webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

XXII

Juliet

"Madali kang matuto." Nakangiting saad ni Pia habang pinagmamasdan akong tahiin 'yung panyo gamit 'tong sewing machine na makaluma.

Maaga akong sinundo ni Pia sa amin kasama ang kutsero at karwahe nila. Sobrang simple lang talaga ni Pia. Mahinhin siya pero palabiro, ang close na nga namin agad eh kasi kahit pa ang demure at feminine niya talaga kumilos eh may pagka-pilya rin siya na hindi ko inexpect.

Kanina pa rin niya ako inaasar sa kuya niya at kinukulit na ano raw ang pinaka-romantic na ginawa nito sa akin. Tumawa nalang ako sa pangungulit niya dahil hindi ko naman masabing hindi ko naman talaga boyfriend 'yung kapatid niya dahil napagkamalan lang kami kasi ang judgmental ng mga tao rito kasi siyempre, magiging awkward ang atmosphere kapag bigla ko nalang spinill na misunderstanding lang ang lahat.

Sa totoo lang, madaldal si Pia kahit pa mahinhin siya at akala mo eh 'di makabasag pinggan. Mukhang tahimik lang talaga siya kapag maraming tao pero kapag kayong dalawa lang, grabe!

Nakwento na yata niya ang buong buhay niya sa akin. Nabanggit niyang 27 years old ang Kuya Miguel nila na wala pa ring balak mag-asawa. Sinubukan na raw nilang kumbinsihin pero wala pa raw talaga 'yon sa plano niya. 24 years old naman si Fernan, 23 years old siya, 22 si Manuel at 10 naman si Mateo. 36 years old daw si Doña Juana na nanay nilang lima nang ipanganak si Mateo at hindi raw talaga nila inaasahang masusundan pa si Manuel.

Nang matapos ko na 'yung panyo, pinakita sa akin ni Pia kung paano magburda at sinundan ko naman ang bawat ginagawa niya. Halatang sanay na sanay na siya dahil kahit pa mabilis siyang magburda eh maganda pa rin, hindi katulad ko... ang bagal na nga, pangit pa.

Napatingin ako sa binurda niya atsaka nakita 'yung burdang 'Alejandro'.

"Sino si Alejandro?" Tanong ko at mukhang nagulat siya sa biglaang tanong ko atsaka namula. Nako, mukhang may something sila ng Alejandro na 'to ah.

"Siya ang aking kasintahan." Nahihiya't kinikilig na sagot niya kaya kinilig na rin ako.

Halata sa mga mata niyang inlove na inlove siya sa Alejandrong 'to. At mukhang sobrang saya rin niya dahil nga tinakda na silang ikasal next month.

Pagkatapos kong magburda, pinagmasdan kong mabuti 'yung naburda ko na... 'Fernan'

Hmm... parang ang empty.

Nagburda ako ng smiley face sa tabi ng pangalan niya at pinagsisihan din pagkatapos dahil ang ewan na tuloy huhu.

"Maaari ko ba kayong maistorbo sa inyong ginagawa?"

Nagulat ako nang makarinig ng nagsalita mula sa likod namin kaya agad akong napalingon. Si Fernan!

"O-Oo naman, kuya." Sagot ni Pia na parang natataeng ewan na ngayon at trying hard itago 'yung binurda niya.

Napangiti naman nang mapang-asar si Fernan nang mapansing tinatago ni Pia 'yung binurda niya kaya lumapit pa siya sa kapatid.

"Maaari ko bang makita ang iyong ginagawa, mahal kong kapatid?" Ngiti niya na dahilan para makita ko ang cute niyang dimple.

"Ginawan ka ni Juliet!" Biglang pasa ni Pia ng atensyon ni Fernan sa akin na mukhang ikinagulat at ipinagtataka ni Fernan.

Wait, OMG! Ang pangit nga pala ng gawa ko, waaaah!

Itatago ko pa sana 'yung panyong inilapag ko kanina sa mesa nang hablutin na agad 'yun ni Pia at inabot nang mabilisan kay Fernan. Inasar pa niya kami bago tuluyang magmadali paalis. Walang hiyang Pia 'to huhu.

Napatitig si Fernan sa panyong ginawa ko na inabot ni Pia sa kaniya kanina. Nakatitig lang siya roon sa pangalan niyang ibinurda ko.

OMG. Galit ba siya? Na-aawakwardan? Bakit ba kasi ang opaque masyado ng lalaking 'to, hindi ko mabasa kung anong iniisip niya huhu.

"M-Maraming salamat, binibini." Sabi niya at ibinulsa na 'yung panyo. Waaaah! Nakakahiya!

