webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

XCI

Juliet

Kinabit ko ang gold pin sa kuwelyo ng puting uniporme ni Niño habang nakatulala siya sa lapag.

"Buong buhay ko'y kasama ko si Fernan." biglang sabi niya.

"Pero siya, may siyam na buwan siyang hindi niya ako kasama."

"Hindi ko inaasahang... mangyayari ito ngayon. Napakarami pa naming pangarap para sa Pilipinas. P-Paanong..." narinig kong nagcrack ang boses ni Niño kaya cinomfort ko nalang siya by rubbing his back gently. Nakatayo ako sa tabi niya at sumandal siya sa akin.

"Nalaman ko mula kay Gomez na sinabi niyang dadalhin niya ako sa iyo, h-hindi ko naman alam na... sa ganoong paraan." sabi pa niya at napaisip din ako. Lumapit nga sa akin si Niño no'ng nasa akin si Fernan dahil titignan niya ito. In a way para ngang dinala ni Fernan si Niño sa akin dahil sa kaniya.

Fernan naman, sa dami ng paraan ito pa talaga ang napili mo. Bakit yung pinakamasakit pang paraan?

Tumayo si Niño at kinuha ang satchel na nakapatong sa upuan. May kinuha siyang mga papel mula roon atsaka inabot sa akin at may sasabihin sana nang sakto namang bumukas ang pinto at bahagyang pumasok si Andong.

"Halika na," tawag ni Andong.

"Mag-uusap tayo mamaya tungkol sa mga iyan, binibini. Marami akong kailangang sabihin sa'yo." saad ni Niño kaya naman tinupi ko nalang ang mga papel na inabot niya atsaka nilagay sa bulsa ko at lumabas na nga kami ng kuwarto.

Napakaraming tao. Halos lahat ay nakaitim at may iilang sundalong nakaputi kagaya nalang ni Niño at Andong. Tirik ang araw na para bang chini-cheer kaming lahat pero hindi effective dahil lahat kami ay labis na nagdadalamhati. Pinipigilan ko ang pag-iyak ko hanggang sa makita ko si Pia na halos magwala na sa kabaong ni Fernan na unti-unting bumababa sa lupa.

"Kuya... K-Kuya... Kuya Fernan..." tawag ni Pia at napaluhod nalang sa lupa kaya agad siyang inalalayan ni Alejandro.

Isa pa si Mateo sa tawag nang tawag sa kuya niya na dahilan ng sobrang pagkirot ng puso ko. Sobrang bait ni Fernan at ngayon habang iniisip ko kung gaano pa siya mas kabait sa mga kapatid at mga magulang niya... parang hindi ko nga yata kakayanin ang sakit kung ako ang nasa posisyon nila. Sobrang naaawa ako kay Pia. Malaki na ang tiyan niya ngayon pero hindi niya 'yun alintana. Ni hindi ko nga maisip kung paano ang naging reaksyon niya nang malaman niya ang nangyari kay Fernan.

Natigilan ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ng malakas na tik tok ng relo kaya agad akong napalingun-lingon sa paligid. Nakita ko si Caden na nakatayo medyo malayo sa amin at pinakita niya sa akin ang orasan niya kaya naman nagmamadali akong lumapit sa kaniya.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ko.

"Babalik na tayo sa panahon mo, Juliet." sagot niya habang palakas nang palakas ang tunog ng relo. Napalingon ako sa likod ni Niño na nakaharap ngayon sa hukay kung saan inilagay si Fernan.

Teka, sabi niya dati taon kami magsi-stay dito pero bakit ngayon na agad kami babalik? Atsaka 'yung isa pang relo... nahanap na ba niya? Bakit aalis na agad kami??!!

Nakita ko ang reaksyon ni Caden sa narinig mula sa iniisip ko atsaka nagsalita.

"Hindi ba't may internship ka pa?"

"Pero Caden—" tawag ko sana sa kaniya at tatakbo papunta kay Niño pero huli na ang lahat.

Sobrang nahilo ako na halos gusto ko nang isuka ang buong sikmura ko. Pakiramdam ko lumindol nang pagkalakas-lakas kaya napakapit ako kay Caden. Sobrang bilis ng lahat. Pakiramdam ko nabalik-baliktad ang mga magugulo ko nang intestines at pakiramdam ko any time ay susuka na talaga ko. Pagdilat ko ng mga mata ko, nasa labas kami ng isang mall at pakiramdam ko onti nalang susuka na ako pero pinigilan ko ang sarili ko at umiling-iling.

Ito na ba 'yun? Andito na ba ulit ako?

Sobrang daming emosyon ang umaapaw sa buong pagkatao ko ngayon habang nakatingin sa mga taong nilalagpasan kami. Sobrang bilis ng lahat ng pangyayari.

"Salamat sa pagpulot."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Caden, nakangiti siya sa akin habang inaabot ko sa kaniya ang bronze niyang pocket watch. Agad akong napatingin sa paligid. Lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain. Ni walang matang dumadapo sa amin, parang normal lang ang lahat.

"Juliet!" Napalingon ako at nakita si Trisha.

Si Trisha!

Napayakap agad ako sa kaniya nang mahigpit. Sobrang tagal simula nang huli kaming magkita na akala ko nakalimutan ko na ang itsura niya. Agad akong napabitaw nang maalala si Caden. Oo nga pala! Ang dami ko pang gustong sabihin at itanong sa kaniya.

Pagkalingon ko, wala na si Caden.

Maraming tao pero nakailang scan ako sa mga nasa paligid namin pero hindi ko na siya nakita. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Sino'ng hinahanap mo, Juliet?" Napalingon ulit ako may Trisha.

"Y-Yung... lalaki. 'Yung pinulot ko 'yung relo."

"Ah! Nahabol mo ba?" tanong niya at dahan-dahan akong tumangu-tango.

"Hala, pero bakit hindi mo nabalik? Nagmamadali ba siya?" tanong ni Trisha na ipinagtaka ko kaya napatingin ako kung saan siya nakatingin at napatingin sa suot ko.

Hindi na ako nakabaro't saya pero hindi 'yun ang mahalaga. Nasa bulsa ko ang gintong pocket watch ni Niño, nakalaylay ang lace nito sa labas ng bulsa ko kaya kitang-kita ito. Nanlambot bigla ang mga tuhod ko kaya napakapit ako kay Trisha. Nagulat naman siya at nagpresintang ihatid na rin ako pauwi dahil hilung-hilo talaga ako.

Nang magbayad si Trisha sa taxi, agad kong inagaw 'yung pera sa driver nang mapansing iba 'yun sa pera na alam ko at tama nga ako. Iba 'to. Iba ang mukha sa perang 'to.

"Sino 'to?" tanong ko kay Trisha kaya napakunot ang noo niya at inagaw sa akin ang pera at inabot ulit kay Manong.

"Naku, pasensiya na po Manong at nakainom yata 'tong kaibigan ko." sabi ni Trisha at hinila na rin ako palabas ng taxi.

"Sino 'yun?" tanong ko ulit kay Trisha pagkalabas namin habang inaalalayan niya ako.

"Ika-apat na presidente ng Pilipinas, hindi mo kilala? Alam kong hindi ka mahilig sa kasaysayan, Juliet pero hindi ko naman inaakala na ganito kalala at ngayon ka lang ba nakakita ng pera ha?" nakapamewang na sabi ni Trisha at napatakip ako sa bibig ko nang marealize ang kanina ko pa napapansing kakaiba kay Trisha.

Straight ang Filipino niya, hindi Taglish. Omg!

"M-Mabait ba siya? 'Yung presidenteng nasa pera? Hindi ba siya corrupt? Mapang-abuso sa kapangyarihan? Sinungaling? Magnanakaw?"

"Ha? Bakit naman tayo maghahalal ng iresponsableng pinuno, Juliet? Ayos ka lang ba?"

Nawala na ako sa sarili ko nang marealize na nagbago na nga ang present dahil sa pinaggagawa ko sa past. Ano'ng nangyari? Maganda ba ang nadulot ng mga nagbago sa past?

Pagkauwi ay agad kong niyakap sina Tito Daddy at Tita Mommy nang makita na sila pa rin ang inuwian ko at naiyak pa ako sa sobrang pagkamiss sa kanila na siyempre pinagtaka nila. Ngayong nakita ko na naman sila, naalala ko na naman na ampon lang ako pero hindi na ako nagagambala dahil doon. Dati, tuwing naaalala ko na ampon lang ako ay agad na pumapasok sa utak ko na isa lang akong pagkakamali, na wala akong kuwenta sa mundong ito. Pero pagkatapos ng lahat, alam kong may purpose ako sa mundong 'to, dahil binago ko ang kasaysayan.

Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay humiga agad ako sa kama. Hindi ko inakala na makakabalik pa talaga ako. Masaya akong nakabalik na ako sa tunay kong panahon pero hindi ko maiwasang malungkot. Parang may kung anong naiwang malaking butas sa puso ko nang umalis ako sa panahon kung nasaan si Niño... nang hindi man lang nakapagpaalam.

Kinuha ko ang pocket watch ni Niño sa bulsa ko at kusa nalang tumulo ang luha sa mga mata ko nang makaramdam ng kirot sa puso ko.

Umalis ako nang walang paalam. Basta ko nalang iniwan si Niño... ni hindi ko pa nga nasasabing mahal ko siya.

Bakit naman ganito kalupit ang tadhana sa akin? Pinapunta ako sa panahong ayaw ko sanang puntahan, pinamahal ako sa bayang ibang-iba sa kinagisnan ko, pinamahal ako sa mga tao nito at sa isang iglap, binalik ako sa pinanggalingan ko nang hindi man lang nakapagpaalam?

Napatingin ulit ako sa relo na hindi na gumagana at naalalang hindi nga pala ito ordinaryong relo. Katulad 'to ng relo ni Caden kaya... puwede ko 'tong gamitin para bumalik. Para bumalik kay Niño.

Pero paano? Paano ako babalik? Hindi ko alam kung paano.

Nagpatuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko nang maramdaman kong gustung-gusto ko talagang bumalik kay Niño. Hindi ko matanggap na basta nalang ako nawala nang ganun sa buhay niya.

Hinawakan ko nang mahigpit ang relo niya at napapikit nalang. Alam kong maliban sa pagta-time travel, maaari ka ring humiling sa relong ito. Hindi ko man alam paano babalik sa panahon ni Niño, sana man lang dinggin ng relong 'to ang kahilingan ko.

Kahit sandali nalang, makita ko lang siyang muli.

Binuksan ko ang relo at minulat na rin ang mga mata ko. Napakunot ang noo ko nang makitang pangalan pa rin ni Niño ang nakaukit dito.

"Isa pa'y tapat sa iisang may-ari ang mga relong ito."

Anong ibig sabihin nito...

Buhay pa sa Niño sa panahong 'to?

Napatigil ako sa pag-iyak nang hindi ko na talaga maintindihan ang relong 'to. Sandali akong napaisip.

Bakit hindi pa rin ako ang may-ari ng relong 'to? Bakit si Niño pa rin?

"Napakamakapangyarihan ng relong ito. Bukod sa maaari ka nitong dalhin sa iba't ibang panahon ay maaari kang humiling ng isang kahilingan at mangyayari ito sa tamang oras."

Natigilan ako nang may maalala ko ang sinabi ni Caden at bigla akong binalot ng kaba.

"Ipangako mong magiging masaya ka pagkatapos ng lahat ng ito, binibini. Kahit pa kapalit noon ay pagkalimot sa lahat ng ito. Iyon lang ang kahilingan ko."

Hindi puwede. Hindi! Agad akong napabangon. Hindi ko maaaring kalimutan si Niño. Tinawagan ko agad si Trisha.

"Trisha!" tawag ko sa pangalan niya nang sagutin na niya.

"Kilala mo ba si Heneral Niño Enriquez? Heneral Enrique Luis Enriquez IV?" Nakarinig ako ng paghagalpak ng tawa sa kabilang linya bago siya sumagot.

"Ganiyan ba kalaki ang epekto sa'yo ng hindi pagkakilala sa taong nasa pera? Interesado ka na ngayon sa kasaysayan?"

Habang nagsasalita si Trisha, natataranta akong nagsusulat sa unang notebook na nakita ko. Napakapa ako sa sarili ko para kunin ang relo nang makapa kong may ibang bagay pa sa mga bulsa ko. Kinuha ko ang nasa kaliwang harap na bulsa ko at natigilan nang makita kung ano ito.

Panyo ito ni Fernan. Ito ang inabot niya sa akin noong tumakas ako sa kasal namin ni Angelito. Simula noon lagi ko na 'tong dala-dala dahil pakiramdam ko may magco-comfort sa akin kapag malungkot ako kapag hawak ko 'to. Binuklat ko ang panyo para makita ang 'Fernan Fernandez' dito atsaka ko 'to niyakap na para bang si Fernan ito. Bigla na namang bumalik lahat ng sakit at kalungkutan ko dahil sa pagkawala niya.

Ilang sandali rin akong nawala sa sarili atsaka naalalang nasa kabilang linya pa nga pala si Trisha at may laman pa rin ang bulsa ko sa may likod. Kinuha ko 'to at nagtaka kung paano nagkaroon ng mga papel sa bulsa ko sa likod ng pantalon ko.

Binuksan ko ang mga ito at napaupo nalang ulit sa kama. Nabitawan ko ang telepono ko habang hawak-hawak pa rin ang mga papel. Ito 'yung mga papel na pinagsulatan ko ng mga nangyari sa akin sa taong 1899. 'Yung nawala. 'Yung hinanap ko pero pinagpasyahan ko nalang na kinuha ng ibon o 'di kaya'y nilipad ng hangin sa labas. At si Niño ang nagbigay nito sa akin bago ako bumalik dito.

Ibig sasabihin... alam ni Niño ang buong pagkatao ko.

Ngayon, sigurado na akong si Adelina ang kumuha ng mga ito. Naaala ko ang kabado niyang mukha noong hinahanap ko 'to. Doon palang naghihinala na ako pero hindi ko siya pinagbintangan dahil mahalaga sa akin si Adelina.

Kasama si Adelina sa mga manggagawang tumulong kanila Niño upang patalsikin si Aguinaldo. Kaya sila palihim na nagpapasahan ng mensahe nila Dahlia at Fernan noon ay dahil kasama ang mga tatay nila sa mga lumaban kasama sina Niño at lahat ng ito'y sinabi lang sa akin ni Adelina bago ang libing ni Fernan. Humingi siya ng tawad sa akin dahil sa pagsisinungaling niya. Hindi ko man alam ang rason niya sa pagbigay ng mga ito kay Niño, nagpapasalamat ako dahil kung hindi niya ginawa 'yon ay hindi 'to makakabalik kasama ko ngayon sa dami ng mga nangyari.

Napahiga ako sa kama at umikot-ikot pero agad ding natigilan nang makaramdam ng kung anong naka-ipit sa buhok ko dahil sa kalikutan ko. Pagkakuha ko nito ay nawala na naman ako sa sarili ko dahil sa kalungkutan. Ito ang pang-ipit na ibinigay sa akin ni Andong.

Napapikit nalang ako nang maalala silang tatlo. Napabuntong hininga ako nang pumasok sa utak ko ang tatlong itlog.

Pinagsama-sama ko ang relo ni Niño, panyo ni Fernan, binigay na pang-ipit ni Andong, at mga papel na sinulatan ko ng mga nangyari sa akin sa taong 1899.

Habang pinagmamasdan 'yung mga gamit, napansin kong suot ko pa pala 'yung pulang lasong ginawang pulseras ni Fernan. Hindi ko na ito hinubad at hinayaan nalang sa wrist ko. Nasa daliri ko pa rin ang binigay na singsing ni Angelito na mukhang hindi ko na matatanggal pa.

Ngayong iniisip ko, napakaganda ng pagkakaibigan nila. Si Fernan ang sumisimbolo ng utak, si Niño sa puso, at si Andong sa mga mata. Wala man ako noong kabataan nila, alam ko kung gaano sila kahalaga sa isa't isa kaya naman pinigilan ko na naman ang sarili ko para hindi ako maiyak nang maalala silang tatlo nang mawala si Fernan. Hindi ko yata kakayanin kung ako ang nasa posisyon nila. Halos buong buhay nila'y magkakasama na sila at sobrang sakit na sa isang iglap ay mawawala ang isa sa kanila.

Inalala ko ang itsura ni Niño dahil hindi ko alam kung kailan ko ito makakalimutan.

Matangkad na lalaki, may katamtamang pangangatawan para sa kaniyang tangkad, itim na ayos na ayos na buhok, makapal na kilay na bumabagay sa perpektong hugis ng mga nagniningning niyang mga mata, matangos na ilong, at manipis niyang labi.

Sa pagod ng mga mata ko kakaluha, hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong nakakatulog. Nakatulog ako na ang huling alaala sa utak at puso ko ay ang heneral na minahal at iniwan ko sa nakaraan.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts