webnovel

Naalala Ko Noong Una Tayong Magkakilala (8)

編集者: LiberReverieGroup

Trinato siya ng kanyang tito at tita na parang isang tunay na anak kung ano meron ang kanyang pinsan, meron din siya, minsan ay higit pa at nagpapasalamat siya doon. Hindi niya magawa ng maging masaya.

Hindi man siya anak ay lumaki siya sa karangyaan. Maganda ang mga damit niya na kinaiinggitan ng mga batang ka-edad niya at magandang telepono na maaring makita sa mga magazine.

Hindi siya anak ng kanyang tito at tita dahilan upang hindi sila maging strikto sa kanya gaya sa kanilang anak. Kahit parehas silang gumawa ng gulo ay tanging si Anxia ang parurusahan at hindi siya. Nang mag-away naman sila si Anxia ang mapapagalitan.

Dahil sa kanilang ibang trato nalaman niya ang distansya niya sa kanila. Kailanman hindi siya magiging parte ng pamilya. Wala na ang tirahan niya dahil sa isang aksidente sa sasakyan. Simula nang araw na iyon hindi na siya nakipag-away kay Anxia, natuto siyang mabigay at gumawa ng mainit na tsaa para sa kanyang tito at tita na galing sa trabaho.

Ang akala niya habang buhay na ito. Hanggang sa makilala niya ang isang lalaki.

Malinaw ang langit ng araw na iyon ng mag-duty siya at ang kaklase niya sa classroom pero nang ma-lock nila ang classroom, hindi na maganda ang panahon.

Nang lumabas sila ng school ay agad siyang tumakbo sa bus stop dahil sa biglang pagkidlat. Hawak niya ang bag niya at saka sumilong.

Sumilong siya sa sira-sira ng bahay sakto din ng oras na iyon, may nakasabay siya. Liningon niya ito at tinignan.

Isa itong maputing lalaki na may headphones at may naka-sabit na bag sa kanyang balikat. Nakasandal ang mga kamay nito sa pader. Naka-lingon ito sa iba hindi niya kita ang itsura nito pero na pansin niya na parehas sila ng uniporme. Ang sa kanya lang pants at sa kanya ay skirt.

Matangkad si Qiao Anhao kahit ka-edad niya na lalaki ay matangkad siya. Ngayon lang siya naka kita ng mas matangkad sa kanya.

Silang dalawa lang ang sumilong sa bahay. Tahimik silang dalawa dahil hindi nila kilala ang isa't-isa. Tumigil ang ulan. Kinuha ng lalaki ang kanyang bag at lumingon doon nakita ni Qiao Ahao ang buong mukha nito.

Napakaganda ng mukha nito. Pakiramdam niya nakaharap niya ang lalaking sa kanyang panaginip. Malinis itong tignan hindi tulad ng iba.