webnovel

Paliwanag (7)

編集者: LiberReverieGroup

Hindi mapigilan ni Lu Jinnian na matawa habang pinagmamasdan niya ang

napipikong Qiao Anhao sa screen. Mapangasar niyang dagdag, "Mmh, tangang

tuta na mahal ko."

Tangang tuta na mahal ko… Noong sandaling marinig ni Qiao Anhao ang mga

salitang ito, parang may biglang kumiliti sa pinaka sensitibong parte ng

kanyang puso, na para bang nakalutang siya sa mga ulap, at sa sobrang kilig,

hindi niya alam kung paano niya titignan si Lu Jinnian.

Malinaw na tinawag siya nitong tuta, teka, tangang tuta pa nga eh… Pero para

sa kanya, sobrang ganda at nakakakilig ng mga salitang ito… Hindi kaya

nagiging masokista na siya?

Gusto sana niyang mag'galit-galitan, pero paano niya naman magagawa kung

siya mismo hindi niya mapigilan mapangiti sa sobrang kilig, "Lu Jinnian,

nagcoconfess ka ba sa akin?"

Muli nanamang natawa si Lu Jinnian at imbes na sagutin ang tanong ni Qiao

Anhao ng simpleng 'oo' o 'hindi' ay nagtanong din siya, "Ano sa tingin mo?"

Sa tingin ko oo.

Sagot ni Qiao Anhao sa loob loob niya habang inilalapag ang bote ng naubos

niyang gatas sa lamesa na nasa kanyang tabi. Bago niya ipagpatuloy ang

pakikipagkwentuhan kay Lu Jinnian, sinilip niya muna ang oras at doon niya

lang nakita na madaling araw na pala.

Alas onse na ng umaga sa America, at mayroong meeting si Lu Jinnian

pagsapit ng alas tres… Simula noong umalis ang asawa niya kahapon, wala pa

siyang naalala na nakapagpahinga na ito kakatrabaho…

Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian sa screen. "Hindi ka pa ba matutulog?"

"Hmm.. konti pa…"

Pagkatapos ng napakahabang byahe at magdamagang meeting, kagaya ng

normal na tao, pagod talaga si Lu Jinnian, pero para sakanya, mas karelax-

relax na makausap si Qiao Anhao kaysa matulog.

"Long distance call 'to, kaya mahal. Diba ako yung tumawag sayo? Mamaya

bigla nalang 'tong maputol pag naubusan na ako ng load." Reklamo ni Qiao

Anhao.

Pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao, sumandal si Lu Jinnian sa unan na nasa

likod niya at nagtype.

Rinig na rinig sa kabilang linya ang bawat pag'tap niya sa screen.

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Qiao Anhao. "May kausap ka?"

"Mmh." Halatang distracted si Lu Jinnian.

Noong sandali ring 'yun, biglang nagvibrate ang phone ni Qiao Anhao dahil sa

magkasunod na dalawang text message.

Parehong galing sa Telco company na sa unang message ay sinasabing may

pumasok sakanyang dalawang limang digit na load at sa pangalawa naman ay

para ipakita lang ang balance niya na umabot na ng higit anim na digits.

Hindi makapaniwala si Qiao Anhao.

"Dumating na ba?"

Kung hindi pa nagtanong si Lu Jinnian, hindi niya pa maiintindihan ang

nangyayari. "Niloadan mo ko?"

Tinaas lang ni Lu Jinnian ang isa nitong kilay kaya kahit hindi ito sumagot ng

diretso, alam ni Qiao Anhao na dito nga nanggaling ang load.

So ganito pala ang pakiramdam kapag masaya at panatag ka…

May mga bagay na gusto sanang sabihin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian pag uwi

nito, pero ngayong magka'video call sila, hindi niya na kayang maghintay pa ng

ilang araw.

"Er… Lu Jinnian, kung hindi ka talaga makatulog, gusto mo bang kwentuhan

kita?"

"Sige ba," walang pagdadalawang isip na sagot ni Lu Jinnian, "Makikinig ako

sayo."

Ngumiti si Qiao Anhao at nagpatuloy, "Teka lang, akyat lang ako."

"Mmh."

Tumakbo si Qiao Anhao paakyat sa kwarto nila at dumiretso sa kama. Kagaya

ni Lu Jinnian, naglagay din siya ng unan na susuporta sa likod niya at

sumandal habang may yakap-yakap na kumot.