"Ospital?" Muling napakunot ang noo ni Xu Jiamu habang lumiliko sa isang
kanto.
Pero kagaya ng mga naunang tanong, parang walang narinig si Song Xiangsi
at nakatitig lang ito sa bintana.
Maswerte at walang traffic sa dinaan nila, kaya wala pang twenty minutes ay
nakarating na sila sa City Hospital. Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan,
nagmamadaling bumaba si Song Xiangsi at nagpasalamat kay Xu Jiamu bago
ito tumakbo papasok sa loob ng ospital.
Hindi na nakapagsalita si Xu Jiamu, at pagkalipas ng halos dalawang minutong
pagdadalawang isip kung susundan niya ba ito, naramdaman niya na hindi
talaga siya matahimik kaya nagdesisyon siyang mabilisang ipark ang kanyang
sasakyan at sundan ito.
Dumiretso si Song Xiangsi sa operating room sa third floor. May isang nurse
na nakasuot ng kulay pink na scrub suit ang nakaupo sa labas nito. Pero nang
sandaling lumapit siya, biglang kumunot ang noo nito at nagaalalang
nagtanong, "Ms. Song, lasing ka ba?"
Hindi na tumanggi si Song Xiangsi at tumungo habang nakatitig sa
nakasaradong pintuan ng operating room. "Anong nangyari? Noong bumisita
ako kanina, okay naman siya diba? Bakit bigla siyang hinimatay?"
Umiling ang nurse at detalyadong kinuwento ang nangyari. "Maayos naman po
ang lagay ni Mr. Song noong naggabihan siya. Masaya pa nga siya eh at
nagrequest pang manuod ng pelikula mo. Pero pagkatapos naming manuod,
matutulog na sana siya, pero bigla siyang hinimatay."
"Ganun ba, sige maghihintay nalang ako dito. Makakaalis ka na."
"Sige, Ms. Song."
"Mmh." Pagkaalis ng nurse, napahawak si Song Xiangsi sa pader para alalayan
ang sarili niya at dahan-dahang umupo habang nakatulala sa "In operation" na
sign na nakadikit sa pintuan ng operating room.
-
Narinig ni Xu Jiamu ang lahat… at nang maproseso niya na ang nangyari, dun
lang siya lumapit.
Sa sobrang tahimik ng hall way, kahit gaano pa kagaan ang yabag ng mga paa
ng isang tao, rinig na rinig pa rin ito kaya noong sandaling yun, napalingon si
Song Xiangsi at nang makita niya si Xu Jiamu, napakagat nalang siya ng
kanyang labi, at muling tumingin sa pintuan ng operating room.
Hindi nagtagal, huminto si Xu Jiamu at dahan-dahang sumandal sa pader na
nasa harapan ni Song Xiangsi habang nakatitig sa napaka putla nitong mukha.
"Hindi pa rin magaling ang papa mo?"
"Mmh," Sagot ni Song Xiangsi bago muling mabalot ng katahimikan buong hall
way. Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, tumingin siya ng diretso sa mga
mata ni Xu Jiamu. "Pagkatapos niyang maoperahan, bumuti ang lagay niya,
pero simula noong magumpisa ang taon na 'to, bigla siyang tumamlay at
nalaman naming na mas lumala nap ala ang kundisyon niya."
Tumungo lang si Xu Jiamu bilang sagot. Dahan-dahan, yumuko siya, pero nang
makita niya ang paa nito, muling kumunot ang kanyang noo at walang
pagdadalawang isip siyang lumuhod para hawakan ang isa nitong binti.
Hindi inaasahan ni Song Xiangsi ang gagawin ni Xu Jiamu kaya nang
sandaling maramdaman niya ang init ng kamay nito, biglang bumilis ang tibok
ng kanyang puso, pero bago niya pa maproseso ang nangyari, natanggal na
nito ang sapatos niya at nagaalalang nagtanong, "Bakit namamaga ang paa
mo?"
Dahil dito, napayuko nalang siya.
"Nasprain ka kanina?" Base sa naalala ni Xu Jiamu, medyo mataas din ang
pinagbagsakan nito kanina.
Nanatiling tahimik si Song Xiangsi.
"Bakit hindi ka nagsabi na ganito nap ala kalala?" Naniinis na tanong ni Xu
Jiamu.
Ilang segundo pang nanatiling nakayuko si Song Xiangsi bago niya tignan si
Xu Jiamu at nakangiting sinabi, "Ano namang sasabihin ko?"