webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

XXXVI

Juliet

"May panauhin po kayo, Señor. Aakyat daw po ng ligaw kay—"

"Hay, hayaan mo siya! Huwag niyo na akong kukulitin sa mga manliligaw nito at paalisin niyo na agad!" Iritableng sagot ni Caden sa tagapagsilbi atsaka ako tinarayan. Ay pak! Iba rin ang lolo niyo. Napakasungit.

"Binibigyan mo ako lagi ng dagdag trabaho at sakit sa ulo." Pagtataray sa akin ni Caden at nag make-face lang ako sa kaniya kaya mas naasar lang siya.

Nasa may dining table si Caden at bumalik na sa pinaggagawa niya. Ang daming nakakalat na papel sa lamesa at kanina pa rin siya nandiyan samantalang ako... ito. Walang ginagawa. Hinihintay lang bumaba sila Ama at Ina para makapagsimba na.

Napatingin ako sa hagdan para tignan kung pababa na ba sila at halos atakihin ako sa puso nang makita silang nakatayo roon. Mukhang kanina pa nakikinig at natatawa sa amin.

"Hayaan mo na ang mga manliligaw ng iyong kapatid, anak. Nais lang naman nila kunin ang pagkakataon na ito." Sabi ni Ama habang bumababa sila ng hagdan ni Ina.

"Pero Ama, simula nang kumalat na hindi talaga magkasintahan si Koronel Fernan at Juliet at walang magaganap na kasal, araw-araw nalang may binatang pumupunta rito at gabi-gabi nalang may nanghaharana na hindi rin naman nilalabas nitong si Juliet kaya sino ang naaabala at may responsibilidad labasin ang mga binatang 'yon? Ako! Ako na wala namang kinalaman at ako na wala namang pakialam sa panliligaw nila!" Stressed na reklamo ni Caden pero tinawanan lang siya nila Ama at Ina.

"It's your responsibility as Juliet's older brother, Caden." Nakangiting sagot ni Ina.

"Ipakasal niyo nalang kasi si Juliet kay Heneral Niño at doon din naman babagsak 'yan!" Kamot ni Caden sa ulo niya at napahawak si Ama sa baba niya na para bang biglang napaisip.

"Kung sabagay... wala naman nang tatapat kay Niño. Matapang at magiting na heneral, nagtapos ng abogasya, isang Sebastian at Enriquez, maginoo, mabait, may takot sa Diyos, may malasakit sa kapwa, at may prinsipyo." Pag e-enumerate ni Ama sa traits ni Niño at napatangu-tango ako sa bawat point niya. Tama ka diyan Ama, tamang-tama!

"Wait, how about the Custodio boy... A-Angel... Angelo? He's a doctor, right?" Sabat ni Ina.

"Ah, oo nga! Ang nag-iisang anak ni Pablo, si Angelito! Napakakisig, napakahusay na doktor, at magtatayo na siya ng sarili niyang pagamutan sa susunod na linggo!" Tuwang-tuwang sabi ni Ama.

"Sus! Si Angelito? Aakyat ng ligaw diyan kay Juliet? Eh hindi nga nun niligawan si Rosario na pinagkakaguluhan din ng mga binata dati." Sabi ni Caden kaya inirapan ko lang siya.

"Juliet is different from Rosario. Your sister is not just beautiful, Caden. She also has a very good heart, she's kind and very considerate and to top it all, she's also a doctor." Sabi ni Ina at lumapit sa akin.

Bleh Caden, Bleh!

"Tignan mo lang Caden at itong darating na linggo, pupunta rito ang Angelito Custodio na 'yan para kay Juliet. Sinisigurado ko sa iyong walang binata sa bayang ito ang hindi mabibihag ng iyong kapatid." Sabi rin ni Ama at nginitian ako dahil pinagtutulungan namin ngayon si Caden.

"Your sister is the Psyche, Aphrodite, and Helen of San Sebastian." Dagdag pa ni Ina at with Greek Mythology references pa talaga 'yan!

"Helen talaga..." Bulong ni Caden habang inaayos 'yung mga papeles sa lamesa.

"Oo na! Lagi namang panalo bunso eh!" Sabi ni Caden at nagtawanan kaming lahat at lumabas na para magsimba.

"Juliet, si Ernesto Enriquez na nasa harap ang nagmimisa at hindi si Heneral Niño."

Natigil naman ang pagsulyap ko kay Niño na nasa kabilang side rito sa simbahan dahil sa sinabi ni Caden na halatang nang-aasar at balak lang akong isuplong kanila Ama at Ina para makaganti.

Lumingon sa amin sila Ama at Ina at natatawang napailing-iling atsaka ibinalik ang atensyon sa harap kaya inasar ko si Caden.

BWAHAHAHA! Akala niya diyan ah! Hindi ako pinagalitan, bleh Caden! BLEH!

"Hindi makatarungan... hindi talaga makatarungan." Defeated na sabi ni Caden at mukhang hindi siya makapaniwala kung gaano ka-makapangyarihan ang mga bunso HAHAHA!

Sumulyap pa ulit ako sandali kay Niño at this time, nahuli ko siyang sumulyap din sa akin kaya nagpalitan kami ng mga ngiti at ibinalik ko na rin ang atensyon ko kay Padre Ernesto. Hindi rin naman ako lugi dahil ang gwapo rin talaga niya huhu. Lord sorry po, hindi ko naman po pinagnanasahan ang alagad niyo, sadyang gwapo lang po talaga siya.

Pagkatapos ng misa, as usual ay nagchismisan ang mga thunders. Nagkumpul-kumpol pa sa may bandang gilid ng pintuan ng simbahan sina Don Horacio (ama) at Doña Faustina (ina), Don Luis at Doña Isabela na magulang nila Padre Ernesto at Heneral Niño Enriquez, Don Federico at Doña Juana na magulang nila Miguel, Fernan, Pia, Manuel at Mateo Fernandez, at kasama rin nila sina Don Alonso at Doña Consuelo na magulang nila Jose, Hernando (Andong) at Emilia Hernandez.

Nang magkumpulan 'yung thunders, gumawa rin ng sariling circle sina Caden, Miguel Fernandez, Niño, Fernan, Jose Hernandez, Andong, at Alejandro na asawa ni Pia. Si Manuel naman sinusundan si Mateo na naglalakad-lakad at si Emilia ay nanatili lang sa tabi ni Doña Consuelo na nanay niya.

Bigla akong hinila ni Pia sa isang tabi kaya naman sobra akong kinabahan. Alam na nga pala niyang hindi totoo 'yung relationship-kuno namin ng kuya niya huhu anong sasabihin ko sa kaniya?

Nang makarating kami sa isang sulok, marahas na binitawan ni Pia ang braso ko kaya mas lalo pa akong kinabahan. Ghad, galit talaga siya!

"P-Pia—"

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit as in sobrang higpit na hindi na ako makahinga kaya kumalas ako.

"Pasensiya na, Juliet. Sobrang natutuwa lang talaga akong makita ka at hindi na bilang kasintahan ni Kuya Fernan kundi bilang kaibigan ko." Tuwang-tuwang sabi niya kaya naman nawirduhan na ako.

Natutuwa siya? Bakit naman?

"Ang totoo kasi niyan, Juliet... maaaring magkagulo at may masasaktan na malapit din sa akin kung natuloy ang kasal niyo ni Kuya Fernan." Amin ni Pia na mas nakapagpagulo sa akin.

Magkakagulo at may masasaktan? Bakit naman at sino?

"Anong ibig mong sa—"

"Pia!" Rinig naming sigaw ni Don Federico kaya bumitaw na si Pia sa akin.

"Magkikita tayong muli, Juliet. Tutungo lang kami ngayon sa Dagupan upang bisitahin ang aming mga kamag-anak at babalik din kami rito sa San Sebastian."

"Dagupan?"

"Oo nga pala! Naroon daw yata ngayon ang batang heneral! Huwag kang mag-alala at ibabalita ko sa iyo kung totoo ba ang mga kuwento tungkol sa kakisigan nito!" Kinikilig pa na sabi ni Pia bago tuluyang magpaalam.

Ilang minuto rin akong naiwan na nakatayo lang habang inaabsorb ang mga sinabi niya atsaka naglakad pabalik sa harap ng simbahan kung nasaan ang mga thunders.

Wala na ang mga Fernandez at mukhang nagpapaalam na rin sa isa't-isa 'yung mga magulang namin. Nauna nang sumakay sina Don Alonso at Doña Consuelo sa karwahe nila at umalis na rin kasama si Kuya Jose at Emilia.

"Oh hijo, hindi ka ba uuwi kasama ang mga magulang mo?" Tanong ni Ama kaya napalingon ako sa kaniya at nakitang si Niño ang kausap niya. Nakasakay na kasi sina Don Luis at Doña Isabela sa karwahe nila.

"Hindi po, Don Horacio." Magalang na sagot ni Niño.

"Si ese es el caso, ven y únete a nosotros en nuestro almuerzo." (If that's the case, come and join us for lunch.) Sabi ni Ina at mukhang magno-nose bleed na naman ako dahil malamang Spanish din sasagot 'tong mga kausap niya.

Mukhang tatanggi pa sana sina Niño at Andong pero dumagdag pa si Ama.

"¡Sí! Debes unirte a nosotros!" (Yes! You should join us!)

"Si ese es el caso, muchas gracias Señor y Señora." (If that's the case, thank you so much Señor and Señora.) Nakangiting saad ni Niño.

"Si, muchas gracias Señor y Señora Cordova." (Yes, thank you very much Mr. and Mrs. Cordova.) Sabi rin ni Andong at nakangiti ring tinanggap nila Ama at Ina ang pasasalamat nila.

Inexpect ko nalang na nagpasalamat sila kasi nakarinig ako ng 'gracias' hehe at least nagagamit ko kahit papaano 'yung mga napanood ko sa Dora dati sa panahong 'to.

Sumakay na kami sa karwahe nina Caden at mga magulang namin at sumakay naman sina Niño at Andong sa mga kabayo nila.

"Ngiting tagumpay ka ah." Asar ni Caden sa akin pagkaupo namin sa loob ng karwahe kaya naman pasimple ko siyang kinurot. Mang-aasar pa eh.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts