Juliet
"Tapos na po ba?" Tanong ko kasi kanina pa inaayos ni Manang Felicitas ang buhok ko.
"Sandali na lamang po, binibini." Sagot ni Manang.
"Onting tiis nalang po, binibini." Dagdag pa ni Adelina.
"Kailangan po ay maganda kayong tignan sa harap ng inyong mamanugangin." Sabi pa ni Manang kaya bigla akong napatayo dahilan para lumugay ulit ang buhok ko at 'yung mga magarang pang-ipit nalang ang maiwan.
Mukhang nagulat si Manang sa ginawa ko kaya nginitian ko nalang siya.
"Ah... hehe... mahuhuli na po kami. Mauna na ako." Sabi ko at tumakbo na palabas ng kwarto ko at pababa sa hagdan atsaka dumiretso sa karwahe kung nasaan naghihintay si Caden. Ghad! Ano ba kasing mamanugangin pinagsasabi nila huhu.
Pagdating sa hacienda Fernandez, mainit kaming sinalubong ng nga tao or should I say 'mainit na sinalubong ng mga tao si Caden' kasi siya lang naman ang binabati tapos puro 'ito ba ang kapatid mong nagmula sa Inglatera?' at puro tango at 'magandang gabi' lang naman ang sinasabi at ginagawa ko.
Nang makahanap ng tiyempo ay pasimple akong umupo sa isang bakanteng upuan kasi nangangalay na talaga ako huhu. Pagkarating na pagkarating namin ay nakikipagchikahan na si Caden tapos OP naman ako kaya mas okay na umupo nalang ako hehe.
Nagulat ako nang may umupo isang bakanteng upuan lang ang pagitan sa akin at paglingon ko, nakita ko si Manuel.
"Magandang gabi sa iyo, binibini." Mahinhin na bati niya habang nakangiti na akala mo eh hindi ako iniwan nung kailan lang.
"Magandang gabi ka diyan eh iniwan mo nga ako sa gitna ng gubat nung kailan." Pagtataray ko kaya bahagya siyang natawa.
"Nakasama mo naman ang iniibig mo, binibini." Ngiti niya at mukhang nang-aasar pa.
'To talagang lalaking 'to, kung hindi lang 'to mahinhin kanina ko pa sinapok 'to eh.
Agad akong napalingon sa gitna nang humarap na roon ang mga tao. Mukhang magsisimula na 'yung party.
"Naku, patay." Biglang sabi ni Manuel kaya napalingon ako sa kaniya.
"Magkita nalang tayo muli mamaya, binibini." Nagmamadali at natatarantang takbo ni Manuel palayo.
Huh? Saan pupunta 'yun eh nag s-start na?
Tumayo nalang ako at naki-usyoso roon sa tinitignan ng mga tao at nakita si Don Federico na tatay ni Fernan sa gitna.
"Maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pagdalo sa aking kaarawan." Nakangiting simula niya at halata sa mukha niyang tuwang-tuwa talaga siya dahil marami ang pumunta para samahan siya sa birthday niya.
Nagsalita pa siya ng kung anu-ano pero hindi na ako nakapag-pay attention kasi nahagip ng mata ko si Manuel na tanging naglalakad dito sa loob ng mansion ng mga Fernandez at pasimple siyang umakyat sa malawak na hagdan paakyat ng mansion.
OMG! Magnanakaw ba si Manuel?? Tapos grinab na niya 'tong opportunity na 'to para makapagnakaw kasi abala ang lahat na ni wala ngang mangahas gumalaw dahil lahat ng mga mata at tenga eh kay Don Federico nakatuon?!
Hahanapin ko sana si Caden para isumbong si Manuel kaya lang biglang nagpalakpakan ang mga tao. Wait, what? Anong meron?
"Malugod kong ipinapakilala sa inyo ang aking panganay na si Miguel." Nakangiting saad ni Don Federico at may bumaba mula sa hagdan na matangkad at matipunong lalaki.
Grabe 'yung tindig niya teh, iba rin. Parang may librong nakapatong sa ulo niya.
"Naging abala siya ngayong taon sa Maynila ngunit nagbalik na siya ngayon rito sa San Sebastian upang tulungan ako sa pamamalakad ng hacienda." Dagdag pa ni Don Federico at bumati't nakipagkamay si Miguel Fernandez sa mga tao.
Ooohh so siya 'yung kuya ni Fernan! Lima nga pala sila at si Fernan at Pia palang ang nakikita ko pero ito pala ang kuya niya. Wait! Pangalawang anak ni Don Federico si Fernan, so siya na next!
