Nakakadalawang hakbang palang si Song Xiangsi nang bigla siyang matigilan.
Hindi siya pwedeng magkamali dahil kabisado niya ang bawat anggulo ni Xu
Jiamu pero kung bakit ito biglang nagpakita sakanya? Yun ang hindi niya alam.
Para sakanya, si Xu Jiamu ay parte nalang ng nakaraan niya at hanggat maari
ay ayaw niya na sanang magkaroon ng anumang koneksyon dito kaya medyo
matagal din siyang nagdalawang isip bago siya dahan-dahang lumingon at
titigan ito ng diretso sa mga mata, na para bang hindi apektado.
Matagal na noong huli silang nagkita at parang napakalaki na ng pinagbago
nito. Kilala niya si Xu Jiamu bilang malinis sa katawan pero ngayon, halata sa
gusot ng damit nito na ilang araw na itong hindi naliligo, napakagulo rin ng
buhok nito at halata sa mga mata nito ang matinding pagod.
Pero, ano pa bang pakielam niya? Wala naman silang kahit anong relasyon ni
Xu Jiamu at matagal na siyang nagdesisyon na hindi niya na ito
pagaaksayahan ng oras.
Kung siya lang ang tatanungin, gusto niya rin naman talaga sanang kausapin
si Xu Jiamu pero hindi niya pwedeng kalimutan na masyado na siyang nasaktan
nito dati kaya pinilit niya ang sarili niya na maging matigas. Muli siyang
tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad, na para bang hindi niya kilala taong
nasa harapan niya pero hindi pa man din siya nakakalay, may narinig siyang
isang napaka pamilyar na boses. "Xiangsi."
Dahil dito, medyo bumagal siya sa paglalakad pero hindi siya huminto at
nagpatuloy na para bang wala siyang narinig.
Hindi si Xu Jiamu ang tipo ng tao na padalos-dalos sa pagdedesisyon pero sa
mga nangyayari sakanya ngayon, sobrang nanghihina na siya at hindi niya na
alam kung anong gagawin niya. Ang mga taong pinagkukunan niya ng lakas ay
hindi niya pwedeng lapitan ngayon….hindi siya makauwi dahil hindi niya pa
kayang harapin ang sarili niyang nanay at hindi niya rin kayang magpakita o
kahit manlang tignan ang nagiisa niyang kapatid at ang taong itinuring
bestfriend sa sobrang kahihiyan. Pakiramdam niya ay magisa nalang siya
ngayon at ang gusto niya lang ay ang magkaroon siya ng makakasama kahit
sandali…
Bigla niyang hinabol si Song Xiangsi at hinila ang kamay nito para humarap
sakanya.
Sinubukang magpumiglas ni Song Xiangsi pero lalo lang hinigpitan ni Xu Jiamu
ang pagkakahawak sa kamay niya kaya mapangasar siyang tumawa at tinignan
ito ng diretso sa mga mata, "Young master Xu, hindi ko maalala na may
ugnayan tayo sa isa't-isa para bigla mo nalang akong hilain sa gitna ng
kalsada…"
Pero hindi pa man din siya tapos sa sinasabi niya, bigla siyang hinila ni Xu
Jiamu para yakapin ng mahigpit. "Xiangsi, pwede bang samahan mo muna ako
kahit sandali lang, sige na… kahit sandali lang…"
Ngayon lang narinig ni Song Xiangsi na nagmamakaawa si Xu Jiamu at base sa
personalidad nito, alam niyang hindi ito umaarte at talagang may mabigat itong
pinagdadanan kaya bigla siyang napatigil sa pagsasalita.
Hindi na muling nagsalita si Xu Jiamu at naramdaman niya na lalo pang
humigpit ang yakap nito.
Hindi nagtagal, naramdaman niya na may pumatak na luha sa isa niyang tenga
na dumiretso pa sa damit niya. Paano niya nga ba titiisin ang lalaking
pinakamamahal niya ngayong alam niyang kailangan siya nito? Hindi na siya
nanlaban at ikinuyom nalang ang kanyang mga kamay, na para bang gusto
niyang pigilan ang sarili niya pero bandang huli, natalo siya ng puso niya at
niyakap niya na rin ito.
Naramdaman niya na lalo pang dumikit si Xu Jiamu sa leeg niya at isang luha
nanaman ang naramdaman niyang tumulo sa leeg niya.
-
Balik tayo sa Mian Xiu Garden… Kagaya ng nakasanayan, pinagbuksan ni Qiao
Anhao ng shower si kay Lu Jinnian at habang naliligo ito ay sinamantala niya
ang pagkakataon na linisin ang mga kinalat niya sa loob ng kwarto at
pagkatapos ay nilagay niya ang bouquet sa isang vase at para hindi ito malanta
kaagad, pinatakan niya rin ito ng kaunting fertilizer.
Pagkalabas ni Lu Jinnian ng CR, nakita niya si Qiao Anhao na abalang abala sa
pagpipicture ng bouquet na nilipat nito sa isang vase.
Nang marinig ni Qiao Anhao na nagbukas ang pintuan ng CR, dali-dali siyang
huminto sa ginagawa niya pera batiin si Lu Jinnian, pero noong lilingon na sana
siya, naramdaman niya na may yumakap sa bewang niya galing sa likod.
Naramdamdam niya ang braso ni Lu Jinnian at hindi nagtagal ay dahan-dahan
itong lumapit para halikan ang mga labi niya.
Kasabay ng halik ni Lu Jinnian, naramdaman din Qiao Anhao na gumagapang
ang mga kamay nito sa loob ng mga damit niya.
Alam ni Qiao Anhao kung anong ibig sabihin ng mga kilos ni Lu Jinnian kaya
bahagya siyang lumayo sa mga labi nito at hinihingal na nagtanong, "Wala ka
pang pahinga, hindi ka pa ba pagod?"