namang makakatakas ako."

"Pero Senyorito kailagan nyo po talagang makipagkita sa mga elders dahil kayo ang bago leader ng clan."

"Na hindi ko naman ginusto."

"Senyorito..."

"Nung bata ako gusto ko lang ng simpleng buhay gaya ng pamilya nila Tasha. Pero dahil isa akong Alta Gracia hindi maaaring maging normal ang buhay ko..."

Ang hindi alam ni Xitian narinig ni Tasha yung mga sinabi nya kay Cymiel.

Bigla namang naging emosyonal si Tasha "ano bang... bakit ako naiyak?"

At paglingon ni Xitian sa may likuran nila nakita nya si Tasha na naiyak kaya dali-dali nya ito g nilapitan at sinabing "you okay? Why are you crying? Did you got hurt again?"

"Hinde."

"Pero bakit ka naiyak?"

"I don't know... Bigla nalang ako naiyak nung nakita kita."

"Ha? Mag ginawa na naman ba akong mali?"

"Wala."

"Ha?"

"Just don't ask nalang kasi!!!"

"Okay, okay calm down don't cry na. Cymiel, get her a glass of water."

"Opo Senyorito."

Pinaupo naman muna ni Xitian ang naiyak na si Tasha.

"Don't worry normal lang naman daw sa mga buntis na maging emosyonal pero bakit naman ako ang dahilan kung bakit ka naiyak? Pinapa guilty mo ba ko kasi pinakuha kita ng iced compress?"

"Ha? No!"

"Then why are your crying?"

"I accidentally heard you talking to Cymiel na you want a normal life at nung nakita kong sad ka bigla nalang tumulo yung luha mo. Ayan naalala ko na naman. Boohoo!!!"

Xitian sighed at napangiti naman sya at niyakap si Tasha.

"I'm okay, wag k ng mag alala."

Tasha pushed him "sinong nag aalala? Huh! Kapal mo!"

"Okay, okay... Hindi na kung hindi. Pero wag mo kong mamiss kasi di ako makakauwi mamayang gabi at sa mga susunod pang mga araw."

"Ha?"

"O, nag aalala ka na ba nyan?"

"Humph!"

"I need to meet the elders of our clan."

"Hmm?"

"I will explain everything pagbalik ko."

"Can I go home? Aalis ka naman eh."

"No! You will stay here!!!"

"Bakit mo ba ginagawa ito?! Hindi mo naman ako kailangang panagutan kung ayaw mo! Kaya kong palakihin ang anak ko ng wala ka!"

PAK!

"Senyorito!!!" Bungad ni Cymiel na inilayo agad si Tasha na nasampal ni Xitian. "Ma'am ayos lang po kayo?"

"I'm not! At hindi ako magiging okay hangga't nakikita ko yang boss mo!" Then she walks out.

"Ma'am Tasha!!!"

Nakatingin lang naman si Xitian sa kamay nyang ginamit sa pag sampal kay Tasha na kinagulat rin nya.

"Senyorito, ano ba kasing ginawa nyo? Bakit nyo naman sinampal si Ma'am? Ayos lang kayo kanina ni Ma'am Tasha eh."

"Prepare the car aalis na tayo."

"Po?"

"Just do it!!! At sabihin mo kay Butler Zing wag ng papalabasin ng kwarto si Tasha"

"O... Opo Senyorito."

Meanwhile,

Sa Condo nila Chase...

"Ha? Nag text kamo si Tasha sayo?" Pagulat na sambit ni Chase kay Ricai na busy sa kaniyang laptop kanina.

"Um. Bakit gulat na gulat ka naman diyan?" Sambit ni Ricai habang kumukuha ng inumin.

"Ha? Ah, eh... Hindi naman sa ganon bigla ka nalang kasi sumulpot diyan. Pero anong sabi?"

"Yun lang, nangamusta lang tapos di na nag reply uli."

"Ahhh..."

Pero sa isip-isip ni Chase "akala ko kung ano na ang sinabi ni Tasha. Pero bakit di pa sya umamin kay Ricai?"

"Hoy!"

"Ha?"

"Sabi ko bisitahin natin si Uncle pati si lolo mo."

"Ikaw nalang papasamahan kita kay Belj."

"Ha? Bakit di ka sasama?"

"Marami pa kong gagawin."

"Huh! If I know naglalaro ka lang naman diyan sa laptop mo."

Sinara naman agad ni Chase ang laptop nya dahil guilty sya.

"Kung ayaw mong bisitahin si Uncle aba'y bisitahin mo naman ang lolo mo. Hindi ba nagising na raw sya?"

"Oo."

"Then? Ganun nalang yon? Hindi ka na bibisita?"

"Pupunta ko para bisitahin sya pero hindi pa ngayon marami pa akong kailangang gawin."

"Ang sabihin mo naiwas ka sa daddy mo."

"Oo na! Masaya ka na? Kung gusto mong pumunta, pumunta ka! Bwiset!"

"Sa--San ka pupunta?"

"Sa cr! Sasama ka?"

"Baliw!"

Nang nga oras na yon dumating naman na si Belj at nakita nya ngang nag aaway na naman yung dalawa.

"Kanina ka pa ba dyan?"

"Ah, hindi naman po Miss. Halos kararating lang din po pero nag aaway na naman po ba kayong dalawa?"

"Paano yang magaling mong boss nag iinarte na naman!"

"Po?"

"Ayaw nya kasi akong samahan papunta sa lolo nya eh di ba nagising na?"

"Ah opo."

"Kaya nga sabi ko dapat lang na bumisita kami kaso ayun nagalit."

"Ahhh... Kaya po pala."

"Ano bang problema nya? Nun lng alalang alala sya sa lolo nya kahit kagalit nya si Don Fernan ngayon naman umiiwas. Mababaliw na talaga ko sa kaniya eh. Ang hirap intindihin ng ugali nya."

"Nako, ako na po ang hihingi ng sorry. Hindi nyo po kasi talaga sya mapipilit sa ngayon dahil hindi po naaalala ni Don Arnulfo si Sir Chase."

"Ha?"

"Sa ngayon, ang sabi po ng mga doctor temporary lang naman daw po yon kaso di pa po nila masasabi kung kailan babalik ang memories nito. At tanging si Don Fernan at Ysmael lang po ang gusto nitong makita."

"Ohhh... Kaya naman pala ganun nalang kung mag react ang isang yon. Pero hindi ba, ayaw ni Don Arnulfo kay Ysmael?"

"Opo, kaya nga po nakakapagtaka rin. Pero wala naman pong magawa si Sir Chase ayaw nyang mapahiya sa daddy at pinsan nya kaya di na muna sya bumibisita."

"Ahhh... Sabagay, nakaka dismaya lang din talaga yon kasi at di sya maalala ng lolo nyang madalas nyang kakampi. Tapos ngayon hindi sya nito maalala."

"Opo. Kaya depress po talaga ngayon si Sir Chase kaya sana po intindihin nyo nalang po."

"Oo. Wala rin naman akong magagawa... Kawawa naman si Chase..."