webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Chapter 28

Chapter 28: Confused

"So, totoo 'yong issues?" Nagtatakang tanong ni Claire sa amin dal'wa ni Oliver at dahan-dahan siyang umupo sa tabing upuan ko.

Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Oliver. "Yes."

Agad naman nanglaki ang mga mata dahil siguro sa gulat, kahit si Aivin.

"E di kayo na nga?" Usisang tanong din ni Jess.

"No." Mariin kong sagot.

"Huh? We don't understand you, Guys." Litong saad naman ni Aivin. Kahit ako, hindi ko rin maintindihan kung anong sinagot namin sa mga tanong nila, nakakalito.

"Pinakiusapan ko si Jamilla na magkungwari munang Girlfriend ko last night." Biglang paliwanag ni Oliver sabay tingin sa akin nang sandali. "And we accidentally met her friend na isa palang vlogger. Then, nagtanong siya sa amin kung kami raw ba ni Jamilla. Of course, I said yes, kasi nga nagkukuwari kami."

"Totoo?!" Kinikilig na sabi ni Claire ngunit biglang nagtanong ulit si Jess.

"Huh? Bakit kailangan niyo pang mag-pretend?"

"Secret." Sagot ni Oliver kaya nadismaya 'yong mukha ni Jess. Bakit kailangan niya pang i-secret? Di bale na, sasakyan ko na lang kung ano ang sinagot niya.

"So, what's your guys plan then? Lalo ka na Jamilla, alam kong allergic ka kapag nagiging issue ka dahil alam namin na nag-o-over think ka palagi." Grabe naman itong si Claire. Pero sabagay, tama nga siya.

Ngumiti ako sa kanya at kinontra ang sinabi niya. "Just let the issues spread out. Kahit hindi naman umamin si Oliver na kami raw ay gano'n na rin naman iniisip ng mga tao. Kaya okay na sa akin na kumalat 'yong mga issues." Gulat silang lahat na tumingin sa akin maliban lang kay Oliver na wala pa rin emosyon ang mukha. Bakit siya ganyan? Kapag kami lang dalawa ang magkasama, ang kulit-kulit niya pero kapag kasama na namin ang mga kaibigan ko ay ang tahimik lang niya.

"Kahit magkaroon ka pa ng mga bashers?" Tanong ni Jess. Lahat sila ay deresto lang ang mga tingin sa akin and waiting for my answer. Bigla akong napaisip, tanging mga bashers lang naman ang iniisip ko kung bakit ayokong maging bida ng issue kasama si Oliver, pero siguro, normal lang magkaroon ng gano'n.

"Bashers? Say, what they want to say about me, think, what they want to think about me. Bakit ko sila bibigyan pansin kung wala naman katotohanan ang gusto nilang iparating?" Ngumiti silang lahat sa akin ngunit mas nanibabaw ang ngiti ni Oliver. Gosh! Pinigilan ko ang kilig ko at pilit na ningitian din siya nang pabalik. Ang gwapo niya talaga.

"Woah, bet ko 'yang line mo!" Sigaw ni Claire. Loka-loka talaga itong babaeng ito. "But I'll reapet my question. Anong plano niyong dalawa? Dahil alam kong issue na naman kayo sa school natin."

"I have a suggestions. What if, ituloy niyo 'yong pagkukuwari niyong mag-jowa talaga kayo. Oh 'di ba?" Napakunot ako ng noo nang sinabi Jess 'yan.

"No way." Depensa ko.

"Good Idea."

Sabay naming dalawa ni Oliver na sabat sa sinabi ni Jess. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Kagabi nga, ang weird sa akin no'n pag-akbay niya at pagyakap sa akin. Tapos, ipagpapatuloy pa namin 'yong magpepretend. Gosh. Hindi ko kakayanin 'yon.

"Bakit hindi mo na lang aminin sa facebook or wattpad na hindi talaga tayo, Oliver?"

"Should I? Ikaw na mismo ang nagsabi na 'Let the issues spread out'."

"But it doesn't mean that I want to continue our pretending. Still, I refused."

"Bu-"

"Stop, hayaan mong mahalata ng mga tao na umamin ka na girlfriend mo 'ko kahit hindi naman akma sa pagkilos natin dalawa." Hindi na siya nakaimik.

Natahimik silang lahat at nagsimula nang kumain, maliban kay Oliver na deresto pa rin ang tingin sa akin at hindi ginagalaw ang pagkain niya. I just rolled my eyes at him and I started to eat my foods.

-

10:30 pa lang ng umaga ay nakaayos na kaming mga kaibigan ko. Sabi kasi ni Tita Bella na maligo na raw at maggayak na dahil maaga raw pupunta ang mga bisita niya. Pinapapunta rin kasi kami ni Tita sa bahay nila, para doon daw kami mag-lunch. Taray, kakabreakfast lang namin pero maglalunch na agad.

Nagsuot lang ako ng dress na lightblue ang kulay. Simpleng-simple lang talaga ang awra ko.

Pagkalabas namin ng bahay ay tanaw agad dito kung gaano karami ang mga bisita ni Tita bella, siguro ay mga kaibigan at kamag-anak niya. Rinig din mula dito ang lakas ng tunog ng videoke nila. This fiesta, it's just ordinary. Kasi baranggay lang naman ito at hindi buong bayan. Pupunta ang mga bisita para makikain at mangamusta.

Imbes na pumunta na kami kila Tita Bella ay naisipan namin na dito muna mag-stay sa tapat ng bahay namin. Walang sinuman ang balak na maunang pumunta sa bahay nila Tita, maliban lang kay Aivin na nandoon na, nahihiya kasi kaming lahat. Baka ma-out of place lang kami kapag nandoon na kami dahil wala naman kaming masyadong kakilala.

-

After couple of minutes ay nakita kami ni Tita sa harap ng bahay namin kaya lumapit ito sa amin.

"Hay nako! Tara na, punta na kayo sa bahay, ipapakilala ko kayo sa mga bisita ko." Pilit kaming hinila ni Tita Bella papunta sa bahay niya kaya we have no choice kundi, sundin na lang ang gusto niya.

Pagkarating namin ay bigla kong nakaramdam ng hiya dahil may mga bisita siyang deresto lang ang tingin sa amin. Gosh! No'n bata naman ako, tuwing piyeste ay hindi naman sila ganyan makatingin sa akin.

"Mare! ito 'yong kinukwento ko sa 'yong mga nagkagandahang mga babae na galing Maynila." Ngumiti kami ng pilit sa kumare ni Tita Bella. This is so awkward to us.

"Tama ka nga, Mare. Ang kagaganda."

"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? At itong babaeng na itong mistisa ay nililigawan ng anak ko." Bahagya niyang hinila si Claire. Bigla akong natuwa dahil sa inaasta ni Tita Bella, I feel she's very supportive with his son, kasi proud niyang pinapakilala 'yong nililigawan ng anak niya.

"Bagay na bagay kayo. Grabe."

"Thank you po." Mahiya-hiyang pasasalamat ni Claire. Aysus, kahit sa loob-loob niyan ay kilig na kilig iyan, hindi niya lang pinapahalata.

-

Ilan minuto pa ang lumipas at patuloy lang si Tita Bella sa pagpapakilala sa amin sa mga kaibigan niya. Jusko, I'm not confortable what she was doing, kasi sobra na 'yong hiya namin.

"Tita, pwede na po ba kaming kumain?" Kahit hindi pa ako gutom ay nagtanong na agad ako sa kanya para tumigil na siya sa ginagawa niya.

"Ay, oo naman." Agad niya kaming dinala sa Dining table niya dahil nandoon lahat nakahain ang mga handa nila. "Kuha lang kayo ng gusto niyo ha. Huwag mahihiya." Nakangiti niyang saad at umalis na agad para mag-entertain pa ng iba pa niyang mga bisita.

"Hiyang-hiya na ako kanina." Sambit ni Claire.

"Me too." Sabat naman ni Jess.

Ilan lang ang kinuha kong mga pagkain. Kasi like what I've said, I'm still full. Imagine, 9 Am kami nag breakfast at 11 Am naman kami nag lunch. Gosh!

Balak sana namin sa bahay na lang namin kumain but Tita Bella's not allowed us, so tahimik lang kaming kumakain dito sa sala nila. Jusko, hindi ako sanay na tahimik lang kami kumakain. Lahat kasi kami nahihiya. Asaan ba kasi si Aivin? Bisita niya kami kaya dapat inaasikaso niya kami.

Nagulat ako nang makitang pitong shanghai 'yong nasa plato ni Oliver at kanin lang. Luh? Maraming pagkain ang nakahain sa lamesa pero bakit 'yon lang ang kinuha niya? Hindi naman niya siguro favorite ang shanghai 'no?

Hindi ko na lang ito pinansin at tahimik na lang ulit kumain.

-

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Oliver nang makitang tumayo ito.

"Kukuha pa ng shanghai."

"Favorite?"

"Of course." Nakangiti niyang sagot sa akin bago nagsimulang maglakad. Napailing na lang ako.

Pagkapasok niya sa dining area ay lumabas din ito agad. Halatang nadismaya dahil nakasimangot ang mukha nito.

"Wala ng shanghai." Malungkot niyang saad.

"Wait, I will ask Tita Bella to make sure if there's no really shanghai. Baka may stock pa sila." Tumayo ako at agad pumunta kay Tita Bella na ngayon ay nasa labas na ng bahay.

"Excuse me, Tita Bella, may shanghai pa po ba?"

"Ay, Ubos na?" Tumango ako. "Meron pa naman kaso hindi pa luto 'yong iba. Kung gusto mo, lutuin mo na lang lahat ng nasa fridge." Sagot niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya bilang pasasalamat.

Kinuha ko muna mula sa fridge 'yong shanghai bago lumapit ulit kay Oliver.

"Oliver, oh! Hindi pa luto." Sabi ko at ibinigay sa kanya 'yong tupperware na may laman ng shanghai. Bahagya akong umupo upang ipagpatuloy ang pagkain. Patapos na rin naman ako, e.

"Tara na. Lutuin na natin." Jusko naman, kakaupo ko pa lang, tatayo na naman.

"Ikaw na, kaya mo na 'yan."

"No, samahan mo 'ko. Sa bahay niyo tayo magluto. Ang ingay dito eh." Reklamo niya. Sabagay ako nga rin ay naiingayan, ang ingay kasi ng videoke at ang kasiyahan na nagaganap sa labas ng bahay.

"Sige na nga."

"Sama kami! Ayaw namin maiwan dito 'no!" Bigla akong napatingin kila Cliare at Jess. Gosh! Nandito rin pala sila sa sala nakain. Hindi ko manlang napansin.

-

Habang naglalakad kami papunta sa bahay ay rinig namin na tinawag kami ni Aivin.

"Guys!" Agad naman kami humarap sa kanya. Mabuti naman at nagparamdam pa siya.

"Nakakabwiset ka! Hiyang-hiya kami kanina doon sa bahay niyo." Sigaw ni Claire kay Aivin. "Imbes na dapat ikaw 'yong nag-aasikaso sa amin ay 'yong nanay mo pa." Dagdag pa nito.

"Sorry na, gumawa ako ng duyan sa may punong mangga e, para do'n muna tayo mag-stay. Sasama pa ba kayo?"

"Talaga? Tara na." Bigla naman nagliwanag ang mukha ni Claire dahil sa sinabi ni Aivin. Akala ko ay tuluyan na siyang magagalit sa ginawa nito pero parang hindi rin pala. Jusko, ang rupok.

"Later na lang kami pupunta ha. Mag luluto pa kasi kami ng shanghai, e." Sambit ko. Tumango na lang sila sa amin bilang sagot at tuluyan na naglakad.

-

Nagsimula nang magluto si Oliver ng paborito niyang pagkain, samantalang ako ay nakaupo lang at naglalaro sa phone ng homescapes, I've miss this game, two weeks din akong hindi nakapaglaro.

"Jamilla, may I ask you something?"

"Like what?" Tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin kasi focus lang 'yong mata ko sa nilalaro ko.

"Ano bang gusto mo sa isang lalaki?" Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Saan niya napulot 'yan klaseng tanong na 'yan?

"W-why?"

"Wala lang. Kailangan bang may dahilan?" Sabi niya habang nagluluto ng shanghai at hindi tumitingin sa akin dahil katulad ko ay focus lang din siya rito.

"Hindi naman."

"So, ano nga gusto mo?" This time ay tumingin na siya sa akin at sumandal sa may tabi ng stove. Halata talaga sa kanya na interesado siyang makuha 'yong sagot ko.

"Simple lang. Hindi katulad ni Papa at marunong tumupad ng pangako. Then, 'yong ayaw ko naman ay 'yong sinungaling."

"Hindi mo na ba talaga mapapatawad, papa mo?" Bigla niyang naitanong sa akin kaya bigla rin kong natigilan. Papatawarin ko pa ba 'yong papa ko? After all, what he have done to us, I don't know if I really can.

Ngumiti ako sa kanya at sinagot ang tanong. "No."

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Yes, he's my father. But he's the first person who broke my Mom's heart and mine too, mahirap nang pagkatiwalaan ulit ang isang taong minsan nang binasag ang tiwala ko rito. And I'm sure, magiging isa sa pagkakamali ko kapag pinatawad ko pa siya," Matigas kong sagot.

Nagulat ako nang bigla akong nakarinig ng parang isang jar na nabasag sa sala namin. Agad akong pumunta doon para malaman kung jar nga ba iyon.

Pagkatingin namin ni Oliver ay nakita namin nabasag 'yong isang maliit na jar na nakadisplay sa lamesa. Paano 'to nabasag? Napatingin ako sa main door and I noticed na nakaopen ito, hindi naman namin ito iniwan na naka bukas kanina, ah?

Agad akong lumapit doon at may hinahanap na tao. Imposible kasing mabasag na lang 'yong jar nang walang gumagalaw. So, ibig sabihin ay may tao rito kanina sa sala pero sino naman 'yon?

Nadismaya ako nang makitang wala naman tao sa labas ng bahay namin. Sino kasi 'yon? Si Papa ba? Imposible.

"Ako na maglilinis nito." Rinig kong saad ni Oliver.

"No, ako na. Ipagpatuloy mo na lang 'yong pagluluto mo."

-

Pagkatapos kong maglinis ay umupo muli ako sa upuan na malapit kay Oliver. Until now, I'm still confuse. Kung si Papa man 'yon, pakiusap universe, ayokong makita siya kasi alam kong babalik na naman sa isipan ko kung paano umiyak si Mama sa harapan namin.

"Ikaw, ano gusto mo sa babae?" Tanong ko sa kanya para maiba 'yong iniisip ng utak ko, tumigil muna siya sa pagluluto at tumingin sa akin nang deretso. Nakakapanghina naman 'yong tingi niya.

"Siyempre, si Jamilla." Bigla ako nakaramdam ng kaba muli sa akin loob-loob nang sinabi niya 'yan. Anong kalokohan mo, Oliver?

"Baliw, ang tanong ko ay 'ano' hindi 'sino'!"

"Haha, but seriously. Kung kanino man tumibok ng mabilis ang puso ko, siyempre, do'n ako. Wala na akong paki kung pangit o maganda man siya." Tumigil muna siya ng konti at nagsalita na naman nanag ikinadahilan ng pag-usok ng ilong ko. "Pero, gusto ko talaga 'yong Jamilla."

"Nakakatuwa. Ha ha ha."

"Kilig ka naman." Tukso niya sa akin sabay pinagpatuloy ulit ang pagluluto. Ang lakas talaga ng trip niya kapag ako lang 'yong kasama niya.

"Ewan ko sa 'yo! D'yan ka na nga!" Sigaw ko sa kanya at iniwan siya sa loob ng kusina. Inis akong lumabas ng bahay at dumaresto sa mga kaibigan ko sa may punong mangga. Nakakabwiset kasi si Oliver, ang lakas mang-asar.