"Ang aking pangalawang anak naman ay si Fernan." Nakangiting pagpapakilala ni Don Federico kay Fernan at bumaba na rin ng hagdan si Fernan atsaka nakipagkamay at bumati rin katulad ng ginawa ng kuya niya kanina.
"Kailan lang din umuwi rito sa San Sebastian ang anak kong ito sapagkat abala rin siyang sundalo ngunit mukhang nahanap na niya sa kaniyang pag-uwi ang babaeng bumihag sa kaniyang puso." Sabi ni Don Federico na may halong pang-aasar at natatawang napailing-iling nalang si Fernan.
"Ang aking pangatlong anak na siya ring aking nag-iisang anak na babae, si Pia." At bumaba sa hagdan si Pia na sobrang ganda talaga!
Ang simple lang ng ayos niya pero nangingibabaw pa rin ang kagandahan niya sa kabila ng simple niyang baro't saya.
"Nalulungkot man akong mahihiwalay na sa akin ang anak kong ito sa susunod na buwan ay masaya na rin akong nahanap niya ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng isang marangal at mabuting binata." Sabi pa ni Don Federico na kinagulat ko pero mukhang aware naman na ang mga tao rito.
Waaaah ikakasal na si Pia? Feeling ko magkasing edad lang kami tapos siya ikakasal na huhu joke! Muntikan na nga rin akong ikasal kay Fernan eh.
"Susunod naman ang aking anak na si Manuel na isang mamamahayag na kakauwi lang din mula Espanya." At bumaba mula sa hagdan si Manuel.
OMG.
Manuel as in yung nag-iisang Manuel na nakausap ko sa panahong 'to! Kapatid siya ni Fernan?!
"Marahil ay tapos na sa kaniyang pag-aaral ay minabuti na niyang umuwi rito upang tulungan ako at ang kaniyang mga kuya at ate." Sabi pa ni Don Federico pero hindi naalis ang tingin ko kay Manuel na nakikipagbatian at kamayan sa mga tao ngayon.
Walangya 'to, napagkamalan ko pang magnanakaw eh sila naman pala ang may-ari ng mansiong 'to.
Mahinhin pa rin siya gumalaw at 'di makabasag pinggan. Siya yata talaga ang visual representation ng dalagang Pilipina eh.
"At narito ang aking bunso, halika rito Mateo." Tawag ni ni Don Federico at bumaba sa hagdan ang isang batang lalaki. Tingin ko mga 12 years old lang siya.
"Sila ang aking mga anak na aking magiging kaagapay sa pagpapaunlad ng hacienda Fernandez. Sa tulong nila'y gagampanan namin nang mabuti ang pagiging isa sa mga makapangyarihan at maimpluwensiyang pamilya rito sa San Sebastian. Layunin naming magbigay ng trabaho sa mahihirap nating mamamayan at makatulong kahit na sa maliit na paraan." End ni Don Federico sa pagpapakilala niya sa mga anak niya at nagsi-bow naman 'yung mga lalaki at nag-courtesy si Pia sa mga tao at nagpalakpakan ang lahat.
Grabe ang dami nila. Oh well, sila naman ang pinakamayamang pamilya rito sa San Sebastian kaya kayang-kaya silang buhayin ni Don Federico, sus. Kaya pa nga yata nila bumuhay ng isang buong football team na mga anak.
Napatingin ulit ako sa mga Fernandez at kumpleto na sila ngayon. May sumama sa kanilang babaeng mukhang mas bata nang kaunti kay Don Federico sa picture taking. Siguro siya ang asawa ni Don Federico dahil kahawig niya si Pia.
So bale sila Miguel, Fernan, Pia, Manuel at Mateo Fernandez ang mga anak ni Don Federico.
Teka, bakit lahat ng lalaki nagsisimula sa M, si Fernan lang ang hindi? Ampon ba siya?
Biglang may nagplay na mga musicians at kani-kaniya na ng kuhaan ng mga makakasayaw. Medyo sumiksik naman ako sa sulok para walang makapansin na loner ako rito. Sigurado namang walang mag-aayang sumayaw sa akin, takot lang nila kay Caden na binuhusan ng tubig ang mga anak ng mga pinakamayayamang pamilya rito sa San Sebastian. Atsaka, si Niño lang naman ang nangangahas sumayaw sa akin at mukhang wala naman siya rito. Teka, asan nga kaya siya?
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang may tumigil na pares ng sapatos sa tapat ko. Napatingala ako sa lalaking nasa harap ko at nakita si Fernan. Bahagya siyang nakangiti at diretsong nakatingin sa akin.
"Maaari ba kitang makasayaw sa unang pagkakataon, binibini?" Nakangiting tanong niya habang nakalahad ang kamay sa harap ko.