webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

LXXXVII

Juliet

Kalma.

Kalma, Juliet.

Ngumiti ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan kung gaano kaganda ang pang-ipit na binigay noon ni Andong sa akin na nasa buhok ko at inisip nalang na pagkatapos nito ay ayos na ang lahat. Pupunta na kaming Espanya at wala nang ibang aalahanin sina Ama at Ina dahil makakabalik na sila sa Inglatera.

Hindi sasama si Caden. Hindi siya aalis ng Pilipinas at hindi ko alam kung ano ang dahilan pero sa tingin ko ay dahil hahanapin pa niya 'yung isang relo. Siguro kapag nahanap na niya 'yun, babalik na kami sa present. Kung saan talaga ako nagmula. At sana, sana lang talaga... hindi malala ang pagbabago sa kasalukuyan dahil sa pinaggagawa ko rito.

Sumandal na ako nang komportable sa upuan ko. Kanina pa ako naghihintay bumalik si Ina dahil pagkatapos kong ayusan ay lumabas din siya at sinabing babalik siya kapag aalis na kami papuntang simbahan.

Ang tagal naman yata? Hindi na ba tuloy?

Joke. Hindi pwedeng hindi na naman matuloy dahil mawawala na naman ang chance na makaalis pa kami rito kung nagkataon.

Tumingin ulit ako sa salamin atsaka napakapa sa bulsa ko. Kinuha ko ang pocket watch ni Niño na hindi naman na umaandar atsaka binuksan at bumungad sa akin ang pangalan niyang naka-engrave rito.

Hanggang ngayon may parte pa rin sa aking umaasang buhay pa siya dahil sa sinabi ni Caden pero kung buhay nga siya... imposible namang hindi man lang siya nagpakita sa akin para sabihing ayos lang siya. Kilala ko si Niño. Hindi naman niya hahayaang mamatay ako sa kalungkutan dahil sa kumalat na balita tungkol sa kaniya kaya kung buhay nga siya, malamang nagpakita siya o pinasabi sa kahit anong paraan sa akin na ayos lang siya pero walang ganung nangyari. Pero sana, kung posible man... sana nga tama si Caden.

Sinara ko na ang relo at sinabit sa leeg ko atsaka tinago sa ilalim ng damit ko. Tumingin ulit ako sa salamin. Pang ilang tingin ko na 'to dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na talaga ako kay Angelito Custodio at sa pagkakataong 'to, hindi na ako tatakas. Hindi na ako pwedeng tumakas dahil pamilya ko ang nakasalalay dito.

After all, marrying Angelito is not a bad thing. Sobrang bait ni Angelito. Wala siyang ibang pinakita't pinaramdam sa akin kundi kabaitan. Kahit pa noong wala pang kasal-kasal na magaganap sa aming dalawa ay nakita ko na kung gaano siya kabuting tao. Noong mga panahong nagt-trabaho ako sa unang pagamutan na pinasukan ko kung saan doktor siya, hindi kami nag-uusap no'n pero nakita ko kung gaano siya kadedicated sa trabaho niya at mga pasyente niya. Pantay ang tingin niya sa lahat. Mahirap man o mayaman, ililigtas niya hangga't kaya niya kaya naman hindi ako lugi sa kasal na ito.

Sa totoo lang ay siya pa nga ang lugi dahil ginagawa niya 'to para sa pamilya ko, alam niyang na kay Niño pa rin ang puso ko pero willing siyang ibigay sa akin ang lahat, at aalis siya sa bansang nais niyang tulungan ang mga mamamayan dahil sa akin at sa pamilya ko.

Sa totoo lang, ayaw ko rin namang umalis ng Pilipinas pero ginagawa ko pa rin 'to para sa pamilya ko at dahil ito ang sinabi sa akin ni Niño na gawin ko. Sinabi niya sa aking magpakasal kay Angelito at sumama sa kaniya sa Espanya para mailayo ang pamilya ko sa gulo rito. Kaya ito ako ngayon, ginagawa lahat ng sinabi niya na ayaw ko pang pakinggan noon dahil sobrang sakit para sa akin na sa kaniya mismo nanggagaling ang mga salitang 'yon. Pero ngayon, naisip ko na ito naman talaga ang dapat kong gawin at wala rin naman ako masyadong choice kung gusto kong ilayo sa gulo ang pamilya ko.

Nang marinig kong bumukas ang pinto ay tumayo na ako.

Ito na.

Itatali na ako kay—

"Adelina?" Nasabi ko nang si Adelina ang pumasok imbis na si Ina.

"Binibini, tumakas na po kayo." Sabi niya at sinubukan akong hilahin palabas pero hindi ako nagpahila hangga't 'di ko nalalaman kung anong nangyayari.

"H-Ha? Bakit?"

"Wala pong kasal na magaganap. Halika na po, dali.

"Ha? Umatras ba si Angelito?"

OMG. Sinumpa ba talaga ang kasal namin ni Angelito? Kung hindi ako ang aatras, siya naman? Nagising ba siya sa katotohanang luging-lugi siya sa kasal na 'to kaya umayaw na siya?

"Hindi, binibini. Pero kailangan mo nang umalis."

"Teka nga, Adelina. Bakit ba? Hindi naman pala umatras si Angelito kaya bakit hindi matutuloy?" Bitaw ko sa pagkakahawak niya sa akin atsaka nagpamewang.

"Natalo na po nila Kapitan Hernandez ang pwersa ng Señor President—" Agad kong pinutol si Adelina.

"Ha? Ano? Paano nangyari 'yun eh ang onti-onti nila atsak—"

"Marami pong kasamahan sila Kapitan Andong na sundalo na patuloy na nagpanggap na kasapi ng pwersa ni Heneral Aguinaldo at marami pong mga magsasaka't mga manggagawa ang umanib sa pwersa ng Kapitan, kasama na ang aking ama." Explain ni Adelina. Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig 'yun. Kaya ba sila lihim na nag-uusap ni Fernan? Dahil magkasabwat ang tatay niya at si Fernan? Pati na rin ang pamilya ni Dahlia?

"Kung ganun, si Ferna—" Bumukas ang pinto at pumasok si Ina kasama si Ama.

OMG. Kailangan kong sabihin sa kanila ASAP!

"Ama, In—"

"Binabati po kita sa inyong pag-iisang dibdib ni Ginoong Angelito, binibini. Biyayaan nawa kayo ng Diyos ng walang hanggang kasiyahan." Bow ni Adelina na pumutol sa sasabihin ko at naglakad na siya palabas.

Habang naglalakad ay binibigyan niya ako ng mga makahulugang tingin na hindi ko naman naintindihan atsaka siya tuluyang lumabas ng silid. Isa lang ang nagets ko sa mga tingin na iyon at iyon ay ang huwag sabihin kanila Ama at Ina ang sinabi niya sa akin pero bakit? Para ba hindi magkagulo? Pero hindi ba't magkakagulo rin naman ang lahat mamaya?

"Halika na, anak." Nakangiting tawag sa akin ni Ama at naglakad na nga kami pababa, palabas ng bahay at sumakay sa karwahe.

Pagkarating sa simbahan ay normal naman ang lahat kaya nagtaka ako. Nanloloko lang ba si Adelina? 'Yun ba 'yung pinagsasabi niya sa akin kanina gamit ang mga mata niya kaya huwag kong sabihin kanila Ama at Ina dahil nantri-trip lang siya?

Pagkabukas ng pintuan ng simbahan ay ngumiti ako sa ilalim ng belong nakatakip sa akin. Ramdam kong nakangiti rin si Ama at masaya ring nakangiti ang lahat habang nakatingin sa amin.

See, Juliet? Marrying Angelito isn't that bad.

Nang tumingin ako sa altar ay agad na nagtama ang mga tingin namin ni Angelito na naghihintay sa dulo ng aisle.

Ito na. Ito na talaga. Ikakasal na ako sa lalaking iba sa tinitibok ng puso ko.

Pero sa sulok ng utak ko, may nagsasabing hindi naman imposibleng matutunan kong mahalin si Angelito. Maaaring ikakasal ako sa kaniya ngayon at kapag tumagal ay matutunan ko rin siyang mahalin katulad ng mga mag-asawa sa panahong ito. One tiny step at a time.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts