webnovel

Ang mga text message sa phone (13)

編集者: LiberReverieGroup

"Kung nakapaginvest ang boyfriend ni Lin Shiyi ng malaki, ibig sabihin bigatin

talaga siya…"

"Bigatin man o hindi ang boyfriend niya, kailangan mo bang alalahanin yun?"

Habang naghihimay si Lu Jinnian ng isda, bigla itong nagsalita kaya hindi na

nasabi ni Qiao Anhao ang punto niya: "Paano kung dahil sa akin, magkaroon ka

pa ng kaaway sa industriya? Ano nalang mangyayari?"

Hindi na alam ni Qiao Anhao kung paano niya itutuloy ang gusto niyang sabihin.

Napalunok nalang siya at napatitig kay Lu Jinnian. Pero pagkatapos ng limang

segundo, naintidihan kung bakit parang bigla itong napikon kaya dahan-dahan

siyang kumurap at lumapit sa mukha nito. "Lu Jinnian, nagseselos ka ba?"

Sobrang seryoso ni Lu Jinnian habang naghihimay ng isda pero noong narinig

niya ang tanong ni Qiao Anhao, bigla siyang natigilan at tinitigan ito pabalik.

"Sa tingin mo ba pagseselosan ko ang isang lalaking nagkakagusto kay Miss

Lin?"

Ayah… Malinaw na minamaliit siya ni Lu Jinnian, pero bakit sobrang natutuwa

pa rin siya?

Nag mala-cresent moon ang mga mata ni Qiao Anhao nang mgumuso siya dahil

sa sobrang anghang ng sili na nakain niya.

"Halata kayang nagseselos ka…Dahil sinabi kong bigatin ang boyfriend niya

kaya ka nagsese…"

Bago pa makumpleto ni Qiao Anhao ang salitang 'selos', biglang kumuha si Lu

Jinnian ng nahimay niyang isda at isinubo sa bibig nito para tumigil ito sa

pagsasalita.

Pagkalunok ni Qiao Anhao ng isda, napansin niya na namumula ang maputing

mukha ni Lu Jinnian kaya tuluyan na siyang natawa. Pero nang mapansin niya

na lalong nanlisik ang mga mata nito, dali-dali niyang kinagat ang kanyang labi

para magpigil ng tawa.

Sa sobrang saya ni Qiao Anhao, nag'hugis cresent moon ang mga mata nito.

Dahil dito, lalo lang kinilig si Lu Jinnian kaya dali-dali siyang dumungaw sa

bintana para itago ang papula lang ng papula niyang mukha.

Halata naman sa pananalita at sa mga kilos ni Lu Jinnian na hindi talaga nito

dinibdib ang mga nangyari kanina, pero hindi sapat ang mga ito para

mapanatag si Qiao Anhao. Hanggang ngayon, natatakot pa rin siya na baka

bumaba na ang tingin sakanya ng kanyang asawa kaya pagkatapos niyang

kainin ang pinaka huling hipon, muli siyang nagtanong na parang isang bata,

"Lu Jinnian, sobrang maldita ko ba kanina?"

May isa pang hipon na binabalatan si Lu Jinnian, kaya minadali niya itong

tapusin at muling isinubo sa bibig ni Qiao Anhao. Bago siya sumagot, kumuha

muna siya ng napkin para makapagpunas ng kamay. Sakto lang ang lakas ng

kanyang boses pero ramdam na ramdam ang lambing. "Wala akong pakielam

kahit mas naging maldita ka pa."

Wala akong pakielam kahit na naging maldita ka.

Sa kabaliktaran, gustong gusto ko kapag nagmamaldita ka.

Dahil para sa akin, pinaparating mo lang na ako yung tao sa mundong ito na

hindi mo kayang mawala.

Mahal kita at ikaw ang gusto kong makasama sa mga natitirang araw ng buhay

ko…Ito na siguro ang pinaka nakakaantig na mga salitang pwedeng marinig ng

isang tao mula sa pinakamamahal nito.

Wala namang ibang sinabi si Lu Jinnian bukod sa "Wala akong pakiealam kahit

mas maging maldita ka pa."

Pero para kay Qiao Anhao, ito ang pinaka magandang mga salita narinig niya

sa buong mundo. Maging siya ay hindi niya rin maipaliwanag ang kilig na

naramdaman niya noong narinig niya ang mga ito.

Hangga't maari, ayaw niya sanang nagpaapekto sa mga sinabi ni Lin Shiyi,

pero hindi niya naman itinatanggi na medyo nalungkot siya noong sinabi nito

na, "Pagkatapos niyong magpakasal, hindi manlang niya binilhan ng wedding

ring?"

Habang nasa byahe sila kanina, paulit-ulit niyang sinasabi sakanyang sarili na

gusto lang siyang inisin ni Lin Shiyi, kaya kung magagalit siya, para na rin

nilaglag ang sarili niya sa patibong nito.

Isa pa, hindi ba wedding ring lang naman 'yun?