webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (17)

編集者: LiberReverieGroup

Tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata at nagpaliwanag, "Kagaya ng sinabi ko, nagdivorce na kami ni Xu Jiamu kanina."

Hindi makagalaw si Lu Jinnian sa kinauupuan niya dahil hindi siya makapaniwala.

Malinaw naman sakanya kung ang ibig sabihin ni Qiao Anhao na single na ito ulit, pero hindi siya sigurado kung tama ba ang iniisip niya kaya tinanong niya ito. Isa pa, hindi niya naman naisip na magiging open ito sakanya.

Nakatulala lang si Lu Jinnian dahil gulat na gulat siya sa narinig niya. Pagkalipas ng halos isang minutong pananahimik, muli siyang nagsalita na may bahid ng pagaalala, "Qiao Qiao, wag ka ng malungkot…"

Ilang araw ng iniisip ni Lu Jinnian kung anong sasabihin niya kay Qiao Anhao kapag nalaman na nito ang tungkol sa pambababae ng kanyang kapatid kaya isang gabi, nagsearch siya sa internet ng mga pwede niyang sabihin. Marami siyang linya na kinabisado pero ngayong nasa harap niya na ito, muli nanaman siyang nablangko at wala siyang ibang hinihiling kundi ang sana siya nalang ang masaktan.

"Hindi ako malungkot…" Hindi naman talaga malungkot si Qiao Anhao at sa totoo lang, masaya nga siya na natapos na ang lahat ng namamagitan sakanila ni Xu Jiamu dahil ang tanging rason kung bakit siya pumayag na pumasok sa sitwasyong iyon ay walang iba kundi si Lu Jinnian. At ang bagay na iyon ay hindi niya kayang aminin.

Pero para linawin ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ni Xu Jiamu, muli siyang nagsalita para magpaliwanag, "Ako talaga ang may gusto na magdivorce kami. Para matulungan ako, ginamit niya si Lin Qianqian…"

Si Qiao Anhao ang may gusto na makipagdivorce…Hindi makapagsalita si Lu Jinnian at sinusubukan niyang iproseso ang mga narinig niya. Nang maintindihan niya na ang mga sinabi ni Qiao Anhao, bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagkasabik.

Kung siya ang may gustong makipagdivcorce, ibig sabihin ayaw niya na kay Xu Jiamu?

"Nagdeisyon kami ni Brother Jiamu na tapusin na ito at maging mabuti nalang na magkaibigan…Ang gusto ko lang naman sabihin ay hindi talaga ako malungkot…" Pagkatapos ipaliwanag ni Qiao Anhao ang punto niya, biglang naging seryoso ang istura niya at sinabi, "Pero Lu Jinnian, kahit hindi ako malungkot, gusto ko pa ring magpasalamat sayo sa pagaalala mo sa akin."

Gusto sanang itanong ni Lu Jinnian kung bakit gustong makipagdivorce ni Qiao Anhao kung mula pagkabata ay nagmamahalan na ang dalawa, pero natatakot siya na baka malungkot lang ito kapag naalala nito ang mga nangyari sa nakaraan. 

Inisip niya nalang na hindi talaga lahat ng nagiging magasawa ay nagkakatuluyan. Siguro sa tagal ng pagsasama ng dalawa, naramdaman ng mga ito na hindi pala sila ang para sa isa't-isa.

Bakit nga ba kailangan niya pang magtanong?

Ang pinaka importante naman dito ay divorce na sila. Ngayon, pwede niya ng mahalin si Qiao Anhao at hindi ba yun naman ang pinaka masaya sa lahat?

Maging siya ay hindi rin maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya. Bigla siyang nabuhayan at masayang sinabi, "Walang anuman."