webnovel

Patawarin mo ako (24)

編集者: LiberReverieGroup

Matapos sumagot ni Lu Jinnian, nakita ni Qiao Anhao na nanlilisik sa galit ang mga mata nito.

Alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo at alam niya rin na nagsisinungaling lang ito para mapanatag siya pero kung ayaw talaga nitong sabihin ang katotohanan, ayaw rin naman niyang mamilit, kahit gaano pa siya naiintriga.

Pero siguradong napakasakit at napakalala ng nangyari.

Kahit sino naman sigurong babae na tratuhin ng paiba-iba ng lalaking pinakamamahal niya ay malulungkot at hindi mapapalagay. Malinaw kay Qiao Anhao na hindi talaga siya mahal ni Lu Jinnian pero simula noong mas naging maayos ang relasyon nila, hindi niya na mapigilan ang kanyang sarili na lalo pang mahulog. Hanggang sa dumating ang araw ng kaarawan nito kung kailan siya nagising sa katotohanan kaya paulit ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na hindi na siya muling magpapaloko.

Pero ano nga ba talaga ang tunay na ibig sabihin kapag mahal mo ang isang tao?

Ito ba yung kahit alam mong hindi ka niya mahal, na pwede ka niyang masasaktan, pero hindi mo pa rin mapigilan ang sarili mong mag-alala sa tuwing nakikita mo siyang malungkot?

Siguro dahil yun sa kagustuhan mong makita siya na laging masaya kaya sa tuwing nalulungkot siya ay naapektuhan ka rin.

Alam ni Qiao Anhao na wala naman talaga siyang patutungahan kaya dapat noong araw palang ng kaarawan ni Lu Jinnian kung kailan siya trinato nito ng sobrang lala, tumigil na siyang mahalin ito pero hindi niya talaga magawa. Labintatlong taon niya itong minahal , minahal niya ang lahat ng kalakasan at kahinaan nito. Maaring iniisip ng iba ay napakatanga o manhid niya dahil nagawa niya ng umiwas ng ilang araw pero sa puntong ito, hindi niya nanaman mapigilan ang kanyang sarili na magalala.

Mahina niyang sinabi kay Lu Jinnian, "Wag ka ng malungkot, kahit ano pa man yan, siguradong lilipas din yan. Lagi mong tatandaan na dapat hindi mo sinasaktan ang sarili mo kahit gaano ka pa kagalit."

Minsan talaga ang taong pinakamamahal mo ay parang may kakaibang kapangyarihan na kahit ang pinaka simple nitong mga salita ay sapat na para tunawin ka.

Ang mga salita ni Qiao Anhao ay parang isang palayok ng pulot pukyutan na binabalot ang puso ni Lu Jinnian ng pinagsama-samang init, lambing, pasasamalat at higit sa lahat, pagmamahal.

Tinignan niya si Qiao Anhao at nakita niya ang braso nito na nakabalot ng bandage. Noong unti-unti niyang itinaas ang direksyon ng kanyang mga mata para tignan ang mukha nito, may bigla siyang naalala at may gusto sana siyang sabihin pero wala ni isang salita ang lumabas mula sakanyang bibig. Bandang huli, bigla niya nalang hinawakan ang kamay nito at hinila papalapit sakanya.

Niyakap niya ito ng mahigpit at hindi nagtagal, tuluyan na ngang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata, wala siyang ibang nararamdaman sa mga oras na ito kundi ang kanyang puso na sobrang kuntento at saya.

Mahina niyang sinabi, "I'm sorry nasaktan kita."

Sobrang natunaw ang puso ni Qiao Anhao. Kung kanina ay naiisip niya pa rin ang mga masasamang bagay na nagawa nito sakanya, pwes ngayon wala na siyang pakielam sa mga ito. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at itinaas niya na rin ang kanyang mga kamay para yakapin ang bewang ni Lu Jinnian at sinabi, "It's alright."

Dahan-dahang ikiniskis ni Lu Jinnian ang kanyang baba sa ulo ni Qiao Anhao at hindi nagtagal ay muli nanaman siyang nagsalita, "I'm sorry."

Ang buong akala ni Qiao Anhao ay humihingi pa rin ng tawad si Lu Jinnian dahil sa naging sugat niya sa braso kaya muli siyang sumagot, "It's all right". Natigilan ito ng sadlit bago muling magpatuloy, "It's alright, at isa pa maliit na sugat lang naman ito."

Hindi nagsalita si Lu Jinnian at mas lalo pang hinigpitan ang kanyang yakap.

Ang pangalawa niyang paghingi ng tawad kay Qiao Anhao ay hindi na para sa sugat na natamo nito kundi para sa nangyari sakanilang anak.

Humihingi siya ng tawad dahil naidamay niya ito na naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang anak.

Humihingi siya ng tawad dahil hindi siya naging mabuting ama at hindi niya rin nagawang protektahan ang bata.