webnovel

chapter 26

Laking gulat ni Lander nang may hindi siya inaasahang bisita na biglang pumasok sa kanyang opisina sa hapon ding iyon. Oh my God....totoo ba itong nakita kong panauhin mo, Doc Lander? ang tanong sa kanya ni Wilmer Sandejas, ang Administrative Officer V ng kanilang Division Office. Our newly hired attorney is here at your office! ang tuloy-tuloy na sinabi ni Wilmer kay Lander.

Hindi naman nagpatinag si Doc Lander kay Wilmer kaya buong hinahon niyang sinagot ito. Nakita ko kasi siyang pauwi na kanina kaninang palabas na rin ako kaya naisipan ko siyang yayain dito sa opisina ko para naman to know her better at para makahingi na rin ng legal advice tungkol dito sa pertinent papers ko for the position...by the way, what brings you here? ang takang tanong din ni Lander kay Wilmer. Kakausapin sana kita na huwag ka na lang sanang mag-apply bilang chief ng SGOD department pero nakaready na pala ang pertinent papers mo Sir...kaya l wish you luck na lang and may the best man win! ang diretsong sagot din sa kanya ni Wilmer, by the way huwag na kayong mag abala sa snacks niyo bukas ng umaga kasi magpapakain ako sir for my early celebration as a master's degree holder! Ang dugtong pa nito bago ito tuluyang nagpaalam. Salamat, Happy Graduation and Congratulations! ang tugon naman ni Lander sa kanya.

Kinutuban man sa biglang pagpunta ni Wilmer sa kanyang opis pero ayaw niyang maapektuhan ang good mode ni Via lalo na at nag-alok ito na sasama siya mamaya sa bahay nito kaya isinantabi na lang muna niya ang kanyang kutob na iyon. Mahirap na at baka pati itong si magandang attorney sa kanyang harapan ay madamay pa ito at mahirap na baka mailang na ito sa kanya kaya naging casual lang siya ulit sa pakikitungo niya rito. Let's go! ang ngiting deklara na may pakindat itong si Lander kay Via at itong si timang naman ay hindi napigilang mag blush ang kanyang magandang mukha na dala-dala niya ito hanggang sa pumunta na sila sa kani-kanilang mga sasakyan. Sundan mo na lang ako sir doc...ang sinabi nito kay Lander bago siya tuluyang pumasok sa kanyang sariling kotse. Dahil tinted naman ang kanyang kotse ay hindi niya na pinalagpas ang kanina pang gustong sumabog na emosyon sa sobrang kilig niya rito kay Lander. ay... ay... ay....pag-ibig! konting push na lang! Oo na, sige na! love you na! at hindi na rin niya napigilang i-kiss ang kanyang kamay na kung saan andun ang ibinigay na singsing sa kanya ni Lander na simbolo daw ito ng kanyang pagtatangi sa kanya. Nang biglang bumusina sa kanyang likuran si Lander na hudyat dito na kanina pa pala siyang ready kaya medyo nagulat si timang! yan kasi napapala ng NBSB! mahilig mag day dreaming kaya ayan tuloy! ang hagikhik ni Via na sabi sa kanyang sarili habang pinaandar na rin niya ang kanyang kotse at naisip niyang magdiretso muna sa grocery store para bumili ng kanilang pagkain at syempre, maiinum na rin. Nangiti at naexcite siya sa naisip na iinum sila ng kanyang future boyfriend mamaya. Haist! sana, siya ang unang malalasing! para makasama ko na rin siya ng buong gabi! shet na malagkit! hihihihihi! hihihi! ang mala witch-laugh na halakhak ni Via...na mukhang magtatagumpay na naman siya sa plano niya...