webnovel

Patawarin mo ako (8)

編集者: LiberReverieGroup

Kahit hindi siya humingi ng tulong kay Lu Jinnian, sigurado siyang tutulungan siya nito dahil may gusto ito kay Qiao Anhao.

Noong mg oras na 'yun, masyadong mabilis ang mga naging pangyayari kaya hindi niya na masyadong napagisipan ang mga bagay-bagay. Sino ba namang magaakala na magkakaroon ng anak ang mga ito!

Bukod pa sa mararamdaman ni Xu Jiamu, daughter-in-law pa rin ng Xu family si Qiao Anhao para sa mata ng publiko.

Kapag nabuntis ang daughter-in-law ng Xu family, ang iisipin ng lahat ay anak ito ni Xu Jiamu kaya sa oras na maipanganak ang bata, mapipilitan na silang tanggapin nalang ito.

Kung si Lu Jinnian nga noon ay hindi niya natanggap na maging parte ng Xu Family, paano niya naman magagawang hahayaan ngayon na makapasok ang anak nito sa pamilya nila?

Hindi pa alam ni Qiao Anhao ang tungkol sa pagbubuntis nito at batid ni Han Ruchu na bilang isang ina hindi ito papayag na ipalaglag ang bata. Naisip niya rin na kung pipilitin niya itong magpalaglag, gagawin lang nito ang lahat para proteksyunan ang bata at kapag nangyari 'yun, tiyak na magkakaroon sila ng alitan na alam niyang hindi makakabuti para sakanya.

Hanggat hindi pa nagigising si Xu Jiamu, kakailanganin niya pa si Lu Jinnian at Qiao Anhao.

Kaya matapos niyang magisip-isp nung hapon na 'yun, napagdesisyunan niya na ang pinaka mabisang paraan ay… huwag hayaang maisilang ang bata.

-

Matagal ding nakaupo habang tulala si Lu Jinnian kaya naisipan niya munang tumayo para makapaghilamos sa CR. Pagbalik niya, muli siyang naghintay ng halos kalahating oras bago niya makitang inilalabas si Qiao Anhao na dadalhin sa ward.

Namumutla ang mukha nito habang natutulog ng mahimbing, walang kaalam-alam sa nangyari.

Hindi naman major operation ang abortion pero maraming bagay ang kailangang tandaan: hindi ito pwedeng magkasipon at kailangan nito ng maraming pahinga, hindi rin muna pwede ang sex. Isa-isang sinabi ng doktor ang mga kailangan niyang tandaan at nakabisado naman niya ang lahat.

Matapos sabihin ang lahat paalala, biglang may pumasok sa isip ng doktor kaya nagtanong ito kay Lu Jinnian, "Nahihirapan bang matulog ang asawa mo?"

Nagbago ang itsura ni Lu Jinnian, dahil hindi naman sila madalas matulog ng magkasama, hindi siya sigurado kung nahihirapan nga ba ito matulog. Tinignan niya ang doktor at nagtanong, "Anong meron?"

"Noong chineck ko kasi ang dugo niya, napansin ko na maraming bakas ng sleeping pills na dumadalos sakanyang dugo, kaya naisip ko baka may problema siya sa pagtulog."

Hindi alam ni Lu Jinnian na kinakailangan pala ni Qiao Anhao ng sleeping pills para makatulog. Biglang bumigat ang pakiramdam niya, itinikom niya lang ang kamyang mga labi at hindi nakapagsalita.

"Kung lagi kasi siyang iinom ng sleeping pills, dedepende na ang katawan niya doon kaya kailangan mo siyang iadvice na itigil na ang paginom nito. Hindi ito mabuti sa kalusugan at malamang hindi niya rin alam na buntis siya, kaya ipinagpatuloy niya lang ang paginom nito. Wala naman masyadong magiging epekto sa kanya ang sleeping pills pero iba kasi pagdating sa bata, na naging dahilan ng kanyang miscarriage."

Napahinto ang doktor bago muling magpatuloy, "Ang sleeping pills ang main reason ng miscarriage."