webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

LXIX

Juliet

"Manuel!"

Bumaba agad ako ng hagdan nang makita si Manuel at nang makarating ako sa kaniya ay agad ko siyang niyakap. Ilang seconds din akong nakayakap sa kaniya nang marealize ko na parang na a-awkwardan siya.

"Oh—uhm... I'm sorry—" Kakalas na sana ako sa yakap nang bigla siyang yumakap pabalik kaya napabalik ako sa dibdib niya.

"Nagagalak din akong makita kang muli, binibini." Nakangiting sabi ni Manuel pagka-alis namin sa hug.

"Teka, bakit ka pala napadaan?" Tanong ko.

"Nais sana kitang kamustahin, binibini. Nag-alala ako nang mabalitaan kong pumunta ka raw sa labanan upang manggamot sa mga sugatang sundalo ngunit kasabay ng pag-aalala ko ay ang paghanga ko sa'yo. Salamat sa pagtulong kanila Kuya Fernan, binibini." Sagot niya at naramdaman ko nalang na parang nagme-melt ang puso ko dahil sa pagpuri niya sa akin. Grabe, feeling ko tuloy ang bait-bait ko na huhu.

"Ay, maupo ka pala muna Manuel." Aya ko sa kaniya maupo at uupo na rin sana ako nang magsalita siya ulit.

"Sa katunayan ay nais kong maglakad-lakad dito sa inyong hacienda, binibini."

Biglang umatras ang pwet ko sa upuan nang marinig ang sinabi niya at tumayo na ulit ako nang maayos.

"Ah, sige ba. Tara!" Sabi ko at ni-lead siya palabas.

"Kamusta ka, binibini? Nasaktan ka ba roon sa labanan? Ayos ka lang ba noong naroon ka?" Tanong niya at halata sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala.

"Hindi naman ako nasaktan doon at mababait naman ang mga sundalong kasamahan nila Niño." Sagot ko.

"Mababait?" Tanong niya na para bang may paghihinala sa tono niya kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ko.

"May isang traydor sa mga iyon ngunit... wala naman na siya ngayon dahil pinat—"

"Traydor? OMG! Alam mo 'yung tungkol doon? SSSHHHH!" Takip ko sa bibig niya at hinila siya papunta sa pagitan ng dalawang magkalapit na puno. Sinandal ko siya sa puno atsaka lumingun-lingon sa paligid dahil baka may nakarinig sa kaniya. Nang wala naman akong nakita ay binalik ko na ang tingin ko kay Manuel na tinatakpan ko pa rin ang bibig at nakitang kong sobrang pula niya.

OMG! Allergic kaya siya sa punong pinagsandalan ko sa kaniya?!

Agad ko siyang hinala palayo sa puno at pinagpagan siya. "Ayos ka lang ba? Sobrang pula mo! Ma—"

"A-Ayos lang ako, binibini. Huwag kang mag-alala at... ligtas naman ang sikretong iyon sa akin."

"Pero teka... may sinabi ka kaninang wala naman na 'yung traydor . . . ? Nahuli ba siya nila Niño?" Tanong ko at mukhang nabigla siya sa sinabi ko kaya nabigla rin ako sa reaction niya.

"Nahuli nga nila Niño yung traydor?! Kinulong ba siya kaya sinabi mong wala na siya?" Sabi ko habang mukhang confused pa rin si Manuel kaya hindi pa rin siya sumasagot.

"Huy!" Tapik ko sa kaniya kahit pa nakatingin siya sa akin pero hindi siya sumasagot.

"O-Oo, binibini. Tama ka... k-kinulong... kinulong ang traydor na iyon." Yuko niya.

"Dapat lang, jusko! Alam mo ba sa lugar kung nasaan ako... simula nang maupo 'yung bagong presidente, sobrang higpit na ng batas kaya maraming natuwa pero 'yun pala hindi magiging patas ang batas. 'Yung mga mahihirap kahit hindi pa napapatunayan na may kasalanan ay pinapatay na kaya maraming inosenteng buhay ang nawala samantalang sa mga mayayaman, kahit napatunayan nang may ginawang masama—nagnakaw, pumatay, nanggahasa—nakakalaya pa rin at 'yung iba ay hindi pa nga nakukulong. Lalo na 'yung mga masasamang pulitiko, myghad! Ang ka-kapal ng mukhang mangurakot ng pera ng bayan tapos kahit na nakulong na at lahat, ang ka-kapal pa rin ng mga mukha! Tatakbo pa ulit kapag eleksyon at ang masaklap, nananalo pa rin!"

"Ngunit kung masasama sila... bakit pa rin sila nananalo?" Naguguluhang tanong ni Manuel.

"Kasi hindi pinag-iisipang mabuti ng mga botante ang binoboto nila. Hindi nila makita kung gaano kaimportante ang pagboto at hindi nila alam kung gaano kalaking kapangyarihan at responsibilidad ang binibigay nila sa kung sino nalang ang iboto nila." Sagot ko at napanganga nalang si Manuel sa gulat.

"Ngunit bakit?!" Frustrated na sabi ni Manuel.

Same, Manuel. Same.

"Ganito ba ka... ka-hindi nag-iisip ang mga Briton??"

"Woah, woah, wait. . anong Brit—" Natigilan ako nang marealize ko na alam nga pala nila na sa England ako galing, nice. Madudumihan ko pa ang image ng mga British huhu.

"I-I mean... oo nga, hindi nag-iisip ang mga Briton." Sabi ko nalang.

"Kaya hindi maganda ang sunud-sunuran nalang sa mga hari't reyna. Maaari silang umabuso at pagkatapos, ano? Gagayahin sila ng mga anak nila na susunod na mamumuno pati na mga susunod na pinuno na kina-apo-apuhan nila."

Hay, nako. Kung alam mo lang ang mga political dynasties ngayon sa Pilipinas, Manuel. Pustahan kukunot na naman 'yang noo mo.

"Hindi ko inakala na hindi pala maganda ang pamamalakad sa Inglatera..." Nasabi ni Manuel habang parang nag-iisip nang malalim.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at sumunod naman siya. Omyghad! Nadungisan ko pa ang pangalan ng kung sino man ang hari o reyna ngayon sa England sa utak ni Manuel huhu.

"Mukhang interesado ka sa pulika ah?" Open ko ulit ng topic dahil parang kanina pa siya nag-iisip ng kung ano.

"Iniisip ko kung paano so-solusyunan ang pagiging abusado ng may kapangyarihan sa kaniyang pwesto."

"Hmm... terms?" Sabi ko. I mean, 'yun naman talaga 'di ba? Pero kaya nga nagkaka-political dynasty kasi kahit may term na nagli-limit, umaabuso pa rin 'yung iba katulad nalang ng 'di na tatakbo 'yung tatay/nanay kaya 'yung anak naman tatakbo sa dati niyang pwesto at sa ibang pwesto na tatakbo 'yung magulang.

"Terms?" Tanong ni Manuel.

Nang makarating sa isang garden, umupo muna ako sa isang upuan at tumabi naman sa akin si Manuel.

"Uhm... termino? Parang... may limit...asyon 'yung mga tumatakbo. Kunwari, isang beses lang pwedeng tumakbo sa pagiging presidente pero anim na taon kang magse-serbisyo—well, kung magse-serbisyo man o mangungurakot—tapos ayun pagkatapos ng anim na taon, eleksyon ulit tapos iba naman."

"Ngunit paano kung tumakbo ang anak pagkatapos ng tatay? Tapos ang apo pagkatapos nito? At anak ng apo pagkatapos nito? Ano ngayon kung binoto ito ng mga tao? Paano kung binoboto nalang sila dahil sila naman na lagi? Dahil sila na ang kilala? Dahil sila ang nakasanayan? Ano ang pinagkaiba nito sa monarkiya?"

Halos mapanganga ako sa mga lumabas sa bibig ni Manuel. Grabeng advance mag-isip! We're in 1899 but this guy is living in 2019!

"So may naisip ka bang solusyon?" Tanong ko.

"Bakit hindi magkaroon ng kasulatan o batas na nagbabawal sa mga miyembro ng pamilya na tumakbo pagkatapos ng kamag-anak nila? O 'di kaya'y limitado lang ang bilang ng miyembro sa isang pamilya ang puwedeng pumasok sa pulitika?" Sabi ni Manuel and I just can't help it. Grabe, iba rin mag-isip 'tong si Manuel.

"Pero paano kung maganda naman ang intensyon ng isang pamilya at nais ipagpatuloy ng anak 'yung nasimulan ng magulang niya?" Tanong ko. I-testing nga natin ang galing nito ni Manuel.

"Kung matino ang susunod na mamumuno ay itutuloy nito ang mga magagandang bagay na nasimulan na at ititigil ang masama. Kamag-anak man niya o hindi ang nagsimula nito." Diretsong sagot ni Manuel na nakapagpa-"oo nga 'no" sa akin.

"Paano kung hindi matino ang sumunod?" Tanong ko.

"Patalsikin. Hindi naman siguro bulag at manhid ang mga tao upang magtiis sa mali at balikong pamamalakad."

Oh, diyan ka nagkakamali Manuel. People are indeed blind, deaf, numb, and dumb.

"Paano kung bulag at manhid nga ang mga tao?" Tanong ko.

Sandaling natahimik si Manuel. Ilang segundo rin akong naghintay atsaka siya nagsalita ulit.

"Sisiguraduhin kong hindi magiging bulag at manhid ang mga kababayan ko, binibini." Seryosong tugon ni Manuel.

"A-Alam mo, Manuel... hindi naman masamang mangarap para sa bayan... actually—este—sa totoo lang, maganda nga 'yun eh! Napakaganda pero... masakit kasi mabigo lalo na kung ginawa mo naman ang lahat pero sila pa rin mismo ang nagdesisyon na magbulag-bulagan at magpakamanhid."

"Anong ibig mong sabihin, binibini?"

"Example nalang—este—halimbawa nalang, sa lugar kung saan ako galing... ni hindi na nga kaya ng karamihan sa mga tao magsalita nang diretso sa sarili nilang wikang pambansa. Iilan nalang ang nagbibigay importansya sa kultura ng sariling bayan at mas tinatangkilik pa ang produkto at gawa ng mga dayuhan. Mas pinipili nilang kalimutan ang kanilang pinanggalingan at magbulag-bulagan sa katotohanan."

"Wikang pambansa? Iyon ang tawag niyo sa inyong wika?"

Oh no, there's no "wikang pambasa" until Manuel Quezon nga pala huhu patay na naman!

"U-Uhm... ang ano... a-ang wikang pambansa 'yung opisyal na wika ng isang bansa." Sagot ko.

"Kung ganoon ay... Tagalog?" Tanong ni Manuel.

"No! No! Hindi! Ano, uhm... walang wikang pambansa ang Pilipinas..."

"A-Anong ibig sabihin mong wala? Tagalo—"

"Hindi pwede ang Tagalog." Agad na putol ko sa kaniya.

Omyghad paano ko i-eexplain na Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas pero sasakupin muna ng mga Hapon ang Pilipinas pagkatapos ng mga Amerikano at sasakupin ulit ng mga Amerikano ang Pilipinas pagkatapos atsaka magkakaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas na tatawaging Filipino?

"I mean—ibig kong sabihin... may iba pang wika sa bansang ito, hindi ba? Ang wikang pambansa ay opisyal na wika ibig sabihin kung saan nagkakaintindihan ang nakararami at ito ang kikilalanin na wika ng isang bansa. Ito ang wikang magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Tingin mo ba patas na Tagalog ang wikang pambansa? Paano ang mga nasa ibang mga lugar ng bansa na hindi nagta-Tagalog?" Sabi ko at napatangu-tango naman si Manuel na para bang sinasabi niya na okay-you-have-a-point-I'll-think-about-that.

"Pero huwag kang mag-alala, binibini..." Napalingon ulit ako kay Manuel nang magsalita siya. Nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya nagtama ang mga tingin namin atsaka siya nagsalita.

"Sisiguraduhin kong hindi makakalimutan ng ating mga kababayan kung sino sila."

"Kaya huwag mo rin kalimutan kung sino ka, binibini."

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts