webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · 現実
レビュー数が足りません
27 Chs

Chapter 8

Hikari's POV :

Lumabas na ng shop na ito sina Tristan at ang impaktong Miguel na yun.Bale ako na lang ang naiwan dito.Pumunta ako malapit sa entrance,sinilip ko sa salaming pinto kung nasa tapat pa ba ng coffee shop yung dalawang yun pero singbilis ng kidlat silang naka alis.

Pakiramdam ko,hindi maganda ang mangyayari ngayong gabi.Hindi kasi ako tiwala sa kasama ng besspren ko.Saan kaya pupunta ang mga yun.

Nagmamadali akong pumunta sa crew room para kunin ang cellphone ko,kailangan kong maitext si Miguel kung saan sila pupunta.Nagumpisa na ako magtype ng text ko.

** Text convo***

Me:Saan mo dadalhin ang besspren ko impakto?

Miguel:Magwawalwal kami.

Me:Ano?Hoy!Hindi marunong uminom si Tristan ,baka malasing yan,at kung ano pang mangyari sakanya.Napaka Bad influence mo talaga!

Miguel:Sakanya ka lang talaga concern?Paano ako kapag nalasing din ako?Hindi ka ba mag aalala?>.<

Ano bang kadramahan meron sa lalaking to ngayon?Hindi uubra sakin yung mga galawan nyang ganyan.

Me:Manahimik ka nga miguel!Saan kayo pupunta?sabihin mo sakin?Pupuntahan ko kayo,iaalis ko diyan si Tristan.Ang sarap mong tirisin Miguelito Arnaiz!

Nakaka bwiset talaga ang lalakeng yon ginagaya nya si Tristan sakanya,e okay lang sana kung yung mga gawain nya matitino kaso hindi.Malaman laman ko lang talaga na malasing at mapahamak ang bespren ko,sya ang igigiling ko sa gilingan ng kape,argh kaasar talaga!May limang minuto na siguro ang lumipas at hindi na nagreply si Miguel kaya nag follow up text na ako.

Me:Hoy Miguel nasan kayo?notice me.

Ano ba naman talaga oh.Nagaalala na ako e.

Miguel:Notice me?ako ba napapansin mo?

Nagulat ako sa reply ni Impakto,magrereply na sana ako ng magfollow up text sya.

Miguel:Nasa padis point kami dito sa fairview,huwag kana magreply kasi maguumpisa na kami,oras na para makalimot si par Tristan.

Whaaaaat??Hindi pwedeng Hindi sya magreply?Sa pagkakaalam ko tatlong branch ng Padis point ang nasa Fairview,isa sa Sm Fairview,sa Maligaya at sa Nova stop!Migueeeeeeel!Nag text pa ako ulit pero wala e,hindi na talaga sya nagreply asar!

Nagpalit na ako ng damit,kinuha ko na rin ang bag ko sa locker,sinigurado ko na rin na naka lock ang back door,Hindi na ako naglinis dahil nilinis na ni Miguel ang lahat,feeling ko pinlano nya lahat ng ito e.Balak nya talagang dalhin si tukmol sa bar na yun,heto namang bespren ko palibhasa broken hearted pa rin sa ex nyang loka loka sumama naman.Kahit uminom pa si tukmol ng tonetoneladang alak at iimbak ito sa tyan nya hindi nito mabubura ang sakit na nararamdaman ng puso nya.

Nang ma sure kong wala akong naiwang bukas na ilaw lumabas na ako agad ng shop.Mababatukan ko talaga si impaktong Miguel kapag nakita kong miserable ang madadatnan Kong kalagayan ni tukmol.Nang malock ko na ang main door nitong coffee shop,pilit kong inabot ang roll up na saraduhan,yung kulay silver na parang stainless na pinto.Dinoble check ko lang ang pagkakasara ng mga pinto at agad na nagantay ng masasakyan.

Maglilimang minuto na akong nagaabang dito sa kanto ng masasakyan pero until now wala pa ring jeep,taxi o bus na dumarating.Kainis talaga.

Bahagya akong napatingala sa kalangitan ng maramdaman kong may pumatak na tubig sa aking braso.Anak ng tipaklong na lima ang boyfriend oh?mukhang uulan pa.Maglalabas na sana ako ng payong ng may isang jeep na byaheng pa Fairview ang huminto sa harap ko,Hindi naman puno ng pasahero ang loob nito kaya sumakay na agad ako,sakto naman ang biglaang pagbuhos ng ulan.

Nasa loob na ako ng jeep,nakapwesto ako ngayon sa pinaka dulo ng kanang bahagi ng sasakyang ito,Sa tabi ko may isang Babae na kalong kalong ang anak nya,sa harap ko naman may isang lalaki ang nakaupo,tingin ko isang estudyante,saka pamilyar ang mukha nya parang nagkita na kami sa kung saan,anyways nagbayad na ako,patuloy pa rin ang malakas na ulan,tinignan ko ang cellphone ko mag aalas onse na pala ng gabi at wala pa ring text si Miguel.

Makalipas ang kalahating oras,nasa tapat na ang sinasakyang kong jeep ng isang ospital na nasa likod ng Sm fairview,ang traffic talaga ngayon papunta dito,ginagawa kasi ang bagong MRT,mabilis ang takbo ni kuyang driver imbes na sa sm ako bababa mukhang sa tapat na nang Maligaya subdivision ako makakababa.Malakas pa naman ang ulan,pero bahala na kailangan ko nang puntahan sina impakto at tukmol baka kung ano nang nangyari sa mga yun,ilang saglit pa huminto na ang jeep,nagmamadali akong bumaba,Hindi ko na nga nakuha sa bag ko ang payong ko,bahala na.Tumakbo ako sa pinaka unang Padis point na madadaanan ko magbabakasakali na nandoon sina Miguel at Tristan.

Basang basa ako nang makarating ako sa bar na ito,sisilipin ko lang kung nandito ang dalawang kutong lupa na yon.Papasok na sana ako ng harangan ako ng gwardiya at sabihang bawal dito ang high school student,hello?matanda na ako at nasa college na bakit ba isang high school na estudyante ang tingin nila sa akin porke ba't maliit ako?Pagkatapos ng isang mahabaang paguusap at pagpakita ko ng mga I'd ko pinapasok na ako ng gwardiya at Hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Ikaw ay makasama,sabay tayong kakanta.Kailan kaya muling mararanasan.Sa pagdilat ng mata,ika'y Hindi lang alaala."

Nakatayo ako ngayon sa gitnang bahagi ng bar na ito.Nasa harap ko ang isang stage kung saan ko nakita ang bespren ko sa pinaka misirable nyang katayuan.Naka luhod habang umaawit,nakapikit,magulo ang buhok na animo'y kababangon lang sa kama,wala sa ayos ang suot suot na puting T-shirt,umiiyak at lasing.

Hindi ko mapigilang mapaiyak,naawa ako sakanya.Hindi kasi sya ganyan kapag magkakasama kami,tumatawa at nagbibiro pa yan,sya pa nga minsan ang naguumpisa ng mga asaran kaya nauuwi sa isang masayang tawanan,Oo,suplado at pikon sya pero sa tagal naming magkasama simula noong highschool pa lamang,ngayon ko lang sya nakitang ganyan.Isang bigong bigong Tristan ang nasa harapan ko ngayon.

Nang dahil sa isang taong buong puso nyang minahal at patuloy na minamahal kahit matagal na silang nagkahiwalay heto sya ngayon sobrang nahihirapan,bakit ba kasi nya pinipiling kumapit pa sa isang pangako na matagal ng kinalimutan ng babaeng kanyang minahal?Ang tanga tanga talaga ng tukmol kong kaibigan,pinahihirapan nya lang ang sarili nya.

Pinagala ko muna ang mata ko para hanapin kung nasaan si Miguel pero dahil may kadiliman Hindi ko sya makita.Akma na akong lalakad, ng biglang mawalan ng malay si tukmol sa stage,napatakbo at napaakyat tuloy ako sa stage.Loko talaga itong si tukmol iinom ng marami hindi pala kaya.Paano ko sya mabubuhat ?ang bigat nya at heller ang liit ko lang kayang tao,nasaan na ba kasi si Miguel e kaasar.Kaya pinilit Kong gisingin si Tristan.

"Bess,gising uuwi na tayo?mamaya kana matulog wala ka sa bahay niyo?"-sabi ko habang sinasampal ko ang mukha ni tukmol para magising

" Eno kaba?ha!inaantok na ako..napapagod na ako..napapagod na ako sa paghihintay ko shayo..tapos malalaman ko haha may boyfriend kana ang shakit nun ah ,minahal naman kita e bakit moko ginanito?bakit."-Tristan

Habang sinasabi yan ni tukmol,humawak sya sa kamay ko,pinipilit pilit nyang ipinapalo sa parte ng dibdib nya kung nasan ang puso nya.

"Bess,tumayo kana"-naiiyak Kong pilit Kay Tristan,bahagya ko din syang inaangat.

" Letcheng puso kasi ito ayaw pang tumigil sa pagtibok para mawala kana sa isip ko Lyrics,gusto na kitang mawala sa puso ko!Kaya kitang alisin sa isip ko pero hindi umaayon ang puso ko,mahal na mahal pa rin kita".-Tristan

Habang sinasabi ni Tristan ang mga yan,patuloy din ang pagbuhos ng luha nya,kahit lasing sya ramdam na ramdam ko ang sakit na kinikimkim nya.

Ilang sandali lang may mga lalakeng tumulong sakin para itayo si tristan,bouncer yata ito ng bar nato.Nagpatulong ako sakanila ibaba ng stage si tukmol,magtatawag na lang ako ng taxi at ihahatid ko na lang sa bahay nila ang besspren ko,babalikan ko na lang mamaya si Miguel.

Nang malapit na kami sa exit ng bar na ito,bale akay akay ng dalawang bouncer na tumulong sakin si Tristan.

May isang babaeng umiiyak ang lumapit sa amin sanhi para mapahinto kami.

"Okay lang ba si Tristan?"

Tinignan ko ang nagsalitang babae,tama ako si Lyrics nga ito,may kasama syang babae at isang lalake,teka sya yung lalaki na nakasabay ko sa jeep kanina kaya pala parang pamilyar sya,si Ram Lopez pala,kaklase namin ni Tristan nung fourth year,at boyfriend ngayon ni Lyrics.

"Kanina mo pa ba nakikita si Tristan na parang tanga dun sa stage na nag kakakanta ?ni Hindi mo man lang nilapalitan para naman Hindi sya nagmukhang tanga sa mga tao?-tanong ko sa impaktang ex ni tukmol

" Hindi ko kayang lapitan sya."-lyrics

"O?talaga?bakit nandito ka sa daraanan namin?kala ko ba hindi mo sya kayang lapitan?-sagot ko

" Gusto ko lang malaman kung okay sya?"-lyrics

"Haha.Gusto mong malaman kung okay sya?pwes para malaman mo ilang taon na syang hindi okay,ilang taon na syang tanga sa kakaantay sa isang babaeng Hindi naman worth it para mahalin.Okay kana ba?ano pang gusto mong malaman?itatanong mo pa ba kung mahal ka ng kaibigan ko ?Well tama ka!Mahal na mahal ka pa nito!okay na Lyrics ?nasabi ko na lahat on behalf of my best friend na sinaktan at sinasaktan mo."- Ako

Wala nang naisagot ang babaeng iyon sa halip nauna pa silang umalis sa amin.Impakta talaga.

Mabilis naman ako nakahanap ng taxi,tinulungan na rin ako ng mga mababait na bouncer ng bar na ito na isakay si Tristan sa loob ng taxi.Mabilis naman ang naging byahe namin papunta sa bahay nila tukmol.Pagkarating namin doon,sinalubong na kami ng parents ni Bess,Hindi na nga ako nagtagal e kasi babalikan ko pa si Miguel sa bar na yun.Mabilis lang naman ang byahe e,kaloka talaga tong dalawang ito pinahirapan ako.Kailangan nilang bumawi sa akin.

Nang makarating ako sa bar,dali dali akong pumasok sa loob,hindi na ako pinansin ng gwardiya at dirediretso na akong nag hanap ng tikbalang na lasing,kaso nalibot ko na ang buong bar na ito pero wala talaga dito si Miguel.Nang masiguro Kong wala talaga sya dito lumabas na rin ako kaagad.

Nang makalabas ako,kinuha ko agad ang cellphone ko para itext si Miguel.Kinakabahan kasi ako baka kung anong nangyari na doon, lasing yun for sure.Binubuksan ko pa lang ang cellphone ko nang may narecieve akong text .Si Miguel.

[1message||Miguel]

Nang buksan ko ito,nagulat ako sa sinabi nya.

"Kung papipiliin ka pala kung sino sa amin ni Tristan ang ililigtas mo sakaling nasa peligro kaming dalawa,sya lang pala ang ililigtas mo." -Miguel

Mag rereply sana ako kung nasan sya kaso biglang nag battery empty ang cellphone ko Asarrrrr talaga!!

[End of hikari's POV ]