webnovel

Can’t Help Falling In Love (taglish)

I can’t help falling in love with the same person who I can’t remember three years ago. - Damien Sevilla

cutiesize31 · セレブリティ
レビュー数が足りません
8 Chs

Chapter 2

~ FLASHBACK ~

I woke up with my aching head and body.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit dahil para bang nasagasaan at nabugbog ako ng sampung tao.

"Madelaine? Anak? How are you?" I saw my mom beside me

"Mom..."

"Yes, anak? May masakit ba? Arthur! Call the doctor!" nakita ko naman na lumabas agad si Dad

"Mom... w-where's Damien? Is he ok?" I tried to say it clearly dahil medyo hirap akong magsalita dahil sa nanunuyong lalamunan ko

"He's beside your bed, Madelaine"

Lumingon ako paunti-unti at nakita kong nakabalot din ng benda ang kanyang ulo kagaya ko. May mga nakakabit din sa kanya.

"H-how is he?"

"The doctor said that he's fine...and you too"

Tumango na lang ako at ilang saglit pa ay dumating na ang doctor na tinawag ni Dad. Kasama nya rin sila Tito Clyde at Tita Dahlia, Damien's parents.

Agad nila akong nilapitan habang chineck naman ako ng Doctor

"How is she, doc" agad na tanong ni Dad

"She's recovering. Umepekto na sa kanya nag mga gamot na ibinigay namin sa kanya. She's brave dahil sa gitna ng nangyari ay nakayanan nya ang lahat pati sa operation nya. Pero kailangang magdoble ingat lalo na sa kanyang head"

"What? Why, doc?" i asked him

"Do you feel any pain from your head, Ms. Madelaine?"

Pinakiramdaman ko ang ulo ko at nakaramdam ako ng pananakit nito.

"M-masakit doc"

"Just rest. It's because of the bullet na tumama sayo. Becareful of your moves, Madelaine..."

I can't believe that I have a bullet inside my head! It's not a freaking joke dahil one wrong move, my life will end.

Inexplain pa ni Doc. Laurente ang tungkol sa condition ko. Hindi na nila tinanggal sa ulo ko ang bala na tumama sakin dahil mas lalong manganganib ang buhay ko. They have a choice, it's either they remove the bullet with 50% life chance of surviving or treat the wound and stays the bullet inside my head with 70% life surviving.

And they choose the second one. My parents decided too about it. They want me to live so kahit na mahirap, nagdecide sila na istay sa ulo ko ang bala at magpatreatment na lang ako.

***

It's been a week since I woke up but Damien is still sleeping.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ng hospital bed nya.

I'm staring at him while combing his hair using my fingers.

"Love, wake up na please? Hindi ka ba nangangalay sa pagkakahiga mo dyan?" inabot ko ang cellphone ko na nasa side table

"Look at this, love. I made a video for our monthsary tomorrow. Malapit na tayo mag 3 years!" I smiled at him while staring at him

Ibinaba ko ang phone ko saka sya niyakap. Maingat ko syang niyakap at nagsimula na namang pumatak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan

"Love. Wake up ka na. I miss you so much! I miss the way you talk, the way you laugh, smile, hug and kiss me. I miss all of you. Gumising ka na. Kahit yun na ang regalo mo para sa monthsary natin bukas, masaya na ko. Masayang-masaya" Humiwalay na ko ng yakap saka sya tiningnan at hinawakan ng mahigpit ang kamay

"Wake up. Please..." the after that, i break down. I can't see him in this situation. But I need to be strong.

I decided to get my phone again and call my dad. I need to confirm something.

"Hello Anak? May problema ba? Is your head aching again? Hello–"

"Dad. What happened to those guys na humabol samin nang maaksidente kami?"

"Some of them were already dead because of our plans on helping the two of you. And the others were now in jail"

"How about Mr. Cross Samaniego? Yung anak ni Mr. Vincent Samaniego"

"Ahh that guy, for now ay pinaghahanap na sya. Nagtutulungan kami ni Tito Clyde mo pa mahanap sya pati na rin ang ama nito. Kailangan nilang managot sa ginawa nila sainyo ni Damien"

Before I end the call, I remembered something...

"Dad, sino ang bumaril samin? Sakin?"

"It's Cross. We saw him after he did that. Pinaulanan namin sya ng bala dahil dun pero nakatakas agad. Masamang damo kaya mahirap patayin. Don't worry, my princess. Mahuhuli rin namin sila"

Napatango na lang ako at nanginginig ang kamay ko nang patayin ko ang tawag.

I can still feel scared about what I've knew today. Since hindi pa patay ang mag-amang Samaniego, there's a possibility na gawan kami nito ng masama.

Napatingin naman ako sa mahimbing na natutulog na boyfriend ko.

Wake up now, Love. You promised me that you'll protect me always. And yes, you protected me about that accident weeks ago, pero sana gumising ka na. I can't stand seeing you like that.

***

"Baklaaaaa!!!"

Halos mapabalikwas ako sa hospital bed ko nang biglang bumukas ang pintuan at sa pagsigaw ng bakla na 'to

"Ano na bakla, kilala mo pa ba ako?"

"Ofcourse, Carlos"

"It's Carla! Duuuhh!" Sabay flip ng invisible long hair nya

"Nasaan na ang mga pinabili ko sayo?"

"Ay babaita ka! Bayad muna! Naka 7,623 pesos ako!" napairap na lang ako nang maglahad sya ng kamay sakin

Inapiran ko ito kaya mas nainis sakin ang Carlos

"Nasaan muna?"

"Pinabitbit ko dun sa bodyguard na nakabantay kanina. It's so mabigat kaya! I don't want me to get tired noh"

"Ang arte bakla ha!"

At sakto namang may kumatok sa pintuan kaya lumapit na si Carlos dito. Pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang dalawang guard na may bitbit na pagkain habang yung isa ay cake at bouquet of flowers. Iyon nga ang pinabili ko.

"Pakilagay na lang po dito. Salamat!" Sabi ni Carlos sa dalawang guards saka umalis ang mga ito pagkatapos

"Oh ayan na bakla. bayad mo?"

"Eto na! Madaling-madali ka? Para namang matatakasan kita"

"Happy monthsary nga pala sainyo. Two months na lang magtthree years na kayo. Grabe ang tatag! Sana all!!"

"Hahaha..thank you, Carlos"

"Sana magising na si fafa Damien"

"Yeah...sana nga"

Nilapitan ko sya habang hawak ko ang cake at hawak naman ni Carlos ang bouquet

"Love! Happy monthsary to us! I love you so much!" Nagsindi ako ng candle saka naman inilagay ni Carlos ang bouquet sa tabi ni Damien bago kami kuhanan ng litrato.

Before I blow the candle, I make a wish first.

'sana magising na si Damien'

I smiled and I blow the candle

"Perfect! Kainan na!!!"

"Wait, hintayin muna natin parents namin. Napaghahalataan kang PG ha!"

"Ay grabe! Ang sexy ko kaya duuuhh!"

"Yeah yeah... libre mangarap" natawa ako sa sinabi ko at syempre sa nanlalaking mata ni Carlos

"Ang harsh mo! Sumbong kita kay fafa Damien! Bad ka"

"Shh!! Ang bungangero mo bakla"

Umupo ako sa tabi ni Damien saka ipinatong ang hawak kong cake sa side table.

I hold his hand tightly.

"I love you, my Damien"

I kissed his hands pero saktong pagkakababa ko nito ay syang paggalaw ng daliri nya