webnovel

Minahal kita ng Labintatlong Taon (40)

編集者: LiberReverieGroup

"Pagkatapos nating magkita muli…

Lihim akong gumawa ng di-mabilang na mga pagtatapat at mga senyales na hindi ako naglakas-loob na ipaalam sa kanya.

Gusto mo rin ng mga araw ng tag-ulan?

Papel, gunting, bato

Masaya lang ako sa iyo.

Hindi ko talaga gusto na mahalin siya ... Ngunit ... hindi ko magawa ito, hindi ko makumbinsi ang aking sarili na palayain. "

Sa wakas, hindi na napigilan ni Qiao Anhao ang kanyang pag-iyak at umiyak sa bawat imahe na pinagsama sa kanyang isipan.

Ang kanyang assistant ay nagpunta sa kanyang silid upang sabihin sa kanya na hindi pa siya kumakain ng hapunan, at iminungkahi na dumaan siya at magdala sa kanya ng makakain. Ang gabing iyon ay ang kauna-unahang pagkakataon na may magandang kapaligiran sa pagitan nila. Tumayo siya sa harap ng simula-sahig-hanggang-kisameng bintana at sinabi sa isang masayang tinig na umuulan. Tinanong niya siya, gusto mo rin ba ang mga araw na tag-ulan?

Sa salu-salo ni Chen Yang, ayaw niyang maparusahan, at sa kaalaman niya ang depekto nito sa laro, tinalo niya ito sa isang laro pagkatapos ng isa sa bato, papel, gunting. Hindi niya naisip na ang Papel, Gunting, Bato, 5,2,0, ang pinakamagandang pag-amin sa mundo na may mga palatandaan ng kamay.

Kapag siya ay nagbigay ng mga eksena sa kanya, ang paraan kung paano niya tingnan ang kanyang mga mata kapag sinabi niya, 'Masaya ako kapag kasama kita' ... Naisip niya na sinasabi niya 'Masaya itong taon na ito dahl kasama kita'. Hindi na siya umaasa na ang mga salitang iyon ay para marinig niya.

Sa kanyang villa sa bundok Yi, sila ay natulog na magkasama isang gabi. Gusto nilang matulog magkasama, habang siya ay inilagay sa kama at siya'y natulog sa sopa, sa mahirap na kalusugan. Nang gabing iyon, siya ay sobrang nalugkot nang tanungin siya nito kung nais niyang patuloy na mahalin ang babaeng may asawa, kung saan siya ay sumagot, 'Hindi ko talaga gustong mahalin siya ... Ngunit ... hindi ko mapigilan ito, Hindi ko makumbinsi ang aking sarili na palayain. '

Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mga luha, kaya ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

"Mayroon siyang magandang pangalan"

Qiao Anhao

Lahat ay tinatawag siyang Xiao Qiao"

Sa pinakadulo, may isa pang linya. "Qiao Qiao, mahal kita. Minahal kita sa loob ng labintatlong taon."

Tila ba'y nawala ang buong lakas sa katawan ni Qiao Anhao, bumagsak sa sahig. Sa isang "waaaa", nagsimula siyang tumangis tulad ng isang bata.

Sa kanyang nakaraang panaginip, siya ay nag-iisip kung ano ang gagawin niya kung mahalin siya ni Lu Jinnian isang araw. Sa kanyang mga panaginip, siya ay sigurado na magiging maligaya siya.

Ngunit ngayon na ang kanyang panaginip ay naging totoo, napagtanto niya na ang tanging paraan na maaari niyang gawin upang palabasin ang mga kumplikadong emosyon sa kanyang puso ay iiyak itong lahat.

Mahal niya rin ito. Hindi niya alam na sa pagitan nilang dalawa, may napakaraming hindi pagkakaunawaan

Nagustuhan niya ang tag-ulan, dahil sa kanya.

Nagpursigi siya nang husto upang umakyat sa isang klase, dahil sa kanya

Siya'y nag-aral ng mabuti upang makuha sa isang prestihiyosong unibersidad, dahil din sa kanya.

Siya ay sumali sa lupon ng aliwan, dahil din sa kanya.

Sumang-ayon siya na pakasalan si Xu Jiamu, dahil din sa kanya ...

Maraming nasayang na pagkakataon sa pagitan nila. Mukhang hindi sila itinadhana para sa isa't-isa, ngunit ang pagmamahal nila ang pinakamalakas na senyales sa buong mundo.

Talagang pinagsikapan nilang mahalin ang isa't isa, ngunit wala silang lakas ng loob na sabihin sa isa't isa na "Mahal kita".

Humigpit lalo ang paghawak ni Qiao Anhao sa papel, habang siya'y umiyak ng umiyak, ang buong katawan niya'y nanginig.

Ang tanging bagay lamang na maririnig sa buong silid ay ang walang katapusang eko ng kanyang iyak.

Hindi alam ni Qiao Anhao kung gaano katagal siyang umiyak, ngunit umiyak siya ng umiyak hanggang sa bigla nalang siyang tumahan. 

Pagkatapos, tulad ng isang tanga, ang kanyang mukha ng pag-iyak ay nagsimulang ngumiti. Biglang siyang bumangon mula sa sahig at dali-daling pumasok sa kuwarto. Pagkatapos magpalit ng kanyang damit, kumapa-kapa siya nang kaunti at nagmadali.

Kailangan niyang hanapin siya.

Kailangan niyang hanapin siya ngayon.

Nais niyang sabihin sa kanya "Lu Jinnian, sa hindi sinasadyang pagkakataon… Minahal din kita ng labintatlong taon".