webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

LXX

Juliet

Halos mabaliktad ko na ang buong kwarto sa paghahanap pero hindi ko pa rin makita 'yung mga papel na pinagsusulatan ko ng mga nangyari sa akin dito sa 1899.

Patulog na ako nang maisipan kong magsulat ng mga nangyari recently atsaka ko narealize na wala na 'yung mga papel sa lamesa.

"Diary ba?" Tanong ni Caden na nakasandal sa pinto ng kwarto ko.

"Hindi nga." Sagot ko at iniangat ang mattress ng kama.

"Pinagsusulatan mo ng mga nangyari sayo, hindi pa diary ang tawag mo roon?"

"I-It's more of a journal, okay?"

"Journal, diary, what's the difference?" Sabi ni Caden na nakapagpatigil na naman sa akin sandali dahil nakakatuwa talaga kapag nag e-English siya huhu. He looks and sounds so sophisticated.

"Adelina, hindi mo ba talaga napansin na nawawala 'yun?" Tanong ko kay Adelina na naghahanap din ngayon sa ilalim ng kama. Napaharap naman agad siya sa akin nang marinig niya ang tanong ko pero agad ding napayuko.

"A-Akala ko po, b-binibini... dinala n-niyo noong u--umalis kayo..." Nanginginig na sagot niya kaya ngayon naku-konsensiya na ako dahil mukhang pinagbibintangan ko siya huhu.

"Hay, hayaan mo na nga. Baka nilipad o tinangay ng ibon. Maiwan mo muna kami ni Ca—Kuya Caden." Sabi ko.

"Tinangay ng i—??" React pa sana ni Caden pero agad ko siyang pinandilatan ng mata with matching sakyan-mo-nalang-o-ibabalibag-ko-sayo-tong-lamesa-ko look kaya agad niyang tinikom ang bibig niya hanggang sa makalabas si Adelina. Agad ko naman siyang hinatak nang makababa na si Adelina at sinara ko ang pinto.

"Anong iniisip niya? May kinalaman ba siya sa pagkawala ng-ng... journal ko?"

"Journal?" Nang-aasar na sabi niya dahil gusto niyang sabihin kong diary 'yun para maprove niya ang point niya kanina na diary 'yon.

"Diary naman talaga 'yon." Sabat niya and here goes mambabasa ng utak Caden again.

"Ni hindi nga siya nasa notebook??" Depensa ko.

"Then it's neither a diary nor a journal."

Natigilan ako sandali nang mag English na naman siya at nagulat ako nang ngumiti na naman siya nang mapang-asar.

"Tingin mo hindi ko alam na kinikilig ka kapag nag e-English ako?" Pitik niya sa noo ko kaya napahawak agad ako rito atsaka ko siya binato ng unan.

"Ang kapal ng mukha mo ah!" Sabi ko at tumawa lang siya nang masalo ang unan ko.

"Ano na nga kasi 'yung iniisip niya? May kinalaman ba siya?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Pang-asar na tanong niya at nag cross-arms pa habang yakap ang unan ko.

"Well... importante sa akin 'yun." Sagot ko.

"Juliet, hindi ako may ganitong abilidad para sabihin kung kani-kanino ang naririnig ko." Pang-asar pa niya lalo kaya sinimangutan ko nalang siya.

"Okay." Sabi ko at nag-gesture na lumabas na siya ng kwarto ko. Nilapag niya ang unan sa kama kung saan ako nakaupo atsaka ginulo ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

"Huwag ka nang lalabas ah, gabi na." Rinig ko pang sabi niya bago isara ang pinto.

Humiga na ako at umikot-ikot sa kama ko para humanap ng pwesto pero wala akong mahanap na pwesto kaya tumayo nalang ako at lumabas sa terrace.

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko kaya naisip ko sandali lang ako rito. Magpapalamig lang para presko ang tulog ko mamaya.

Actually... kaya ko biglang naalalang magsulat ng mga nangyari sa akin dito sa past ay dahil balak ko ring magsulat ng letter para kay Niño. Simula kasi nang bumalik ako rito sa bahay ay hindi ko pa siya nakikita ulit. Gusto ko sana siyang kamustahin.

At dahil naalala ko na naman 'yung mga papel, naalala ko na naman si Adelina. Si Adelina lang naman kasi ang madalas na pumapasok sa kwarto ko kaya medyo hindi ako convinced na hindi man lang niya napansin na nawala 'yon dahil siya pa nga ang laging nagpapaalala sa akin na mag-update na roon atsaka 'yung alibi niya na akala niya dinala ko nung umalis ako... hindi kapani-paniwala. Alam ng lahat sa bahay na 'to na biglaan lang akong umalis at matalino si Adelina, hindi niya paniniwalaan 'yung walang kasense-sense na scenario na dadalhin ko 'yung mga papel sa labanan pero ni wala man lang akong time magpalit ng damit dahil pumunta nga ako roon na nakapambahay so imposibleng magdadala pa ako ng kung ano eh hindi na nga ako nakapagbihis.

Pero bakit naman 'yun kukunin ni Adelina? Eh hindi nga siya marunong magbasa. Anong gagawin niya roon? Oh, well... iisipin ko nalang na naiwang bukas 'tong terrace pagkaalis ko at nilipad lahat ng hangin.

Pumasok na ako, nilock ang pinto ng terrace at hihiga na sana nang makarinig ako ng mahinang pagkatok sa pinto ng terrace. Agad akong bumangon at tumakbo para buksan 'yung pinto at yayakap sana sa taong pinagbuksan ko pero hindi 'to si Niño.

"F-Fernan..."

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at parang bigla na namang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Puno ng dugo ang uniporme niya pati na ang braso niya. Medyo madilim dahil lampara lang mula sa loob ng kwarto ko ang nagsisilbing ilaw pero kitang-kita ko ang kaunting bahid ng dugo sa pisngi niya.

"S-Si... Niño?" Halos pabulong nalang na sabi ko.

"Pakiusap, iligtas mo siya." Sagot ni Fernan sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ngayon ang kalungkutan at pagiging desperado.

"Juliet, wala na kaming i-ibang pag-asa." Hawak niya sa wrist ko kaya nabahiran 'to ng dugo.

"A-Asan siya..." Lang ang lumabas sa mga labi ko at nadatnan ko nalang ang sarili kong bumaba mula sa terrace ko at sumusunod kay Fernan.

Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Fernan kanina pagkabukas ko ng pinto. Parang ganito rin ang itsura niya noong unang beses na nalagay si Niño sa bingit ng kamatayan at halos katiting na nga lang ang pag-asa noong mabubuhay pa siya pero ngayong parang naulit na naman... hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman.

"Kaya pakiusap, gawin mo ang lahat ng makakaya mo. Alam kong mahirap 'to para sa'yo ngunit si Niño ang nakataya rito."

Tumangu-tango nalang ako pero wala na talaga akong naintindihan sa mga pinagsasabi ni Fernan simula nang sagutin niya ang tanong kong bakit hindi niya dalhin si Niño sa pagamutan.

Pinapunta raw si Niño para kausapin ng isa pang heneral pero bala ang sumalubong sa kaniya pagkarating doon. Wala raw ibang sinabihan si Niño sa mga sundalo niya at wala rin sina Fernan at Andong nang ipadala kay Niño ang mensahe na may nagpapatawag sa kaniya kaya si Niño lang talaga ang mag-isang pumunta roon. Tinakas lang si Niño ng ilang mga naging kasamahan nila na nakakita sa kaniya kaya malamang ay hahanapin siya sa mga pagamutan para tapusin na kaya hindi siya madala sa mga ito.

Nakarating kami sa isang liblib na lugar at sa gitna nito ay may maliit na bahay kubo na may ilang mga sundalo sa labas. Agad akong tumakbo papasok at nakita si Andong sa tapat ng lamesa at sa ibabaw ng lamesa... nandoon si Niño.

Nang makita ko ang walang malay niyang katawan, biglang bumalik lahat ng takot ko nang una kong mabalitaan na nabaril siya. Nanlamig ang buong katawan ko at ni hindi ko magawang gumalaw. Hindi ko kaya.

"Binibini, pakiusap... nauubusan na siya ng oras." Halos mangiyak-ngiyak nang sabi ni Andong. Napayuko ako at tinignan ang mga kamay kong nanginginig.

Paano ko siya gagamutin kung ganito ang sitwasyon ko? At isa pa, hindi pa rin ako ganap na doktor.

"S-Si Angelito Custodio!" Harap ko kay Andong.

"Hindi papayag si Angelito na madamay sa ganitong gulo, binibini." Yuko ni Andong.

"Gagamutin mo ba siya o hindi?!" Tumalon ang puso ko nang marinig si Fernan.

"Wala na tayong oras!" Sigaw pa niya na mas lalong nakapagpatahimik sa buong paligid.

"Hahayaan mo nalang ba siyang mamatay?" Pahina nang pahina na wika ni Fernan.

Hindi... hindi pwedeng mamatay si Niño.

"Asan ang mga gamit?" Sabi ko na nagbalik ng kulay sa mukha ng mga tao rito sa loob. May lumapit sa aking isang sundalo at nag-abot ng telang naglalaman ng mga gamit na kailangan ko.

"Ito po ang mga nakuha ko sa pagamutan." Sabi niya pagka-abot at agad kong nilatag 'yun sa kabilang lamesang katabi ni Niño. Lumapit na ako kay Niño at sinimulan na ang mga dapat kong gawin.

Sa totoo lang, kung sa ibang tao ay hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'to dahil sobrang natuto talaga ako kay Angelito Custodio at may tiwala naman ako kahit papano sa sarili kong kakayahan pero iba kasi si Niño. Hindi ko yata kakayanin kapag hindi ko siya maligtas kaya ayaw kong i-risk ang kahit ano pero sa sitwasyong 'to, mas niri-risk ko na ang lahat kung hindi ko susubukan dahil ako nalang ang pag-asa niya.

Kumapit ka lang, Nino. Please. Ililigtas kita.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts