webnovel

Ang Lu Qiao Couple (4)

編集者: LiberReverieGroup

Habang abala ang dalawa, sinamantala na ni Qiao Anhao ang pagkakataon

na hatakin si Zhao Meng sa isang gilid para kausapin ng pabulong, "Zhao

Meng! Ano ba? Baliw ka na ba? Uubusin mo na ang laman ng store oh!"

"Hoy Qiao Qiao? Ano ka ba! Nakita niyo na nga ang isa't-isang nakahubo't

hubad, ngayon ka pa mahihiya? Naiiritang tanong ni Zhao Meng. "Isa pa,

hindi mo naman pera yan ha, bakit ba sobrang namomroblema ka?!"

"Anong hindi ko pera?" Kasal na sila ni Lu Jinnian, kaya ibig sabihin, ang

pera ng isa ay pera nila pareho.

"Oh sige, sabihin nating pera mo rin yan, pero Qiao Qiao sa dami niyan,

hindi naman yan kaagad mauubos kahit gaano pa karami ang bilhin mo."

Gustong pagdiinian ni Zhao Meng kay Qiao Anhao ang punto niya pero

habang nasa kalagitnaan ng pagdedebate, biglang sumulpot si Lu Jinnian

galing sa likod.

"Anong pinaguusapan niyo?"

Kahit na "niyo" ang salitang ginamit ni Lu Jinnian, malinaw na para lang ito

kay Qiao Anhao pero bago pa siya makapagsalita ay muli nanamang sumabat

si Zhao Meng, "Hay nako Mr. Lu! Yang asawa mo, nakokonsensya raw dahil

masyado siyang magastos."

Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Zhao Meng, hindi na nakapagtimpi si

Qiao Anhao at bigla niya itong kinurot ng madiin sa may bandang bewang.

'Yang asawa mo'… tatlong simpleng salita pero tunay na napaka sarap sa

tenga… Pakiramdam ni Lu Jinnian ay parang may umihip na malamig na

hangin sa kanyang mukha na biglang nagpagising sa pagod na pagod niyang

diwa. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok ni Qiao Anhao at imbes na

ibulsa ang kanyang wallet ay iniabot niya rito. "Wag ka ng magalala. Pwede

mong gastusin lahat ng laman niyan."

Hindi naman dahil sa masyado siyang galante o waldas sa pera…

Pero kasi nakatatak sa isip niya na kung noon na mahirap lang siya ay

nagawa niyang gastusin ang natitira niyang two hundred RMB para kay Qiao

Anhao ng walang pagaalinlangan, ano pang dahilan niya ngayong may

kakayahan na siya para tipirin ito?

Kahit ilang taon pa ang lumipas…kahit gaano pa siya kayaman ngayon…kahit

ano pa ang mga pinagdaanan nila o kung paano sila binago ng panahon….

Isa lang ang sigurado niya at yun ay ang mahal na mahal niya si Qiao Anhao.

Pero kahit na sabihin nating hindi siya sinuwerte sa buhay at mahirap pa rin

siya hanggang ngayon, hindi pa rin siya magaalinlangan na ubusin ang lahat

ng laman ng wallet niya para kay Qiao Anhao.

Kahit na wala siyang kaalam alam na si Zhao Meng talaga ang nasa likod ng

lahat ng ito, wala siyang pakielam dahil ngayon na kuntento na siya sa buhay

niya, wala ng lugar sa puso niya ang galit at ang gusto niya lang ay

mapasaya si Qiao Anhao….at handa siyang sumuporta kahit pa bilhin nito

ang lahat.

At sa sobrang pagmamahal niya rito, handa siyang isuko ang kanyang wallet.

May naalala si Qiao Anhao na isang kasabihan na nabasa niya noong bata pa

siya. Ang sabi dun, hindi raw mahalaga kung gaano karami ang pera ng isang

lalaki dahil ang tunay na mahalaga ay ang pagkukusa nito na magbigay ng

walang pagaalinlangan.

Kahit noon pa, maraming nagsasabi na maganda raw ang kasabihang ito pero

dahil masyado pa siyang muwang noon, binalewala niya lang ito. Ngayon na

may edad na rin siya, natutunan niya na kung ano ba talaga ang tunay na

importante sa buhay…at alam niya rin kung gaano kahirap magbanat ng buto

para lang kumita ng pera… kaya hindi siya naniniwala na kayang mabuhay ng

isang tao na wala ni isang kusing dahil halos lahat ng bagay sa mundo ay

nabibili ng pera. Ngayong mulat na siya sa realidad, naiintindihamn niya na

oo, hindi talaga mapapantayan ng oras o pera ang pagmamahal, pero pwede

itong gamitin bilang pang'express ng tunay na nararamdaman.

Habang nakahawak ng mahigpit sa wallet ni Lu Jinnian, tinignan niya ito ng

diretso sa mga mata.

Mukhang ilang araw na talaga itong walang pahinga dahil sa mga oras na 'to,

hindi na maitatago ng gwapo nitong mukha ang pagod sa pagitan ng

magaganda nitong mga kilay at ang bagsak na bagsak nitong mga mata, na

para bang nagmamakaawa ng matulog.

Nakasuot ito ng puting shirt na may ilang butones pang nakaligtaang maisara

at base sa pagkakagusot ng damit nito, halatang hinatak nalang nito ng basta

ang necktie nito at itinapon kung saan…Kapansin-pansin din na medyo

madumi na ang gilid ng mga kwelyo nito, na para bang ang tagal na noong

huling beses itong nagpalit.

Ibig sabihin, sa sobrang pagmamadali ni Lu Jinnian na makauwi sakanya ay

hindi na 'to nakaligo?

Halata namang pagod na pagod na si Lu Jinnian, pero dahil nalaman nitong

gusto niyang magshopping, pinilit talaga nitong gumising para samahan siya.