webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (15)

編集者: LiberReverieGroup

Pagkatapos niyang magsalita, napatingin siya sa nakabukas na pintuan at nakita niya ang namumutlang mukha ni Qiao Anhao na nakatayo lang sa labas. Agad niyang itinikom ang kanyang bibig at hindi niya maialis ang kanyang tingin dito. 

"Lu Jinnian, ipagdasal mo nalang na walang masamang mangyari sa nanay ko. Dahil kapag may nangyari sakanya, siguradong lagot ka sa akin!"

Medyo kinabahan si Qiao Anhao nang makatapat niya na si Xu Jiamu. Malinaw na si Lu Jinnian ang nanakit dito pero pakiramdam niya ay siya may gawa ng lahat. Nagalala siyang nagsalita, "Brother Jiamu."

Binagalan ni Xu Jiamu ang kanyang lakad nang marinig niya ang boses ni Qiao Anhao, pero hindi siya huminto at nilagpasan niya lang ito.

Dali daling hinabol ni Qiao Anhao si Jiamu at hinatak ang manggas ng damit nito. "Brother Jiamu, wag ka namang magalit…"

Masyadong mabilis maglakad si Xu Jiamu. Hindi siya nagsasalita at halatang galit na galit pa rin ang kanyang itsura. May gusto sana siyang sabihin kay Qiao Anhao pero sa mga oras na ito, wala siya sa mood para magsalita. Bandang huli, para tumigil ang kanyang kaibigan, tumungo nalang siya at inalis ang kamay nito na nakahawak sakanyang manggas. Dumiretso siya sa elevator at nang hindi manlang lumilingon, tuluyan na siyang bumaba. 

Pinanuod lang si Lu Jinnian sa mga nangyayari sa harapan niya hanggang sa hindi niya na kinaya ang mga nakikita niya kaya bigla siyang yumuko. Inayos niya ang parte ng kanyang damit na nagusot ni Xu Jiamu at nang marinig niyang nakaalis na ang elevator, doon niya palang muling iniangat ang kanyangy ulo. Tumingin siya kay Qiao Anhao, na nakatayo sa hindi kalayuan, at sinabi, "Halika."

Ilang sandali ring nakatayo si Qiao Anhao sa tapat ng elevator bago siya maglakad papasok sa opisina ni Lu Jinnian. 

Isinara ni Lu Jinnian ang pintuan at itinuro ang sofa para paupuin ito bago siya magtanong, "May gusto ka bang inumin?"

Umiling si Qiao Anhao habang umuupo sa sofa. 

Naglakad si Lu Jinnian papunta sakanyang lamesa para tumawag gamit ang teleponong nasa kanyang lamesa. Pabulong siyang nagsalita, "Isang tasang kape at isang milk tea."

Pagkababa niya ng telepono, tumingin siya kay Qiao Anhao, na hindi nagsasalita. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa sofa para umupo sa tabi nito.

Iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at tumingin ng diretso sa mga mata ni Lu Jinnian. Hindi nagtagal, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na magtanong, "Napurnada ang investment ni Aunt Xu na nagkakahalagang ilang bilyon….ikaw ba ang may gawa 'nun?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian at nabalot ng katahimikan ang buong opisina.

Makalipas ang halos tatlong minuto, nabasag ang katahimikan nang may kumatok sa pintuan. Umubo si Lu Jinnian para linisin ang kanyang lalamunan at sinabi, "Pasok."

Nagbukas ang pintuan at pumasok ang secretary na may dalawang tray. Naglakad ito papunta sa sofa para ilapag ang kape at milk tea sa lamesa at agad din itong lumabas ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay. 

Itinulak ni Lu Jinnian ang tasa ng milk tea papalapit kay Qiao Anhao, at sa wakas sinagot niya na ang tanong nito. "Ako nga ang may gawa."

Noong marinig ni Qiao Anhao ang walang pagdadalawang isip na sagot ni Lu Jinnian, biglang nanginig ang kanyang mga daliri at habang nakatitig sa mga mata nito, muli siyang nagsalita "Ang tanging rason kung bakit bumagsak ang stocksng Xu Enterprise ay dahil sa ginawa mo?"

Walang balak na tumanggi si Lu Jinnian kaya sa pagkakataong ito, sumagot siya ng di hamak na mas mabilis kumpara kanina. "Tama ka."

"Tapos noong bumagsak na ang stocks ng Xu Enterprise, bumili ka ng malaking parte para maagaw ang kumpanya sa Xu family? Inisa isa ni Qiao Anhao ang mga tanong na gusto niyang masagot. Sinugardo niyang malinaw ang mga salitang binibintawan niya. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagtatanong ay ang pagkalma ng kanyang puso. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Lu Jinnian.