webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · 歴史
レビュー数が足りません
98 Chs

LIV

Juliet

"Actually—este—sa katunayan, noong bata ako... pakiramdam ko wala akong silbi sa mundo. Isang pagkakamali." I honestly answered.

Biglang kumunot ang noo ni Niño sa sinabi ko. Malamang hindi niya maisip kung bakit naman ganun ang naramdaman ko eh magulang ko sina Don Horacio at Doña Faustina na sobrang babait na mga tao.

Dahil nga natanong ko sa kaniya ang tungkol sa pagiging sundalo niya na naging topic namin na eventually napunta sa childhood niya, siya naman ang nagtanong sa akin tungkol sa childhood ko.

"Bakit naman?" Tanong niya na mukhang hindi pa rin maisip at maintindihan kung bakit ganun ang childhood ko.

Well, Niño... ampon lang kasi ako ng tito ko na tinatawag kong Tito Daddy at ng asawa niyang si Tita Mommy. Maagang nabuntis ang nanay ko sa akin kaya naman iniwan niya ako sa kapatid niya at hindi na bumalik.

Lumaki akong puno ng pagmamahal mula sa mga kinilala kong magulang kahit na wala ang totoo kong nanay pero kahit na hindi nagkulang bilang magulang sina Tito Daddy sa akin, siyempre minsan nararamdaman at naiisip ko pa rin na may kulang sa pagkatao ko. Kagaya nalang ng sino ang nanay ko, sino ang tatay ko, anong itsura nila, may purpose ba ako sa mundong ito o talagang aksidente lang ako, pagkakamali na kung pwedeng baguhin ay babaguhin nila.. mga ganung tanong. Dagdag pa na lumaki rin akong tinutukso ng mga kaklase, ibang bata at mga tao na ampon lang, na hindi ako mahal ng mga magulang ko at kung anu-ano pa.

"Hmm... madalas kasi akong matukso ng ibang mga bata dati." Sagot ko nalang.

"Bakit naman nila tinutukso ang isang napakagandang tulad mo? Alam mo binibini, nagsisimula na akong magtaka sa kung anong klaseng pag-iisip mayroon ang mga Briton para tuksuhin ka nang ganoon." Saad ni Niño na tinawanan ko nalang.

"Siguro ganun lang talaga ang ibang mga bata. Mahilig manukso." Sagot ko.

"Binibini, nararamdaman mo pa rin bang... wala kang silbi sa mundo? Kasi sinasabi ko sa iyong hindi 'yon totoo." Sabi pa niya.

"Salamat, Niño atsaka... hindi naman na. Sobrang tagal na rin naman nun."

"Matanong ko lang, binibini... paano mo nalagpasan ang mga pag-iisip na 'yon? Tinulungan ka ba ni Ginoong Caden? O ng iyong mga magulang?" Tanong ni Niño kaya napaisip ako at naalalang may kaibigan sina Tito Daddy at Tita Mommy na laging pumupunta sa bahay at kinakausap ako.

"Naalala ko... may kaibigan sina Ama at Ina noon na laging sinasabi sa akin na lahat ng tao ay may mahalagang ginagampanan. Alam ko madalas niyang sabihin 'yon kaya naman hindi ko makalimutan kaya naging okay—este—maayos naman na ako." Sagot ko.

"Nais kong magpasalamat sa kaniya dahil sa pagtulong sa iyo. Maaari ko bang malaman kung sino siya?" Tanong ni Niño.

"Uhm... hindi ko na kasi talaga masyadong maalala. Sobrang bata ko pa rin nun." Sagot ko kaya napatangu-tango nalang si Niño.

Bigla tuloy akong nacurious doon sa lalaking 'yun. Sino nga ba 'yun? Bakit hindi ko na siya maalala? Ghad, brain! Pati ba naman ibang tao in real life hindi mo na rin maalala? Malala na talaga 'tong utak ko.

Napalingon ako kay Niño nang maramdaman kong bahagya siyang ngumiti.

"Bakit? May nakakatawa ba?" Tanong ko.

"Naalala ko lang kasi noon na madalas ding may magsabi sa akin na malayo ang mararating ko at malaki ang gagampanan kong papel sa mundong ito." Sabi niya na mukhang nire-reminisce pa 'yung mga moments na may nagsabi sa kaniya nun.

Habang tinitignan ko siyang nakangiti ngayon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ako para sa kaniya dahil totoo namang malayo na ang narating niya at malaki ang ginampanan niya sa bayan dahil isa siyang heneral o malulungkot dahil bilang isang taong mula sa present na ilang taon ang layo mula rito, ni hindi ko man lang narinig ang pangalan niya kahit pa napakarami niyang kasamahan na naging bayani at isa pa... nakita ko kung paano siya namatay at posibleng ganun pa rin ang kahahantungan niya sa pagkakataong 'to.

Napalingon ulit ako sa kaniya nang tumingala siya at nakitang sinisilip niya ang mga bituin sa spaces ng mga dahon na humaharang sa langit mula sa pwesto namin.

"Sabi nila kapag namatay ang isang tao, nagiging isang bituin ito."

Kokontrahin ko sana siya at ie-explain kung paano nabubuo ang stars dahil sa interstellar gas at molecular clouds pero narealize kong nagmo-moment siya kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.

"Kapag namatay kaya ako... magiging kasing liwanag kaya ako ng bituin na 'yon?" Sabi niya kaya naman napatingin ako sa star na tinitignan niya.

"Oh, that's Polaris. The North Star." Nasambit ko at agad na tinakpan ang bibig ko nang marealize ang pinagsasabi ko.

"Ang ibig kong sabihin ay... 'yan ang Polaris. Ang... butuin ng... hilaga?" Sabi ko na hindi pa sure sa pinagsasabi ko. Ghad! Ang hirap naman kasi tagalugin ng north star!

"Polaris?" Kunot-noong tanong ni Niño.

"Well... nakikita mo ba 'yung apat na mga bituin na 'yon? Yung parang nagfoform—este—bumubuo ng kahon?" Tanong ko at tumangu-tango naman si Niño habang titig na titig sa mga stars na tinuturo ko.

"Tapos 'yung bituin na tinuro mo kanina, nakakonekta 'yun sa dalawa pang bituin na magkakonekta na nakakonekta pa doon sa apat na bituin na parang kahon. Bale... may pitong bituin na, 'di ba?" Sabi ko at tumatangu-tango ulit siya.

"Pagmasdan mo 'yung pitong bituin na 'yun, hindi ba mukha silang kutsara o kaya sandok?" Sabi ko, trying hard ipa-visualize sa kaniya ang Small Dipper.

"Kutsara? Hindi ba mas mukha siyang saranggola?" Tanong niya habang pinagmamasdan 'yung small dipper.

"Okay, fine. Saranggola or whatever basta yung point ko 'yan 'yung Polaris." Sabi ko at nagtaka ako nang bigla siyang tumawa.

"Wala akong naintindihan sa sinabi mo, binibini."

Omyghad, sumasakit na ulo ko sa pag e-explain huhu pwede bang sakupin na kami ng mga Amerikano para matuto na siya mag-English. JOKE! HUHU BAD JOKE.

"Basta 'yan 'yung Polaris. Malalaman mo na 'yan ang Polaris kapag nakita mo 'yung saranggola na sinasabi mo." Sagot ko at napatangu-tango naman siya habang nakatingala at tinitignan pa rin 'yung Small Dipper.

"Well... fun fact, ayan ang tinitignan ng mga mangingisda noong araw para malaman ang direkyon kung saan sila pupunta sa gitna ng karagatan." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin... or should I say napatitig siya sa akin dahil hindi na siya kumurap ulit mula nang magtama ang mga tingin namin.

OMG. Geek na ba tingin niya sa akin? Ghad, ayaw kong magmukhang weird nerd sa harap ni Niño huhu bakit ba kasi napunta sa constellation ang usapan eh mahal na mahal ko ang stars, I can't help it!

"Naintindihan ko ang sinabi mo maliban sa panpak, binibini." Ngiti niya at natawa nalang ako sa pagkasabi niya ng fun fact HAHAHA!

"Parang trivia ang fun fact or uhm... karagdagang kaalaman, ganun!" Sagot ko at napatangu-tango naman siya meaning nagets niya at wooh! Thank God! Nacha-challenge na talaga ako rito kay Niño huhu.

"Kung gayon ay ikaw ang aking Polaris, binibini."

Napalingon ako kay Nino nang marinig 'yon mula sa kaniya at nadatnan siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ko naman na kailangang ipaliwanag, hindi ba?" Nakangiting saad niya kaya ngumiti nalang din ako atsaka umiling-iling bilang sagot kahit na hindi ko gets 'yung sinabi niya.

"Oo nga pala..." Sabi ko at kinuha ang lalagyan ng singsing sa bulsa ko at kinuha ang kamay ni Niño atsaka pinatong 'yun doon.

"Ano ito, binibini?" Tanong niya pagkakita sa lalagyan na pinatong ko sa palad niya.

Nagkibit-balikat ako. "Paano mo malalaman kung hindi mo bubuksan?"

Napangiti nalang siya sa sinagot ko atsaka binuksan ang lalagyan. Nakita kong lumawak ang ngiti sa labi niya nang makita ang nasa loob. Kinuha niya 'yun atsaka pinagmasdan.

"Regresé por ti..." Basa niya sa nasa singsing atsaka tumingin sa akin.

"Akala ko ba'y... hindi ka nakakaintindi ng—"

"Hindi nga pero, uhm... basta naintindihan ko 'yan hehe." Putol ko sa sasabihin niya atsaka kinuha ang singsing sa pagkakahawak niya.

"Kamay." Sabi ko at inabot naman niya ang left hand niya sa akin.

"Yung kanan." Sabi ko at ginawa naman niya.

"Para sa wedding ring—este—singsing sa kasal natin 'yung sa kaliwang kamay mo kaya sa kanan ko 'to isusuot." Sabi ko habang sinusuot 'yung singsing sa right ring finger niya.

Woah! Nagkasya!

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Niño ay bahagya siyang nakangiti habang nakatitig sa mga mata ko kaya naman agad na nagwala ang puso ko nang magtama ang mga tingin namin.

"Salamat, binibini." Nakangiting saad niya.

"Salamat sa pagdating sa buhay ko."

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts