webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (5)

編集者: LiberReverieGroup

Habang magkatitigan, si Cheng Yang ang unang magsasalita. Halo-halo ang kanyang emosyon habang nakatingin kay Qiao Anhao. "Makinig ka muna sa paliwanag ko…"

"Anong paliwanag? Na hindi ka pa ikakasal?" Bago pa matapos si Cheng Yang sa sinasabi niyo, nang biglang magsalita si Qiao Anhao. Magkahalong galit at pagmamahal ang makikita sakanyang mga mata habang nakatitig kay Cheng Yang hanggang sa tuluyan na siyang makapagdesisyon.

Base sa script, medyo iaangat niya ang kanyag baba at bigla niyang hihilain ang kanyang mahabang espada na itatapat niya sa dibdib ni Cheng Yang. "Ilabas mo ang espada mo, sinabi mo noon hindi mo ako pagtataksilan kaya mamatay ka a ngayon. Isa lang sa atin ang pwedeng mabuhay."

Kasabay ng kanyang pagsasalita, iginagalaw ni Qiao Anhao ang espadang hawak niya papalapit kay Cheng Yang na mabilis namang nakailag at sinabi, "Mali ang iniisip mo…"

Hindi nagpatinag si Qiao Anhao at nagpatuloy lang siya sa paggalaw ng kanyang espada na para bang wala siyang narinig. Upang pigilan siya, inilabas din ni Cheng Yang ang espada nito para ipangharang sa hawak niya.

Walang balak si Cheng Yang na gantihan ang naging pag'atake ni Qiao Anhao at ang gusto niya lang mangyari ay protektahan ang kanyang sarili mula sa espada nito.

Sa kabilang banda, parang dinudurog ang puso ni Qiao Anhao habang iniisip niya na ikakasal na ang taong mahal niya sa ibang babae. Mangiyak ngiyak ang kanyang mga mata at nang hindi niya na talaga mapigilan ang galit na nararamdaman niay, bigla nalang niyang sinugod si Cheng Yang.

Tuluyan na silang naglaba sa bangin at may kableng nakatali sa mga katawan nila para sa mga lumilipad nilang stunts.

Napakagandang tignan ng pulang bistida ni Qiao Anhao na lumilipad papalapit sa mahabang kulay itim na damit ni Cheng Yang, tunay talagag bagay na bagay ito sa kapaligiran.

Matapos ang ilang sandaling pag'aaway, natalo si Cheng Yang at ang galit na galit na si Qiao Anhao ay walang awang itinutok ang kanyang espada sa dibdib ni Cheng Yang. Alam ni Cheng Yang na katapusan niya na kaya ipinikit niya nalang ang kanyang mga mata habang naghihintay ng kamatayang igagawad sakanya ni Qiao Anhao.

Inilapit ni Qiao Anhao ang kanyang espada pero bigla siyang natigilan nang sandaling maramdaman niyang tumama na ito ng bahagya sa balat ni Cheng Yang. Nanginginig ang kanyang mga kamay at kahit gaano pa katindi ang galit na nararamdama niya, hindi niya talaga kayang patayin ito kaya bigla niya nalang inihagis sa sahig ang espadang hawak niya at tumalikod. Bago siya lumipad papalayo gamit ang kableng nakatali sa katawan niya, may isang patak ng luha ang tumulo sakanyang mukha.

"Cut!" Masayang sumigaw ang direktor. Habang pumapalakpak, hindi nito mapiglang purihin ang dalawa sa mga ipinakita nito. "Magaling! Magaling! It was a good take!"

Nakahinga na ng mas maluwag ang lahat dahil sa wakas ay tapos na rin nila ang huling eksena para sa araw na ito. Kasabay ng mga nagliligpit na crew, walang sinayang na oras si Qiao Anhao at tinanggal niya na rin kaagad ang kableng nakatali sakanya hubang humihingi ng tawad kay Cheng Yang na nasa tabi niya. "Mukhang masyado akong naging bayolente,nasaktan ba kita?"

"Ayos lang ako." Nakangiting sabi ni Cheng Yang bago siya yumuko para hayaan ang kanyang assistant na tanggalin ang pangibabaw niyang costume. 

Pawis na pawis si Qiao Anhao dahil medyo mahirap ang mga stunts na ginawa nila para sa huling eksena. Nang makumpirma niya na hindi niya naman nasaktan si Cheng Yang, masaya niya itong nginitian at agad na pinunasan ang pawisan niyang mukha.

Kinuha niya ang bote ng tubig na dinala para sakanya ni Zhao Meng pero hindi pa man din siya nakakainom ng marami, bigla niya nalang naramdaman na parang umuga ang lupa. Hindi niya maitindihan kung anong nangyari, ngunit sinundan pa ito ng tunog ng mga naglalaglagang bato hanggang sa tuluyan na ngang nabitak ang kinatatayuan niya; nahulog siya sa bangin na may taas na tatlong metro.

Masyadong mabilis ang nangyari at si Zhao Meng na kasama niya lang ang nakakita ng kanyang pagkakalaglag kaya bigla itong napatili, "Qiao Qiao!"

Sa sobrang takot, dali-dali itong sumigaw para humingi ng tulong. "Nalaglag si Qiao Qiao, nalaglag si Qiao Qiao!"

Kasalukuyang nakatayo si Lu Jinnian sa tabi ng kamera habang kausap ang direktor. Siya ang unang nakarinig ng paghingi ng tulong ni Zhao Meng kaya agad siyang napatingin sa bangin at napansin niya na wala na roon ang nakakulay pulang babaeng na binabantayan niya kanina. Bago niya pa tuluyang maiproseso ang nangyari, bigla nalang siyang tumakbo papunta sa bangin at walang pagdadalawang isip na tumalon.