webnovel

Kasal (10)

編集者: LiberReverieGroup

Hindi pa naproproseso ng utak ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao na

"Magpakasal na tayo" nang marinig niyang muli itong nagsalita. Nanginginig ang

kanyang mga labi at halatang halata sakanyang itsura na bumibigay na siya rito.

"Lu Jinnian, hindi naman natin hahayaang maipanganak ang bata ng walang

tatay, tama?"

"Qiao Qiao…" Bigla siyang nagsalita sa kalagitnaan ng tuloy tuloy na

pagsasalita nito.

Sa wakas, huminto na rin si Qiao Anhao at hindi mapakaling tumingin sakanya,

"Bakit?"

"Ano yung kakasabi mo lang?"

"Bata…"

Hindi, yung bago niyan."

"Mga natitirang araw ng buhay ko…"

"Yung nauna pa."

"Kung wala ng magkagusto sa akin…"

"Hindi, yung mas nauna pa jan"

Kumunot ang noo ni Qiao Anhao habang iniisip kung ano ang tinutukoy ni Lu

Jinnian. "Magpakasal na tayo?" at muli siyang nagsalita, "Ito ba?"

Biglang itinaas ni Lu Jinnian ang kanyang kamay para ayusin ang buhok ni Qiao

Anhao na nasa may bandang tenga at mahinahon siyang sumagot, "Oo."

Biglang nanigas ang buong katawan ni Qiao Anhao.

Hindi nagtagal, dahan dahang hinimas ni Lu Jinnian ang tenga ni Qiao Anhao at

muling nagsalita, "Yan ang rason na gusto kong marinig, magpakasal na tayo."

Sa tagal niyang nagdalawang isip, sa wakas at buo na ang desisyon ni Lu

Jinnian. Hinawakan niya ang mga kamay ni Qiao Anhao at sinabi, "Umuwi na

tayo at magpakasal na tayo ngayon."

Hinila niya ito papunta sa hintayan ng taxi at pumara ng isa para makabalik

muna sila sa hotel. Wala siyang balak na magsayang ng oras kaya pagkarating

na pagkarating niya sakanyang kwarto ay nagempake na siya kaagad at

tumawag ng pwedeng tumulong sakanya sa pagaasikaso ng ticket pabalik ng

Beijing. Nang masigurado niyang maayos na ang lahat, nagmamadali siyang

bumaba at nagcheck out bago sila bumalik sa airport.

Nag'book siya ng parehong flight kay Qiao Anhao. Pagkabalik nila sa aiport,

kalahating oras nalang ang natitira bago lumipad ang eroplano kaya

nagmamadali silang dumaan sa lahat ng mga gate at dumiresto sa loob ng

eroplano.

Pagkaupo nila sa loob ng eroplano, nagsara na rin kaagad ang mga pintuan at

nagumpisa ng mag'play ang mga safety instruction.

Sa tagal niyang umiyak at nagwala, sobrang napagod talaga si Qiao Anhao kaya

pagkalipad ng eroplano ay nakatulog na siya kaagad ng mahimbing.

Habang tumatagal, palamig ng palamig sa loob ng eroplano kaya humingi si Lu

Jinnian ng panaklob para kay Qiao Anhao. Habang kinukumutan niya ito, muli

niyang nakita ang luhaan nitong mukha.

Ilang segundo rin siyang nakatitig dito bago siya maglabas ng wet tissue na

maingat niyang pinampunas sa mukha nito. Nang masiguro niyang nabura niya

na ang lahat ng bakas ng mga luha sa mukha ni Qiao Anhao, muli niya itong

tinitigan ng ilan pang sandali bago siya humarap sa bintana.

Magpakasal na tayo.

Aminado si Lu Jinnian na hindi talaga siya makapaniwala noong sinabi ni Qiao

Anhao ang tatlong salitang ito.

Ang permanenteng maidugtong ang kanyang pangalan sa pangalan nito.

Wala na sigurong ibang rason na hihigit sa pagyaya sakanya ni Qiao Anhao ng

kasal para makakapagkumbinsi siya.

Ang mailagay ang kanyang pangalan sa identification book ni Qiao Anhao…

Mula ngayon, magkakaroon na siya ng pamilya at hinding hindi na siya magiging

mag'isa. Ang babaeng minahal niya sa loob ng mahabang panahon ay magiging

asawa niya na sa wakas… Tunay ngang napakagandang rason… Dahil sa rason

na sinabi nito, paano nga ba siya makakatanggi.

Inaamin niya na kahit sinubukan niyang kalimutan si Qiao Anhao ay naantig

talaga siya sa ginawa nito…. Muntik na siyang mabaliw sa sobrang sakit ng mga

ginawa nito sakanya dati pero noong sandaling yayain siya nitong magpakasal,

parang biglang nawala ang lahat at hindi niya kayang tumanggi.