"Hinihintay ka nga pala ni Niño sa inyong tahanan. Ipapahanda ko na ang karwahe upang makauwi ka na rin." Sabi niya at iniwan na ako.

Alam niyo, minsan ang weird lang din ni Fernan. Minsan makulit, minsan tahimik, minsan akala mo close na kayo, minsan din ipaparamdam niya sayo na may barrier pa rin talaga sa pagitan niyo.

Ang gulo niya, pansin niyo rin ba?

Maya-maya, may tumawag sa aking kutsero at ihahatid na raw niya ako pauwi. Hindi man lang ako ulit pinuntahan ni Fernan o kahit babye man lang.

Ano ba 'yun? Akala ko pa naman close na kami.

Nang paalis na 'yung karwahe, agad ulit itong tumigil at nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at dumungaw si Pia.

"Patawarin mo ako sa aking pagpapahamak sa iyo. Naisip ko lang na magkasintahan kayo ni Kuya kaya mas mainam na sa iyo ang makita niya sapagkat pangalan naman niya ang ibinurda mo. Para sa iyo ito bilang aking paghingi ng paumanhin at mag-ingat ka sa pag-uwi!" Nakangiting abot sa akin Pia ng mga palamuti sa buhok na nakabalot sa panyo at sinara na rin ang pinto ng karwahe at umandar na ulit ito.

Sumilip ako sa bintana at nagpasalamat sa kaniya. Kumaway-kaway naman siya sa akin at kumaway din ako sa kaniya at umupo na ulit nang maayos sa loob.

Nakita ko pa si Fernan na nakatingin sa akin mula sa bintana ng kwarto niya pagkaupo ko pero mabilis ding nakalagpas ang karwahe roon.

Kanina... feeling ko medyo iwas si Fernan sa akin. Bakit kaya?

Naiilang ba siya sa akin? Ayaw ba niya sa akin? Waaaaah! Baka ayaw niya sa akin para kay Niño?? O baka type niya si Ni—

Biglang tumigil ang karwahe dahilan para maumpog ako sa gilid kasi umalog-alog pa siya gawa ng biglaang pagtigil. Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Caden na agad akong hinila palabas.

OMG. Anong nangyayari??

"Maraming salamat sa paghatid sa aking kapatid ngunit kukunin ko na siya mula rito dahil may pupuntahan kami." Sabi ni Caden sa kutsero ng karwaheng sinasakyan ko kanina bago ako ipasok sa karwahe niya. Tumabi rin naman agad siya sa akin at umandar na ang karwahe.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"May mamamatay ngayong araw. Kailangan natin siyang iligtas dahil baka siya ang bagong may-ari ng gamit na kailangan ko sa misyon ko." Diretsong sagot ni Caden.

"P-Paano mo nalamang... may mamamatay ngayon?" Tanong ko.

Ang creepy na niya ngayon huhu. Atsaka bakit naman niya kailangang iligtas 'yung may-ari nung bagay? Hindi ba mas okay nga 'yun para sa kaniya na 'yung bagay na 'yun?

"Sinabi ko naman sa'yo na hindi ako ordinaryong tao, Juliet." Sagot niya na nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"Atsaka... nagiging parte ng bagay na kailangan ko ang nagmamay-ari sa kaniya kaya... kapag may nangyaring masama sa may-ari nito ay maaaring may mangyari ring hindi maganda sa bagay na kailangan ko." Dagdag pa niya.

Bumaba kami sa tapat ng isang pagamutan. Mukhang nandito 'yung sinasabi ni Caden na nagmamay-ari ng bagay na kailangan niya sa misyon niya. Sino kaya 'yun at anong bagay kaya 'yun?

"Nandito ngayon ang aking kapatid upang tumulong sa inyo." Sabi ni Caden na nagpalaki sa mga mata ko.

Ano raw? Tutulong ako sa ospital na 'to??

"Nag-aral siya ng medisina sa Inglatera kaya naisip kong maaari siyang makatulong sa inyo." Ngiti pa ni Caden.

What???!!!

Correction: NAG-AARAL ng medisina sa PILIPINAS sa PRESENT year.

Pasimple kong kinurot si Caden pero ni hindi man lang siya lumingon sa akin.

"Maraming salamat po, Ginoong Cordova. Halika na po, binibini." Tawag sa akin nung babae kaya napakapit ako kay Caden habang nanlalaki ang mga mata ko, nagmamakaawang iligtas niya ako.

Binigyan lang niya ako ng sumunod-ka-nalang look at tinanggal ang pagkakakapit ko sa kaniya at tinulak-tulak na ako papunta sa babaeng kausap niya kanina huhu.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts