webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

VII

Juliet

"Caden... wala pa bang kuryente sa panahong 'to?" tanong ko nang makitang walang ni isang street light sa daan.

Gabi na pero maliwanag ang paligid dahil maraming lampara't mga kandila ang nakasindi. May hawak din kaming kandila dahil nasa prusisyon kami.

"Unang napakilala ang kuryente sa Pilipinas noong 1894 sa Maynila ngunit alam mo namang hindi mabilis ang sibilisasyon sa bansang ito kaya wala pa ito sa bayang 'to." pasimpleng sagot ni Caden dahil napapaligiran kami ng mga tao at baka mawirduhan sila kapag narinig nila 'yung pinag-uusapan namin.

"1894... teka, anong taon na ba?" bulong ko.

"1899." sagot naman niya nang hindi lumilingon sa akin at diretso lang ang tingin sa harap.

1899? Kung gano'n... mag 1900s na at... patay na si Dr. Jose Rizal? Mahina ako sa history pero alam kong 1896 namatay ang pambansang bayani natin. Sayang naman, akala ko mas matanda ako kay Dr. Jose Rizal sa panahong 'to eh.

Nagulat ako nang biglang may lumapit sa amin na lalaki, matangkad at mestiso.

"N-Namatay ang sindi ng iyong kandila, binibini... hayaan mo akong sindi—"

"Ako na ang magsisindi sa kandila ng kapatid ko." biglang sabat ni Caden at sinindihan ang kandila kong wala na palang sindi gamit ang kandila niya at medyo lumayo na sa amin 'yung lalaki.

Napalingun-lingon ako sa paligid at nakita ang haba ng prusisyon. Marami rin palang mamamayan ang San Sebastian. Napakapit agad ako kay Caden nang biglang parang may humampas sa ulo ko sa sobrang sakit nito.

Bigla kong naalala 'yung haba ng prusisyon pero bigla rin itong nag-iba. May prusisyon pero... mga sundalo ang naglalakad. Armado sila at mukhang sasabak sa gera.

"Juliet... ayos ka lang ba?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Caden at nakita ko siyang nakahawak sa magkabilang braso ko at punung-puno ng pag-aalala ang mga mata.

Napatingin ako sa paligid at nakitang may ilang nakapalibot sa amin at may ilan din namang nauna na.

"A-Ayos lang ako." sagot ko at tumayo na nang maayos atsaka nagpatuloy na sa paglalakad.

Nagulat ako nang biglang kunin ni Caden ang kamay ko at nilagay 'yun sa braso niya.

"Baka mahilo ka ulit. Mas mabuti nang mag-ingat." sabi niya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Sa isang malaking simbahan natapos ang prusisyon at nagkaroon ng misa. Buong misa pakiramdam ko matutunaw na ako sa titig ng mga tao. Ano bang meron sa akin? May dumi ba ako sa mukha? May wirdo ba sa pananamit ko?

"Huwag mo na silang pansinin, kinikilatis ka lang nila." pasimpleng bulong sa akin ni Caden at napa bakit-naman-nila-ako-kailangan-kilitasin look ako sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko.

Binigyan lang niya ako ng hayaan-mo-na-at-makinig-ka-nalang-sa-misa look kaya napabuntong-hininga nalang ako.

Nakakainis lang kasi na kahit pala noong 19th century, feeling entitled ang mga tao sa opinion nila sa iba pang tao. Makakilatis akala mo kung sino, hmph.

Tumingin nalang ako sa pari at pilit na inintindi ang misa. Napatulala lang rin naman ako kasi wala akong maintindihan kahit nakikinig ako KASI ESPANYOL SALITA NILA! Jusko ko po, Lord. Patnubayan niyo po ang naliligaw kong kaluluwa huhu.

Pagkatapos ng misa, naiwan akong nakaupo at si Caden naman nasa tabi ko pero nakatayo siya kasi may lumapit sa kaniya at nag-uusap sila ngayon.

Nakayuko lang ako at tinitignan ang mga sapatos na dumadaan. Nasa may gitnang bahagi kasi ng simbahan kami nakaupo kaya maraming nagsisidaanan sa tapat namin. Napahinto rin naman 'yung pagtingin-tingin ko sa mga sapatos nang may humintong pares ng itim na bota sa tapat ko at humarap ito sa akin.

Sino naman kaya 'to?

Dahan-dahan akong tumingala at kusang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya.

Gwapo pa rin siya, maganda pa rin ang ngiti kahit na hindi lumalabas ang mga ngipin niya at mapupungay pa rin ang mga mata niyang nakatingin ngayon nang diretso sa akin.

"Binibining Juliet, nais sana kitang imbitahan sa aming tahanan para maghapunan... kayo ni Ginoong Caden." sabi niya pero nanatili akong nakatingin sa kaniya.

