webnovel

CAUGHT IN HIS TRAP

"Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."

jadeatienza · 都市
レビュー数が足りません
28 Chs

Frantic

Chapter 18. Frantic

"BOSS, tumatanda na tayo, ah."

Narinig ni Heizen na bati ni Baxter, isa sa mga main vocals ng Eclipse.

"Happy sixty-ninth birthday!" hiyaw naman ni Sage, ang isa sa mga main dancers.

Subalit wala sa alinmang pinag-uusapan ng mga ito ang atensyon niya, nasa lalaking nakapamulsa habang prenteng nakasandal lamang sa pader, habang madilim at malamig na nakatitig sa kanya.

Sa kabila ng paraan ng paninitig nito sa kanya ay nabanaag niya ang kagyat na pangungulila. Or maybe she was hopeful that he missed her, too, that's why she's seeing things she wanted to believe. Tears pooled in her eyes and she immediately avoided his dark gazes towards her.

She wasn't just delusional, right? It was really him. Malayo man ang istura nito sa hinagap niyang malapad itong nakangiti at sasalubungin siya ng yakap, ay hindi siya magrereklamo. Sapat na para sa kanya ang makita itong muli makalipas ng ilang taon.

Nalaman din niya noon na umuuwi ito pero laging hindi niya nadaratnan. Lagi siyang may klase sa tuwing nasa mansyon ito. Kapag nakauwi na siya'y kaaalis lang ng huli at babalik kinabukasan. Saglit lang naman iyon, mga isa hanggang tatlong araw, at palaging nagkakasalisihan sila.

"Excuse me," Heizen excused herself. Nagmadali siyang lumabas at dumiretso sa washroom. Gustong sumabog ng puso niya sa sobrang dami ng emosyong bumuhos sa kanya pero mas nangingibabaw ang pangungulila.

Nagtagal siya sa loob ng banyo at kinalma ang sarili.

"You can't cry now," bulalas niya habang titig na titig sa kanyang repleksyon sa salamin. "Walang namatay."

She decided to wash her face and calm herself more before she finally graced outside the building. Ite-text na lang niya si Rexton at hihingi ng dispensa dahil umalis na lang siya kaagad sa gitna ng meeting nila patungkol sa updates tungkol sa unti-unting pagbawi nila sa yaman ng mga Salazar.

Pagkalabas ng gusali ay sumakay siya ng cab pahatid sa unit na tinutuluyan niya sa Nievieras' Condominiums. Okupado ni Ali isipan niya. Bagay na bagay rito ang maiksing buhok at naka-brush up. And, damn, he looked like a fine man. Mas gumwapo ito sa paningin niya. Agad na tinaboy niya ang mga papuring iyon sa isipan.

Malamya siyang kumilos habang nasa loob ng bahay. Naglinis din siya kahit wala namang dapat linisin. She made herself busy and tired so she could fall asleep that night. Pero hindi rin lang naman nakatulong sa kanya ang paglilinis na ginawa.

She just cooked processed meat and ate dinner. Wala siyang ganang magluto kanina kaya pinirito na lang ang tocino. Pagkatapos niyon ay nag-shower na siya't bandang alas otso ay nagpatuyo na ng buhok.

Hindi na siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas na damit dahil matutulog naman na siya, at ang bikini-cut black panty lang din ang suot niya para mas komportable siya sa pagtulog. Pero mag-a-alas onse na ay hindi pa rin siya matigil sa pagbiling-biling sa kama. Ayaw siyang tigilan ng mga bagay-bagay na naiisip niya.

She annoyingly got up and went to the bar counter inside the unit, she grabbed the brandy and drank straight from the bottle. Dahil hindi naman sanay uminom ay gumuhit agad ang pait sa lalamunan pababa sa kanyang sikmura pero hindi niya alintana iyon 'tsaka uminom ulit.

Halos malunod siya sa pagtungga at tumulo ang ilan sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang puson.

Habang umiinom ay nasamid siya nang may marahas na nagmura ilang metro ang layo sa kanya. Sa sobrang gulat at nabuhos na sa kanyang katawan ang tinutunggang brandy.

Mabilis itong nakalapit sa kanya at galit na inagaw ang bote 'tsaka pinatong iyon sa bar table.

"Ali..." tila lasing na usal niya.

"Papatayin mo ba ang sarili mo sa alak?"

Hindi siya sumagot at napatitig lang ito sa katawan niya. She crossed her arms on her chest when she realized she's topless and wet because of the brandy.

"Why are you here!?"

"B-Bakit ba galit ka?" nanlulumong tanong niya.

"Did you do this on purpose?"

"Why are you damn mad? I didn't do anything!"

"Oh, you did," mapangutya ang boses nito at naniningkit siyang tinitigan.

"Ano ba'ng ginawa ko?" Nagtatakang tanong niya.

"You're dating our CEO." Parang hindi naman iyon ang nais nitong sabihin.

"I'm what?!"

"Get dressed and go home, Heizen."

"No, Ali. We'll talk right now. Ano'ng sinasabi mong dine-date ko so Rexton?"

"First name basis, huh?" he mocked. "What did you do to make him go crazy over you?"

"Wala nga akong ginagawa!" Gustong mangilid ng kanyang luha dahil sa pinaramdam nitong kalamigan sa kanya. Pero dahil sa inis na namuo sa kanya ay hindi niya magawang maiyak.

"Did you also sneak in his house and walked around with just a piece of that damn sinful clothe?"

"Fuck you!" mura niya 'tsaka ito sinampal. Hindi siya makapaniwalang nagawa nitong pag-isipan siya ng masama.

"Yeah! Fuck me!"

Hinuli nito ang kamay niyang pinangsampal dito 'tsaka sinalo ang kanyang likod habang marahas siyang hinalikan. His kisses were burning, punishing, yet so ravishing.

Naging mabigat ang paghinga nila habang bumagal naman ang paraan ng paghalik nito. She responded because her treacherous body immediately reacted with his kisses.

She pressed her body onto him and she gasped when she felt his hard on.

Doon ito natauhan at marahas na pinutol ang halik. Lust, anger, and longing were mixing in his cold, dark eyes while she only reacted with lust. Given naman na ang pangungulila niya rito, eh.

Napasabunot si Ali sa sarili at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Magbihis ka na. Ihahatid kita."

"Saan mo ako ihahatid?" she asked when she finally calmed down.

"Sa mansiyon— goddammit, Heizen Maey! Magbihis ka na!" He got distracted the moment he glanced at her body.

"Paano kung ayaw ko?" she smirked. Ah, her body wanted to be touched, suddenly wanted to feel good.

"Pagod ako, Heizen. Gusto ko nang magpahinga. Just sleep here. I'll go to my room."

Nalilito man ay hindi na niya iyon pinansin. She's too busy on how to seduce him. Kung pikot man ang tawag sa gagawin niya... be it. Pipikutin niya ang isang Prince Alexander Quijano.

"Can I sleep beside you?"

Naningkit ang mga matang tinitigan siya nito at napamura ulit nang mahagip ang tayung-tayo niyang mga dibdib. "Get dressed!"

"Ayoko. You're fully aware that I sleep half-naked."

"Fucking do whatever you want to. I'll sleep now."

"What happened, Ali? Why are you so mad ar me?"

"I'm not..."

"Oh, sure you are. You were frantically kissing me."

"Let's just talk tomorrow, Heize."

She pouted and before she could respond, he stormed towards his bedroom— the very same bedroom she's occupying.

Sumunod siya rito.

"What did you do here? What happened to my room?" Puro girly things kasi ang nasa loob ng kwarto. Hindi na lang plain classic black and white na tulad ng dinatnan niya noon.

She bit her lower lip and went to grabbed her robe on the rack. Sinuot niya iyon habang nakatitig sa kanya si Ali.

"This is my room."

"This is my place, Heizen. So I know what's mine."

"Bakit hindi mo ako angkinin, kung ganoon? I'm only yours, too." What the heck am I saying? Ah, yes. I'm seducing him, She collected her thoughts.

"Why are you here?" Mabigat ang hiningang tanong nito.

"Your mom told me I should stay here. Mas malapit sa Uni," she said on-point.

"Kailan pa?"

"Hmm... Mag-iisang buwan na. Bakit ka ba nandito— Oh, silly me. Sa iyo nga pala ito. Pasensya na, I'll just look for a dorm tomorrow."

"No, you'll stay here."

She smiled. Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay nakuha na niyang doon umuuwi si Ali sa tuwing may bakasyon ang mga ito. Kaya pala ganoon na lamang ang ekspresyon nito kaninang nakita siyang nandoon. She was like an intruder to his own personal place.

"Bakit hindi ka sa mansyon umuuwi?"

"Mas malapit ito sa kumpanya."

"Are you required to go to the company while you're on a break?"

Hindi ito sumagot. Parang nag-iisip.

"Tatlong taon tayong hindi nagkita..." pag-iiba niya sa usapan.

"Matutulog na ako. Aalis din ako bukas."

"Ha? Bakit? I thought you're on a vacation?" Pinagaan niya ang kanyang pakiramdam.

"Eclipse members will go to Batangas tomorrow. Team building."

"Sama ako?"

"I said I'll be with Eclipse."

Hmp! Ang sungit. Pero hindi ako susuko. "P.A. mo ako, Ali," she reminded him. "Ang usapan natin noon, sa tuwing may schedule kayo sa Pilipinas ay pagsisilbihan kita."

"Don't you have classes?"

"Holiday bukas, long weekend, wala kaming pasok."

Naupo si Ali sa sofa at sumunod siya rito.

"I'll sleep at the vacant room," agap na niya bago pa ito magsalita.

"Dito ka. Ako na roon."

"I still didn't clean that room. I'm sure it's clean naman but I don't think it's homey yet. Dito ka na lang nang makatulog ka ng maayos."

"You think I can sleep very well in here?" There's a slight amusement in his tone.

"Oo naman. Malamig na ang aircon, humilata ka lang sa kama, aantukin ka na."

"I don't think I can sleep on your bed, Heizen. With your sweet and intoxicating scent everywhere, I don't think I can sleep soundly."

Natigilan siya. She didn't know she smelled like that. Ah, oo! I should be seducing him.

"Kung pagurin kaya kita nang makatulog ka ng maayos?"

Kumunot ang noo nitong bumaling sa kanya. She smirked, thinking that she successfully got him.

"Why are you doing that?"

"Because I miss you...?" She then held his hand. "Now, tell me, why were you frantic a while ago?"

Nagtangis ang bagang nito.

"I'm not dating Rexton, Ali."

"I don't believe you, woman. Before I left, you said you'd be happy... And he informed me that you two are going out."

"Why didn't you ask me, then?"

"How could I ask you when he already captured your young heart?"

"But you were the one who captured my young heart, Prince Alexander."

"You're clouding up my mind. It's not healthy for me." Nag-iba ang itsura nito at madilim na naman ang ekpresyon ng mukha nito. "I'll just book in a hotel..."

Napakabilis ng naging pangyayari. Ang akala niya ay magtatagumpay siya sa pinaplano pero heto siya ngayon, naiwang mag-isa't nakatulala sa dinaanan nito.

"I don't have the same effect on him..."

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang pagkapahiyang naramdaman. She literally offered herself to him but he just ignored her.

Nag-unahang pumatak ang luha sa kanyang pisngi hanggang sa hindi na niya napigilan at humagulgol na nang tuluyan.