webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (9)

編集者: LiberReverieGroup

"Oo, ako ito," Malinaw na narinig ni Lu Jinnian ang mahinang boses ni Qiao Anhao. Makalipas ang ilang sandali, muling nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao Qiao, kamusta na ang pakiramdam mo ngayon?"

Matapos magtanong ni Lu Jinnian, nakaramdam si Qiao Anhao na may mahapdi sa kanyang kaliwang binti kaya napakagat siya ng kanyang labi bago sumagot ng mahinahon, "Ayos lang ako."

Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan ang tuyong tangkay ng puno na nasa itaas niya. "Nasaan tayo?"

"Hindi ko alam," matapat na sagot ni Lu Jinnian.

"Oh…"

Wala na ni isa sakanila ang gustong magsalita. Tutok na tutok si Lu Jinnian at maingat na naglalakad habang nakapasan sa likod niya si Qiao Anhao.

Samantalang si Qiao Anhao naman ay hindi pa rin makalimutan ang nangyari sakanya kaya tulala lang siya habang nakasandal sa likod ni Lu Jinnian. Inisip niya ng maigi ang mga bagay bagay at nang sandaling mapagdugtong niya ang mga ito, napagtanto niya na kasama niya ngayon si Lu Jinnian dahil tumalon din ito sa rumaragasang sapa para sundan siya.

Noong sandaling iyon, bigla sumikip ang kanyang dibdib at hindi niya maintindihan kung bakit.

Hindi naman masyadong mataas ang tatlong metrong bangin, pero masyadong malakas ang agos ng tubig, hindi ba ito natakot na baka mamatay ito? Aat bakit ito tatalon? Kung hindi ba ito tumalon, posible kayang patay na siya ngayon?

Walang katapusan ang pagdagsa ng mga katanungan sa isip ni Qiao Anhao kaya hindi niya na narinig ang sinabi ni Lu Jinnian sakanya tungkol sa kweba na nasa harapan nila.

Habang pasan ni Lu Jinnian, pumasok sila sa kweba. Mukhag may nakapunta na rin dito noon dahil mayroon itong lumang banig at uling sa loob.

Natatakot ni Lu Jinnian na sipunin si Qiao Anhao kaya sinenyasan niya ito na lumapit sa apoy. Pagkatayo ni Qiao Anhao, halos matumba siya sa sobrang sakit ng kanyang kaliwang binti. Dali-daling lumapit si Lu Jinnian para saluhin siya. "May masakit ba sayo?"

"Ayos lang." Umiling si Qiao Anhao at paika-ikang naglakad papalapit sa apoy. Pero hindi siya kayang makita ni Lu Jinnian na nahihirapan kaya matapos ang dalawang hakbang, bigla siyang binuhat nito at ibinaba malapit sa apoy.

Hinawi ni Lu Jinnian ang pulang costume ni Qiao Anhao at nakita niya na punong puno na ng dugo ang puting pantalon na suot nito bilang pangilalim. Nagbago ang kanyang itsura at dahan-dahang itinaas ang tela para makita ang nangyari. Mayroon itong malaking sugat sakanyang kaliwang binti at hanggang ngayon ay umaagos pa rin ang dugo mula rito.

Buti nalang, hindi masyadong malalim ang sugat. Nagbuntong hininga siya at dali-daling hinubad ang damit niya na medyo tuyo na. Itinapat niya ito sa apoy para mas lalo pa itong tumuyo bago niya ito punitin para magamit niya bilang pambalot sa binti ni Qiao Anhao.

Kahit anong ingat niya, ramdam pa rin ni Qiao Anhao ang sakit. Sa sobrang hapdi, nagpigil ito ng hininga kaya kinabahan siya. Medyo nanginginig siya habang sinubukan niyang mas pagaanin pa ang kanyang kamay.

Napakagat nalang si Qiao Anhao ng kanyang labi sa sobrang sakit. Sa tulong ng liwanag na nanggaling sa apoy, pinagmasdan niya ang mukha ni Lu Jinnian. Sinubukan niyang pigilan ang kanyang nararamdaman kaya yumuko siya at dahan-dahang ikinuyom ang kanyang mga kamay.