"Naaalala mo pa ba ako? Ako si En—"

"Oo, n-naaalala kita... Heneral." saad ko at tumayo pero hindi ko napigilang mapasigaw sa gulat nang makita ang suot niyang blue na uniform na punung-puno ng tama ng bala at dugo.

"B-Bakit, binibini? Ayos ka lang ba?" tanong ni Heneral Enriquez at lalapit sana sa akin pero agad akong lumayo sa kaniya at umiling-iling para mawala sa isip ko 'yung nakita ko.

Hindi 'yun totoo... guni-guni lang 'yon... hindi 'yun totoo.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at nakitang maayos naman na ang lahat... maliban sa mga taong nakatingin sa amin.

"Juliet? Ano'ng nangyari?" Lapit sa amin ni Caden.

"W-Wala... nagulat lang ako dahil..." sabi ko tumingin-tingin sa paligid. Nakatingin ang mga tao sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"D-Dahil may butiki kanina sa lapag." palusot ko at unti-unti naman nang nawala 'yung mga nanonood sa amin.

"Sigurado ka bang ayos ka lang, binibini?" tanong ni Heneral Enriquez kaya napalingon na naman ako sa kaniya. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala kaya nginitian ko siya.

"Oo, heneral. Ayos lang ako." pagre-reassure ko pa sa kaniya.

Mukha namang nakumbinsi na siya kaya lumingon na siya kay Caden.

"Magandang gabi, Ginoong Caden." bati ni Heneral Enriquez kay Caden pero... bakit mukhang naiilang siya?

"Magandang gabi rin sa iyo, Heneral Enriquez." bati rin naman ni Caden.

"Nais ko kayong anyayahan sa hapunan na gaganapin mamaya sa aming tahanan... kayo ni Binibining Juliet." sabi ni Heneral Enriquez.

"Ah... nabanggit na rin iyan ng iyong ama sa akin kahapon at nasabi ko na rin na dadalo kami." sagot ni Caden.

"Kung gayon ay inaasahan namin ang inyong pagdating, ginoo." Ngiti ni Heneral Enriquez at nagpaalam na.

Pagkapasok namin sa karwahe, agad akong cinonfront ni Caden.

"Anong nangyari?" tanong niya. Nag-alangan ako pero sa huli ay nagpasya na ring sabihin na.

"Caden, simula nang... dumating ako rito..." simula ko at huminga nang malalim para i-gather lahat ng nasa utak ko.

"Nakakaimagine ako ng mga weird na bagay na... hindi ko alam kung imagination lang talaga o may connection sa realidad." patuloy ko.

"Weird na bagay?" kunot-noong tanong niya.

Umayos ako ng upo.

"Bigla nalang akong nakakakita ng mga sundalo... lalo na kapag kasama ko si Heneral Enriquez."

"Malamang, sundalo siya." sarcastic na sagot ni Caden.

"Hindi! I mean... patay. Patay na mga sundalo." sabi ko at umayos ng upo si Caden atsaka mas lumapit sa akin.

"Continue." saad niya at nagpatuloy nga ako sa pag ku-kuwento.

"Unang nangyari nung nagsasayaw kami ng heneral... nakita ko siya na may maraming tama ng bala kasama pa ang ibang mga sundalo, karamihan... patay na. Tapos nung prusisyon, nung napakapit ako sayo... may nakita akong mga armadong sundalong nagmamartsa, mukhang sasabak sila sa gera. Tapos kanina... nakita ko 'yung damit ni Heneral Enriquez na puno ng tama ng bala at duguan... gano'n din 'yung nakita ko nung una akong makakita ng mga kakaibang bagay. Ganun na ganun ang itsura niya."

Napatingin sa akin si Caden, 'yung tingin niya parang nagulat siya na ewan.

"Kung gayon... nakikita mo ang mga mangyayari palang sa panahong 'to."

"Ha?" tanong ko.

"Mamamatay si Niño sa isang digmaan laban sa mga Amerikano. 1899 ngayon, nilulusob na ang Pilipinas ng mga Amerikano pero walang ginagawa ang kampo ni Aguinaldo maliban kay Heneral Luna na nagpre-presintang pamunuan ang hukbo laban sa mga Amerikano. Maraming mga ganid sa pamahalaan na nagnanais makipagnegosyo sa mga Amerikano kaya... maraming magbubuwis ng buhay sa digmaang 'to. 'Yung nakita mo, maaaring pahapyaw 'yun ng gyerang kabibilangan mo."

Natigilan ako.

Mamamatay si Heneral Enriquez...

Dapat mas mabother ako sa sinabi ni Caden na may gyera na kabibilangan ko pero mas nakuha ng atensiyon ko ang sinabi niyang mamamatay si Heneral Enriquez.

Alam ko naman na lahat ng tao'y mamamatay at sundalo siya kaya't natural lang na mamatay siya sa digmaan pero... hindi ko alam bakit biglang may kung anong kirot sa puso ko nang marinig kong hindi magtatagal at mamamatay siya.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts